EPISODE 10

1714 Words
Nasa kasarapan na ako ng tulog ko ng may bigla akong naramdaman na humawak sa hita ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko ang asawa ni Tiya na nakaupo sa tabi ko habang dinadahan ng akyat ng kamay sa hita ko. Napabalikwas ako bigla sa kinahihigaan ko ng bigla niya akong hinipuan sa maselang parte ng aking katawan. "Wag po! Parang awa niyo na po wag nyo pong ituloy yung ginagawa niyo," pangmamakaawa ko sa asawa ni Tiya Marites. "Ssshhh... Wag kang maingay baka magising ang Tiya mo. Sige ka mabugbog ka na naman nun," mahinang sambit niya sa akin. Itinaklob ko ang kumot sa katawan ko at pinilit kong iiwas ang katawan ko sa kanya ngunit naging mapusok siya sa akin at bigla akong pinaghahalikan sa aking labi. "Parang awa niyo na po! Wag po! Pakiusap!" Patuloy na umaagos ang luha sa mga mata ko wala akong magawa kung hindi ang umiiyak dahil sa takot na mabugbog na naman ako ng Tiya at ang mas malala ay mapalayas ako sa kanilang tahanan. Ipinikit ko ang aking mata habang pinipilit niyang ipasok ang kanyang dila sa aking bibig at sa aking pag pikit ay naalala ko ang Itay kong matapang na pinagtatanggol ako sa mga gumagawa ng masama sa akin. Iminulat ko ang aking mata at sa pagmulat ko ay nakita ko siyang nakatitig sa akin habang hinahalikan ako. Lumingon ako sa gilid ko at nakakita ako ng isang kahoy doon agad ko itong tinampot at inihampas ko sa ulo ng asawa ni Tiya habang papalayo sa kanya. Biglang nahimatay ang asawa ni Tiya dahil sa lakas ng paghampas ko sa kanya. Hinila ko ang kanyang katawan sa bandang kusina at kumuha ako ng isang basong babasagin at nilagyan ko ito ng tubig. Itinago ko ang kahoy na ginamit kong pangpalo sa ulo ni Tiyo at inihagis ko ang baso na may tubig sa tabi ni Tiyo. Sumigaw ako ng pagkalakas-lakas para magising si Tiya. "Tiya! Tiya Marites!" sigaw ko ng malakas. Muntikan ng malaglag si Tiya sa pagmamadaling bumaba dahil sa ingay na ginawa ko. "Tiya! ang asawa niyo po bigla nalang nahimatay!" sambit ko sa kanya. "Anong nangyari dito!" kinakabahang sambit niya sa akin. "May narinig po kasi akong ingay dito sa kusina kaya agad akong tumakbo tapos po nakita ko si Tiyo na nakahiga na po diyan," paliwanag ko. "Ella! Ella! Anak dalian mo! Ang tatay mo!" sambit niya habang nag papanic. , "Tumawag ka ng ambulansya sa Gianna! Dalian mo!" Nagmadali akong umalis para humingi ng tulong sa labas. Hindi ko alam bakit nakangiti ako ng humihingi ako ng tulong. "Buti nga sayo!" sambit ko sa sarili ko. , "Pasalamat ka ganyan lang nangyari sayo!" nakangiti kong sambit. "Tulong! Tulong po!" sigaw ko sa labas ng bahay nila Tiya Marites. Bukas pa ang tindahan nila aling Martha ng mga oras na ito kaya agad akong tumakbo sa kanila upang humingi ng tulong. "Aling Martha!" sigaw ko. "Ooh anong nangyari?" tanong niya sa akin. "Tawag po kayo ng ambulansya nahimay po ang Tiyo," pakiusap ko sa kanya. Agad na kinuha ni Aling Martha ang telepono nila at tumawag siya ng ambulansya. Ilang minuto ang lumipas ay dumating na ang ambulansya. Naglabasan ang mga kapitbahay nila Tiya Marites upang makichismis sa ganapan sa bahay nila. Mabilis na umalis ang ambulansya kasama sina Tiya Marites at Ella. "Ako lang ang naiiwan sa bahay." nakangiti kong sambit. Pumasok na ako sa loob ng bahay nila Tiya. Agad kong nilock ang pinto at natulog na ako ng mahimbing. Ilang oras nalang ang itutulog ko ng mga oras na ito. Lumipas ang ilang oras at oras na para sa pagluluto ng agahan. Maaliwalas ang kapaligiran at tahimik. "Magandang Umaga!" sigaw ko. Tumungo na ako agad sa kusina para magluto ng agahan. Pakanta-kanta pa ako habang nag luluto ako hindi ko din mapigilan ang sumayaw dahil sa tuwa ko. Habang nagluluto ako ay biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Ella na masama ang mukha. "Malapit na maluto yung agahan." sambit ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin at agad siyang tumungo sa kwarto niya. Nagsandok na ako ng pagkain at kumuha na din ako ng plato para mag agahan. Habang kumakain ako ay bumaba na si Ella para maligo. Nag madali na akong kumain para hindi niya ako mabungangaan. Pagkatapos kong kumain ay tumungo na din ako sa kasilyas para maligo. Nasa taas na si Ella ng mga oras na iyon. Mas nauna akong umalis ng bahay kaysa kay Ella kasi pagkatapos kong maligo agad na akong nagbihis at umalis ng bahay pero siya hindi pa din umaalis. Maaga pa ng nakarating ako sa school. Nakaupo na din ako sa upuan namin ni Dimple ngunit wala pa siya. Palingon-lingon ako sa loob ng silid habang natanaw ko ang isang lalaki na nakaupo sa gilid ng silid. Malalim ang iniisip ito sabay biglang bugtong hininga. Lumapit ako sa kanya. "Kamusta? Alam mo ang mga problema hindi yan pinapatambay. Padaanin mo lang yung problema tapos magiging ok kana," ngiti ko sa kanya. "Huh?" naguguluhang tanong niya sa akin. "Sabi k-o," putol na sambit ko. "Alam ko! Wala akong problema! Napabugtong hininga lang ako." galit na sambit nito. Agad akong umalis sa pwesto niya at bumalik nalang pwesto ko para magbasa nalang ng libro ko. Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na si Dimple. Hinampas niya ang braso ko. "Awwww!" sigaw ko. "Mahina lang naman yun?" nagtataka niyang sambit sa akin. "Nandyan ka na pala Dimple! Akala ko wala ka," nakangiti kong sambit sa kanya. "Absent ka kahapon! Anong nangyari?" "Ano kasi. Nahilo ako kahapon kaya umabsent ako," "Bakit ka nahilo? Ano bang mga pinag gagawa mo?" "Wala naman. Tamang tambay lang ako tapos bigla nalang akong nahilo," "Aaahhh.. Ang galing mo talaga mag sinungaling Gianna," natatawa niyang sambit. "Huy! Di ako sinungaling aah," "Kitang-kita naman yung sugat sa labi mo girl! Jusko di ako bulag," Agad kong kinuha yung salamin sa bag ko at napansin kong may marka pa rin ng sugat sa bibig ko. "Aaahh ito ba? Nangudngod kasi ako sa lababo. Nadulas ganun!" "Weeh? Kahit sinasaktan ka ng Tiya mo?" Agad kong tinakpan ang bibig niya para wala ng lumabas na salita pa. "Sssshhh. Wag kang maingay gaga ka! Mamaya may kakilala pa sila dito tapos malaman nila na kinukwento ko sayo edi bugbog na naman ako sa bahay nito," "Ssshhh... Sorry hindi na ako mag iingay. Kamusta ka naman ngayon?" "I'm good!" nakangiting tugon ko. "Wow! I'm good! Anong nangyari bakit ang saya mo ngayon?" "Na-ospital kasi si Tiyo kaya wala sila sa bahay ngayon," "Aayy bad mo! Bakit masaya ka na naospital ang Tito mo?" "Sa susunod ko na ikwento yung nangyari kapag ok na ang lahat," "Sige!" Lumipas ang ilang oras uwian na namin. Dahil sa wala naman akong iisiping tao sa loob ng bahay ay ako naman ang nag pasama kay Dimple bumili ng libro. "Samahan mo ko bumili ng libro ko," sambit ko sa kanya. Sinilip ko ang pitaka ko ngunit wala pala akong dalang pera. "Ayyy... wag na pala muna ako bibili ng libro," natatawang sambit ko. "Bakit? Sayang ooh walang tao sa bahay niyo ngayon makakagala pa tayo ng kaunti," sambit niya sa akin. "Nakalimutan ko ang pera ko. Nagmadali kasi akong umalis sa bahay kanina," "Ok lang yan. Ako na muna magbayad ng libro mo tapos bayaran mo nalang bukas," "Talaga ba? Sige bayaran ko bukas. Pangako!" Bumalik kami sa mall na pinuntahan namin kahapon at sa hindi ko inaasahan ay makikita ko si Ella sa department store na namimili ng mga gamit niya. "Nasa ospital na ang tatay niya nagawa pa niyang mamili ng mga gamit niya?" sambit ko sa sarili ko. Tumungo na kami sa bookstore at bumili na kami ng libro ko na babasahin. "May utang ako sayo na limang daan at mga pagkain," nakangiti kong sambit kay Dimple. "Maliit na bagay! Kahit wag mo na bayaran yung mga pagkain basta dito ka lang sa tabi ko," sambit niya sa akin. "Oo ba! Teka? Bakit hindi ka magjowa para naman may kasama ka sa bahay mo?" tanong ko sa kanya. "Mag jowa? Sakit lang sa ulo yan!" "Tama ka diyan! Sakit na sa ulo panira pa ng pangarap," "Humuhugot ka girl?" natatawang sambit niya sa akin. "Hindi naman masyado," sambit ko. , "Ooh siya! Ilista mo nalang yung mga utang ko at babayaran kita bukas," "Bahala ka." Naghiwalay na kami ni Dimple ng daan at umuwi na ako. Pagdating ko sa bahay ay nakita kong nakaupo si Tiya sa upuan. Lumapit ako sa kanya para mag mano at himala! Hindi siya nagbunganga at nanakit ngayon. Ang nakakagulat pa dito ay kinamusta niya ako. "Kamusta ang pag aaral Gianna?" tanong niya sa akin. "Ok naman po Tiya," "Ganun ba? Mag aral kang mabuti dahil yan ang susi para maiangat mo sa kahirapan ang mga magulang mo," "Opo Tiya. Maraming salamat po," "Sige na magluto ka na hapunan natin," sambit niya. "Sige po. Aaahh Tiya? Asan po ang Tiyo?" tanong ko sa kanya. "Nasa taas siya nagpapahinga," "Aaah ganun po ba." Hindi na ako nagtanong muli kay Tiya at agad na akong humarap sa lutuan para magluto. Habang busy akong nag gagayat ng mga lahok sa niluluto ko ay dumating na si Ella na may dala-dalang maraming supot ng pinamili niya. "Mukang nag shopping pa talaga to," sambit ko sa sarili ko. Lumapit sa akin si Ella abot-abot ang isang lipstick na binili niya sa mall. "Ooh! Para sayo! Para naman maging mukha kang tao," nakangiting sambit niya sa akin. Napangiti ako sa kanya at inabot ang lipstick na binigay niya. "Salamat!" Umalis na siya at umakyat sa itaas. Biglang nagbago ang ugali ng mga tao dito sa akin naging mabait sila sa akin. "Ano kayang meron?" nagtataka kong sambit. Pagkatapos kong magluto ay tinawag ko na sila upang kumain. Pumunta muna ako sa sala upang magbasa ng libro na bili ko hindi na ako pinapasabay kumain sa kanila simula noong dumating ako ngunit biglang nag iba ang ihip ng hangin. Mula sa kusina ay tinawag ako ni Tiya upang samahan silang kumain sa hapag kainan. Nakangiti silang lahat sa akin at naging maalaga sila sa akin dahil ultimo pagkain ko ay sinasandukan nila ako. "Salamat po!" nakangiting sambit ko sa kanila. Pagkatapos naming kumain ay pinaupo na ako ni Tiya sa harap ng telebisyon para magpahinga at manuod na lamang daw ako ng palabas. Magpahinga na daw muna ako dahil pagod daw ako sa school. Si Ella ang pinaghugas nila ng pinggan at si Tiya naman ang nagligpit sa la mesa. Masaya ang gabi kong ito dahil sa nangyari ay napalagay muli ang loob ko sa kanila. Pagkatapos nilang maglinis ng bahay ay umakyat na sila sa kanya-kanya nilang kwarto para mag pahinga kaya ang ginawa ko ay nag pahinga na din ako para sa kinabukasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD