EPISODE 22

2302 Words
Parang bigla akong naistatwa sa nakita ko sa labas ng pinto. Nakasuot ito ng black suit at halata sa kanyang katawan na lagi siyang nag pupunta sa gym dahil kahit na nakatago ang katawan niya ay parang nakikita ko ang katawan niya sa loob dahil nakita ko ito kaninang umaga. Nakatingin siya sa akin ng malagkit at hindi ko namalayan na titig na titig pala ako sa katawan niya. Nagulat akong bigla ng tinakpan niya ng kamay ang bandang ibaba niya kaya bigla akong napatingin sa kanya sa mukha. Nakataray ang mukha niya sa akin na para bang nakikipag usap ito. "Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ni Dimple sa kanya. "I want to talk to you, Gianna," sambit nito. Hindi ko alam bakit parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko sa mga oras na ito. Kinakabahan ako na parang nanlalambot ang mga buto ko dahil sa kanya. "Bakit?" tanong ko sa kanya. Agad kong naalala yung mga singsing kaya kinuha ko ito tsaka ko binigay sa kanya. "Pasensya na! Naiuwi ko yung mga singsing mo. Ibabalik ko na ito baka kasi makasuhan pa ako ng pagnananakaw," sambit ko sa kanya. "I want you to live with me," seryosong sambit niya sa akin. Bigla akong napalunok sa sinabi niya sa akin. Parang ayaw ko ng magising pa kung panaginip man ito. "Go girl! Sumama kana sa asawa mo!" sambit ni Dimple habang nakangiti sa akin. "Sorry! pero hindi ako pwedeng sumama sayo." pananaboy ko sa kanya. Agad kong sinara ang pinto at nilock ito para hindi siya makapasok. "I'll come back and pick you up!" sambit niya sa akin sabay alis. Yung kaba sa dibdib ko nag triple! Malapit na akong atakin sa puso! Parang anytime maidadala na ako sa ospital dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung anong nangyayari ngayon pero natutuwa ako na kinakabahan. Nakatitig lang ako sa pintuan ng ilang minuto hanggang sa tinapik ako ni Dimple. "Sunod na!" kinikilig niyang sambit sa akin. "Ano ka ba? Mas pipiliin kita over sa kanya noh!" "Asawa mo yun! Siya ang may karapatan sayo," "Alam ko na ang mangyayari dito Dim. Kakausapin niya ako para sa annulment na mangyayari dahil sa kasal na nangyari," malungkot na sambit ko sa kanya. "Ooh? Bakit malungkot ka pa diyan? Kung inaya ka niya ng annulment edi wag kang pumayag! Ano lang naman yung tumanggi ka diba?" "Kaso kasi hindi din tama yung kasal namin! Dapat sagrado ang kasal! Ang kasal ay para lang sa dalawang nag mamahalan hindi sa dalawang lasing!" "Urghhh! Siya na ang sagot sa pangarap mo Gianna!" sambit sa akin ni Dimple. , "Humingi ka ng pera kapalit ng annulment niyong dalawa!" "Hoy! Alam kong malaki ang pangangailangan ko ng pera pero hindi naman sa gantong paraan Dim. Si Aeron nga tinanggihan ko tapos ito pang tao na to? gagamitin ko sa pag angat ng istado sa buhay ko?" "Hayyy! Ang gwapo niya talaga lalo na kapag hindi siya nagsusungit!" nakangiting sambit ni Dimple. "Aaahhh... Kanina kupal lang tawag mo sa kanya aah? ngayon biglang naging ganyan ang pagtingin mo?" "Wala lang! People change!" natatawang sambit niya sa akin. "Hala! Sige na kain na tayo!" "Hindi na ako nagugutom! Nabusog na ako kanina." kinikilig na sambit ni Dimple sa akin. Kumuha na ako ng plato ko at kumuha na ako ng makakain ko. Kumain akong mag isa dahil ayaw ng kumain ni Dimple habang kumakain ako ay hindi maalis-alis sa isip ko ang tingin ni Lucio sa akin. "Gianna! Behave!" inis na sambit ko sa sarili ko. It looks like I'm drowning to him. Hindi ko alam pero kahit na anong gawin ko hindi siya mawala-wala sa isip ko! Para akong nagayuma! Tinapos ko na ang gawaing bahay ko at natulog na ako. Hindi na ako nag aral pa dahil i feel exhausted! Hindi ako makapag isip ng maayos dahil kay Lucio! Masarap na ang tulog ni Dimple sa tabi ko ngunit heto ako laging galaw ng galaw sa pwesto ko. Hindi ako mapakali sa pwesto ko parang may something na bumabagabag sa akin. Kahit anong pikit ko at sundot ng mata ko para makatulog ako ay hindi ko magawa dahil sa itong impaktong Lucio na to ang laging nasa isip ko. "Gianna! Matulog kana!" inis na sambit sa akin ni Dimple. "Ito na nga matutulog na nga ako kaso kasi...," "Kasi ano? Iniisip mo si Lucio? Sabi ko nga sayo sumama kana sa kanya para naman maging panatag na yan isip mo!" "Hindi kita pwedeng iwan dito!" sambit ko sa kanya. "Huy! Sanay na akong mag isa girl kaya ko na ang sarili ko. Sige na tulog na at may pasok pa tayo bukas!" Niyakap ako ni Dimple at doon ay nakatulog na ako. ["Gianna!" sambit ng isang lalaki sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya ng matagal hanggang sa nakilala ko ito. "Bakit? Bakit ako?" tanong ko sa kanya. "Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat ng ito sa atin. Sumama ka sa akin Gianna at ibibigay ko sayo ang magandang buhay na pinapangarap mo." Inabot ko ang kamay ko sa kanya at agad naman niya itong kinuha. "Lucio," sambit ko sa pangalan niya. "Gianna." ] Habang nasa kalagitnaan ako ng panaginip ko ay bigla akong nakaramdam ng dagan sa hita ko kaya bigla akong nagising. "Hay nako naman Dim yung hita mo," sambit ko habang inaayos ng higa si Dimple. , "Anong oras na ba?" sambit ko habang tumitingin sa relo. "Alas tres palang!" inis kong sambit. Agad akong bumalik sa pagtulog ko at alas syete na ako ng magising. "Gia!" sigaw sa akin ni Dimple sa tenga ko. Napabalikwas ako sa kama ko. "Ang aga-aga mong mang inis Dim!" inis na sambit ko sa kanya. "Male-late na tayo! Bumangon kana at kumain kana ng agahan dahil nakaluto na ako!" sambit nito sa akin. Pumasok na siya sa kasilyas at pumunta na ako sa kusina para kumain ng agahan. Habang nag aagahan ako ay biglang may kumatok sa pintuan. Tumayo ako sa kinauupuan ko at tiningnan kung sino ang kumakatok. "Sino yan?" tanong ko habang binubuksan ang pintuan. "Delivery Ma'am!" sambit nito. Tinawag ko si Dimple kung nag order siya ng gamit niya ngunit sabi niya ay wala daw kaya agad kong nilapitan si kuya para sabihing wala kaming order ngayon. "Kuya wala po kaming order ngayon," sambit ko sa kanya. "Aaah.. hindi po! Padala po ito sa inyo ito. Para po ito kay Ms. Gianna," sambit niya habang binabasa ang nakasulat sa isang napakalaking bulaklak. "Ako yun!" nagtatakang sambit ko sa kanya. "Bulaklak po para sa inyo! galing po kay Mr. Lucio," sambit nito. Inabot ko ang bulaklak na binigay niya sa akin sabay pirma ng delivery slip sa kanya. Pumasok na ako sa loob ng bahay namin. "Ano daw yun Gia?" tanong ni Dimple sakin habang nasa loob ng kasilyas. "Bulaklak galing kay Lucio!" sambit ko sa kanya. "Yieeh! Ang aga naman mag pakilig ng prince charming mo!" kinikilig na sambit ni Dimple sa akin. I was fluttered sobrang nag blush talaga ang mukha ko ng makita ko yung mga rosas na naglalakihan sa harap ko. Halos matakpan na nito yung buong mukha ko dahil sa laki at kapal nito. Habang kinikilig ako sa bulaklak na pinadala ni Lucio sa akin ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ito agad at nakita kong may tumatawag. "Unknown number?" Sinagot ko ang tawag at biglang nakuryente ang buong katawan ko sa narinig ko. "Did you love the flowers?" tanong niya sa akin. Hindi pa siya nagsasalita ramdam ko na siya to! "Yes! Thank you," sambit ko sa kanya. "Enjoy your day! I will be waiting for you." sambit niya sa akin. Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi niya sa akin sapagkat nauna na niyang pinatay yung tawag niya bago ko pa magawa. Lutang na naman ako! Habang umaandar ang oras ay lalo akong nahuhulog sa kamay ni Lucio. "Wow!" nakangiting sambit ni Dimple sa akin habang nakatingin sa nag gagandang rosas sa lamesa. , "Iba na talaga ang mayaman! Jusko magkano kaya ang mga bulaklak na ito? buto nalang pinaso nila para mabuhay naman diba?" "Anong meaning kaya nito? Bakit niya pinapaso?" tanong ko kay Dim. "Ewan ko?" "Puro ka nalang ewan mo! hindi mo alam! Hayy maliligo na nga ako." Pumasok na ako sa kasilyas para maligo. Lumipas ang isang oras ay tumungo na kami sa school. Nakaupo lang ako sa upuan ko ng walang ginagawa. Habang nakatunganga ako ay biglang lumapit sa akin si Jacob. "Girl! Blooming ka! Anong meron?" tanong niya sa akin. "Girl?" "Gianna?" Tinapik ako ni Dimple kaya biglang bumalik ako sa ulirat ko. Tumingin ako sa kanya. "Bakit? Anong meron?" tanong ko kay Dimple. "Gaga ka! Kanina ka pa kinakausap ni Bakla!" sambit nito sa akin. Tumingin ako sa harap ko at nakita kong nakatingin sa akin si Jacob. "Lutang ka ba girl?" tanong niya sa akin. "Oo lutang na lutang ngayon yan! Paano kasi...," putol na sambit ni Dimple kay Jacob. "Wala to! Kulang lang ata ako sa tulog," natatawang sambit ko sa kanya. "Sana all kulang sa tulog para blooming noh? Dimple?" "Oo! Hindi na ako matutulog sa susunod para maging blooming ako ng bongga!" natatawang sambit ni Dimple sa akin. "Dimple tara sa computer room para sa study natin," aya ni Jacob kay Dimple. Tumayo na si Dimple sa kinauupuan niya at umalis na sa tabi ko. Hindi ko alam nakita kong umalis sa tabi ko si Dimple pero parang wala akong maalala. Minuto na ang lumipas ng umalis si Dimple sa tabi ko ngunit wala parin ako sa sarili ko. Nakatunganga lang ako at walang ginagawa. Habang nakatitig ako sa bintana at malalim ang iniisip ay biglang may nagsalita sa tabi ko. "Wag mo masyadong dibdib yung problema mo. Hayaan mo lang itong dumaan sayo at aalis na ito." Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko si Gabriel na nakangiti sa akin. "Kanina pa kita tinititigan Gianna at mukang malaki ang problema mo? Gusto mo bang pag usapan natin ito para kahit paano ay gumaan ang pakiramdam mo?" sambit niya sa akin ng may pag aalala. "Ok lang ako Gab! Problema ko ito! Nung namroblema ba ako sayo tumulong ka? Hindi naman diba?" sambit ko sa kanya ng nakataray. Hindi na muling sumagot pa si Gabriel sa akin at tumingin nalang ito. Bigla nalang akong natauhan sa sinabi habang tinitingnan ko si Gab sa tabi ko. "Sorry!" bigla kong nasambit sa kanya. "Hindi ok lang. Alam ko naman na galit ka pa rin sa akin dahil sa ginawa ko. Hayaan mo Gia magbabago ako para sayo," sambit niya sa akin. "Magbago ka para sa sarili mo hindi para sa akin Gab," sambit ko sa kanya. "Sige!" Tumayo na ako at binuhat ko ang dala-dala kong mga libro. "Sundan mo ako." seryosong sambit ko kay Gabriel. Umalis na kami sa klase at tumungo kami sa library para mag aral. Naging maganda ang pag uusap namin ni Gabriel bakas sa kanya na mukang nag bago na nga siya. Mukha naman gusto na niya mag aral. "Bakit nag papapasok ka na ngayon Gabriel?" tanong ko bigla sa kanya. "Hindi ko din alam. Basta bigla nalang dumating sa punto na gusto ko ng mag aral at makita araw-araw yung inspiration ko ngayon," sambit niya sa akin. "Wow! May inspiration ka na aah?" nangiting sambit ko sa kanya. "Oo!" "Sino naman yun?" "Malalaman mo nalang," nakangiting sambit niya sa akin. "Ok!" sambit ko sa kanya. Medyo naiba ang atensyon ko ngayon kaya hindi ko naaalala si Lucio. Nag aral kaming mag kasama ni Gabriel sa library at pagkatapos ay tumungo kami sa canteen para mananghalian na dalawa. Sinubukan kong tawagin si Dimple para mag tanghalian ngunit hindi daw sila pwede ni Jacob dahil wala pa daw silang nahahanap na ita-topic nilang dalawa kaya kaming dalawa lang talaga ni Gab ang kakain na mag kasama. Nakaupo kami ni Gab sa paboritong spot namin sa canteen at doon ay kumain kami ng tanghalian. Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang maisip si Lucio at paano ko matatakasan yung kasal namin. "Meron bang bumabagabag sayo?" nag aalalang tanong sa akin ni Gab. "Huh? Wala. bakit mo natanong?" "Paano kasi kanina ka pa sumusubo ng walang laman ang kutsara mo," "Aaahh. Akala ko may laman. wala pala," sambit ko habang natatawa. "Ooh! Chocolate para sayo," "Para sa akin? bakit?" "Mukha ka kasing kulang na kulang sa tulog kaya mukha kang lutang! Kain ka niyan para naman mag karoon ka ng energy," "Aaahh... Akala ko kung ano na!" natatawang sambit ko sa kanya. Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito agad. Message! Message mula kay Lucio. Masigla ko itong binasa. "Enjoy your lunch! Ms. Beautiful!" Nakangiti ako ng binabasa ko ito. "Nakakainis naman tong si Lucio! Masyadong sinasagad yung kilig ko!" sambit ko sa sarili ko. "Ayun ooh! Ngumiti na siya! Nag text ang boyfriend mo?" nakangiting tanong sa akin ni Gabriel. "Hindi! Wala akong boyfriend!" sambit ko kay Gabriel. "Aaahh... Akala ko may boyfriend kana eeh," "Wala," nakabungisngis na sambit ko kay Gabriel. "Saan na ang punta mo nito after natin gawin ito?" "Uuwi na kami ni Dim tapos papasok na naman sa work," "Aaahh... Ok!" Tumayo na ako sa kinauupuan ko at kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Dimple. "Dim! Hindi pa ba kayo tapos? tara na uwi na tayo!" sambit ko sa kanya. "Nandito ako sa library ngayon sige hintayin mo ako sa labas saglit nalang to!" mahinang sambit ni Dimple. Binaba ko na ang tawag ko kay Dimple at umalis na kami ni Gabriel sa canteen. "Una ka ng umuwi Gab at hihintayin ko pa si Dimple at Jacob sa labas," sambit ko sa kanya. "Ok lang! Samahan na kitang mag hintay," "Sige bahala ka." Pumunta na kami ni Gabriel sa labas para hintayin sina Dimple at Jacob. Umupo ako sa upuang bato doon at nagsimulang magkalikot ng cellphone ko. Chineck ko lahat ng laman ng album ko kung meron pa kaming picture ni Lucio ngunit yun lang ang meron ako. Ilang minuto din ang itinagal namin sa labas bago dumating sina Dimple. "Mamsh! Ang tagal nyo?" sambit ko kay Dimple. "Hirap kaming mag hanap ng topic namin Mamsh! Tulungan mo naman kami," "Sige tulungan ko kayo," "Haayy Salamat! Fairy God mother talaga tong si Gianna!" sambit ni Jacob. "Paano uwi na kami," sambit ko kila Gabriel at Jacob. "Bye!" Nagmadali kaming umalis ni Dimple sa school para umuwi ngunit bigla kaming hinarang nag isang malaking van na kulay itim. "Ikaw ba si Gianna Morales?" tanong sa akin ng lalaking naka black suit. "Ako nga po?" nagtatakang sambit ko sa kanila. Agad nila kaming isinakay sa itim na van at umalis kami
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD