EPISODE 28

1439 Words
Nasa kalagitnaan kami ng tawag ng laman ni Lucio ng mga oras na ito. Nawala na kami bigla sa sarili namin kaya napasarap kami sa paglalaban namin. Inihiga ni Lucio ang upuan ng kotse niya at dahan-dahan niya akong inilipat sa kanyang pwesto. Wala akong ginawa kung hindi magparaya sa kanya. Yung nangyayari sa aming ngayon ay kagustuhan namin dalawa. Habang niyayapos niya ako at hinahalikan sa leeg ko ay hindi niya namalayan na naitaas niya ang kanyang paa sa manubela.  Patuloy kami sa ginagawa namin ng biglang tumunog ang busina ng sasakyan na pagkalakas-lakas. Nagulat ako at si Lucio kaya bigla niya akong naihagis sa likod. "Aww!" sambit ko habang hipo-hipo ang ulo ko. Agad akong tinulungan ni Lucio na makaupo sa upuan at bigla naming inaayos ang mga sarili namin. "Sayang!" sambit ko bigla. Tumingin sa akin si Lucio habang punas-punas ang kanyang pawis. "Sayang yung ice cream hindi ko naubos," nakangiting sambit ko kay Lucio.  "Gusto mo bilhan kita ulit?" sambit niya sa akin sabay titig. Ngumiti ako sa kanya. "Ok na ako dun! Thank you sa ice cream." nakangiting sambit ko sa kanya. Nakatingin lang sa akin si Lucio ng ilang minuto hanggang sa binuksan na niya ang engine ng kotse niya at umalis na kami papunta sa opisina niya. Hindi mawala sa mukha ko ang kilig at ngiti dahil sa nangyari.  Habang papunta kami sa opisina niya ay napansin kong may nakakalat pang lipstick sa palibot ng labi niya. "Hindi mo napunasan yung labi mo Lucifer baka mahuli tayo," sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang labi niya. "Salamat." sambit niya sa akin sabagay ngiti. Pagkalipas ng ilang minuto ay natahak na din namin ang kanyang opisina. Pumunta kami sa parking area para mag park ng sasakyan. Pumasok kami sa elevator na dalawa papunta sa floor ng kanyang opisina. Medyo may katagal ang elevator na ito dahil madaming palapag ang building. Sa gilid ako nakapwesto at nasa kabilang gilid naman si Lucio. Pag open na pag open ng pinto ng elevator ay may nakita akong babaeng napaka ganda na pasakay sa elevator na bababaan namin. Damit palang niya pang mayaman na at ganda niya talaga para akong natitibo sa kagandahan niya.  Nagulat ako ng bigla akong hinawakan ni Lucio sa kamay ko. "Let's go Hon." sambit niya sa akin habang pinipisil-pisil ang kamay ko. Lumabas kami ng elevator na magkahawak ng kamay sabay pasok ng babae sa loob nito. Nakatingin lang yung babae sa amin ni walang ekspesyon ang mukha nito. Pumasok kami ni Lucio sa opisina niya na magkahawak ang kamay. Pag pasok namin sa loob ay nakita ko naman ang isang babae na nakaupo sa upuan ni Lucio. "Nandyan ka na pala Lucio!" sigaw nito. Hawak pa rin ni Lucio ang mga kamay ko ng mga oras na ito kaya hindi na namin naitago pa sa kanya. "Aha! Girlfriend mo?" tanong nito kay Lucio. Hindi siya pinansin ni Lucio at pinaupo ako sa couch. Lumapit sa akin yung babae. "Huy! Naaalala kita. Ikaw yung babae nung isang araw!" nakangiting sambit niya sa akin. Napatitig ako sa kanya sabay ngiti pabalik. "Hi Ma'am!" nakangiting sambit ko. "So anong meron sa inyo ni Lucifer?" tanong niya sa akin. "Lucifer din tawag nyo sa kanya?" bulong ko sa kanya. "Oo! Tingnan mo naman yang lalaki na yan may sungay na nakatago sa gwapong mukha niyan!" sigaw niyo kay Lucio. "Anong meron sa inyong dalawa?" ulit nito sa amin. , "Lucio?"  "Asawa ko si Gianna," sambit ni Lucio sa kanya. Nanlaki ang mata niya sa narinig niya kay Lucio. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. "Talaga?" sambit niya habang nakangiti. Niyakap niya ako ng mahigpit at binati. "Congrats! Congrats sa inyong dalawa!" nakangiting sambit niya sa amin. , "Kaso? Paano nangyari yun?" nagtatakang tanong niya sa amin," "Mind your own business Emily! Stop intriguing Gianna. Mamaya matakot sayo yan!" inis na sambit ni Lucio. "By the way Emily pala and your Gianna right? Lucio siya pa naman bet ko maging secretary mo kaso inasawa mo na pala so paano na si Ce- niyan?" nahihiyang sambit niya. "She already know Celine right Hon?" sambit niya sabay ngiti sa akin. "Did you saw Celine earlier? Pumunta kasi siya dito at hinahanap ka," tanong niya kay Lucio. "So? Si Celine pala yung babae na nakasalubong namin sa elevator kanina?" sambit ko sa sarili ko. "Yes! Nakita namin siya kanina noong palabas kami ng elevator ay sakto namang papasok siya," nakangiting sambit ko. "Hmmm... Anyway! Mag celebrate naman tayo Sir?" sambit niya kay Lucio. "No!" "Ma'am Gianna, I-celebrate natin yung kasal niyo?" nakangiting sambit niya sa akin. "Gianna nalang," nakangiting sambit ko. , "Si Lucio ang mag de-decide kung anong gusto niya," "Emily pwede bang lumabas ka muna? May pag uusapan lang kami ni Gianna," seryosong sambit ni Lucio kay Emily. "Ok!" Agad na lumabas si Emily sa loob ng opisina ni Lucio at naiwan kaming dalawa. "Ready ka na bang mag pakilala na asawa ko?" tanong niya sa akin. "Ok lang naman," "Kapag tinanong kung saan tayo nagkakilala? Anong sasabihin mo?" "Edi sa KTV bar! Sabihin ko doon ako nag wo-work tapos nilandi mo ako at inalukan ng kasal tapos nilasing mo ako dahil sa plano mong pabalikin si Celine sayo," "So gusto mong ibulgar natin agad yung sikreto natin?" inis na sambit niya sa akin. "I'm just being me. Anong gusto mong sabihin ko? Eeh yung naman ang totoo?" "Stupid! Syempre mag papanggap tayo! Wala ka bang utak Gianna?" galit na sambit niya sa akin. "Hindi ako sinungaling na tao Lucio! Hindi ko kayang mag panggap sa maraming tao!" "Ooh! Nung nakaraan tinanggap mo yung offer ko sayo tapos ngayon mag baback out ka? Just go with the flow Gia! Nakikiusap ako sayo!" sambit niya sa akin. , "Kapag tinanong ka kung saan tayo nagkakilala sabihin mo sa isang restaurant! You we're alone that night kaya nilapitan kita to eat together and then naging acquaintance tayo and nag kainlaban sa short period of time! Yan ang sasabihin mo," "Fine!" "Tapos kailan tayo kinasal?" "Hindi ko alam," "November 10!" inis niyang sambit sa akin "Tapos?" "Anong tapos?" "Tapos na." sambit ko sa kanya sabay ngiti.  Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "Umayos ka ng sagot mo kung ayaw mong laplapin kita!" inis niyang sambit sa akin. "Ooh? Anong akala mo sa akin takot sayo? No!" galit kong sambit sa kanya. Lumapit muli sa akin ni Lucio. Sobrang lapit yung tipong pagbuka ng bibig ko ay lalapat na ito sa labi niya. "Sige aayusin ko na! Layo!" sambit ko sa kanya sabay tulak sa kanya papalayo. "Ok! We will holding a gathering for VIP so make sure na maayos ang pag sagot mo sa kanila," seryosong sambit niya sa akin. "Ok!" "Emily!" sigaw ni Lucio. Mabilis na pumasok si Emily sa loob ng opisina ni Lucio. "Yes?" tanong niya. "Ahmmm... Kontakin mo ang mga VIP's natin para sa isang salo-salo. Hanapan mo kami ng magandang location para sa revelation ng kasal namin ni Gianna. Ingatan niyo na wala dapat na media sa location para walang issue na mangyayari," "Ok copy! Kailan ang gathering?" "Next week na agad para matapos na!" "Ok!" lumapit ako kay Lucio para sabihin na finals na namin next week at may presentation kaming gagawin. "Finals namin next week," bulong ko sa kanya. "Gabi naman mostly ang gathering kaya wala kang poproblemahin,"  "Ok," Habang nasa kalagitnaan sila ng pag uusap nila ni Emily ay bigla kong naalala ang oras. Tumingin ako sa relo ko at nakita kong alas sinco na ng hapon. "s**t!" sambit ko sabay tayo. "Ooh bakit?" tanong ni Emily. "Lucio! Akin na cellphone ko! May groupings ako ngayon!" inis kong sambit sa kanya. Tumayo ako sa kinauupuan ko at inaayos ko ang bag ko. "Where you going?" "Kikitain ko si Gabriel!" Sambit ko sa kanya sabay alis. Patakbo akong umalis ng opisina niya at iniwan ko sila ni Emily na nag uusap.  Hinabol ako ni Lucio papasok sa elevator ngunit mabilis na nag sara ang elevator. "Bilis! Bilis!" inis na sambit ko. Bumukas na ang elevator at patakbo akong lumabas dito. Humanap ako agad ng taxi para sumakay at pumunta ako sa Park. Nag aagaw na ang liwanag at dilim ng mga oras na ito at unti-unti na ding kumakapal ang tao sa loob ng parke. Patingin-tingin ako sa relo ko at sa lugar kung makikita ko pa ba si Gabriel doon. Usapan kasi namin 4 sharp pero alas sinco na ngayon. "Please! Asan ka Gabriel!" inis kong sambit. Patakbo akong nag hahanap sa kanya sa loob ng parke hanggang sa nakita ko siya sa tabi ng isang pond doon. Nakaupo siya dito habang nakatitig sa cellphone niya. "Gab!" sigaw ko mula sa malayo. Agad na lumingon si Gabriel sa akin at bakas sa mukha niya na sobrang saya niya na nakita niya ako. "I'm sorry! Kanina ka pa dito?" tanong ko sa kanya. "Hindi kakadating ko lang din. Akala ko late na ako mas late ka pa pala!" natatawang sambit niya sa akin. "Sorry na! Nasa iyo naman yung flash disk natin diba?" "Oo. Kunting polishing nalang 'to tapos ipi-print na natin," "Hayyy.. Buti nalang patapos na tayo!" "Oo nga eeh. Salamat sayo! Tara punta na tayo sa bahay,"  "Tara!" Umalis na kami agad ni Gabriel sa park para pumunta sa bahay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD