EPISODE 13

1579 Words
Ligtas kaming nakauwi ni Dimple sa bahay niya. "Pasensya kana kung maliit lang ang bahay ko," sambit ni Dimple. "Walang problema!" nakangiti kong sambit sa kanya. "Medyo magulo ang bahay kasi wala na akong oras para maglinis," "Ako ng bahala dito bukas!" nakangisi kong sambit sa kanya. "Paano Gianna pasok na muna ako sa trabaho," "Ingat ka aah," Umalis na si Dimple papasok naman sa trabaho niya. Naiwan akong mag-isa sa loob ng bahay niya habang hindi pa ako dinadapuan ng antok ay sinimulan ko ng linisin ang buong bahay niya. Nilabas ko ang mga basura at kinuskos ko ang kasilyas niya para pag uwi niya ay hindi na siya maglilinis pa. Habang naglilinis ako ng bahay ni Dimple ay hindi mawala sa isip ko yung bangungot na nangyari sa akin sa kamay nila Tiya Marites. Habang inaalala ko ang pag mamalupit nila sa akin ay hindi ko maiwasan ang lumuha. Hindi ko pa kayang mag move on sa mga nangyari sa akin. Alam kong napaka iksi ng panahon na nilagi ko sa kanila ngunit yung mga pasa at sugat na natamo ko sa kanila ay pang matagalan. Pagkatapos kong magligpit ng mga gamit ni Dimple sa bahay niya ay agad akong humiga sa kama niya at mabilis naman akong nakatulog. Mahimbing ang tulog ko ng mga oras na ito. ["Gianna! Gianna! Gianna!" galit na tawag sa pangalan ko. Pamilyar ang boses na iyon at hindi ako nagkamali sa narinig ko boses ito ni Tiya Marites. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong nakahiga ako sa sala nila. Tumayo ako agad at nagligpit ng pinaghigaan ko ng nakita kong nakatitig na naman ng masama sa akin si Tiya Marites. "Pasensya na po Tiya napasarap po ata ang tulog ko," sambit ko sa kanya. "Mabuti naman at gumising kana mahal naming prinsisa!" sambit niya sabay hablot sa buhok ko. "Tiya, pasensya na po hindi na po mauulit," pangmamakaawa ko sa kanya. Itinulak niya ako sa kusina at nadulas ako sa basa sa sahig kaya nauntog ako sa lababo. Napaka lakas ng impact ng pagkauntog ko kaya pumutok ang noo ko hanggang sa patuloy na umaagos ang dugo sa ulo ko. "Tiya! Tulungan mo ako! Parang awa mo na po!" pang mamakaawa ko sa kanya. "Tama lang sayo yan! Sana nga namatay ka nalang! Tutal hindi ka naman kayang alagaan ng magulang mo! Dukha!" galit na sigaw niya sa akin. Nakita ko sa bandang kanan niya yung asawa niya nakangiti ito sa akin at bigla niya akong nilapitan. "Diba nakakulong ka na!" sigaw ko sa kanya. Hindi ito sumagot sa sinabi ko at agad akong hinila papasok sa banyo. Pinilit niyang hinubad ang mga damit ko habang pinipilit na halikan ako. "Tulong Tiya! Pakiusap!" sigaw ko habang umiiyak. "Tama lang sayo yan! Malandi ka! Pati asawa ko nilalandi mo!" galit na sambit ni Tiya. "Tiya! Tiya! Tiya!" paulit-ulit kong sigaw ng pangalan niya. Hinawakan ako ng asawa ni Tiya sa beywang ko at itinulak ako sa pader ng kasilyas. "Sssshhh... Diba gusto mo naman itong ginagawa ko sayo? Wag ka ng umiyak," sambit ng asawa ni Tiya habang nakangiti sa akin. "Wag! Wag! Wag!" sigaw ko sa kanya habang pinoprotektahan ang sarili ko. Binuksan ni Tiyo ang pinto ng kasilyas at tinawag sina Tiya at Ella para hawakan ako. Pagkabukas ng pinto ay sinapak ako ni Tiyo sa tiyan ko dahilan kaya nanghina ang katawan ko. "Hawakan nyo nga ito! at hindi ko matapos-tapos ang gusto kong gawin!" sambit niya sa kanila. Inihiga nila ako sa sahig at hinawakan ako ni Tiya sa kabilang binti ko at sa kanan ko naman si Ella. Hindi na ako makapalag ng maayos sapagkat hindi na ako makagalaw ng maayos. Binuksan ni Tiyo ang zipper ng pantalon niya at tinanggal ang pang itaas na damit niya. Tumatawa si Tiya habang binababoy ako ng kanyang asawa! Sobrang saya nilang mag anak na nakikita akong nagdudusa. "Mga halang ang kaluluwa! Sa impyerno ang bagsak nyong lahat!" galit na sambit ko sa kanila. Bigla akong sinakal ni Tiya dahil sa narinig niya sa akin. Nanlilisik ang mga mata nito na nakatitig sakin habang nakangiti akong sinasakal. "Tiya!" sigaw ko na paubos na ang hininga. Hindi nila ako tinantanan habang hindi nila ako nakikitang nawawalan ng buhay. Wala na akong lakas pa para lumaban kaya tiniis ko nalang ang sakit na nararamdaman ko hanggang bawian ako ng buhay.] "Gia! Huy Gianna! Anong nangyayari sayo?" sambit ni Dimple habang niyuyugyog ako. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Dimple sa tabi ko na nag aalala sa akin. Napabalikwas ako at tumingin ako sa kanan at kaliwa ko. "Gianna, Nasa bahay na kita. Wag ka ng mag alala pa wala ng mananakit sayo," sambit ni Dimple sa akin. Tumingin ako sa kanya habang hawak-hawak ang leeg ko. "Buhay pa ako! Buhay pa ako Dimple!" nangangatog kong sambit sa kanya. Hinawakan ako ni Dimple sa pisngi ko at pinisil niya ito. "Ooh! Buhay ka pa! Binabangungot ka Gia," sambit niya sa akin. "Salamat! Salamat at panaginip lang ang lahat ng iyon!" maluha-luha kong sambit sa kanya. Niyakap ako ni Dimple ng mahigpit habang pinapatahan sa pagkakaiyak. "Wag kanang umiyak. Hayaan mo hindi kita sasaktan gaya ng ginagawa nila sayo. Ako na ang magiging taga pagligtas mo ngayon," "Salamat Dimple at iniligtas mo ako sa bangungot ng buhay ko," "Tara! Kain tayo sa labas? Treat ko!" nakangiting sambit niya sa akin. "Hindi! Ako na taya ngayon tapos kapag nakapag trabaho na din ako aayusin natin ang bahay mo. Ok ba yun?" "Sige! Tapos pupunuin natin ng mga gamit natin yung bahay na ito tapos maglalagay tayo ng telebisyon para pag wala tayong pasok manunuod tayo ng magagandang palabas!" masigla niyang sambit sa akin. "Oo naman! Tapos lalagyan natin ng mga borloloy yung bahay mo para maganda sa paningin! Teka? Papasok na ba tayo pagkatapos natin kumain?" tanong ko sa kanya. "Mukang maganda yang idea na yan? Dalian na natin kumilos habang wala pang liwanag sa daan may ipapakita ako sayong magandang lugar." Tumayo na kami sa kinauupuan namin at isa-isa na kaming tumungo sa kasilyas para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nakita ko si Dimple na nakaharap sa basag na salamin niya. "Ooh! Gamitin mo itong blush on na to sa pisnge mo para naman magkaroon ng kulay ang mukha mo," sabay hagis ng blush on sa akin. "Nako wag na mag blush on! Hindi na ako gaganda diyan!" pang aasar ko sa kanya. "Sus! Pahumble pa ang probinsya friend ko!" nakangiting sambit ni Dimple sa akin. "Hayy nako! Sige na! Sige na mag lalagay na ako ng blush on para naman hindi mo ako mukang alalay!" natatawang sambit ko sa kanya. "Verygood!" Madilim pa ang kapaligiran ng umalis kami ng bahay ni Dimple. Kakaunti ang tao sa labas ng mga oras na ito ngunit muka namang hindi delikado sa daan sapagkat napapalibutan ng maraming poste ng ilaw ang lugar ng tinutuluyan ni Dimple. Pinara ni Dimple ang tricycle na dumaan at sumakay kami doon. Pumunta muna kami ni Dimple sa isang kainan para mag almusal at pagkatapos ay pumunta kami sa seaside ng maynila. Habang naglalakad kami ay bigla nalang nagkwento sa akin si Dimple. "Alam mo ikaw ang kauna-unahang naging kaibigan ko dito sa maynila bukod sa mga katrabaho ko. Nakaranas din ako ng katulad sayo. Napagbuhatan din ako ng kamay ng Tiyahin ko dito sa maynila kaya napilitan akong bumukod at magsarili nalang. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman mo ngayon dahil nanggaling ako sa ganyan. Alam mo maswerte ka pa rin dahil hindi ka napasukan ng Tiyo mo, Ako ilang beses akong nagamit ng Tiyo ko na hindi alam ng Tiyahin ko. Tuwing gabi niya ako ginagapang sa kwarto ko wala akong magawa kung hindi ang umiyak nalang! Nagbunga ang kasamaan niya sa akin ngunit binawi din ito ng Maykapal. Marahil hindi niya pinahintulutan na mag suffer pa ako ng sobra kaya kinuha niya din yung anghel sa tiyan ko," kwento ni Dimple habang lumuluha. "Sorry. Hindi ko alam na ganun pala kabigat ang dinadala mo," "Ano kaba? Past is past kaya ngayon naka move on na ako sa kanila at heto maganda na ang buhay ko! Sana Gianna ipagpatuloy mo ang buhay mo at pag pursigihan mo ang mag aral para sa future mo," nakangiting sambit niya sa akin. "Hindi ko babaliin ang pangako ko sa magulang ko. Tuloy ang laban! Sa una lang to masakit pero kapag tumagal na wala na ito. Parang kalmot nalang yung problema na dadating ngayon kasi binagyo na ako," sambit ko habang tumatawa. "Sira!" Nagtawanan kami ni Dimple habang naglalakad-lakad sa tabi ng baywalk. Hindi man kaayaaya ang simoy ng hangin dito ay kahit paano ay maaliwalas na ang kapaligiran. Hinawakan ako sa kamay ni Dimple at hinila sa isang lugar. "Dito ang hiding place ko!" sabay turo ng isang makulay na barko. "Dito?" tanong ko sa kanya. "Oo! kapag nakikita ko yang yate na yan, bumabalik ang pangarap ko na maging sea woman," "Talaga ba? Gusto mong maging sea woman? Galing mo naman! Hindi ba nakakatakot sumakay ng barko?" tanong ko sa kanya. "Sanay ako sa sisiran girl! Gusto mo sisirin kita eeh!" pang aasar niya sa akin. "Nakakatakot huh! Di tayo talo!" natatawa kong sambit. "Nakwento ko ba sayo kung saan ako nakatira?" "Hindi pa," "Nakatira ako sa tabing dagat. Lagi kasi ako nakakakita ng barko kaya gusto ko ding sumakay doon at ikutin ang mundo," "Bakit hindi ka nalang mag aral ng related sa pagbabarko? Bakit nursing ang kinuha mo?" "Siguro kaya nag nursing ako ay para makilala kita," "Naks! Parang mag jowa lang," habang kinikiliti ko siya. "Yuck!" sambit niya. "Pero Dimple! Maraming salamat talaga. Kung hindi dahil sayo edi sana nasa kalye na ako natutulog ngayon. Salamat talaga," "Wala yun. Simpleng bagay lang yan," "Nakakahiya mang humingi ng pabor sayo pero diba ang sabi mo nagtatrabaho ka sa KTV bar bilang isang entertainer?" "Oo, Bakit?" "Gusto kong mag trabaho sa trabaho mo,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD