EPISODE 27

1321 Words
Huminto na ang sasakyan ni Lucio sa isang mall at pumasok sa loob ng parking area. "Baba!" sigaw niya sa akin. Nagulat ako sa kanya kaya nag madali akong bumaba sa sasakyan niya. Matalim ang tingin ko kay Lucio habang nakapameywang sa kanya. "Ooh?" sambit niya sa akin. "Ooh? Pagkatapos mo akong gulatin sa sigaw mo? Ooh lang?" inis kong sambit sa kanya. "Tigilan mo na mag kape para hindi ka magugulatin," "Aaah? Talaga ba?" Hinawakan ni Lucio ang kamay ko at pumasok na kami sa entrance ng mall. Habang nag lalakad kami ni Lucio sa loob ay patago kong tinanggal ang kamay niya sa kamay ko at sumunod ako ng lakad sa kanya. Pumasok siya sa isang Department store. Walang katao-tao sa lugar na iyon ngayong araw. "Good afternoon Mr. Iglesias." nakangiting sambit ng isang sales lady doon. Pumasok sa pinakaloob si Lucio at sinara ng babae ang buong department store. "Hinanda na po namin ang mga magagandang damit na pang babae Sir," sambit niya habang nakangiti sa amin. "Ok!" sambit niya sa babae. , "Gusto ko maging maganda ka sa paningin ng marami kapag dinala na kita sa opisina at pinakilala na kita sa lahat," "Huh?" "Hatdog! Dalian mong mag hanap ng damit mo!" sigaw nito sa akin. Agad akong inassist ng sales lady para mag hanap ng damit ko. Binigyan niya ako ng ilang dress para sukatin sa dressing room. Pumasok ako sa dressing room at isinukat ang mga nag gagandahang mga damit na ibinigay sa akin ng sales lady. Isinuot ko ang isang nude color na off shoulder dress may ruffles sa bandang shoulder pero simple lang. Lumabas ako sa dressing room para ipakita ito kay Lucio. Thumbs up! sabay kumpas ng kamay niya pabalik. Sinuot ko naman yung isang dress. Simple lang designs niya may manggas ito at pa heart yung sa bandang dibdib niya at may tali na maliit. Color white siya na flower printed and ruffles sa bottom. Lumabas ako sa dressing room para ipakita ito kay Lucio. Thumbs up! sabay kumpas ng kamay niya pabalik. Pinasuot naman sa akin nung babae ang isang terno jeans. Para siyang crop top na brallette basta hanging tops siya na kulay white then pinatneran ng loose jeans na kulay yellow at bucket hat. Lumabas ako sa dressing room para ipakita ito kay Lucio. Thumbs up! sabay kumpas ng kamay niya pabalik. "Lahat naman sayo approved!" inis kong sambit kay Lucio. Pumasok muli ako sa loob ng dressing room at sinuot naman ang isang dress na open ang likod. Red dress ito na may slit at open ang likod parang katulad nung dress na binigay ni Inay sa akin pero mas maganda to at sexy suotin. Lumabas ako sa dressing room para ipakita ito kay Lucio. Thumbs up! "Very stunning!" mahinang sambit ni Lucio. "Narinig ko yun!" nakangiting sambit ko sa kanya. Lumingon sa ibang direksyon si Lucio at kinumpas papalayo ang kamay niya. Pinatry naman sa akin ng babae ang isang terno ulit na damit. Simple damit ulit ito. Plain white na long sleeves turtle neck style at pinatneran ng high skirt na kulay blue at beret wool hat na kulay pink. Pinag suot din ako ng isang yellow floral dress na puff sleeve ang style with summer hat. "Pagod na ako mag papalit-palit ng damit Luci! Stop na!" sambit ko sa kanya. "Were getting started palang Blaire," sambit niya sa akin. "Tawagin mo pa akong Blaire ng masapak na kita!" inis kong sambit sa kanya. "Blaire?" "Isa!" "Blaire," "Luh epal!" "Bakit ba Blaire?" pang aasar niya sa akin. Inilapat ko ang dalawang daliri ko sa mata ko patingin sa kanya. "Yare ka sa akin mamaya!" sambit ko sa kanya papasok sa loob ng dressing room. "Ms. pack mo lahat ng sinuot niya at heto ang credit card ko," sambit ni Lucio mula sa labas. Isinuot ko ang huling damit na pinasukat ng sales lady sa akin. Ballon skirt na above the knee kulay itim tapos yung damit niya pastel pink na medyo may pagka nude kapartner ng isang balloon cap na parang vintage style tapos high heels na nude color din. Hindi na ako nag palit pa muli ng damit dahil pagod na talaga ako sa pinagawa sa akin ni Lucio. Pagkalabas ko ay may mga nakapack na mga gamit na. "Yung mga shoes mo at high heels pa deliver nalang sa bahay, Ooh buhatin mo na itong pinamili natin," nakangising sambit niya sa akin. "Huh? Sigurado ka talaga na papabuhat mo sa akin tong mga to?" inis na tanong ko sa kanya. "Yes! I'm pretty sure about it!" "Nyeta talaga tong lalaki na to!" inis na sambit ko sa sarili ko. Binuhat ko ang mga paper bags at sumunod kay Lucio. Pinag high heels niya ako tapos pagbubuhatin ng mga 'to? ang lakas talaga ng tama nitong Lucifer na to. Sinundan ko lang sa paglalakad si Lucio kahit na hirap na hirap ako sa pag bubuhat ng mga gamit na pinamili niya sa akin. "Come on!" sambit niya sa akin habang minamamadali akong maglakad. Naglakad ako ng mabilis papalapit sa kanya pero sa hindi inaasahan ay bigla akong natapilok at nasubsob ako sa isang lalaki. "Ok ka lang?" tanong nito sa akin habang inaalalayan ako. "Ok lang po. Pasensya na po sa abala at salamat sa pag salo sa akin," sambit ko sa kanya sambay alis. Nakatingin lang yung lalaki sa akin habang papalayo ako sa kanya. Nawala sa paningin ko si Lucio kaya tumingin-tingin ako sa paligid ko at nakita ko siyang bumibili ng ice cream sa isang ice cream store. Pumasok ako sa loob at ibinaba ko ang mga dala ko sa isang table doon at nilapitan ko si Lucio. Kinurot ko ang gilid nito kaya bigla siyang napatingin sa akin. "Tutulungan mo akong mag buhat ng mga paper bags na yun ooh lalayasan kita?" galit na sambit ko sa kanya. "Here," abot niya sa akin ng isang ice cream sabay ngiti sa akin. "Tsss!" Nang aasar pa ata tong kumag na to. Inabog ko yung ice cream at binuhat na niya yung mga paper bags na dala ko. "Tara sa office," sambit niya sa akin sabay hila sa akin palabas sa ice cream store. Mabilis kaming naglakad pabalik sa parking area. Hindi ko ginalaw yung ice cream na binili niya para sa akin. Medyo lusaw na ito ng nakaupo ako sa kotse niya. "Hmmm... Sarap!" sambit ko sa kanya habang nakangiti. "Good!" Sumubo ako ng isa pang kutsara ng ice cream sabay alok ko sa kanya. "Gusto mo?" sambit ko sa kanya sabay alok ng ice cream. May ice cream pa ang loob ng bibig ko ng mga oras na ito. Iniiwas niya sa akin yung ice cream at bigla akong hinila papalapit sa kanya. Nagkatinginan kaming dalawa at nagkatitigan sabay bigla niya akong hinalikan ng madiin. Sobrang diin parang yung unang halik na ginawa niya sa akin ang ginawa niya sa akin ngayon. Nanlaki ang mata ko at hindi ako makagalaw sa ginawa niya sa akin hanggang sa napapikit nalang ako bigla. Matagal na mag kalapat ang aming bibig. Habang hinahalikan niya ako ay nakaramdam ako ng sipsip sa bibig ko. Agad akong lumayo sa kanya at tumitig ng matalim sa kanyang mga mata. "Wait!" pang iiwas ko sa kanya. Kumuha muli ako ng isang kutsara ng ice cream at isinubo ko ito tsaka lagay ng kaunting ice cream sa palibot ng bibig ko. I can't handle this! Ngumiti sa akin si Lucio at bigla niya ulit akong sinagpang ng halik. We play around just like fools. I endure the pain ng pag suck niya sa bibig ko. Mas lumalamang kasi yung init ng katawan ko sa sakit ng pagsipsip niya sa labi ko! piling ko inuubos niya ang lakas ko dahil sa halik na yun. Again! I'm drowning to him! Kahit peke at hindi opisyal ang kasal namin ay parang yung nararamdaman ko sa kanya ay nagiging OFFICIAL na! His driving me crazy! Stupid Lucifer! "Sinasaktan mo lang ang puso mo Gianna! Nag papadala ka sa libog mo!" sambit ko sa sarili ko. Pero hindi ko mapigilan! Parang yung mga pula niyang labi tinatawag ako na halikan ko pa siya ng mas matagal at mas madiin! "Urrgghhh!!! Mababaliw na ako!" Habang hinahalikan niya ako ay hinahayaan kong gumala ang mga kamay niya sa katawan ko. Hindi ko alam kung bakit pinapamahala ko na sa kanya ang katawan ko. Walang alak na involve dito tamang ICE CREAM lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD