EPISODE 25

1634 Words
Pumasok na kami sa bahay ni Lucio. Napaka ganda ng bahay niya shade of blue, black and white ang kulay ng bahay niya. Tinour niya ako sa loob at itinuro ang sarili kong kwarto. "Seperated tayo ng room kasi piling ko yun ang best para sa atin tutal this wedding is not official. Dyan ka muna para hindi kita magapang," ngiti niya sa akin. "Tsss... Manyak mo!" Natawa nalang bigla yung mokong sa sinabi ko. "Kumpleto na ang mga gamit mo diyan from undies hanggang sa pang alis mo. Hindi ko pa sinasabi sa iba yung wedding natin dahil baka putaktihin ka ng media at magulo ang payapa mong buhay," "Hindi na nga payapa buhay ko eeh. May dinadala ka bang babae dito?" tanong ko sa kanya. "Oo! Mag dadala ako ng babae ko dito since ayaw mo naman sa akin kaya mag dadala nalang ako ng babae ko," "Aaah.. Ok!" inis kong sambit. "Wala ka bang girlfriend o ano?" tanong ko sa kanya habang nakapameywang. "Ex! Marami akong babae pero isa lang ang minahal ko ng sobra. Si celine. I can't tell you the details kasi baka ma ooffend kana," "No. Tell me tutal wife mo naman ako so I still have the rights to know this. And nasa phase tayo ng knowing each other," "Gianna," Inaya niya akong umupo sa couch sa labas ng kwarto namin at doon ay nag kwentuhan kaming dalawa. "I'm sorry Gianna kung naging mabilis ang pangyayari sa ating dalawa. This is the real reason kung bakit meron akong singsing na dala noong gabi na yun. That ring! Yan yung inoffer ko kay Celine nung nag propose ako sa kanya. We both love each other back then pero things change. Naging playboy ako at hindi ko pinahalagahan si Celine hanggang sa she secretly fall in love with Angelo, my brother. Hindi ko siya masisisi kasi i'm different from Angelo. We broke up pero until now hindi pa din ako nakaka move on sa kanya. Gusto kong ipakita sa kanya na kahit wala na siya ay meron isang taong mag mamahal sa akin. Hindi ko alam bakit ko sinasabi sayo ito siguro gusto ko lang na maging maganda ang kakalabasan ng set up natin. Gusto ko din ng annulment Gianna pero kung ok lang sayo wag muna? Until I'll get back Celine to me?" Habang nakikinig ako sa sinasabi ni Lucio sa akin parang nag iiba ang tingin ko sa kanya. Hindi lang masama ang ugali niya ngunit manggagamit pa siya! Hindi ko alam ang gagawin ko kasi parang nagagalit ako sa kanya na gagamitin niya ako ngayon para lang makuha muli yung ex niyang si celine tapos pagkatapos nito ay wala na kami. "So? Kaya pala tayo nagkaroon ng biglaang wedding kasi planado mo lahat ito?" maluha-luha kong sambit sa kanya. "I'm sorry Gianna, I will pay you for your work and help you financially," Inabot sa akin ni Lucio ang isang kontrata. Nakalagay doon lahat ng sinabi ko sa kanya. Ang tanga-tanga ko sa part na akala ko gusto talaga akong makasama ni Lucio dahil gusto niya akong mapangasawa pero ngayon bigla nalang siyang umamin na palabas pala ang lahat pero Gianna? Bakit ka pa din nag ii-stay ngayong alam mo na JOKE TIME lang pala ang nangyayari sa inyo? Binasa ko ang mga nakalagay sa kontrata. "So ang mangyayari? Idadala mo ako sa opisina po para ipakilala kay Celine na asawa mo? Tapos papaselosin natin siya and kapag bumalik na siya sayo tuloy na ang annulment?" "Tama. I tried to stop this pero wala na akong ibang paraan pa para makuha si Celine so naisip ko na baka need na ng ibang tao na mag involve para mag selos siya," "Hah!" natatawa kong sambit habang pinupunasan ang luha sa mata ko. Iniabot ko ang kanang kamay ko kay Lucio. "Call!" nakangiting sambit ko sa kanya. , "Basta wag kang maiinlove sa akin Lucio at kapag bumalik na sayo si Celine pwede na tayong mag pa annul," sambit ko sa kanya. Kumuha ako ng ballpen at agad kong pinirmahan yung kontrata na inabot niya sa akin at pagkatapos ay pumasok na ako sa kwarto ko tsaka nilock ko ito. Maluha-luha akong humiga sa kama ko. Sobrang sama ng loob ko dahil sa kalokohang ginawa naming dalawa ni Lucio. "Ang tanga-tanga mo Gianna!" inis na sambit ko sa sarili ko habang umiiyak. , "Bakit kasi madali kang malasing! Ayan tuloy pati damdamin mo pinaglalaruan na! Nakakainis ka Gianna! Nakakainis ka!" Akala ko kapag sumama ako sa kanya dito sa bahay niya ay may magandang mangyayari sa buhay ko. Akala ko lang pala! Pinunasan ko ang luha ko at pinilit kong ngumiti sa pagkalaki-laking salamin sa harap ko. "Gianna! Wag mong paganahin ang puso mo dito. Play! Just play around!" nakangiti kong sambit sa sarili ko. Kinuha ko yung cellphone ko at agad kong tinawagan si Dimple. "Hello Dim!" masayang sambit ko sa kanya. "Huy! Kamusta? Maganda ba ang bahay niya? Ano magkatabi kayo sa kama? Yieeh.. Nag kiss kayo?" kinikilig niyang sambit sa akin. "May sarili akong kwarto Dim. Hindi kami magkasama sa kwarto niya kasi hindi naman kami mag asawa eeh. Kasal lang kami sa papel," "Sus! Sa susunod na kasal niyo ako na bride's maid aah!" "Mag reresign na ako sa work ko Dim," "Ok lang! Basta wag mo akong kakalimutan aah," natatawa niyang sambit sa akin. "Ano ka ba? Mag kaklase tayong dalawa at best friend kita paano kita makakalimutan?" "Syempre mayaman kana eeh," "Hayy... Siya lang mayaman pero ako hindi," sambit ko sa kanya. , "Sa susunod punta ka dito sa bahay pwede naman bisita dito tapos dito ka sa tabi ko matulog," "Sige!" "Sige na! Antok na ako," "Ok! Mornight na! Bye." Binaba ko na ang cellphone ko at natulog na ako. Kinabukasan Maaga akong gumising para mag luto ng agahan. Daily routine ko na ito kaya kahit hindi ko kusina to ay mag luluto ako. Binuksan ko ang kanyang ref at nakita ko na punong-puno ito ng laman. "Daming laman ng ref nito! Ano kayang magandang iluto?" Habang nag iisip ako ng iluluto ko para sa kanya ay may biglang dumating na matandang babae. "Anong sinisilip mo diyan iha?" tanong nito sa akin. "Ayy hello po. Maganda umaga po sa inyo ako po si Gianna," "Bagong kasambahay ka ba dito? iha?" tanong nito sa akin. "Aahh hindi po. Kaibigan po ako ni Lucio," nakangiti kong sambit sa kanya. "Aaah... Walang sinabi sa akin si Lucio na may kaibigan babae pala siyang idadala dito," "Ayy ganun po ba? Pasensya na po kung pumunta na ako dito sa kusina niyo at nag sisilip-silip," "Ano bang sinisilip mo sa ref? Nagugutom ka ba?" tanong nito sa akin. "Hindi po! Nakasanayan ko po kasi na kapag gigising ako didiretso ako sa kusina para magluto ng agahan," "Aaah ganun ba? Gusto mo ba ikaw nalang magluto ng agahan ngayon? Tutal masakit ang mga daliri ko ngayon dahil nag laba ako kahapon," "Kaano-ano niyo po si Lucio?" "Alaga ko yan si Lucio," nakangiting sambit niya sa akin. "Wala po ba kayong kasama ditong kasambahay? Pwede po ba Inay nalang po tawag ko sa inyo?" nakangiting sambit ko sa kanya. "Solo ko lang dito sa trabaho ngayon kasi yung mga dating kasambahay dito ay laging umaalis," malungkot niyang sambit sa akin. "Bakit po umaalis?" , "Aaah.. Alam ko na! Sinusungitan ni Lucio?" tanong ko sa kanya. "Oo, Masungit kasi yang bata na yan kaya walang tumatagal na kasambahay dito," "Eeeh kayo po? Bakit nandito pa kayo ngayon?" "Simula kasi na namatay ang magulang nila sa aksidente ay ako na ang tumayong ina-inahan nilang dalawa," "Aaah ganun po pala. So meaning po may pinanghuhugutan ang kagaspangan ng ugali ni Lucio?" "Hindi naman siya ganyan dati mabait na bata yan si Lucio pero bigla nalang siyang nagbago dala nalang siguro ng stress sa trabaho," "Aaahh may hugot naman pala sa buhay si sungit. Last na Nay, may dinadala bang babae si Lucio dito?" "Meron! si Celine yung Ex niya," "Aaah pero ngayon Nay wala siyang dinadala na babae?" "Ikaw palang ang una. Simula noong naghiwalay sila ni Celine," "Ano pong pangalan niyo Nanay?" tanong ko sa kanya. "Pasing! Nanay Pasing ang itawag mo sa akin," "Sige po Nanay Pasing ako na po ang magluluto ng agahan at panuorin niyo nalang po ako," nakangiting sambit ko sa kanya. Pinaupo ko si Nanay Pasing sa upuan at hinayaan ko nalang siyang manuod sa lulutuin kong agahan. "Madami-dami din akong recipe na natutunan kakanuod ko ng youtube kaya siguro panahon na para itry ko ito dito tutal madami naman silang pagkain." sambit ko sa sarili ko. Huminga ako ng malalim at hinanap ko ang gamit nila panluto. Natatawa si Nanay Pasing sa akin habang mukang tanga akong nag hahanap ng chopping board at kutsilyo. "Ang dami palang pasikot-sikot dito sa kusina na ito!" natatawa kong sambit sa kanya. "Bukod sa madaming pasikot-sikot iha madami ding cabinet!" natatawa niyang sambit sa akin. "Ganun na nga po." Kumuha ako ng itlog, carrot, onion, sausages at ham. Magluluto tayo ng Korean egg roll matagal ko na kasing gustong lutuin to kaya magluluto ako ngayon. Nag sangag ako ng kaning bahaw at nagluto ng bacon at hotdog. Gumawa din ako ng pang egg sandwich para ipabaon ko sa kanya sa opisina. Nag prepare ako ng pangbaon kay Lucio at pang snack ni Nanay Pasing. "Nako sana kainin niya yang ipapabaon mo kasi hindi yan kumakain ng ganyan," sambit ni Nanay Pasing. "Nako Nay! Akong bahala," nakangisi kong sambit sa kanya. "Mahilig sa kape si Lucio. Mag pakulo ka ng tubig," "Sige po." Lumipas ang ilang minuto na pag peprepare ng pagkain ay umupo na ako sa upuan para mag almusal. Kumain na akong hindi ginigising si Lucio at naligo na ako para pumasok sa school. Ito ang mahirap ngayon sa akin kasi nasanay akong ipaghanda ng makakain si Dimple at ayusin ang mga gamit para sa pag pasok sa school. "Nako. wala pala yung uniform ko dito." sambit ko sa sarili ko. Binuksan ko ang cabinet ko at nakita ko doon ang nag gagandahang damit na branded. Sa bandang gilid ay nakita ko ang nursing uniform ko kaya sinuot ko ito. Lumabas ako sa kwarto ko at sa paglabas ko ay nakasara pa ang kwarto ni Lucio kaya umalis na ako para pumunta sa school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD