EPISODE 23

2333 Words
Kinakabahan ako ng bigla kaming pinilit na pumasok sa itim na van. Nakita ko ang reaksyon ng mukha ni Dimple na takot na takot. "Kuya! Parang awa nyo na po wag niyo kaming patayin o rapin! Hindi na po kami masarap!" sambit ko sa kanila habang natatakot. Bigla silang nag tawanan lahat sa sinabi ko. "Hindi namin kayo rerapin o papatayin!" natatawang sambit nung lalaki sa tabi ko. "Eh bakit po nyo kami sinakay dito sa van?" nagtatakang tanong ko. "Malalaman nyo nalang bigla," Hinawakan ko ang kamay ni Dimple ng mahigpit habang yakap-yakap ito. "Piling ko nag jo-joke lang itong mga to, Pag bumukas yung pinto ng van mamaya tatakbo tayo huh?" bulong ko kay Dimple. Tumango naman siya sa sinabi ko. Habang nasa biyahe kami ay nag uusap-usap ang mga lalaki ng ibang linguahe kaya hindi namin ito naiintindihan na dalawa. Nanginginig ako sa kaba nun! Baka ibenta nila kami at maging s*x slaves! "Kuya! Saan niyo ba kami dadalhin!" sambit ko habang umiiyak. "Ssshhh... Wag kang maingay! Isa pang ingay mo nako!" galit na sambit niya sa akin. "Kuya! Sorry na! Wag niyo kaming ibebenta pls!" pangmamakaawa ko. Tumawa ng malakas si kuya. Habang tumatawa si kuya ay biglang tumigil ang andar ng sasakyan. "Dim, huminto yung sasakyan. Kapag bumukas ang pinto ng van tatakbo tayo aah," bulong ko kay Dimple. Dahan-dahang binuksan ni kuya yung pinto ng van at ito na yung hudyat na tatakbo kami ni Dimple palabas. Pagbukas ng pinto ng malaki ay agad kaming tumakbo ni Dimple palabas! Walang tingin-tingin sa daan takbo lang ng takbo ng bigla akong nasubsob sa isang lalaki at nalaglag kami sa sahig sa labas ng isang malaking building. Itinayo niya ako agad sa pag kakadapa sa kanya. Nakatingin lang ako sa itim na van na nabukas ang pinto ngunit hindi man lang lumabas ang mga lalaki doon. "Kuya! Thank you!" sambit ko sa kanya sabay tingin sa kanya. Nanlaki ang mata ko na ang nakabanggaan ko ay si Lucio. "Lucio!" sambit ko sa kanya sabay yakap ng mahigpit. Napanganga si Dimple sa ginawa ko kay Lucio. Takot na takot ako ng mga panahon na yun kaya hindi ko na masyadong pinansin ang ginawa ko. Nakatitig sa akin ng matalim si Lucio kaya bigla ko siyang binitawan. "Pasensya na Lucio, Pwede mo ba kami ilayo dito? Natatakot kasi kami dun sa itim na van," pang mamakaawa ko sa kanya. Tumingin siya sa itim na van at tsaka hinawakan ang kamay ko papalayo sa van na iyon. Naglakad kami nila Lucio at Dimple sa kahabaan ng isang malaking building at tsaka pumasok kami doon. Sumakay kami ng elevator at bumaba kami sa isang palapag. "Anong gusto mong kainin?" tanong nito sa akin habang nakangiti. Medyo napailing ako sa tono ng boses niya, sa postura ng katawan niya at sa pananamit niya. "Kahit ano nalang!" nakangiti kong sambit sa kanya. "Ok!" Tumingin siya kay Dimple at tinanong din ito kung anong kakainin niya. "Kayo ng bahala kung anong kakainin namin," sambit nito. Tumayo na si Lucio sa kinauupuan niya at pumunta na sa bilihan ng pagkain. Yung loob ng building parang food choice ng mga malls I mean yung pinuntahan namin. Bumalik na ito sa amin dala-dala ang napaka raming pagkain. "Sana magustuhan niyo," nakangiting sambit niya sa amin. "Thank you!" sambit namin ni Dimple sa kanya. Kinain namin yung pagkain na binigay niya sa amin medyo naguguluhan lang talaga ako sa get up niya ngayon pero mas pumogi siya kapag simple lang ang porma niya. Habang kumakain kami ay biglang tumunog ang cellphone niya. "May tumatawag ata sayo?" sambit ko sa kanya. Chineck niya ang cellphone niya at biglang sumama ang mukha niya. Bigla siyang sumimangot ng nakita kung sino ang tumatawag sa kanya. "Wait lang huh. Kausapin ko lang itong tumatawag," nakangiting sambit niya sa amin sabay alis sa pwesto. Umalis si Lucio at iniwan kami ni Dimple na kumakain. "May napapansin ka bang kakaiba kay Lucio ngayon?" tanong ko kay Dimple. "Hmmm... Oo hindi ko magets yung nangyayari ngayon," sambit niya sa akin. "Kahit ako din! Paano ibang-iba si Lucio ngayon parang may something sa kanya." Habang nag uusap kami ni Dimple ay biglang dumating muli si Lucio at inaya kaming umalis. "Hayy... Tara alis na tayo," nakangiting sambit nito sa amin. Agad kaming sumunod sa kanya at iniwan ang mga pagkain na kakaunti palang ang bawas namin. Nakakapang hinayang yung pagkain na yun. Naglalakad kami sa isang tahimik na floor at pinasok kami sa isang kwarto. Pagkapasok namin doon ay nakita ko si Lucio na naka dekwatro na masamang nakatitig sa akin. "Seat down!" sigaw niya sa akin. Umupo kami agad sa upuan habang tinititigan siya. Lumingon ako sa likod ko at nandoon naman si Lucio pero bakit nasa harapan din namin siya? "May clone ka pala Lucio?" nakangiting tanong ni Dimple sa kanya. "Anong clone? Kambal ko yan!" galit na sambit ni Lucio kay Dimple. "Sabi ko na nga kambal mo yan. Kaya pala kanina ko pa napapansin na iba ang kilos niya at trato niya sa amin. Kasi siya mabait kung makipag usap pero ikaw...," putol na sambit ni Dimple. Bigla kong tinakpan ang bibig ni Dimple para hindi na niya masabi yung gusto niyang sabihin kay Lucio. "Angelo, Can you please lead Dimple the way out? Mag uusap kami ni Gianna ng masinsinan," sambit ni Lucio kay Angelo. "Ooh? Ok!" sambit ni Angelo. Hinila ni Angelo si Dimple palabas ng opisina ni Lucio para makapag usap kami ni Lucio ng maayos. "Let's get to the point Gianna," seryosong sambit ni Lucio sa akin habang kinukuha ang isang bagay sa pocket niya. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. "I want you to wear this," habang suot-suot sa akin ang engagement ring at wedding ring. , "From now on your mine! You can run from me Gianna but you can't hide! I Swear to you i will find you whenever you go kaya kung nag babalak kang tumakas sa akin mag isip-isip kana," seryosong sambit ni Lucio sa akin. "This wedding is fake! Alam mo yan Lucio! We're both drunk that night kaya this wedding is void!" seryoso kong sambit sa kanya. "Nope! nope! I've already received our marriage contract na nagpapatunay na kasal tayong dalawa. I know na ko-confuse ka at the same time hindi ka pa ready sa mga nangyayari pero wala na eeh. Nangyari na ang dapat na hindi mangyari," "Edi kung ganun mag annul nalang tayo tutal mayaman ka naman diba? Kaya mong maiwalang bisa ang kasal nating dalawa," "Alam kong sasabihin mo ngayon yan sa akin and I've already think about it. What if? What if hindi ako pumayag? May magagawa ka ba?" tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo. "What do you mean hindi ka papayag? There's no us! Hindi mo ako kilala at hindi kita kilala," sambit ko sa kanya. "Then we try to figure it out. Kaya nga gusto ko sumama ka sakin para malaman natin kung bagay ba talaga tayong dalawa? kapag hindi nag work i'll let you go! Basta walang sisihan kapag ako na ang nag offer ng annulment?" nakangising sambit niya sa akin. "Lucifer!" galit na sambit ko. , "I'm not a toy para paglaruan mo! I demand an annulment right now or else!" "Or else?" sambit niya sa akin habang nakapameywang. "Or else ipapakulong kita!" sigaw ko sa kanya. This guy is insane! He just laugh at me na parang nang aasar lang. I feel deprived dahil sa tawa yun I know wala akong kapasidad na mag pakulong ng mayaman kasi mahirap lang ako. "Raped! Yan ang ikakaso ko sayo!" galit na sambit ko sa kanya. "Oww! Baka pag kinasuhan mo ako niyan ikaw ang mabaliktad Gianna," nakangiting sambit niya sa akin. "We both know na may nangyari sa atin nung gabing yun kaya wag mo kong sabihan na mabaliktad-baliktad," "Hayyy... I wish na sana nagalaw kita that night but Gianna before it happen nag pass out kana! And nakakadiri mang ikwento pero nag suka nung nasa kalagitnaan tayo ng romansa! Now tell me did I really rape you? Rape ba yun eeh masaya ka nga nung gabi na ginagapang kita?" nakangiting sambit niya sa akin. "Wag mo ng ituloy yung sinasabi mo! Ewww!" "Hindi mo ba naaalala yung mga halik ko sayo na napapakapit ka sa akin ng madiin? I know you love it! If na bo-bother ka na ginalaw kita willing ako na samahan ka sa Ob-gyne at kapag hindi kita nagalaw! AANAKAN kita agad!" natatawa niyang sambit. I'm out of words! I know may pag kakamali ako pero hindi ko talaga kayang makisama sa taong hindi ko pa masyadong kilala lalo na dito sa Lucio na to! Ang gaspang ng ugali niya parang kay Aeron! para lang akong kumuha ng malaking bato na ipopokpok ko sa sarili ko kapag pumayag ako sa kanya. "Hmmm... Ok i want a deal!" sambit ko sa kanya. "Ano yun? Anything you want!" "Let's just pretend. Titira ako sa bahay mo pero wala tayong pakelamanan. Ok? Gawin mo lahat ng gusto mo bahala ka sa buhay at ako bahala din ako sa buhay ko? Ok?" Napakunot ang noo niya sa sinabi ko at seryosong tumugon sa akin. "Do you really want that set up? I mean sure ka?" tanong niya sa akin. "Yes!" "Then ok!" Umalis na ako sa harap niya at lumabas na ako ng opisina niya. Iniwan ko siyang nakatingin sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko agad si Dimple. "Mamsh! Asan ka?" tanong ko sa kanya. "Nandito ako sa cafeteria nila kumakain," "Which floor?" "Ayy wow! Umi-english ka girl? 40 floor to! dalian mo aah!" "Sige papunta na ako." Habang papalakad ako papunta sa elevator ay may nakita akong hirap na hirap magbuhat ng pagkadami-daming papeles. Nilapitan ko agad siya at inoperan ng tulong. "Tulungan na kita sa pagbubuhat saan ka ba?" tanong ko sa kanya. "Hindi ka empleyado dito? Mag aapply ka ba?" tanong nito sa akin. "Huh? Ako?" tanong ko sa kanya pabalik. "Gusto mo ba mag apply sa secretarial position dito? In need kami asap!" sambit niya sa akin. "Nako wala akong...," putol kong sambit. "Ito calling card ko. May interview ako ulit bukas. Subukan mo lang baka matanggap ka." Inabot ko yung calling card na binigay niya sa akin at tsaka ay umalis na ako. Nag madali na akong pumasok ng elevator baka biglang lumabas ng opisina si Lucio. Pagdating ko cafeteria ay nakita ko doon si Dimple kasama yung kambal ni Lucio. Nakangiti silang pareho sa akin. "Mamsh! kamusta ang chika niyo?" tanong sa akin ni Dimple. "Baka naman nag kwento-kwento kana sa kapatid niya Mamsh aah," bulong ko sa kanya. "Easy ka lang! Love life namin ang pinag uusapan naming dalawa," natatawa niyang sambit sa akin. "Good! Ahmmm Angelo? Tama ba? Ok lang po ba mauna na po kami? may work pa po kasi kami ni Dimple kaya aalis na po kami," "Sure! Bye Dimple," sambit nito sabay ngiti kay Dimple. "Bye baby!" sambit ni Dimple sabay ngiti kay Angelo. "Ang landi girl! Tara na!" habang hila-hila papasok ng elevator si Dimple. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko kanina habang kinakausap ko si Lucio. Naging maganda naman ang pakikitungo niya sa akin pero tinoyo ako at inaway ko siya ng walang dahilan at sobrang tanga ko pa dahil nakipag sundo ako sa kanya. "Ang tanga mo Gianna!" inis kong sambit habang pinupokpok ng libro ang ulo ko. "Ooh? Nabaliw ka na naman diyan Gianna?" "Piling ko pag sisisihan ko talaga ng sobra yung mga sinabi ko sa kanya! Nakakainis!" "Anong kalutangan na naman ang ginawa mo? So ano palang nangyari sa inyo sa kwarto? Nag kiss kayo ulit? Yieeeh!" kinikilig na sambit ni Dimple sa akin. "Inaway ko siya at nakipagsundo ako sa kanya!" "Huh? Paanong kasunduan?" "Titira ako sa bahay niya sa isang kundisyon. Wala kaming pakelamanan sa buhay namin. Ganun!" "Hala pagkatanga mo talaga! Wag kang lalapit sa akin pag nambabae yan aah! Ikaw naman ang nag allow sa kanya na ganun eeh!" "Ayun nga eeh. Parang pinagsisisihan ko mga sinabi ko sa kanya ngayon! Ang tanga-tanga mo talaga Gianna!" inis kong sambit. "Wag mong dalhin sa trabaho yang ugali mo na yan Gia. Mamaya masesante ka dyan," "Sorry. Baka mag resign na ako sa susunod kasi may nag offer sa akin ng secretarial position dito sa lugar na ito. Bukas din ang interview gusto mo ba mag try ka din?" "Nope! Hindi ko porte ang ganyan," "Ok sige bahala ka." Pagkalabas na pagkalabas namin sa building ay agad akong pumara ng sasakyan. Hindi na kami umuwi ng bahay namin at doon nalang kami kumuha ng damit namin sa trabaho. "Dim, Titira na ako sa bahay ni Lucio. Ok ka lang ba talaga mag isa?" nag aalalang tanong ko sa kanya. "Oo naman. Easy! Kaso Gia? Paano pag nalaman ng magulang mo yung nangyayari sayo ngayon? Yare ka!" natatawang sambit nito sa akin. "Ayun din ang iniisip ko kaya gusto ko mag pa annual kami ni Lucio pero ayaw niya!" "Lalo ng gumugulo ang buhay mo Gianna! Basta pag kailangan mo ng kausap nandito lang ako aah," Habang nag uusap kami ni Dimple ay pumasok si Manager Kit para kausapin kami. Tumayo agad kami ni Dimple sa upuan para batiin si Ms. Kit. "Hello po Ms. Kit!" Bati namin ni Dimple sa kanya. "Kamusta girls? Ano Gianna pumunta ba si Sir. Lucio sa inyo kahapon?" tanong nito sa akin. "Opo Ms. Kit," "Anong meron sa inyong dalawa ng guest mo?" "I made a mistake Ms. Kit pero sana po sa atin nalang ito," "Ano yun Gianna?" nag aalalang tanong niya sa akin. Ipinakita ko ang kaliwang kamay ko sa kanya at nakita niya ang palingsingsingan ko na may singsing. "Totoo ba to?" gulat na tanong niya sa akin. "Yes po Ms. Kit," "Wow! Congrats! Kamusta naman yung kasal niyong dalawa?" "Naaalala mo yung nag paalam ako sa inyo kasama siya nung isang araw? Kinasal kaming dalawa nung gabi Ms. Kit dahil sa alak na tali kaming dalawa," "OMG! So ngayon? Inoperan ka niya ng annulment?" tanong niya sa akin. "Hindi po. Ako po ang nag iinsist ng annulment Ms. Kit," malungkot kong sambit sa kanya. "Awww! So anong nangyari tinanggap ba niya?" "Ayaw niyang tanggapin Ms. Kit," "Good! Buti nalang hindi siya pumayag na mag annul kayo," Napangiwi ako ng ngiti kay Ms. Kit para naman gustong gusto nila si Lucio para sa akin. "Anyway, Secret lang muna natin to Gianna kasi baka pag lumabas ang balitang ito puputaktihin ka ng media," sambit ni Ms. Kit sa akin. , "Ok girls! Start na ang work nyo chop! chop! Enjoy the night and Gianna low alcohol muna please! thank you!" Umalis na kami ni Dimple sa loob ng dressing room at pumunta na kami sa kanya-kanya naming room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD