EPISODE 12

1722 Words
Dalawa kami ni Dimple ang bumyahe papunta sa tirahan nila Tiya Marites. Pagdating ko palang doon ay nakita ko na ang mga gamit ko na nakakalat sa labas ng pintuan nila. Nagmamadali akong kinuha ito. Bukas ang bag ko ng nakita ko at gula-gulanit ang iba kong damit. Maluha-luha akong pinupulot ang mga gamit ko sa sahig. Madumi na itong lahat. "Sobra na ang Tiyahin mo!" inis na sambit ni Dimple habang tinutulungan akong magpulot ng mga damit ko sa sahig. "Hayaan mo na." sambit ko sa kanya. Habang nag aayos ako ng mga damit ko sa labas ng bahay nila Tiya ay nakita ko na wala yung pinaka iingatan kong dress na binigay sa akin ni Inay. "Wala yung dress ko Dimple!" sambti ko sa kanya. "Tingnan mo lang diyan baka nalagay mo sa kabilang bag mo?" "Wala! Kanina ko pa hinahanap yung damit ko," sambit ko sa kanya. Tumayo ako at dire-diretso akong pumasok sa loob. Nakita ako ni Tiya Marites at agad niya akong pinigilan pumasok. "Diba sabi ko sayo wag ka ng papasok dito sa pamamahay ko!" galit na sambit ni Tiya sa akin. "Kukunin ko lang po yung dress ko baka naiwan sa itaas," sambit ko kay Tiya Marites habang inililihis ang katawan ko paakyat ng hagdan. "Ang sabi ko umalis ka sa pamamahay ko!" sigaw niya sa akin sabay hila ng buhok ko. Nalaglag ako sa hagdan at nakita ito ni Dimple. Nakita niya kung paano ako inilaglag ni Tiya sa hagdan. "Parang awa mo na Tiya kukunin ko lang yung dress na binigay sa akin ng Inay ko," habang nag mamakaawa. Ngunit hindi siya nagpadaig sa sinabi ko at pinagsasabunot ako. Hinila siya ni Dimple para hindi ako masaktan at nahila nga siya ni Dimple. Wala na akong magawa kung hindi ang lumaban sa kanya. Hinablot ko ang buhok ni Tiya at pinagsasampal-sampal ko siya sa mukha niya. Sigaw ng sigaw si Tiya sa ginawa ko kaya ng makakuha ako ng tiempo ay umakyat na ako sa kwarto ni Ella para tingnan ang dress ko. At hindi nga ako nag kamali sa hinala ko pagpasok ko sa loob ng kwarto niya ay nakita ko siyang sinusukat ang damit na binigay sa akin ni Inay. Agad ko siyang itinulak at inihubad ang damit ko sa kanya. Aalis na sana ako ng nakuha ko ang damit ko ngunit bigla akong binalingan ng sampal at sabunot ni Ella. Hindi ako agad nakabawi sa kanya at naitulak niya ako sa cabinet niya dahilan kaya ito ay nagbukas. Ang sa pagbukas ng cabinet niya ay nakita ko ang sobre na binigay sa akin ni Itay. Sobre na naglalaman ng pera na magagamit ko sa pag aaral ko. Uminit ang ulo ko at agad kong sinunggaban si Ella. Sinabunutan ko siya ng sobrang lakas at iniuntog ko siya sa sahig ng nalaglag siya. "Sinungaling! Magnanakaw! Inggitera! Halimaw!" sigaw ko sa kanya habang pinag sasampal ko siya. Walang kalaban-laban si Ella sa ginawa ko sa kanya sapagkat inupuan ko siya sa tiyan niya habang pinagsasampal-sampal ko siya. Biglang dumating sa taas si Tiya Marites habang sinasampal-sampal ko si Ella at nakita niya na nakapatong ako sa anak niya kaya hinila niya ang buhok ko at pinagsasapak ako sa ulo. Hindi din tumagal at rumispunde si Dimple sakin habang hila-hila paalis sa akin si Tiya Marites. Sobrang ingay ng bahay nila Tiya Marites at sobrang dami na ng tao sa labas ng bahay nila na sumisilip-silip sa loob. Puro kalmot na ako ni Ella at Tiya ng dumating si Aling Martha kasama ang mga tanod. "Itigil niyo yan!" sigaw ng isang tanod. Ngunit hindi nakikinig si Tiya Marites at Ella sa pambubugbog sa akin. Sinapak ni Dimple sa mukha si Ella at nagdugo ang ilong nito kaya napatigil siya sa pagsipa sa akin. Pinilit na ikinalas si Tiya Marites sa akin at agad na inalayo. "Ang kapal ng mukha mong sumugod sa pamamahay kong putik ka!" sigaw niya sa akin. "Hoy! Pumunta lang kami dito para kunin ang mga gamit ni Gianna pero anong ginawa mo? Hinila mo siya sa hagdan! Nakita ko yun!" galit na sambit ni Dimple. "Pinagsisira po nila yung gamit ko at yung dress po na pinakaiingatan ko po ay kinuha ng pinsan ko," paliwanag ko sa kanila. "Sumama kayong lahat sa baranggay at doon natin pag uusapan lahat ng problema niyo," sambit ng tanod. Lumabas kaming lahat sa bahay at tumungo sa baranggay. Pag dating namin sa baranggay ay biglang umiyak ng malakas si Tiya Marites at nag mamakaawa ito sa mga tao doon. Pinalalabas niya na ako ang masama at ako ang nananakit sa kanila. Pinaupo kaming apat sa upuan at kinausap kami ng masinsinan ng brgy. chairman. "Anong nangyari dito Marites at naimbintahan ka na naman sa baranggay?" tanong ng chairman sa kanya. "Sinugod ako ng pamangkin ko dahil pinalayas ko siya tapos bigla niya akong pinagsasabunot!" galit na sambit ko sa kanya. "Hindi po totoo ang mga sinasabi niya sa akin! Marami po akong proweba na ang Tiyahin ko ay sadista!" matapang kong sambit. "Kung ganun iha. Patunayan mo ang mga sinasabi mo sa akin," Walang hiya kong iniangat ang damit ko sa kanila at nagulat silang lahat sa nakita nila na ang katawan ko ay puno ng sugat at mga pasa. "Anong gusto mong mangyari sa Tiyahin mo ngayon? Malaki ang proweba mo na sinasaktan ka nila," galit na sambit ng brgy. chairman sa akin. Bago pa man ako makapag salita ay biglang lumuhod sa akin si Tiya Marites. Nag mamakaawa ito sa akin na wag ko siyang ipakulong dahil sa pambubugbog niya sa akin. "Gusto ko po sana na ibalik nyo lahat ng ninakaw niyo sa akin na pera. Wala na po akong pera para sa pag aaral ko kaya hangga't maaari po ay ibalik nyo na sa akin ito ngayon," galit na sambit ko sa kanila Ella. "At ninakawan ka pa talaga ng Tiyahin mo? Aba magaling naman pala itong si Marites?" nanggigil na sambit niya kay Marites. "Marami pa pong nangyayari na masama sa akin sa loob ng tahanan nila. Mabuti na po siguro kung isaad ko ang lahat-lahat ng kababuyan na ginawa nila sa akin! Alam kong galing ako sa probinsya at hindi pa ako masyadong maalam sa mga kagamitan dito sa maynila pero hindi po ako inutil! May pinag aralan po ako!" habang naluluha kong sambit sa kanila. , "Gusto ko sana kayong ipakulong na pamilya ngunit naalala ko yung magulang ko sa inyo! Ano nalang ang mangyayari kapag nasa kulungan na kayong mag asawa? Edi kawawa naman yung anak nyong piling prinsesa?" sambit ko sa kanila. "Bakit hindi nalang natin kasuhan ang mag asawa na to? tutal ang sasama naman pala ng ugali?" "Gaya po ng sinabi ko kanina chairman. Kawawa naman yung anak nila kapag makulong ang magulang niya. Gusto ko pa pong idagdag chairman yung pangbabastos sa akin ng asawa ng Tiya ko!" galit kong sambit. "Anong pangbabastos?" tanong ni chairman sa akin. "Habang nasa kasarapan ng tulog si Tiya Marites ay binababa ako ng asawa niya para hipuan at Tiya naaalala mo yung nahimatay yang asawa mo? Ako may gawa nun! Pinalo ko siya ng kahoy sa ulo dahil binababoy niya ang katawan ko! Hinalikan niya ako sa labi ko at hinawakan niya ang puri ko!" habang humahagulgol ako sa iyak. Hindi makapaniwala ang mga tao sa narinig nila sa akin lalo na si Tiya Marites. Hindi niya lubos maisip na hindi pa din nagbabago ang asawa niya sa masama nitong gawain. "Walang hiya ka Bernard! Akala ko nagbago kana?" galit na sambit ni Tiya sa asawa niya. "Nagbago na ako! Bakit kasi pinatira niyo pa si Gianna sa bahay edi sana maganda ang buhay ko ngayon! Hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag nakikita ko si Gianna. Ang gandang bata, mahinhin , masipag hindi katulad mo! Puro pananakit at masasamang salita ang naririnig ko sayo!" galit na tugon ni Tiyo kay Tiya. "Kung ganun! Posasan nyo na itong si Bernard at idala sa presinto ito! Huling pagkakataon mo na ito Marites! Kapag nakarinig pa ako ng balita sayo isasama kita sa asawa mo para mabulok kayong pareho sa kulungan! Yung pera na ninakaw niyo sa bata ibalik nyo na! Magkano pa ang natitira mong pera Gianna?" tanong sa akin ni Chairman. "Sa ngayon po yung limang daan na piso nalang po ang natira sa akin bigay pa po ito ni Aling Martha. Yung pera ko po na nawawala ay dose-mil pa po. Tinatabi-tabi ko po ito para sa pag aaral ko pero kaninang umaga po ay nakita ko nalang itong wala na," sambit ko. "Ibabalik nila ito ngayon din!" galit na sambit ni chairman. , "Samahan nyo itong si Marites para kumuha ng pera sa bahay nila at ng maibalik ang pera ni Gianna pagkatapos ay bumalik kayo sa akin para sa blotter niya," Umalis na sila Tiya Marites at Ella para kunin ang pera ko sa kanilang bahay. Idinala na sa malapit na kulungan ang asawa ni Tiya para makasuhan ng attempted rape sa akin. Lumuwag na ng kaunti ang pakiramdam ko dahil sa nangyari sa kanila. Hindi na nila ako masasaktan pang muli. Panibagong buhay na ulit ang naghihintay sa akin. Lumipas ang ilang minuto ay bumalik na si Tiya Marites dala-dala ang perang kinuha ng anak niyang si Ella. "Hindi ko alam na hahantong sa ganto ang mangyayari sa atin. Pasensya na Gianna naging masama akong Tiyahin sayo wala na akong mukhang maipapakita sa ama at ina mo dahil sa kasamaan ko," malungkot na sambit ni Tiya habang abot-abot ang isang sobre ng pera sa akin. "Ooh mag kayapan na kayong dalawa at pirmahan mo na itong papel Marites," sambit ni chairman. Niyakap ako ng mahigpit ni Tiya habang lumuluha. Pagkatapos ay pumirma na siya sa dokumento at umalis na. Naiwan kami nila Aling Martha at Dimple sa baranggay. "Saan ka ngayon uuwi Gianna?" tanong sa akin ni Aling Martha. "Sa kaibigan ko po muna ako tutuloy," sabay hawak ng kamay ni Dimple. "Wag mo siyang papabayaan Dimple aah," sambit ni Aling Martha kay Dimple. "Ako na pong bahala sa kanya," sambit ni Dimple kay Aling Martha. Inaabot ko na ang limang daan na pinahiram ni Aling Martha sa akin ngunit ayaw na niya itong tanggapin. "Sayo na yan para may pang gastos kayo ni Dimple," nakangiting sambit niya sa akin. "Ooh Heto ang limang libo! Dagdag para sa panimula mo sa buhay Gianna, Saan ba ang tirahan niyo at ipapahatid ko kayo sa mga tauhan ko," sambit ni Chairman. "Sa 123 Juan Luna St. Osmeña Rd, Maynila po," sambit ni Dimple. "Sige. Ipapahatid ko kayo." Agad na tumayo sa upuan si Chairman at inihatid kami sa kanilang sasakyan. "Mag iingat kayo mga iha!" sigaw ni Aling Martha sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD