EPISODE 19

1533 Words
Lumipas ang dalawang buwan. Nakalikom na ako ng malaki-laking pera para ipadala ito kila Inay at Itay. Unti-unti na rin akong nakakaramdam ng ginhawa sa buhay ko sapagkat hindi na ako nag titiis sa kakaunting damit ko. Nakabili na ako ng ilang pares ng damit ko, marunong na akong mag cellphone ngayon dahil kailangan ko ito sa trabaho, marunong na din akong mag ayos ng sarili ko at higit sa lahat hindi na ako yung Gianna na mahinang tao lalaban na ako sa hamon ng buhay ko at hindi na ako iiyak pang muli. (Switching Scenes) Lucio's POV "Wala ka pa rin bang nahahanap na bago kong sekretarya?" tanong ko kay Emily. "Wala pa nga! Bigyan mo pa ako ng kaunting panahon para makahanap ng bago mong sekretarya," tugon ni Emily sa akin. "Haayyy! Bilisan mo naman! Gusto ko na ng magandang view!" sambit ko sa kanya. "Binibilisan ko ng maghanap! Maghintay ka." galit na sambit niya sa akin. Agad na umalis si Emily sa harap ko at ako naman ay umupo nalang muli sa upuan ko. Lumiyad ako ng kaunti sa upuan ko at huminga ng malalim. "Haay! Ang boring!" inis kong sambit. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at kinuha ang coat ko tsaka lumabas ako ng office ko. Wala sa labas ng opisina ko si Emily kaya umalis na lang ako ng bigla. Hindi ko alam kung saan ako tutungo ng mga oras na ito pero gusto ko lang ang huminga ng maluwag! Sumakay na ako sa kotse ko at umalis na ako. "Bahala na kung saan ako dahil ng sasakyan ko! Haayyy." Habang nasa biyahe ako ay napatigil ako sa isang KTV bar. Lumingon ako dito at naalala ko ang lugar na ito kaya agad akong nag park sa parking lot at pumasok na ako sa loob. Walang bago sa ambiance para sa akin boring pa rin ang lugar. Habang naglalakad ako papasok ay may nakita akong babae na nagbabasa ng libro. Napatitig ako bigla sa kanya hindi ko alam kung bakit! Basta parang sinasabi ng utak ko sa akin na titigan ko siya at tingnan pa ng matagal. Yung puso ko na matagal ng tumigil sa pag t***k nito ay tumibok muli ng mabilis at sa pagtibok nito ay napahawak ako sa puso ko. "Ano to?" nagtatakang tanong ko sa sarili ko. Mas lalong lumambot ang puso ko ng bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti! bigla akong naistatwa sa pwesto ko! Ano ba tawag dito? Ano? "Love at first sight?" sambit ko nalang sa sarili ko. Habang nakatitig ako sa babaeng yun ay may lumapit sa aking babae. "Hello! Good evening Sir! How may i help you?" tanong nito sa akin Walang paligoy-ligoy pa agad kong tinanong kung yung babae ba na nasa couch na nagbabasa ng libro ay nag tatrabaho dito. "Nag wowork ba dito yung babae na yun?" sabay turo sa couch. "Yes! Bagong employee namin si Gianna," sambit nito sa akin. "I want her to assist me. I doubled the price!" sambit ko sa kanya. "Sige po sir," "And please sa VIP room ako. Thank you!" Agad na sinamahan ako nung babaeng nakausap ko sa isang kwarto at doon ay tahimik akong nag hintay. Bumukas ang pinto at agad na pumasok yung babaeng hiniling ko. "Upo ka," sambit ko sa kanya. Umupo agad sa upuan ngunit malayo sa akin. "Ano pong gusto niyong kainin o inumin?" tanong niya sa akin. "Hmmm... Patingin ng menu niyo para makita ko," tugon ko sa kanya. Inabot niya sa akin ang menu at hindi ko sinasadyang mahawakan ang kamay niya. "Wag kang kabahan sa akin hindi kita sasaktan o gagawan ng masama," sambit ko sa kanya habang nakatingin sa menu book. "Hindi naman po ako kinakabahan," sambit nito sa akin. "Eeh ano?" nakakunot kong tanong sa kanya. "Malamig po kasi masyado ang lugar na ito kaya nanginginig ako sa lamig," sambit nito sa akin. "Aaahh... Kung ganun hinaan mo ang aircon para hindi ka lamigin o saglit lang," tinanggal ko ang coat na suot-suot ko at agad ko itong inilagay sa kanya. , "Sa susunod wag ka na mag susuot ng open ang likod na dress baka magkasakit ka niya," nag aalalang sambit ko sa kanya. "Aaah salamat po! Ano pong order niyo para madala ko na po dito?" tanong niya sa akin. "Umiinom ka ba? Saluhan mo ako sa dinner para naman hindi nakakahiya na ako lang ang kakain," sambit ko sa kanya. "Kayo pong bahala Sir. Kayo naman po ang magbabayad ng order niyo," sambit niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong natawa sa sinabi niya. "Sabi ko nga ako mag babayad," natatawang sambit ko. , "Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya. "Gianna po," sambit niya sa akin. "Pwede bang malaman buong pangalan mo?" tanong ko muli sa kanya. "Gianna Blair Morales po," "Bagay sayo ang pangalan mo. Ilang taon kana?" tanong ko sa kanya. "20 years old po," "Single? or in relationship? may anak?" tanong ko muli sa kanya. "Single at walang anak po," "Mabuti naman kung ganun," mahinang sambit ko. "Po?" nagtatakang tanong niya sa akin "Huh? May sinabi ba ako?" tanong ko sa kanya. "Ano na pong order niyo?" "Sige ibigay mo sa akin yung best seller niyo dito. Nakakatamad magbasa," "Sige po." Agad na umalis si Gianna para kunin ang inorder kong pagkain. Napapangiti nalang ako bigla sa pwesto ko ngayon hindi ko alam parang may iba sa babae yun. Gusto ko pa siyang makilala ng lubusan. Habang wala siya ay nag plano ako ng isang offer sa kanya. Ngayon ko nalang talaga naramdaman ito iba yung piling basta hindi ko ma-explain ng maayos yung nararamdaman ko nung nakita ko siya. Lumipas ang ilang minuto ay dala-dala na niya ang order ko. Pinalipas ko muna ang oras. Uminom kaming dalawa ni Gianna hanggang sa hindi namin namalayan ang nangyari. Ramdam kong lasing na ako ng mga oras na ito at hindi ko na masyadong maalala ang mga nangyayari. Ilang oras ang itinagal namin ni Gianna sa kwartong ito wala kaming ginawa kung hindi ang mag usap tungkol sa buhay naming dalawa. Napakasarap niyang kausap habang dumadami ang aming naiinom ay mas lalong lumalalim ang pagtingin ko sa kanya kaya nakagawa ako ng isang pagkakamali sa buhay ko. Ito na! Ito na habang kinukuha ko ang isang singsing sa pitaka ko. Tinanong ko siya kung papayag ba siyang pakasalan ako kapag mag propose ako sa kanya ngayon. "Gianna!" habang nakangiti sa kanya. , "Gusto mo ba akong pakasalan?" habang abot-abot ang singsing sa kanya. Tumawa ito ng malakas at pagkatapos ay inabot ang singsing na binigay ko. "Wow! Ano to diamante o pekeng diamante? Sige papakasalan kita kahit ano pa ito!" natatawang sambit niya sa akin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko ng mga oras na ito. Agad kong tinawag ang manager niya at sinabi ko na aalis kami ni Gianna pagkatapos ay kinontact ko ang kilala kong Mayor malapit dito sa lugar at humiling ako na ikasal niya kami ngayon ding araw na ito. "Hoy! Mayor! Si Lucio to! Magpapakasal lang ako ngayong araw kaya pupunta ako sa bahay mo ngayon," sambit ko habang tumatawa. "Hoy Lucio! Lasing ka ba?" "Ako? Hindi ako lasing! Walang lasing dito!" sambit ko. "Naka drugs ka ba? Alas dose na! Tigilan mo ako!" galit na sambit sa akin. "Gusto mo ba tanggalin ko lahat ng sponsorship ko sa city nyo? Magpapakasal ako ngayon!" "Bahala ka!" Pinatay ko na ang cellphone ko at sumakay na kami ni Gianna sa sasakyan ko at nagmadali kaming pumunta sa kanila. Hindi pa din kami tapos uminom ni Gianna ng mga oras na ito para kaming takaw na takaw sa alak kahit nasa biyahe kami ay nagtatawanan kami at nag iinuman. "Asawa ko!" natatawang sambit ko kay Gianna. "Asawa ko!" nakabungisngis na sambit ni Gianna sa akin. Mabilis ang takbo ng sasakyan ko kaya mabilis kaming nakadating ni Gianna sa bahay ni Mayor Henry. "Henry!" sigaw ko habang kinakatok ang pagkalaki-laking gate nila. Nagtatahulan na ang mga aso sa kapitbahay ng lumabas si Henry sa gate na galit na galit. "Ikasal mo na kami!" sigaw ko sa kanya habang hawak-hawak ang isang bote ng alak. "Pumasok kayong dalawa!" Hinila ko si Gianna sa loob at tumungo kami sa isang open space at doon naganap ang kasal namin ni Gianna. "Wala ng sisihan sa mangyayari na to! Walang iyakan pag gising niyo kinabukasan! Bahala na kayo sa buhay niyo!" galit na sambit ni Henry sa amin. "Ssshh... Dami mong sinasabi! Asan na yung singsing naming dalawa?" sambit ko kay Henry. "Ooh heto!" sabay abot sa akin. "Anong gagawin namin? Kiss na ba agad?" tanong ko sa kanya. "Syempre babasahan ko na muna kayo tapos saka na ang kiss!" "Ok na to! Basta asawa ko na siya. Kiss ko na aah," "Bahala ka! Ipapadala ko nalang yung wedding certificate nyo!" Hinablot ko si Gianna na nakaupo na sa sahig at hinalikan ko ng pagkadiin ang kanyang labi. "Sa wakas!" nakangiti kong sambit habang hawak-hawak ang kamay ni Gianna. "Sige na! Ok na! Uwi na!" sambit ni Henry sa akin. Nagmadali kaming umalis ni Gianna sa bahay ni Henry at tumungo kami sa bahay ko. Pagdating na pagdating naming dalawa ay agad ko siyang sinunggab ng halik sa kanyang labi hanggang pababa sa kanyang leeg. Tinanggal ko ang kanyang suot-suot na dress pati na rin ang suot kong pang itaas at pang baba. Pinahiga ko si Gianna sa higaan ko habang hinahalikan ko siya ay nakatingin ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin sabay biglang tatawa. Habang hinahalikan ko siya ay bigla siyang sumuka sa tabi ko! Agad akong umalis sa pwesto ko at nahulog ako sa kama pagkatapos nun ay hindi ko na maalala ang mga nangyari sa aming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD