EPISODE 9

1502 Words
Maliwanag pa ng nakauwi ako sa bahay nila Tiya Marites. Nakangiti akong pumasok sa loob ng bahay nila sapagkat may oras pa ako para magluto ng hapunan at makapag linis ng bahay nila. Nakita ko si Tiya na nakatayo sa dulo ng hagdan nakapamaywang at nanlilisik ang mga mata lumapit ako sa kanya upang mag mano ngunit sa hindi ko inaasahan ay bigla niya akong sinampal ng pagkalakas-lakas. Napahawak ako bigla sa pisnge ko sabay tanong sa kanya. "Tiya bakit po?" maluha-luhang sambit ko. "Bakit? Tatanungin mo ako ng bakit?" sigaw niya sa akin. "Ano pong nagawa kong masama Tiya?" "Tingnan mo ginawa mo! Tingnan mo!" galit na sambit niya sabay tawag kay Ella. Bumaba si Ella sa hagdan at nakita ko ang namumula niyang pisnge. Hipo-hipo niya ito habang umiiyak. "Anong nangyari sayo Ella?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Tingnan mo ginawa mo Gianna sa mukha ng pinsan mo? Akala mo hindi ko malalaman na binully mo siya sa school niyo kanina kasama ang mga kaibigan mo? Napaka walang sama mong tao! Pagkatapos kitang patirahin sa pamamahay ko ganyan pa gagawin mo sa anak ko?" galit na galit niyang sambir sa akin. "Wala po akong ginagawang masama kay Ella, Tiya. Sa katunayan nga po yung anak nyo pa ang nangbugbog sa akin sa CR sa school namin!" sigaw ko sa kanya. "Aba! Lumalaban ka pa!" Hinila ni Tiya Marites ang buhok ko at inginudngod ako sa tabing dingding namin. Sobrang lakas ng impact kaya pumutok ang bibig ko. Hindi pa natuwa si Tiya na nginudngod ako kaya hinila nya ulit ang buhok ko at pinag sasabunot ako. Pinilit kong mag depensa sa kanya ngunit tinutulungan ni Ella ang Tiya. "Tiya. Tama na po! Parang awa niyo na po Tiya! Hindi na po mauulit," nag mamakaawang sambit ko sa kanya. Ngunit tila walang naririnig si Tiya sa daing ko at patuloy parin sa pambubugbog sa akin. "Nagmamakaawa po ako sa inyo Tiya. Tama na po!" "Hindi ako titigil hanggang hindi ka nag tatanda! Wala ka na ngang silbeng palamunin ka! Bastos ka pa! Kapal naman ng apog mo!" habang patuloy ang sabunot at sampal niya sa akin. Wala na akong nagawa pa. Nakahiga na ako sa sahig at nakapatong na si Tiya sa akin. Wala na! Wala na akong lakas para mag depensa sa napakalakas niyang sampal sa akin. Puno na ako ng kalmot sa braso at pulado na ang pisnge ko sa dami ng sampal na natamo ko. Habang patuloy ang gulo sa loob ng tahanan nila Tiya ay biglang dumating ang asawa niya na umawat sa kanya. Galit na galit ito na inialis sa akin si Tiya. "Hoy Marites! Anong ginagawa mo sa pamangkin mo?" galit na tanong niya sa akin. "Sinaktan niya ang anak mo Bernard! Bakit parang kumakampi ka pa sa kanya?" galit na tanong ni Tiya sa kanya. "Anong ginawa niya kay Ella?" "Pinagsasampal niya si Ella sa school kasama ang mga barkada niya!" Lumingon sa akin ng masama yung asawa ni Tiya at binuhat ako sabay biglang sinapak ako ng mag asawang suntok sa tiyan ko. Nagulat ang lahat ng bigla akong nagsuka ng dugo at nawalang ng malay. Lumipas ang isang araw na wala akong malay. Hindi ako nakapasok ng iskwelahan dahil sa hapon na ako na nagising. Masakit ang katawan ko ng gumising ako pagkagising ko ay nakita kong nakatingin sa akin si Tiya Marites. Tumayo ako agad sa upuan na pinagtulugan ko at Lumayo kay Tiya. "Tiya tama na po," pang mamakaawa ko sa kanya. "Handa na ang tanghalian. Kumain kana meron ng nalutong ulam diyan sa la mesa. Pagkatapos maligo kana at gamutin yang sugat mo sa mukha," sambit nito sabay alis. Pumasok ako agad sa loob ng kasilyas upang tingnan ang mga natamo kong sugat kahapon. Pagkatingin na pagkatingin ko ay nakita ko ang labi ko na may sugat at mga pasa sa pisnge ko. May sugat din ang ulo gawa siguro nung bigla akong nahimatay ay nauntog ako o habang pinagsasampal ako ni Tiya ay nauuntog ako. Sinilip ko din ang katawan ko at nakita ko ang isang malaking pasa sa hita at braso ko. Ito na ang pinaka worst na nangyari sa buhay ko! Lumabas ako sa kasilyas at tumungo na ako sa kusina para kumain ng tanghalian. Umalis si Tiya ng mga oras na ito at hindi ko alam kung saan siya tumungo. Habang kumakain ako ay hindi maalis sa isip ko kung anong nangyari kahapon sa akin. "May araw ka din sa akin Ella!" sambit ko sa sarili ko. Wala akong kapangyarihan ngayon pero kapag nakapagtapos ako ng pag aaral ko at yumaman ako sisiguraduhin kong magbabayad kayong pamilya sa ginawa niyo sa akin. Tambak na hugasan at maduming bahay ang iniwan nila sa akin ngayon araw. Hindi ako nakapasok ng iskwelahan dahil sa nangyari at ngayon ay ako pa rin ang kumikilos sa bahay nila. Naglinis, Naglaba, Naghugas at Nagluto na ako ng hapunan namin. Anong oras na pero wala pa rin silang mag anak. Pagkatapos kong magtrabaho sa loob ng bahay ay naligo na ako. Paglabas ko ng kasilyas ay nakita kong nakatayo sa tabi ng kasilyas yung asawa ni Tiya. Lumapit ito sa akin at bigla akong niyakap ng mahigpit. "Patawad Gianna kung nasaktan kita kagabi. Hindi ko naman sinasadya yun," malumanay niyang sambit. Itinanggal ko ang pagkayakap niya sa akin. "Hayaan niyo na po yun. Walang may gusto ng nangyari. Sige po alis na muna ako at magbibihis ako." Umalis na ako at umakyat sa kwarto ni Ella para magbihis. Pag akyat ko ay agad kong nilock ang pinto at nagbihis muli ako na may nakatapis na twalya sa katawan ko. Hindi muli akong bumaba pa ng mga oras na ito sapagkat tapos naman na akong magluto ng hapunan at alam ko naman na sila muna ang kakain bago ako. Kinuha ko ang panggamot na nakahanda sa la mesa ni Ella at sinimulan kong gamutin ang sarili ko. Nakatingin ako sa salamin habang ginagamot ko ang sarili ko hindi ko mapigilan ang hindi umiyak dahil sa dinadanas ko ngayon sa kamay nila Tiya. "Inay! Itay! Miss na miss ko na po kayo!" sambit ko habang umiiyak. Wala ng mapaglagyan ang kalungkutan ko ngayon. Nararamdaman ko na malapit na ang wakas! Malapit na. Pagkatapos kong gamutin ang sarili ko ay kinuha ko ang libro na binabasa ko. Pagbuklat ko dito ay biglang may nalaglag na kapiraso ng papel. "Kung kailangan mo ng matutuluyan bukas ang tahanan ko para sayo. Ito ang address ko dito sa maynila 123 Juan Luna St. Osmeña Rd. Manila" -Dimple Napangiti ako habang patulo na naman ang luha sa mata ko ng binabasa ko ang sulat ni Dimple sa akin. Hindi man kami magkakilala ng lubusan ngunit hindi pa siya ang bukal ang loob na tumulong sa akin sa panahon ng kagipitan. Nagbasa na ako ng libro ko habang inaantay kong dumating sila Tiya at Ella. Malapit ko ng maubos ang pahina ng libro na binabasa ko at kakailanganin ko na ng bagong libro para sa pag aaral ko. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ko ang sobreng may laman ng pera. Binilang ko ito at meron pa akong kakaunting pera pangbili ng aking bagong libro. Habang binibilang ko ito ay biglang pumasok sa kwarto si Ella agad kong tinago yung pera na hawak ko. Nakatingin ng masama sa akin si Ella habang binabalibag ang kanyang mga gamit sa kama. Pagkatapos niyang ibalibag ang mga dala niyang gamit ay agad siyang bumaba sa baba. Lumipas ang oras ay pumanik sa taas si Tiya para sabihing sa sala na ako matutulog at ibaba ko daw lahat ng gamit ko sa kwarto ni Ella. Agad kong sinunod ang pinag uutos sa akin ni Tiya at kinuha ko paunti-unti ang gamit ko pababa. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko sa sala ay tumungo na silang mag anak sa kusina para mag hapunan. Naiwan akong mag isa sa sala sapagkat ay pinagbabawalan akong sumabay sa kanila sa pag kain. Itinuloy ko nalang ang pagbabasa ko habang inaantay ko silang matapos na kumain at pagkatapos ay kakain na din ako at maglilinis ng kanilang pinag kainan. Unti-unti na silang umaakyat sa kanya-kanya nilang kwarto at ako na lang ang naiwan sa baba. Kumain na ako agad at naghugas ng mga pinggan habang nag huhugas ako ng pinggan ay may naramdaman ako sa likod ko. Gumagapang ang kamay ni Tiyo sa balikat ko papunta sa kamay ko. Agad akong humarap sa kanya at umiwas! Nangingilabot ang buong kaluluwa ko sa ginagawa niya sa akin! Hindi ko alam kung ano ba dapat na reaksyon ko kung magugulat ba ako o magagalit. Nagulat ako! Hindi ako pwedeng magalit sapagkat sariwa pa ang mga sugat sa mukha ko at baka madagdagan pa ito. Naghugas ako ng kamay ko at Iniwan kong nakatiwangwang ang mga hugasin sa lababo. Lumabas muna ako ng bahay para maiwas ang tingin sa akin ng asawa ni Tiya. Lumipas ang ilang minuto ay pumasok muli ako sa loob ng bahay at nakita kong wala ng mga tao sa baba. "Nasa taas na siguro siya." kinakabahang sambit ko. Agad kong pinuntahan ang mga nakatiwangwang na hugasin sa lababo at agad kong tinapos ito. Pagkatapos kong maghugas ay naglatag na ako nag higaan ko sa sala para matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD