EPISODE 18

1673 Words
Kinabukasan "Gianna Blaire Morales! Gising na!" sambit ni Dimple sa akin habang niyuyugyog ako. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong nakatingin sa akin si Dimple habang nakapamaywang. Bigla akong napabalikwas sa higaan. "Arayy! Ang sakit ng ulo ko! Nahihilo ako," sambit ko kay Dimple. "Madam! May hang over ka po! Sa susunod pwedeng tumanggi kapag hindi na kaya aah?" sambit niya sa akin. , "Ooh! Noodles na may mainit na sabaw! Pure beef yan!" sambit ko sa kanya. "Pure beef? Eeh lucky me beef lang to! Pa pure beef, pure beef ka pa!" sambit ko sa kanya. "Diba dapat thank you ang sasabihin mo?" naka kunot na sambit nito sa akin. Tumingin ako sa kanya ng matalim at biglang ngumiti. "Salamat po," malambing kong sambit sa kanya. "Tinabi ko na ang mga gamit mo sa trabaho at inayos ko na yung susuotin natin papasok ng iskwela," sambit niya sa akin. "Salamat po ulit Ms. Dimple Santos!" nakangiti kong sambit sa kanya. "Yan! Sabihin mo salamat master!" "Salamat master!" "Kapag sa tingin mo di mo na kayang uminom pwedeng mag pass huh? Inabutan ka lang tapos kuha ka din ng kuha! Ano ka ngayon? Ano? bangenge ka? Pag ikaw na amoy sa school na amoy alak yare ka!" sambit niya sa akin. Ngumiti ako kay Dimple na parang nang aasar sa kanya. Wala kasi akong maalala sa nangyari kagabi kaya ngumiti nalang ako sa kanya. Ayoko ding marinig kung anong mga sinabi ko kagabi kasi alam kong ikahihiya ko lang yun. "Ang tapang mo pala malasing noh?" natatawang sambit ni Dimple sa akin. "Hindi na nga ako nagsalita kasi ayokong marecall ang mga pinag gagawa ko kagabi! tapos bigla kang mag kukwento?" "Biglang nag ka amnesia to! Paalala ko lahat ng kababuyan na ginawa mo sa akin kagabi!" seryosong sambit ni Dimple sa akin. , "Bukod sa suka ka ng suka! Kadiri! Ang tapang mo kagabi! Pati poste ng ilaw hinahamon mo ng sabunutan!" natatawang sambit nito. "Hindi nga?" gulat na sambit ko. "Oo tapos kwento ka pa ng kwento na mag aasawa ka ng mayaman tapos sinabi ko sayo mag asawa ka nalang ng matanda na mayaman tapos sabi mo mag aral ka nalang ng mabuti para yumaman! May mas nakakatawa ka pang ginawa kagabi! Gusto mo kwento ko?" pang aasar nito sa akin. "Wag na! Naalala ko na lahat ng sinabi ko kagabi!" nahihiyang sambit ko sa kanya. "Ano pala mga sinabi mo kagabi kung naalala mo?" "Ano? Aaahh-hmmm basta! Ayoko ng alalahanin pa yun! Basta joke ko lang yung kagabi," natatawa kong sambit. "Weeh? Minsan kapag lasing ang tao dun sila nakakaroon ng pagkakataon na magpakatotoo sa sarili nila. Hayaan mo makakapag asawa ka ng mayaman na lalaki tapos pogi!" pang asar nito sa akin. Tinakpan ko ang tenga ko at kinuha ko na ang twalya ko para maligo. "Ano pa ngang sinasabi mo kagabi? Kaya ka nag susuka kasi buntis ka?" natatawang sambit ni Dimple sa akin. "Hoy! Tama na!" nahihiyang sambit ko sa kanya mula sa loob ng kasilyas. "Kala mo huh! Inom pa!" sambit nito habang tumatawa. "Hindi na ako iinom! Promise! Kahit operan nila ako ng alak hindi ko na tatanggapin!" Binuksan ko na agad ang tubig ng gripo para hindi ko na marinig pa ang pang aasar sa akin ni Dimple. Sobrang lamig ng tubig na inilalabas ng gripo nabuhay ang natutulog kong kaluluwa sa sobrang lamig! Matagal akong naligo at nagbabad ako sa tubig ngayon para mabawasan ang hang over ko. Aminado naman ako na hindi talaga ako umiinom ng alak lalo pa't wala namang okasyon o problema akong kinakaharap ngayon ngunit dahil sa nature na ito ng trabaho ko ay sisiguraduhin kong titibay ako sa inuman habang nag tatrabaho. Hindi ko talaga lubos maisip na ganto pala kadali ang trabaho na pinasok ko. Customer Service! Yan ang pino-provide namin sa work. Tamang companionship lang sa mga guest namin tamang inom, tamang kanta, tamang tawa tapos after nung kikita ka na! Easy diba? Sabi ng karamihan maduming trabaho daw ang pagiging entertainer pero hindi nila alam na isa din pala itong malinis na trabaho. Ang alam kasi ng ibang tao ay Pokpok at GRO agad kapag sinabing entertainer o kaya dancer sa club. Para po sa kaalaman ng lahat! Marangal po ang trabaho namin ni Dimple wala po kaming kalandian na ginagawa sa trabaho para lang po kaming serbidora dito na naka gown. Hindi ko lang talaga alam bakit meron pa ring mga tao na tumitingin sayo ng mababa dahil sa ganto ang trabaho mo. Lahat naman ng trabaho natin malinis as long as na wala tayong tinatapakan o sinasaktan na tao. Lumipas ang oras at natapos na din akong maligo. "Tagal naman maligo!" sambit ni Dimple. "Ssshhh! Nag kawkaw ako!" nakangisi kong sambit sa kanya. Pumasok na si Dimple sa loob ng kasilyas at agad na naligo. Sinuot ko na ang uniporme namin ni Dimple. "Malapit na pala tayo mag uniporme ng nursing noh? Dim?" "Oo! Ang alam ko next week na daw start nun! At kapag hindi daw naka uniform eeh hindi papasukin sa loob ng room," "Edi bibili na tayo ng uniform mamaya? Pagkauwi?" tanong ko sa kanya. "Oo sige bili na tayo para wala na tayong iisipin pa." Ibinaling ko na ang atensyon ko sa mga gamit ko at hinintay ko ng matapos maligo si Dimple. Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na din si Dimple sa pagligo at nagkukumahog itong lumabas ng kasilyas. "Dali! Malelate na tayo!" sambit nito. Nagmadali ako sa pag kilos ko at tinulungan ko na sa pagbibihis si Dimple at tsaka ay patakbo kaming umalis ng bahay. Pa-late na kami ng dumating kami sa school. Habol-habol ang hininga ng umupo ako sa upuan ko habang nakatingin sa harapan. Habang nakatingin ako sa harapan ay nakita kong tumingin sa akin si Gabriel. Malungkot ang mukha nito at tila ba'y may gustong sabihin sa akin. Dahil sa galit pa din ako sa ginawa niya ay tinarayan ko siya. Tumingin ako sa kanya ng matalim at tsaka ko iniwas ang tingin ko sa kanya. "Wala daw si Ms. Veronica! Nag text siya akin pero meron daw tayong gagawin!" sambit ng president namin. Nagsaya ang buong klase ng narinig nila ang balita at pagkatapos makuha ang gagawin ay agad silang nagsialisan sa kwarto. Hilo pa din ako sa mga oras na ito at ramdam ko sa katawan ko ang init. Ang init ng katawan ko na para bang nagbabaga ito. "Dim? Check mo nga kung may sakit ako?" tanong ko sa kanya. Agad na hinipo ni Dimple yung leeg at noo ko ngunit wala siyang naramdaman na init sa akin. "Wala kang sakit girl! Dala yan ng alak sa katawan mo," sambit nito sa akin. "Aaah ganun ba yun?" tanong ko sa kanya. "Oo! Matapang na alak kasi yung ininom natin kagabi," "Anong ininom niyo?" sabat ni Jacob sa amin. "Wala yun bakla! Chismosa mo!" sambit ni Dimple kay Jacob. "Grabihan naman te! nagtanong lang naman ako! sungit mo!" sambit ni Jacob kay Dimple. "Sa trabaho namin yun," sambit ko sa kanya. "May work ka na Gianna?" masayang tanong ni Jacob sa akin. "Oo! Dun ako sa work ni Dimple nag wowork! Kailangan ko kasi ng pera para sa pag aaral ko at sa pang araw-araw namin ni Dimple," "Ayy oo nga noh? Chika ko lang guys! sinco tayo sa grading s**t ni Ms. Veronica," malungkot na sambit ni Jacob sa amin. "Expected ko na yan! Sayang effort!" malungkot na sambit ko sa kanya. "Paano nyo pala gagawin tong pinapagawa ni Ms. Veron?" singit ni Dimple. "Tulungan kita mamaya. Tara sa canteen nagugutom na ako!" sambit ko sa kanila. Lumabas na kami sa room at nakita ko sa tabing pinto si Gabriel na nakatayo. Hinila niya ang kamay ko at sa hindi ko inaasahan ay bigla akong natapilok papunta sa kanya. Nalaglag kami sa sahig at bigla akong napapatong sa katawan niya habang nakalapat ang mukha namin sa isa't isa. Agad na tinayo ako ni Dimple at ni Jacob sabay alis namin sa harap ni Gabriel. "Gia!" sigaw nito sa akin habang patakbong lumapit sa amin. Tumingin lang ako sa kanya ng masama at hindi ko siya inimikan. "Sorry kung hindi ako sumulpot sa presentation natin? Dahil sa akin bumagsak kayo! Pasensya na. Hayaan nyo kakausapin ko si Ms. Veron para ako lang ang babagsak sa subject niya at hindi kayo." malungkot na sambit niya sa amin. Wala ni isa man ang nag tangkang magsalita pabalik sa kanya lahat kami nakatingin lang sa kanya na para bang naiinip na dahil sa oras na inilaan namin sa kanya. "Sorry!" sambit nito sa akin sabay alis. Biglang lumbot ang matigas kong puso dahil sa nakita kong reaksyon ni Gabriel sa akin. Gusto ko siyang kausapin ngunit dinidiktahan ako ng utak ko na wag! wag ko siyang kausapin dahil hindi makatarungan ang ginawa niya sa amin. Grado ang usapan dito hindi kung ano man! Kailangan kong maging scholar dito sa iskwelahan na ito upang ang malilikom ko na pera sa pag tatrabaho ay maipadala ko nalang sa magulang ko sa probinsya. Tumungo na kami sa canteen para kumain ng tanghalian at sa hindi sinasadyang pangyayari ay makakasalubong ko ang matagal ko ng ayaw makita. Si Ella na anak ni Tiya Marites! Nakatingin ito sa akin na nakataas ang kilay! Ang sama pa rin ng timpla ng mukha nito kahit na silang pamilya na ang nang api at nang baboy sa akin. Hindi na talaga mag babago pa ang mga gantong tao na masamang damo! Wala namang nangyaring masama sa pagkikita namin ni Ella. Tinarayan lang naman niya ako dahil kapag sinaktan niya pa ako kay meron akong Dimple at Jacob na sasabunot sa kanya. "Hindi na ako papabugbog ngayon! Matapang na ako! Matapang na!" galit na sambit ko sa sarili ko habang nangangatog ang tuhod. Umupo na kami sa paboritong spot namin nila Dimple at Jacob doon nagsimula kaming mag usap-usap tungkol sa pinapagawa ni Ms. Veron. Mabilis na lumipas ang oras at oras na para umuwi kami ni Dimple at magpahinga. Daily routine namin ni Dimple. Kakain ng hapunan ng maaga tapos iidlip para sa pagsabak muli namin sa gyera. Umpisa palang ng trabaho ko ngunit parang nakakapagod na agad dahil sa kukulangin ka talaga ng tulog dahil sa nag tatrabaho kami habang nag aaral. Hindi naging madali para sa amin ang pagsabayin ang pag aaral at pag tatrabaho ngunit dahil na din sa kahirapan ay sinubukan namin pasukin ang napakagulo at nakakapagod na buhay na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD