EPISODE 26

1821 Words
Maaga pa ng nakapasok ako sa school at mag isa palang ako sa loob ng class room namin. Binuksan ko ang libro ko at nag basa ako para magkaroon ako ng panibagong kaalaman tungkol sa kurso ko. Habang nagbabasa ako ay unti-unti na ding nag dadatingan ang mga kaklase ko. Bigla nalang akong napangiti ng narinig ko ang boses ni Dimple. "Mamsh!" sigaw ni Dimple sa akin Lumingon ako agad sa lugar kung nasaan si Dimple. "Huy! Na miss kita!" masaya kong sambit sa kanya. "Kamusta ang buhay may asawa?" bulong niya sa akin. "Hayy... Para lang akong boarders dun kasi hindi naman kami mag katabi sa pagtulog tsaka ano ka ba keme-keme lang yan kasi alam mo naman diba? Alak pa more!" natatawang sambit ko sa kanya. Alam naman ni Dimple na biglaan ang kasal namin ni Lucio pero hindi niya alam na JOKE TIME lang ang lahat! As in palabas lang dahil gagampan lang akong asawa sa harap ni Celine para pag selosin siya. "So? Ano ngang nangyari kagabi?" tanong sa akin ni Dimple. "Well, Wala naman importanteng nangyari sa aming dalawa kagabi. Basta! Sa susunod doon ka matulog para may katabi ako huh," "Sige sa susunod kapag ok na ang lahat! Alam mo naman bagong kasal ang beshie ko syempre baka maudlot ang honeymoon dahil sa akin," natatawang sambit sa akin ni Dimple. "Hayyy... Wala ngang honeymoon na mangyayari kulit mo!" Habang nag kukwentuhan kami ni Dimple ay may naramdaman ako sa balikat ko. Bumigat ito at sa paglingon ko sa kanan ko ay nakita ko si Gabriel na nakasalabay sa akin. Tumingin sa akin si Dimple na para bang nakikipag usap sa mata. "Bigat naman ng braso mo Gab!" sambit ko sa kanya habang tinatanggal ang kamay nito sa balikat ko. "So? Tara sa library mamaya?" tanong niya sa akin. "Sipag mo naman mag aral ngayon?" tanong ko sa kanya. "Syempre inspired ako kaya ganto. Ayaw mo ba na nakikita ako araw-araw?" malungkot na tanong niya sa akin. "Hindi naman. Bahala ka sa buhay mo kung papasok ka o hindi pero wag muna ngayon kasi may ginagawa tayong study na dalawa," "Yes Ma'am! hindi kita bibiguin this time. Mag aaral ako ng mabuti para sayo," "Gawin mo 'to para sa sarili mo hindi para sa ibang tao," "Ayy basta! Sige na upo na ako sa upuan ko," Umalis na si Gab sa tabi ko at umupo na siya sa upuan niya. "Wala ka bang napapansin kay Gab?" tanong sa akin ni Dimple. "Paanong napapansin? Yung masipag na siya mag aral?" "Hindi! Piling ko may gusto sayo yang si Gabriel," "Nyieeh.. Tigilan mo na yan Dim. Gutom lang yan," natatawa kong sambit. "Piling ko mag tatapat din sayo yan. Ano pustahan pa tayo? Treat mo ako ng dinner sa magandang kainan pag nanalo ako," "At talagang nag hahamon ka pa aah? Sure! Pero kapag wala siyang gusto sa akin doon ka sa bahay mag ii-stay ng dalawang araw! Call?" "Call!" Ilang linggo ng walang regular classes dahil sa paparating na finals. Busy ang mga teacher sa mga exams at mga pa activities at kami namang mga istudyante ay busy sa pag gawa ng mga studies na pinapagawa nila sa amin. Malapit ko na din malaman kung pasok na ba ako sa scholarship program ng school at syempre malapit na ang pasko! Uuwi ako sa bahay para doon mag pasko at mag bagong taon. "Dim! Naalala ko pala. Malapit na ang pasko! Gusto mo bang sumama sa akin sa probinsya?" tanong ko sa kanya. "Hmmm.. Sige ba!" "Ayan buti nalang may kasama na akong uuwi," nakangiti kong sambit sa kanya. "Eeh paano yung asawa mo? Hindi mo isasama?" tanong sa akin ni Dimple. "Hindi nila pwedeng malaman na kasal na ako Dim. Magagalit yung mga yun tapos baka mapurnada pa ang pag aaral ko dahil diyan," "Ayy oo nga pala. Paano kung yung asawa mo mag pumulit na sumama?" tanong niya sa akin. "Gagi! Hindi sasama yun sa akin at hindi ko isasama yun kasi may sariling lakad si Luci sa pasko sigurado ako doon," "Aaahhh... Ok!" "Asan na si Jacob? Hindi pa ba kayo gagawa?" "Iniisip pa namin kung saan namin sisimulan yung topic na binigay mo. Gusto mo ba mag sama nalang tayo eeh? Para naman may tutulong sa amin kapag nawawala na kami ni Bakla," "Pwede naman! Tara na mag simula na tayo at next week na ang pasahan niyan." Pumunta na kami nila Dimple, Jacob at Gabriel sa library para doon gumawa ng study namin. Malapit na matapos ang study namin ni Gabriel kaya pumepetiks na kaming dalawa. Bago ko sinimulan yung study namin ni Gabriel ay tinulungan ko muna sila Dim at Jacob sa kanila. Lumipas ang ilang oras na sila Dimple ang tinutulungan ko. Hindi namin ginawa yung amin at hinayaan ko lang si Gabriel na maglaro ng cellphone sa tabi ko. "Gab, Hindi tayo makakagawa ngayon ng atin kasi sila Dimple muna ang tulungan ko. Hindi pa nila nasisimulan yung kanila mamaya ma-late sila ng pasa tapos mayare sila ni Ms. Veron," sambit ko sa kanya. "Edi tapusin nalang natin yung study natin sa bahay ko? Don't worry wala akong balak na masama sayo tsaka doon na din natin ipaprint sa bahay para hindi kana gumastos ng print. Diba? Ano pwede ba?" "Hmmm... Ok sige sure! Para matapos na yung atin. Rest day ko naman sa work ngayon," sambit ko sa kanya. , "Dim? Sama ka? Para doon na din kayo mag print ng gawa niyo ni Jacob?" tanong ko kay Dimple. "Ano Mamsh... Medyo mahaba-haba pa ang lalakbayin ng study namin kaya ikaw nalang pumunta kila Gabriel," "Ok!" sambit ko kay Dimple. , "Saan ba tayo mag kikita Gab?" tanong ko sa kanya. "Sa park nalang tayo magkitang dalawa? Ok lang sayo? mga 4 sharp aah para walang trapik sa daan," nakangiting sambit niya sa akin. "Ok sige! Paano uwi na tayo para makapag pahinga pa kami ni Dimple," "Sabay na tayong apat lumabas ng school." sambit ni Jacob. Naglakad na kami palabas ng school masaya kaming apat na nag kukwentuhan ng may nakita kaming kumpol ng mga babae sa labas ng school. "May artista ba? o baka yung EX mo na naman yan Gia?" tanong ni Jacob. "Huh? Malay ko? Hindi na pupunta dito yun kasi nag usap na kaming dalawa," sambit ko sa kanila. "Aaahh... Baka si Baby ko na yung nag hihintay sa labas!" natatawang sambit ni Dimple. "Baka Baby ko yan?" sabat naman ni Jacob sa kanya. "Huy! Bakla! Akin yan!" sigaw ni Dimple. Pag labas namin sa gate ng school ay nakita ko si Lucio na may dala-dalang bulaklak. "Ayy Baby pala ni Gianna to," sambit ni Dimple sa amin. "Sssshhh... Parang di naman." Nag madali akong maglakad palihis sa direksyon kung saan nandoon si Lucio. "Secret daw! pero gumagawa ng eksena." galit na sambit ko. Habang naglalakad kami nila Dimple, Jacob at Gabriel papalayo kay Lucio ay bigla akong inakbayan ni Gabriel. "Huy!" gulat na sambit ko kay Gabriel. "Bakit? Bawal ba akong umakbay sayo?" tanong niya sa akin. "Hindi naman sa ganun. Hindi lang ako sanay sa mga ganto." sambit ko sa kanya sabay tanggal ng kamay niya. Nakalayo na kami ng kaunti sa pwesto ni Lucio ngunit hindi ko napansin na hinabol pala ako ni Lucio at biglang hinablot papalayo kila Dimple. "Come with me!" galit na sambit ni Lucio sa akin. Tiningnan ko siya agad at nakita ko ang mga mata niya na nanlilisik sa galit. Mabilis kaming naglakad papalayo kila Dimple at naiwan kong nakatunganga sila Dimple sa akin. Hindi man lang ako nakapag paalam sa kanila. Agad akong sinakay ni Lucio sa kotse niya at isinara ang mga bintana. "What's wrong with you!" galit kong sambit sa kanya. Tinitigan niya ako ng masama. "Ikaw ang tatanungin ko! Anong problema sayo? Bakit hindi mo ako nilapitan agad at bakit iniwasan mo ako? Tapos makikita ko pa na may kaakbayan ka?" galit na sambit nito sa akin. "Ikaw ang nag sabi na secret lang ito para maiwasan natin ang media tapos ngayon eepal ka sa labas ng school ko?" sambit ko sakanya habang nakanuot ang noo. "I'm just checking on you. Hindi ko naman alam na ganyan sa school mo parang sabik na sabik makakita ng tao," "Sa susunod kasi Lucio wag ka ng pupunta sa school ko. Hindi mo ba alam na malalagay na naman ako sa bulletin nito? Ano na namang sasabihin nila sa akin malanding babae? Kasi ibang lalaki na naman ang nakasama ko?" galit na sambit ko sa kanya. "Ooh? Bakit parang ikaw pa ang galit na galit ngayon?" "Sinong hindi magagalit bigla mo nalang akong hinablot sa mga kaibigan ko!" Hindi na sumagot si Lucio sa sinabi ko sa kanya at binuksan na niya ang engine ng kotse niya at umalis na kami sa tapat ng school. Habang nasa biyahe kami ay tumawag ako kay Dimple. "Dim-" putol kong sambit. Biglang kinuha ni Lucio ang cellphone ko kaya hindi ko na natapos ang tawag ko kay Dimple. "Ano na naman 'to Lucio?" galit na tanong ko sa kanya. "Don't talk to anyone lalo na kapag kasama mo ako," "Alam mo feeling entitled ka talaga eeh noh?" "You love me that why," "Huh? Hatdog!" Kinuha ko ang libro ko at nagbasa nalang ako. Habang nasa biyahe kami ni Lucio ay napansin kong ibang direksyon ang pinuntahan namin. "Hindi ito ang daan pauwi. Asan mo na naman ako dadalhin?" tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot sa sinabi ko at patuloy ito sa pag da-drive. Lumingon-lingon ako sa kotse niya at nakita ko ang isang baunan doon sa likod. Ito yung prinipare ko na baon niya ngayon. "Kinain mo yung baon mo na ginawa ko?" "Hindi," "Eeh bakit nasa likod?" tanong ko sa kanya. "Nilagay ko lang diyan." Tumayo ako sa upuan ko at pilit kong inaabot ang baunan na yun para malaman ko kung kinain ba niya o hindi yung ginawa ko para sa kanya. "Wag kang malikot! Nasasanggi mo na ako!" "Wait kasi hindi ko maabot yung baunan." Habang inaabot ko yung baunan ay hindi ko napapansin na yung palda ko ay lumilislis na pataas kaya kitang-kita na ang hita ko. "Nakikita ko na panty mo!" natatawang sambit ni Lucio sa akin. "Wag kang titingin! Bastos mo!" inis kong sambit sa kanya. Matagal-tagal din ang inilaan kong oras para lang makuha yung baunan at malaman na kinain pala niya yung hinanda kong pagkain para sa kanya. "Kinain mo naman pala yung baon mo ayaw mo pa umamin," "Hindi. Binigay ko yan sa secretary ko," "Weeh? Patingin nga ng tiyan mo?" Inilislis ko ang damit ni Lucio at tiningnan ko ang tiyan niya. Ang saya ko pa sa oras na ito nang hindi ko napapansin na nakikita ko na pala ang katawan niya sa ginawa ko. "Patingin! Patingin nga ng tiyan ng Baby na yan kung hindi kinain ang baon niya," masaya kong sambit sa kanya. Hinawakan ko ang tiyan niya at hinipo-hipo. Nakangiti ako ng ginagawa ko ito ng bigla akong napatingin sa mukha ni Lucio na nakatingin din sa akin ng mga oras na ito. Bigla akong nahiya sa ginawa ko at umupo nalang ako ng maayos sa upuan ko. "Gianna! Bobita mo talaga! Baka akala niya patay na patay ka na sa kanya!" inis kong sambit sa sarili ko. Napansin ko na ngumiti si Lucio sa akin sabay tingin muli sa harapan. "Malapit na tayo," biglang sambit niya sa akin. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot sa sinabi ko at nag focus nalang siya sa pag mamaneho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD