Maaga palang ng gumising ako.
Daily routine ko na ang maglinis ng bahay at magluto sa umaga.
"Hindi pa din gising si Ella?" sambit ko.
Pagkatapos na pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at ginamit ko yung
lipstick na binigay sa akin ni Ella.
"Ang ganda!" nakangiting kong sambit habang nakatingin sa salamin.
Paalis na ako noon ng bigla kong naalala yung perang inutang ko kay Dimple.
Dahan-dahan kong binuksan ang bag ko at nakita ko na wala na yung sobre ng
pera ko. Hinalughog ko ang buong bag ko ngunit hindi ko makita yung sobre ko.
Kinakabahan na ako at naiiyak dahil yung perang natitira para sa pang araw-
araw ko ay nawala nalang bigla. Humahagulgol na ako ng biglang bumaba si Ella
sa hagdan napatingin ito sa akin at pagkatapos ay biglang inilihis ang tingin
niya sa akin. Agad ko siyang nilapitan para tanungin sapagkat siya lang ang
nakakita sa akin habang binibilang ko yung pera ko.
"Ella, Baka nakita mo yung sobre ko dito. Pang bayad ko kasi ng utang yung sa
kaklase ko," malumanay kong sambit sa kanya.
"Hindi ko nakita," sambit niya.
"Sige na Ella baka nakita mo," pang mamakaawa ko sa kanya.
"Pinagbibintangan mo ba ako na kumuha ng pera mo?" galit na tanong niya sa
akin.
"Hindi naman sa ganun. Kasi ikaw lang naman nakakaalam kung saan nakalagay
yung pera ko at wala ng iba pa," sambit ko sa kanya.
"So ako nga ang pinagbibintangan mong nag nakaw ng pera mo?" galit na sambit
niya sa akin.
"Wala akong sinabing ninakaw mo. Tinatanong ko lang kung nakita mo yung pera
ko," paliwanag ko sa kanya.
"Hindi ko alam yung sinasabi mo! Ok ka na?"
"Saan galing yung mga pinamili mo kahapon? Bakit ang dami mong binili na
gamit mo na bago? Bakit nag mall ka ng nasa ospital ang tatay mo?" tanong ko
sa kanya.
"Tang ina! Ano bang pakelam mo sa pinamili ko? Ikaw na nga yung binigyan ng
lipstick tapos ganyan ka pa umasta?" sigaw niya sa akin.
Habang nag uusap kami ni Ella ay biglang sumabat si Tiya Marites.
"Punyeta naman! Ang aga-aga nag babangayan kayong dalawa!" galit na sambit
nito sa amin.
"Ito kasing si Gianna! Pinagbibintangan akong nag nakaw ng pera niya!" galit
na sambit ni Ella.
"Totoo ba Gianna? Pinaparatangan mo yung anak ko? Ikaw na naninirahan dito?
Ikaw na walang pera nanakawan ng anak ko?" galit na sambit ni Tiya sa akin.
"Hindi naman po sa ganun Tiya. Tinatanong ko lang po si Ella kung nakita niya
yung sobre kong na may laman ng pera kasi siya lang po ang nakakita noon sa
kwarto niya habang nagbibilang po ako," malumanay kong sambit kay Tiya.
"Kinuha mo ba yung pera ni Gianna? Ella?" tanong ni Tiya kay Ella.
"Hindi po Ma!" sambit nito habang umiiyak.
"Nako Gianna! Purong-puro na ako sayo huh! Bastos ka na ngang bata ka tapos
sasabihan mo pang magnanakaw ang anak ko?" galit na sambit nito sa akin.
Hinila ako ni Tiya dala-dala ang bag ko sabay hagis nito sa labas.
"Wag ka ng babalik dito! Punyeta ka! Lumayas ka!" galit na sambit ni Tiya sa
akin.
Binalibag ni Tiya ang pinto nila at agad na ni-lock. Pilit kong binubuksan
ang pinto ngunit hindi ko mabuksan. Habang lumuluha ako ay kung ano-ano na
naman ang sinasabi sa akin ni Tiya na masasama.
Dumami muli ang mga tao sa labas na nakatingin sa akin habang umiiyak ako.
Paalis na ako sa bahay nila Tiya ng bigla niya akong hinabol sa labas sabay
pinag sasapak, sabunot at pinagsisipa. Wala akong kalaban-laban sa kanya at
yung mga tao sa labas ay hindi umawat sa ginawa ni Tiya sa akin maliban
nalang sa patakbong lumapit si Aling Martha sa akin.
"Hoy! Marites! Anong ginagawa mo sa pamangkin mo!" galit na sambit ni Aling
Martha kay Tiya.
"Wala kang pakelam dito Martha! Hayaan mo akong disiplinahin ang pamangkin
ko!"
"Kailan pa naging disiplina ang pangbubogbog mo sa pamangkin mo? Gusto mo ba
tumawag pa ako ng pulis? Physical abuse yan Marites!" galit na sambit ni
Aling Martha.
Binitawanan ako agad ni Tiya ng marinig niya yung sinabi ni Aling Martha.
Pumasok ito agad sa bahay nila at naglock ng pinto.
"Kawawa ka namang bata ka! Bakit hindi ka nag susumbong kapag binubogbog ka
niya?" naluluhang tanong sa akin ni Aling Martha.
"Wala po akong karapatang lumaban sa kanila Aling Martha. Sila lang po ang
pamilya ko dito sa maynila at nakikitira lang po ako sa kanila," sambit ko
habang lumuluha.
"Halika isasama muna kita sa bahay ko. Kawawa naman ang batang ito
napakaganda mo at napaka busilak ng iyong puso ngunit napunta ka sa pamilya
ng mga halimaw," sambit niya sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya at tumayo na sa pagkakasadlak sa lupa. Madaming
nakatingin sa amin at di matapos-tapos na bulungan.
"Teka po! Yung mga gamit ko po nasa loob pa po," sambit ko kay Aling Martha.
"Ako ng bahala sa gamit mo," sambit niya sa akin.
Inaalalayan ako ni Aling Martha sa paglalakad sapagkat napilay ako dahil sa
ginawang pagsipa sa akin ni Tiya sa mga binti ko. Nanginginig pa din ako sa
takot at hindi pa din matigil ang pag iyak ko kahit nasa loob na ako ng
tirahan ni Aling Martha. Iniisip ko na maaari nila akong puntahan dito at
tsaka ipagpatuloy ang pambubugbog sa akin.
Pinaupo ako ni Aling Martha sa sofa nila at binigyan ng maiinom. Tumungo ito
sa kanilang kwarto upang kumuha ng medicine kit para sa sugat ko sa siko ko
at sa binti.
"Halika gamutin natin ang sugat mo," sambit niya sa akin habang kinakawayan
ako sa kwarto.
"Pasensya na po Aling Martha at nadamay pa po kayo sa gulo," malungkot na
sambit ko sa kanya.
"Ano bang nangyari at bigla ka nalang niya sinasaktan?" nag aalalang tanong
niya sa akin.
"Ano po kasi. Nawawala po ang natitirang pera ko para sa pag aaral ko.
Sinimot po lahat pati ang sobre po wala na din. Hinalughog ko po lahat ng
gamit ko ngunit hindi ko po nakita yung pera ko doon. Kaya nagtanong po ako
kay Ella kung nakita niya yung pera ko tapos po nagalit na siya sa akin bigla
at narinig ni Tiya yung ingay ni Ella kay nagalit siya sa akin tapos po
pinalayas na niya ako sa bahay," humahagulgol kong kwento kay Aling Martha.
"Alam mo masama talaga ang ugali ng pamilya na yan laging nag aaway yang mag
asawa na yan dahil sa babaero yung asawa niya tapos yung anak naman niya
mabarkada at gala," saad ni Aling Martha.
"Ganun po ba? Ganyan po ba talaga sila dito?" tanong ko sa kanya.
"Oo! Kilala sila dito na ganyan. Mayayabang! kaya walang lumalaban sa kanila
kasi natatakot yung ibang kapitbahay sa kanila dahil nga sa ganyan ugali
nila. Mga halimaw!" natatawang sambit nito.
"Nako pasensya na po talaga Aling Martha at nadamay pa po kayo sa gulo."
Napalingon ako bigla sa orasan at nakita kong alas nueve na ng umaga. Late na
ako para sa unang subject ko.
"Aahmm... Aling Martha?" nahihiyang sambit ko.
"Ano yun?" tanong niya sa akin.
"Ok lang po ba umutang sa inyo ng pera? Kahit pamasahe ko nalang po sa
iskwelahan. Pasensya na po dahil wala na po akong pera na natitira," pang
mamakaawa ko sa kanya.
"Magkano ba ang kailangan mo?" tanong niya sa akin.
"Kahit pamasahe nalang po. Ok na po ako dun," sambit ko sa kanya.
Tumayo si Aling Martha sa kinauupuan niya at kumuha ng pera sa cabinet niya.
"Ooh limang daan. Kasya na ba yan sayo?" tanong niya sa akin.
"Sobrang laking pera na po ito," abot-abot pabalik yung pera kay Aling
Martha.
"Sige na. Sayo na yan wag mo na ibalik. Teka iha. Kung pinapalayas ka ni
Marites ngayon sa bahay nila. Saan ka titira ngayon?" tanong niya sa akin.
"Baka po dun na muna po ako sa kaklase ko tumira habang naghahanap po ako ng
trabaho ko,"
"Mag iingat ka Gianna aah, Kapag kailangan mo ng tulong wag kang
magkakamaling humingi ng tulong sa akin," sambit nito habang nakangiti.
"Maraming salamat po!" habang yakap-yakap ko siya.
Inihatid ako ni Aling Martha sa sakayan ng tricycle para ma-secure na
makakaalis ako ng ligtas. Kinaway ko ang kamay ko kay Aling Martha sabay sabi
ng.
"Babalik po ako mamaya Aling Martha para kunin lahat ng mga gamit ko," sambit
ko habang nakangiti.
"Akong bahala sayo."
Sugatan na naman ako ng pumasok ako sa iskwelahan ko. Hindi pa man lubusang
naghilom ang mga sugat na tinamo ko noong nakaraang araw ay may bago na naman
akong sugat sa katawan.
Nagmamadali akong pumasok sa room namin sapagkat late na late na ako sa
klase. Dumaan ako sa likod ng kwarto para hindi ako mapansin ng teacher
namin. Pagkapasok ko ay umupo ako agad sa tabi ni Dimple.
"Ui!" bati niya sa akin.
"Ui! Kamusta ka?" tanong ko sa kanya.
Habang nag uusap kami ni Dimple ay bigla nakuha ng teacher ang atensyon
namin.
"Ms. Morales?" tawag niya sa apelyido ko.
Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at tumingin ako sa kanya.
"I have a question for you. What is the tiniest bone in human body?" seyosong
tanong niya sa akin.
"Tiniest? Tiniest?" sambit ko sa sarili ko. , "Ahmm.. There are 3 smallest
bone in the human body these are Malleus, Incus and Stapes and they are
located in the middle ear," sambit ko sa kanya.
"Very Good! Malleus , Incus and Stapes are the smallest bones in human body.
Hawakan nyo yung tenga nyo! Ramdam nyo yung maliit na buto diyan sa tenga
nyo? Yan ang pinakamaliit na buto sa katawan natin. Ms. Morales, You may now
take a seat,"
"Thank you po."
Umupo na ako at bigla akong kinausap ni Dimple.
"Paano mo nalaman yun?" tanong niya sa akin.
"Kakabasa ko ng libro kaya ganun," sambit ko sa kanya.
"Ikaw na talaga ang masipag magbasa."
Ngumiti lang ako sa kanya at itinuon na ang atensyon sa teacher namin na nag
le-lesson.
Mabilis na tumakbo ang oras at uwian na.
Maghihiwalay na sana kami ng landas ni Dimple ng bigla ko siyang hinawakan sa
kamay.
"Ooh Bakit?" tanong niya sa akin.
Pinilit kong hindi maluha habang kinakausap ko siya ngunit bago pa man ako
magsalita ay bumuhos na ang luha sa mga mata ko.
"Bakit ka umiiyak?" nag aalalang tanong niya sa akin.
"Kasi, kasi,"
Para akong batang nagsusumbong sa nanay niya. Hindi ko alam bakit naging
ganito ang kapalaran ko. Hindi kaya isinumpa ako ni Aeron dahil sa
hiniwalayan ko siya?
"Ano bang nangyari?" malungkot na tanong sa akin ni Dimple.
"Pwede bang makitira na muna ako sayo habang naghahanap ako ng trabaho?"
tanong ko sa kanya.
"Oo naman! Sa akin kana tumira kung hindi mo na kaya sa bahay ng Tiya mo,"
"Pinalayas niya ako kanina," habang humahagulgol ako ng iyak sa kanya.
"Bakit ka pinalayas?"
"Kasi kukuha sana ako ng pera sa sobre ko kaninang umaga para pangbayad ko sa
utang ko sayo tapos pagkatingin ko wala na ito sa bag ko. Diba nakita natin
si Ella kahapon sa mall na namimili ng mga gamit niya? Hindi ko sigurado pero
piling ko siya ang kumuha ng pera ko," sambit ko habang lumuluha.
"Ang pangit talaga ng ugali ng pamilya mo! Nakakainis! Sarap bugbugin ng Ella
na yan!" galit na sambit ni Dimple.
"Akala ko kahapon nagbago na sila sa akin kasi nung umuwi ako bigla silang
bumait lahat sa akin tapos yun pala may ginawa sila. Wala na akong pera
Dimple. Wala na akong ipapangbayad sayo,"
"Ako ng bahala. Wag mo muna intindihin yung utang mo. Asan ang mga gamit mo?"
tanong niya sa akin.
"Naiwan pa doon sa bahay kanina. Yung bag ko lang na pang iskwela ang
inihagis ni Tiya sa labas,"
"Halika kunin natin ang mga gamit mo at sa akin kana uuwi mula ngayon,"
sambit niya sa akin.
"Maraming salamat Dimple!"
Kahit pala puro problema na ang dumating sa buhay natin meron at meron pa rin
palang tulong na sasagip sa atin. Ang problema hindi natin maiiwasan yan
dahil kusa siyang dadating sa atin ngunit wag tayong makalimot na meron
paring mga solusyon sa problema na natatamasa natin.
Kung pakiramdam mo pasan mo na ang mundo dahil sa bigat ng pasanin mo? Wag
mong kalimutan na may Diyos na umaalalay sayo para malampasan mo ang bagyo ng
buhay mo.
Sabi nila maganda ang buhay sa maynila dahil sentralisado na ang lugar.
Nandito ang pera! Nandito ang kinabukasan! pero dahil sa pangarap ko
nakaranas ako ng mga bagay na hindi ko dapat nararanasan.
Ang buhay ko sa baryo noon ay tahimik at peaceful ngunit dahil sa nangarap
ako ng mas malaki at mas maganda ay pinasok ko ang magulong buhay sa syudad
ng maynila.