EPISODE 17

1568 Words
Umuwi muna kami ni Dimple sa bahay para magpahinga at kumain ng hapunan. Hanggang ngayon hindi pa din mawala-wala yung sinabi ni Ms. Veronica sa amin. "Kamusta kaya magiging grado ko kay Ms. Veronica, Dim?" malungkot na tanong ko sa kanya. "Wag mo ng alalahanin yun. May final exam pa naman malay mo mahatak niya yung midterm mo?" "Tapos groupings na naman? Tapos siya ang makapareha ko? Ooh diba? Kapag nangyari yun sobrang swerte ko na!" "Malay mo swertehin ka this final!" natatawang sambit ni Dimple sa akin. "Minsan talaga hindi ko alam kung nag ke-care ka sa akin o nang aasar ka lang talaga eeh noh?" inis kong sambit. "Cheer up girl! Mamaya hanggang sa screening mo ganyan mukha mo. Sige ka baka di ka matanggap sa work niyan," "Sige. Babawi nalang ako sa susunod. Magluto na ako ng pagkain para maka idlip pa tayong dalawa," Inayos ni Dimple ang mga gamit namin habang nagluluto ako ng hapunan namin. Iniayos ko yung dress na binili ni Inay sa akin noong sumali ako ng pageant sa baryo namin. Simpleng dress lang naman ito may slit at open sa likod. Lumipas ang ilang minuto ay tapos na akong makapagluto at nakaligo na si Dimple ng mga oras na ito. "Kain na!" sigaw ko mula sa kusina. Agad na lumapit si Dimple para kumain. "Ganto. Tips ito sa bar aah. Kapag may dumating na costumer ngiti ka lang basta mong alalahanin kung may pipili ba sayo o wala kasi lahat naman tayo may client na pupuntahan sa loob. Pwede ka din irequest ng client kung gusto nila. Wala kang ibang gagawin sa loob kasama ang client kung hindi pag silbihan lang sila aah. NO TOUCH! NO KISS! basta walang hawak-hawak sayo kasi nasa rules yan once na makaramdam ka ng kabastusan sa client mo tawag ka kaagad sa cellphone na ibibigay sayo," "Aaah sige. Ano pang ginagawa mo doon bilang entertainer?" "Bale kasi para lang talaga tayong waitress dito tayo ang nagdadala ng order nila at kapag may kailangan sila ay iaassist natin sila. Hindi naman to yung entertainer na gigilingan natin sila tapos mag lalap dance tayo. Pwede ka naman sumayaw sa loob kung gusto nila as long as na gusto mo," "Aaahh.. Sige hindi naman ako sasayaw kasi parehong kaliwa ang paa ko," "Malaki ang benefits natin dito. May night differential din tayo kasi sa gabi tayo nag wowork. May libreng phone ayan may magagamit ka pang selfie tapos may tip tayo na nakukuha sa client depende kung magkano yung tip na yun," "Magkano ang pinakamalaking tip na nakuha mo?" tanong ko sa kanya. "Siguro sa isang araw nakaka sampung libo ako na tip. Aaahh ito pala mayayaman pala halos ang nag pupunta doon kaya yung suot natin pang shala-shala din pa dress ganun!" "Wow! Saan mo dinadala pera mo?" "Syempre sa tiyan ko!" natatawang sambit niya sa akin. "Hindi ka nag papadala sa probinsya? Sa mga magulang mo?" "Diba nga lumayas ako sa bahay? Yung pera ko nakatabi lang sa bangko gusto ko kasi bumili ng lupa malapit dito para pang business ko," "Wow! Business woman pala to," "Syempre mahirap na para sa future ko to." Pagkatapos namin kumain ay nagligpit na si Dimple at ako naman ang naligo. "Dim! May nagustuhan ka na ba? na lalaki?" tanong ko sa kanya habang naliligo. "Ako? So far wala naman akong nagugustuhan na lalaki ngayon!" natatawang sambit nito. "Ang ganda-ganda mo bakit hindi ka mag boyfriend?" "Para saan pa? Eeh nandiyan ka naman na?" "Yieeh.. walanjo na yan! Bakit mabibigyan ba kita ng anak?" natatawang sambit ko. "Basta ayoko munang mag jowa o whatever na yan," "Ikaw din bahala ka," "Mukhang may plano ka aah? Aba! kakabreak mo palang sa boyfriend mo," "Huy! Wala naman akong sinabi na mag jojowa na ako noh? Tsaka alam mo na 3 months rule!" "Dalian mo na maligo diyan at mag aayos pa tayo," "Sige!" Nagmadali na akong magbihis at mag aayos pa kami ni Dimple ng sarili namin. "Alam mo na mag make up diba?" tanong niya sa akin. "Oo," "Sige kaya mo na yan!" natatawang sambit ni Dimple sa akin. "Oo ako na to!" Tapos na kami sa lahat. Ito na! Ito na ang oras para bumiyahe kami papunta sa trabaho ni Dimple. Lumipas ang kalahating oras ay natuntong na namin yung bar na pinag tatrabauhan ni Dimple. Sa labas palang ang ganda na ng itsura paano pa kayo sa loob? "Makatitig naman to? Tara na sa loob!" nakangiting sambit ni Dimple sa akin habang hila-hila ako papasok. Nakatingin lang ako sa napaka gandang lugar na ito hindi nga ito katulad ng iniisip kong bar na patay sindi ang ilaw at madaming babae ang nakahubad. Pagpasok namin may makikita ka na agad na mga babaeng mga naka dress at nag gagandahan. Ang kikinis at ang puputi nila ang gaganda pa! Pumasok kami ni Dimple sa isang kwarto doon at kinausap niya yung isang babae doon. "Hello," habang abot-abot ang kamay nito sa akin. "Hello din po," "Ikaw ba yung kaibigan nito ni Dimple?" tanong niya sa akin. "Opo. Gianna po," "Tara simulan na natin ang screening." Sinuot ko na yung dress na baon namin ni Dimple pagkatapos ay iniwan na akong mag isa ni Dimple dahil magsisimula na siyang mag trabaho. "Manager Kit pala. Ganto aah. Kailangan kong malaman kung ok ang mga ngipin mo dahil isa ito sa pinaka importante dito lalo na ang hininga. Nakakahiya mang sabihin pero medyo may pagka maarte ang mga client dito." Ngumanganga ako para icheck ang bibig ko ni manager kate. "Ok naman ang mga ngipin mo kunting cleaning lang ito. Malabo ba ang mata mo?" tanong niya sa akin. "Hindi po," "Nagyoyosi ka ba?" "Hindi po," "Umiinom?" "Umiinom po pero depende po sa trip ko," "Aaah... Kapag inabutan ka ng client ng alak tanggapin mo huh. Kasi minsan yung mga nagpupunta dito na client kailangan lang ng kasamang uminom at makukwentuhan ng problema nila," "Sige po," "Nag aaral ka din katulad ni Dimple?" "Opo," "Ok! Sige kailan mo gusto mag start?" tanong nito sa akin. "Pwede na po ako ngayon mag simula," "Ok! Good! Magbihis ka na para sa training mo ngayon si Dimple na ang magtuturo sayo since kaibigan ka niya. Goodluck!" Pagkatapos naming mag usap ni Ms. Kit ay sinuot ko na yung dala-dala kong dress. Itinuro ni Ms. Kit kung nasaan si Dimple at tumungo ako agad doon. Pumasok ako sa loob ng isang madilim na kwarto at nakita kong kumakanta doon si Dimple masaya silang nag aawitan kasabay ng sayawan. Kumaway ako kay Dimple at agad naman siyang lumapit sa akin. "Hello guys! This is Gianna new employee po namin," sambit niya sa mga guest. "Bati ka sa kanila Gia," bulong niya sa akin. "Agad akong humuko sa harap nila at ngumiti. Gawin nating masaya ang pag istay nyo dito sa bar," sambit ko sa kanila. "Alright!" sigaw ng isang lalaki sabay abot sa akin ng alak. Inamoy ko muna yung alak na binigay sa akin pagkatapos ay ngumiti ako sa kanila. "Anong amoy to? Gin lang kasi ang alam kong alak," sambit ko sa sarili ko. Habang nakatingin ako sa kanila ay biglang sumigaw yung isang lalaki. "Shot! Shot! Shot! Shot!" paulit-ulit na sinambit niya. Nagkaasaran sa loob kaya hinawakan ko yung ilong ko sabay inom ng alak na binigay sa akin. "Woooh! Good Girl!" sigaw nito sa akin. Hindi pa man ako nakaka-recover sa ininom ko ay tinagayan ulit ako ng lalaki. "Congratulation sa work mo! Ms!" nakangiting sambit nito sa akin. "Salamat!" nahihiyang sambit ko sa kanya habang naka ngiti. Pinagpatuloy na nila ang masayang tugtugin at nag party na sila ulit. Naging masaya ang unang araw ko sa trabaho at hindi nga ako nagkamali ng pagkakarinig kay Dimple. Umabot ng limang libo ang tip na nalikom ko sa tatlong set ng guest. Alas kwatro ng madaling araw ang time out namin ni Dimple. Medyo nahihilo ako dahil sa dami ng nainom kong alak. "Ganto pala kasaya ang trabaho mo Dim," nakangiti kong sambit kay Dimple. "Sabi sayo eeh! Masaya yung trabaho ko tapos kikita ka pa ng malaki dahil sa tip na nakukuha mo sa mga guest," sambit niya sa akin habang akay-akay ako pauwi. "Oo nga! habang di pa tayo gumagraduate sa nursing dito muna tayo! Woooh! Akalain mo nakainom ako ng mamahaling alak?" natatawa kong sambit. "Oo naman! Sa susunod ibang alak naman ang matitikman mo depende sa trip ng guest natin!" "Maganda yun!" "Oo dito ka lalakas uminom! Sa susunod hindi ganto! pasuray-suray sa paglalakad," natatawang sambit sa akin ni Dimple. "Oo sa susunod hindi na ako ganto! Sa susunod ikaw na ang bubuhatin ko! Baka ako na to? Ako si Gianna Blaire Morales ang mutya ng baryo namin! Hindi na ako mag papaapi sa mga mayayaman! Yang si Marites? Sabunutan ko pa yan eeh! Akala niya masasaktan pa niya ako? Hindi na noh? Pag yumaman talaga ako nako! nako! talaga," inis kong sambit. "Maoy ka girl? Pag inom-inom lang huh? Wag mag dadrama!" natatawang sambit ni Dimple. "Mag aasawa ako ng mayaman! Kahit hindi na gwapo basta may pera para mabigyan ko ng malaking bahay sina Itay at Inay," "Oo mag asawa ka ng MMM!" sambit ni Dimple habang tumatawa. "Anong MMM?" tanong ko sa kanya. "Matandang Mayamang madaling MAMATAY!" sambit niya habang humahalakhak. "Aaah? Sige mag aaral nalang ako ng mabuti! Gawin mo pa akong kriminal!" sambit ko habang tumatawa. , "Teka! Asan yung CR dito? Piling ko kasi buntis ako kaya nasusuka ako?" "Putcha! Lakas mong umabot ng alak tapos ganto ka pala malasing!" natatawa nitong sambit sa akin. "Ssshhhh...," wag kang maingay habang inilalapat ang daliri ko sa bibig ni Dimple. "Ikaw ang maingay dito tapos ako papatahimikin mo?" sambit ni Dimple sa akin. , "Baba na diyan sa tricycle at nandito na tayo sa bahay!" Tumayo ako sa kinauupuan ko at pagkatayo ko palang sa upuan ay hindi ko na napigilang magsuka! Pagkatapos kong magsuka ay wala na akong naalalang nangyari pa sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD