EPISODE 8

1894 Words
Lumipas ang isang buwan na ganto ang set up ko. Hindi ako natutulog sa gabi na hindi ako pagod na pagod sa pag tatrabaho sa loob ng bahay nila Tiya. Maaga palang at nag gayak na ako papunta sa school. Hindi na ako nakakakain ng agahan dahil nagagalit si Tiya sa akin. Pumasok ako sa iskwelahan na walang laman ang aking tiyan. Pagdating ko sa iskwelahan ko ay pinipilit kong baguhin ang itsura ko kahit na ramdam na ramdam ko na ang gutom. Unang araw ko ito bilang isang kolehiyala. Pumasok na ako sa loob ng silid upang maghanap ng mauupuan. Sa bandang dulo ay nakita kong nakaupo si Dimple at agad ko siyang nilapitan. "Ui! Dimple," bati ko sa kanya sabay ngiti. "Ui! Gianna! Kamusta ka?" tanong nito sa akin. "May nakaupo ba diyan sa tabi mo?" "Wala. Upo ka dito sa tabi ko," "Ayun! Salamat!" Umupo ako sa tabi ni Dimple at nagsimulang magbasa muli ng dala-dala kong libro. "Mahilig ka palang mag basa?" tanong niya sa akin. "Hindi naman. Wala kasi akong gagawin pa kaya nagbabasa nalang ako," sambit ko sa kanya. "Buti ka pa maraming oras sa pagbabasa. Ako halos wala na akong oras para mag aral dahil after ng klase natin sa trabaho na ako didiretso," malungkot na sambit sa akin ni Dimple. "Bakit anong trabaho mo?" "Entertainer ako," mahinang sambit ni Dimple. "Sa bar? Ito ba yung gumigiling pababa at pataas?" mahinang sambit ko kay Dimple. "Gagi!" natatawa niyang sambit sa akin. , "Hindi ito yung mga babaeng sumasayaw sa bar yung trabaho ko entertainer sa KTV pero parang waitress lang din ito," paliwanag niya sa akin. "Aah akala ko yung gumigiling pababa at pataas," "Mas shala naman yung trabaho namin sa kanila. Naka dress kami dito," sambit niya. "Aaahh... Anong ginagawa mo dun?" tanong ko sa kanya. "Sumasama lang kami sa loob ng room ng client. Taga assist kami kung anong oorderin nila tapos kung need nila ng ka-jamming ganun lang. Hindi kami nag papatake out doon. I mean walang s*x," sambit niya. "Aaah... Edi maganda kung ganun," nakangiti kong sambit. "Ilang taon ka na Gianna?" "20 years old na ako. Late na masyado para sa 1st year," nakangiti kong sambit. "Jusko late ka na niyan? Yung iba nga dito may asawa at anak na ngayon lang nakapag aral. Maswerte pa rin tayo," "Sabagay," "May oras pa ako para mag gala mamaya. Gusto mo sumama sa akin?" tanong sakin ni Dimple. "Nako. Iniisip ko palang yung gala naaalala ko na agad si Tiya Marites. Mamaya magalit sa akin yun kapag gumala pa ako," malungkot sambit sa kanya. "Hayyyy... Puro ka nalang Tiya-tiya-tiya wala ka ng oras para sa sarili mo. Kailan ka pa nandito sa maynila?" inis na sambit niya sa akin. "Siguro mag dadalawang buwan na ako dito," sambit ko sa kanya. "Tapos hindi ka pa nakakagala ng maynila? Nako girl ang daming pwedeng galaan dito," "Madami nga kasing dami ng trabaho ko pag uwi. Maglalaba pa ako pag uwi, mag lilinis , mamamalengke , at magluluto," "Grabe ang dami mo naman gagawin? Bale nag tatrabaho ka sa Tiya mo at sa pamilya niya? tapos ang bayad pag aaralin ka niya? Ganun ba?" tanong niya sa akin. "Hindi. Nagtatrabaho ako para sa pagtuloy ko sa kanila. Sanay naman ako sa trabaho dun nga sa probinsya nag sasaka pa kami. Mas madali na tong trabaho ko," nakangiting sambit ko sa kanya. "Solo mo lang trabaho?" tanong niya muli. Matagal akong nakasagot sa tanong niyang iyan kasi kapag sinagot ko agad ito ang lalabas ay sobrang pinapahirapan ako ng Tiya ko kahit yun naman talaga ang nangyayari ngayon. "Aaah ano. Hindi. Nagtutulungan kami sa trabaho," "I smell something. Hmmm... Hayaan mo na nga ayoko ng ungkatin ang buhay mo," "Hayaan mo na yun." Itinuon niya yung atensyon niya sa pagcecellphone at ako naman ay nagbasa nalang ulit. Lumipas ang ilang oras ay vacant time na namin. Hinila ako ni Dimple papunta ng canteen at umorder siya ng dalawang tanghalian. "Ang takaw mo naman," natatawa kong sambit sa kanya. "Gaga! Sayo yung isa. Alam kong gutom na gutom kana," sambit niya sa akin. "Hala! Hindi! Busog pa ako," pantatangi ko sa kanya sabay tunog ng tiyan ko. "See?" natatawa niyang sambit. , "Don't worry treat ko na to!" nakangisi niyang sambit sa akin. "Thank you Dimple. Paano ako babawi sayo ngayon?" tanong ko sa kanya. "Hmmm.. Sa susunod na kita sisingilin kapag ok kana," "Thank you!" maluha-luhang sambit ko. "Huy! Wag kang iiyak dito! mamaya akala nila kinurot kita," sambit niya sa akin habang pinapatahan ako. "Ito kasi ang unang beses ko na nakatanggap ako ng libre na pagkain na bukal sa kalooban. Doon kasi..." Naputol ang pagsasalita ko ng biglang natanaw ko sa kabilang direksyon si Ella. "Doon kasi?" tanong ni Dimple sa akin. "Si Ella yung pinsan ko nandyan lang sa tabi-tabi mamaya ma misunderstand na naman nila ako," bulong na sambit ko. "Aaah sige-sige." sambit niya sa akin. Kinuha na ni Dimple yung order naming pagkain at kumain na kami sa dulong pwesto ng la mesa. Habang kumakain ako ay biglang may sumagi sa likod ko. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Ella na hawak-hawak ang pagkain niya na tumilapon sa damit ko. "Ui! Sorry Gianna ikaw pala yan? Akala ko kasi basurahan yung natapunan ko ng pagkain," pang aasar nito sa akin. Tumayo ako agad sa kinauupuan ko at pumunta sa kasilyas upang tanggalin ang mantsa ng ulam sa likod ko. Uminit na naman ang mga mata ko at hindi ko na naman napigil ang sarili ko na maluha. "Pati ba naman dito Ella babastusin mo ako?" lumuluha kong sambit. Tinanggal ko yung uniporme ko at nilabhan ko sa sink yung blouse ko. Unting tubig lang ang nilagay ko dito para hindi halatang basa pero hanggang sa loob ng CR sinundan ako ni Ella kasama ang mga kaibigan niya. Itinulak ako ni Ella sa loob ng cubicle habang pinag sasampal. "Tama na Ella! Ano bang ginagawa ko sayo bakit ginaganto mo ako?" umiiyak kong tanong sa kanya. "Wala naman! Naiinis lang ako pag nakikita ko yang pag mumukha mo! Nakakasira ng araw!" galit na sambit niya sa akin. "Hindi ko naman alam na magkasama din tayo sa school! Kung makita mo ako wag mo nalang akong pansinin," "Sa tingin mo susundin ko sinasabi mo? Mas natutuwa na nga ako ngayon kasi nakikita kitang ganyan," natatawa nitong sambit sa akin. Humahagulgol na ako sa iyak dahil sa ginawa ni Ella sa akin. Pinagsasampal niya ako sa pisnge ko hanggang mamula ito. Wala akong kalaban-laban at binukas ko lang ang depensa ko. Alam ko kapag lumaban ako, ako pa rin ang talo sa aming dalawa. "May teacher!" sigaw ng kaibigan ni Ella mula sa labas. Agad na nag ayos ng sarili si Ella habang pinandidilatan akong ayusin din ang sarili ko. Agad akong pinatahan ni Ella sa pagkakaiyak at inayos ang damit ko. Inilabas niya ang blush on niya at itinulak ako banda sa malaking salamin sa Cr ng mga babae. "Ayan ang ganda-ganda mo na Gianna," nakangiti niyang sambit. Hindi ako sumagot sa sinasabi niya. Napaka galing niyang umarte! "Anong meron dito?" sambit ng isang guro habang nakakunot ang noo nito. "Wala naman po Ma'am, pinapaganda ko lang po yung pinsan ko," nakangiting sambit ni Ella sa guro. "Aaah akala ko may nag aaway na naman dito sa CR eeh," sambit ng guro sa amin. "Nako Ma'am! Mababait kami dito," nakangiting sambit ni Ella. Pumasok na yung teacher sa loob ng cubicle at naiwan na kami ni Ella sa labas. "Salamat Gianna! Mamaya ulit pag uwi natin," nakangiting sambit ni Ella sa akin. Hindi ako sumagot sa kanya at nagmadali nalang akong umalis sa loob ng CR. Pagdating ko sa pwesto namin ni Dimple ay nakita ko siyang malungkot. "Bakit ang lungkot mo?" tanong ko sa kanya. "Ang tagal mo kasi! Ano bang ginawa mo sa CR?" inis na sambit niya sa akin. "Nilabhan ko yung damit ko kasi diba natuluan ng pagkain nung pinsan ko?" paliwanag ko sa kanya. Matalim na nakatitig sa akin si Dimple. "Anong nangyari sa loob ng CR?" tanong niya sa akin. "Wala naman nag laba lang ako ng damit ko," "Bakit ang pula ng pisnge mo?" "Nag blush on ako," "Pahiram nga ako ng makapag blush on din ako," nakangiting sambit nito sa akin. "Tinapon ko na kasi naubos ko na," sambit ko. "Sus! Ang damot mo naman!" "Sa susunod nalang kita pahiramin ng blush on kapag nakabili na ako aah," nakangiting sambit ko sa kanya. "Nahuli na naman kita Gianna, Kahit hindi mo sabihin sa akin alam kong may nangyari sa loob ng CR. Nakita ko si Ella na lumabas mula sa pinanggalingan mo kasama yung mga kaklase niya," seryosong sambit sa akin ni Dimple. "Wala akong magawa Dimple, Hindi ako pwedeng lumaban dahil alam kong ako ang talo dito! Masyado akong dehado sa lagay ko," malungkot na sambit ko sa kanya. "Hayyyy! Kung ganyan lang ang nangyayari sayo gusto mo sa akin kana tumira?" "Nako! Wag na! Kaya ko pa naman ang buhay ko sa kanila. Lalapit nalang ako sayo kapag mamamatay na ako," biro ko sa kanya. "Masamang biro yan girl! Hindi nakakatuwa! Kahit na bago palang tayong dalawa sobrang napalagay na yung loob ko sayo. Alam kong mabuti kang tao at mga kagaya mo ang dapat na kinikeep," "Salamat Dimple! Kahit na hindi pa tayo talagang magkakilala naniniwala ka sakin at hindi mo ako minata kung anong meron ako," "Pareho ng sitwasyon ngunit magkaiba ng kinagisnan. Open lang ang bahay ko para sayo," Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sa nag uumapaw ang tuwa sa puso ko sa mga oras na ito. Sa wakas, meron na din akong madadantayan sa panahon ng kalungkutan ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumabi ako kay Dimple. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil-pisil ito. "Ang clingy naman masyado?" pang aasar niya sa akin. "Masyado lang akong na overwhelmed sa sinabi mo," nakangiti kong sambit sa kanya. Pagkatapos ng vacant time namin ay umakyat na kaming dalawa para sa susunod na klase. Ilang minuto kaming naghintay ng susunod na teacher pero wala ito kaya napilitan na akong sumama kay Dimple mag mall. "Ayos! Walang teacher sasamahan mo ko sa mall tutal ilang oras pa naman bago mag uwian," nakangiting sambit nito sa akin. "Sige na nga sasamahan na kita mag mall pagkatapos nito uuwi nalang ako agad. May bibilhin ka ba doon?" tanong ko sa kanya. "Bibili ako ng bago kong dress para sa work ko," sambit nito sa akin. "Aaah sige!" Umalis na agad kami sa silid namin para pumunta sa malapit na mall. Mabilis-bilis pa ang biyahe sa oras na ito kaya nakadating kami agad sa pupuntahan namin. Inaya ko agad siyang bumili ng damit niya para makauwi din ako agad sa bahay namin. "Tara na! Saan ba dito ang bilihan ng mga damit?" tanong ko sa kanya. "Masyado ka naman nagmamadali girl! kakadating pa lang natin dito," "Alam mo na! Mahirap ng malate ako sa pag uwi baka mayari pa ako," "Sige na nga bilisan na natin. Sa susunod ipapaalam kita sa Tiya mo para makagala tayo ng maayos aah?" "Pwede naman." Nag madali kaming naglakad papunta sa department store. Ang daming nag gagandahan damit dito ngunit nag mamahalan din ang presyo. Hanggang tingin na naman ako nito kaya ayokong pumupunta ng mall. Nanliliit ako masyado sa sarili ko. Naghanap ng magandang damit si Dimple, Sinukat niya ito at agad na binili. "Tara libre kita ng starbucks para matikman mo," sambit ni Dimple sa akin. "Ano yun?" tanong ko sa kanya. "Ano yun, kape na malamig ganun lang," nakangising sambit niya sa akin. "Aaahh parang kapeng barako?" "Hindi!" natatawang sambit niya sa akin. , "Teka samahan mo ako sa loob ng makapili ka ng gusto mo. Gusto mo frappe nalang?" tanong niya sa akin. "Kung ano nalang sayo para hindi na ako mahirapan pa," Umorder na si Dimple ng inumin naming dalawa at saka umalis din kami agad para sumakay ng jeep pauwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD