EPISODE 24

1449 Words
Nakangiti akong pumasok sa loob ng room na naka assign sa akin at sa pag pasok ko ay may taong nandoon na hindi ko inaasahan na papasok sa gantong lugar. "Oww! Small world ika nga," sambit ni Ella sa akin habang nakataray. "Ooh? sino yan?" tanong ng isang lalaki sa kanya. "Ang probinsyana kong pinsan si Gianna," "May pinsan ka palang maganda Ella?" sambit ng kasama niya. "Pinsang pokpok! Tingnan mo naman ang suot niya very revealing para lang mag karoon ng client," natatawang sambit niya sa akin. Hindi ako nag salita ni isa mang salita dahil guest ko sila. Kapag nakipag talo ako kay Ella it may effect may performance at yung ratings ng company. Inulan na naman ako ng pang lalait mula sa bruha kong pinsan. "Si Gianna pala yung pinsan kong utusan! Umalis kana nga sa bahay para hindi ka na mautusan tapos nag trabaho ka pa ng ganto? Kawawang probinsyana," natatawang sambit niya sa akin. "Alam niyo yang si Gianna? Sinasampal-sampal ko lang yan at inuutos-utusan sa amin. Kawawa para siyang aso! Sunod-sunuran sa mga utos namin tapos kinakain niya mga tira-tirang pag kain namin. So kadiri!" Lumingon ako sa ibang direksyon ng kwarto at tinanong ko ang isang babae doon kung anong oorderin nila. "Ano pong oorderin niyo Ma'am? Meron po kaming snacks and meals dito," nakangiting sambit ko dun sa babae. Tumingin ito ng matalim sa akin sabay biglang tawa. "Girl! Yung kilay mo hindi pantay! gusto mo bang tulungan kita mag pantay ng kilay mo?" sambit niya sa akin. "Aahh... Ako na po mag aayos nito mamaya," sambit ko sa kanya. "No! I insist ako na mag papantay ng kilay mo para naman presentable ka sa mga guest mo," Pinaupo niya ako sa upuan niya sabay labas ng make up kit niya. Pinortehan niya yung kilay ko sabay madiin niyang nilagyan ng brow clay. "Girl! yung lipstick mo masyadong mapusyaw para ka tuloy walang buhay," sambit niya sa akin. Kumuha siya ng red lipstick at nilagyan ako muli ng lipstick. Makapal ang pagkakalagay niya ng lipstick sa akin at habang nilalagyan niya ako ng lipstick ay sinangga siya ng katabi niyang lalaki. "Oopss! Sorry!" natatawa niyang sambit. Nag pipigil ng tawa yung mga kasama niyang lalaki at pati na si Ella. "I will add some eye shadow para naman mas gumanda ka," She use dark shade para sa akin which is not applicable sa skin tone ko. They burst into laugh! Pinag tripan nila ako! Habang patuloy niyang binababoy ang mukha ko ay nag sisimula ng tumulo ang luha sa mga mata ko. "Ella? Ok na ba to?" natatawang tanong niya kay Ella. "I told you! See! Parang tanga eeh noh? Nag pa make up sayo? Ang ganda mo diyan Gianna!" natatawang sambit niya sa akin. "Alam mo girl! Know who you messed with kasi para hindi ka nagaganyan? May balak ka pang landiin yung boyfriend ko? Kung akala mo madadaan mo ako sa ngiti mo? I'm not!" "Wala naman akong ginagawang masama sayo?" "Aaahh sumasagot ka pa?" "Hindi naman po Ma'am, Ano na pong order niyo para madala ko sa inyo?" tanong ko sa kanya. "Bigyan mo kami dito ng best seller na pagkain! Umayos ka huh! Baka gusto mo ibagsak ko ang ratings ng company nyo at mag comment ako na poor service para naman bumaba ang sales nyo!" Lumabas na ako sa kwarto na sobrang sama ng loob! Nandito na naman ako sa walang palag kapag tinatapakan ng mga putang ina na bruha na ito! Habang nag lalakad ako palabas ay patuloy na tumutulo ang luha sa mga mata ko kaya pinupunasan ko ito habang papunta ako sa kusina. "Anong nangyayari Gianna?" tanong sa akin ni Mang Fred. "Wala po." ngiti ko sa kanya. "Wag mong kalimutan na tumawag sa cellphone mo Gi. Pinag titripan ka ng mga guest mo," "Ok po Mang Fred thank you po. Hintayin ko po yung mga order nila gaya ng ginagawa ko," "Sige." Pumunta muna ako sa CR para maghilamos ng mukha at tanggalin lahat ng make up ko na nilagay sa akin ng kaibigan ni Ella. Habang nag hihilamos ako ay biglang pumasok si Dimple. "Ooh? Anong nangyari sayo bakit nag hihilamos ka ng mukha?" tanong niya sa akin. "Guest ko sila Ella," sambit ko habang lumuluha. "Sinaktan ka na naman?" "Ginawa akong clown nung kaibigan niya," "Ok! Switch tayo ng guest akong bahala sa guest mo!" inis niyang sambit ko. "Sigurado ka ba?" "Oo akong bahala. Anong order ng mga yan?" "Yung mga best seller natin Dim," "Ok! Ako ng bahala sa pinsan mong lapuk!" galit na sambit niya sa akin. Nag palit kami ng room ni Dimple siya na ang humarap sa mga kupal kong guest. Pero kahit na wala na ako sa kwartong iyon ay hindi pa rin mawala-wala sa akin ang bigat na nararamdaman. Again in my life ibinaba na naman nila ang pagkatao ko pero I can't blame them kasi I'm poor at galing sa probinsya. Para akong isang alien dito sa lugar nila pero I've already cope up the environment so dapat hindi na nila ako ginaganto! Dahil sa kanila madami na namang luha at nasayang sa mga mata ko pero taena naman kasi napaka weak ko naman pagdating sa ganto! Iiyakan kapag nasaktan bakit hindi ko kayang lumaban nalang at wag ng iyakan? Naging maganda ang gabi ko after ko malipat ng room. Ang bait ng mga guest ni Dimple. "Ano kayang nangyayari sa pwesto ni Dimple?" sambit ko. Lumipas ang oras at natapos na ang trabaho namin ni Dimple. Sa dressing room. Agad kong kinausap si Dimple kung anong nangyari sa mga guest niya kay Ella? "Kamusta Dim?" tanong ko sa kanya. "Ok naman! Everything is smooth and easy," sambit niya habang nagpapatunog ng kamao niya. "Wait? Don't tell me sinaktan mo sila?" tanong ko sa kanya. "Duh! Anong sinaktan? Mautak to Mamsh," nakangising sambit niya. "Eeh anong ginawa mo?" tanong ko sa kanya habang nag tataka. "Well binigyan ko lang naman sila ng lesson sa buhay. Basta wag mo ng alamin yung nangyari!" natatawang sambit ni Dimple sa akin. Inaya na ako ni Dimple umuwi at simula noon ay wala ng kwentuhan na naganap. Itinuon ni Dimple ang atensyon niya sa pag cecellphone at ako naman ay ang pag titig sa litrato ni Lucio. I know! I know! Sasabihin niyong marupok ako na lutang na malakas ang toyo pero kasi kahit naman kayo ang nasa sitwasyon niyo diba gagawin nyo din naman yung sinabi ko? "Dim, natatawa ako sa sinabi ko kay Lucio kanina," sambit ko habang tumatawa. "Anong sinabi mo sa kanya?" "Sabi ko. Lucio! I demand an annulment!" natatawa kong sambit. "Sana all nag i-english Mamsh! Kaso mali yung ginawa mo although napaka bilis ng pangyayari sa inyo pero mali talaga yung point na ang alak ay dinala mo sa utak tapos noong kinasal kayo ang saya-saya po tapos ngayon umaayaw kana? Mali yun!" seryosong sambit niya sa akin. "Bakit ang seryoso mo naman kausap ngayon?" malungkot kong tanong sa kanya. "Paano kasi dahil sa pagkakamali mo mawawalay ka sa akin. Gusto ko mang wag kang papuntahin sa asawa mo kaso syempre siya dapat ang priority mo over your friend kasi nag tie na kayo ng knot. Malungkot na mawawala kana sa tabi ko matulog pero I'm really happy for you. I hope na magkaroon ng second wedding yung legal process na talaga I mean legal naman ang civil wedding pero mas maganda pa din ang church wedding," "Hayaan mo kapag nag work itong kalokohan na ito mag dedemand ako ng second wedding para naman proper wedding noh?" nakangiti kong sambit sa kanya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Dimple sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Lumipas ang ilang minuto ng biyahe namin ni Dimple ay dumating na kami sa bahay. Pagbaba namin ng tricycle ay nakita namin si Lucio na nag hihintay sa labas ng bahay namin. Agad ko siyang nilapitan at kinausap. "Gianna. Please come with me," pakiusap ni Lucio sa akin. "Bakit ba nag mamadali ka?" "I can't sleep at ease! Iniisip kita!" inis na sambit nito sa akin. "Bakit? Bakit parang nababaliw kana?" tanong ko sa kanya. "I've already cloths for you. Sleep with me," Lumingon ako kay Dimple at tumango siya sa akin sabay kampas ng kamay niya sa akin. "Go!" Binuksan ni Lucio yung pinto ng kotse niya at isinakay ako sa loob. "Dito ka sa tabi ko uupo lagi para lagi kitang nakikita. Sigurado ka ba sa set-up na gusto mo?" tanong niya sa akin. "Yes!" "Ok sige. Bahala ka." Hindi ko na siya sinagot muli at natulog nalang ako sa sasakyan niya. Habang nasa kalagitnaan ako ng tulog ko ay nakaramdam ako ng biglang huminto ang sasakyan. Binuksan ni Lucio ang pinto ng sasakyan niya at ginising niya ako. "Gianna, Gising na nandito na tayo," sambit ko sa kanya. Imunulat ko ang mga mata ko at pagdilat na pagdilat ng mata ko ay nakita kong nasa harapan ko si Lucio. Sobrang bango niya! Parang hindi napagod sa trabaho. Tinatanggal niya yung seatbelt ko at hinihipo ang mukha ko. "Tara na!" nakangiting sambit niya sa akin. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at nakangiti akong bumaba ng sasakyan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD