EPISODE 20

2253 Words
Kinabukasan Tunog ng cellphone ko ang nagpagising sa akin. Iminulat ko ang mga mata ko habang hipo-hipo ang ulo ko. "Aray ko! Bakit ang sakit ng ulo ko?" tanong ko sa sarili ko. Napatingin ako sa paligid ko at napansin kong nasa lapag ako nakatulog. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at sa pagtayo ko ay biglang tumalon ang puso ko sa gulat. "Sino ka?" sigaw ko sa isang tulog na babae sa kama ko. Gumalaw ito sa kinahihigaan niya at biglang iminulat ang mga mata. "Anong sino ako? Ako si Gianna yung kaklase mo at kaibigan mo!" sigaw nito sa akin habang kinukuskos ang mga mata niya. "Hindi kita kaibigan!" galit na sigaw ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at napatitig sa akin ng ilang segundo sabay biglang sigaw ng malakas. "Aaaaahhhhh!!!! Bakit may ahas!" sigaw niya sa akin. Napatingin ako sa paligid ko at wala naman akong nakitang ahas hanggang sa nakita ko ang sarili ko sa salamin na hubod hubad! "Aaaah!!! Bastos ka! Umalis kana dito!" galit kong sambit sa kanya habang tinatakpan ang ari ko. Agad siyang tumayo sa kinauupuan niya ngunit sa hindi inaasahan ay bigla siyang nadulas. "Araay ko!" sigaw niya. Nataranta ako sa narinig ko kaya pinuntahan ko siya sa kabilang dako ng kama at nakita ko siyang nakasubsob sa kanyang suka. "Ewww!" nandidiring sambit ko sa kanya. "Mas nakakadiri ka! Tingnan mo sarili mo hanggang ngayon nakikita ko pa rin yung cobra mo!" galit na sambit nito sa akin. Kumuha agad ako ng panabing sa katawan ko tsaka pinatayo ko siya agad at pinaligo sa Cr ko at pagkatapos ay pinaalis ko na siya sa bahay ko. Agad kong tinawag si Manang para linisin ang kwarto ko at pumasok na ako sa trabaho ko. Parang nanlumo ako sa nakita ko kanina sa bahay ko. Hindi ko lubos maisip na magagawa ko ang mga bagay na ito! Nagdala ako ng babae sa pamamahay ko! Nakaupo ako sa upuan ko habang nakaliyad. Malalim ang iniisip ko sa mga oras na ito ng biglang nag flashback lahat ng nangyari kagabi sa amin. Ang naaalala ko lang ay yung siya ang nag assist sa akin sa VIP room at inalukan ko siya ng alak! "Nakailang alak ba kaming dalawa?" habang sinasariwa ko ang mga nangyayari. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit ko talagang alalahanin ang lahat-lahat ng nangyari kagabi. "Uminom lang kaming dalawa hanggang... f**k! Anong ginawa ko? s**t! Lucio anong ginawa mo! Bakit wala akong maalala na sumunod na pangyayari?" galit na sambit ko sa sarili ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko habang iniisip ang mga sumunod na nangyari sa amin kagabi. Lakad ako ng lakad at tarantang-taranta habang malalim ang iniisip. Pumasok ng pinto si Emily ng hindi ko namamalayan. "Sir!" sigaw nito sa akin habang nakangiti. "Ooh bakit?" galit kong sambit sa kanya. "May interview ako mamaya para sa secretarial position! gusto mo ba mag check?" tanong nito sa akin. "Bahala ka na!" sabay wasiwas ko ng kamay ko sa kanya. Nagulat ako ng biglang nanlaki ang mga mata ni Emily sa akin. "Bakit? Anong meron?" tanong ko sa kanya. "Totoo ba to?" sabay hawak sa kamay ko. "Huy! Anong totoo ba to?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Tanga ito ooh!" habang pinapakita ang kamay ko na may singsing. "Huh? Teka ano to?" gulat na tanong ko sa kanya. Agad kong hinubad ang singsing na nasa daliri ko at itinago ito. Habang tinatago ko yung singsing na suot ko ay hindi maiwasan ni Emily na magtanong ng magtanong. "Ano yun? Wedding ring?" tanong niya sa akin. "Malay ko! Hindi ko maalala!" "Paanong hindi mo maalala? Teka saan ka ba nag punta kahapon at bigla kang nawala?" "Wala! Bakit pa iniintriga mo boss mo? Umalis kana nga! Dalian mong mag hanap ng secretary ko!" galit kong sambit sa kanya. "Tsss... Nagtanong lang eeh! Fine! Aalis na ako!" galit na sambit nito sa akin. "Wait!" sambit ko kay Emily bago umalis. "Ano yun?" "Timpalahan mo ako ng kape. No sugar," "Ok!" Umalis na si Emily sa harap ko para ipagtimpla ako ng kape at pagkatapos ay umupo na ako sa upuan ko. Habang umaandar ang oras ay unti-unti na ding bumabalik ang mga kagaguhan na ginawa ko kagabi! "I'm a married man!" galit na sambit ko sa sarili ko. Wala akong kaalam-alam na papasok ako sa ganto kagulong sitwasyon ngayon. "I don't even know her! Putcha naman Lucio!" inis na sambit ko. Habang namomroblema ako sa ginawa ko kagabi ay dumating muli si Emily dala-dala ang kapeng pinatimpla ko at isang envelope. "Sir Lucio! Ooh kape tapos itong envelope galing kay Mayor Henry. Buksan ko na ba yung laman ng envelope o ikaw na?" tanong nito sa akin. "Wag! Wag mong buksan! Ako na!" mabilis kong sambit sa kanya. "Ok! Dati naman wala kang pake sa mga pinapadala ni Henry dito tapos ngayon biglang nagkacare ka? Hmmm...," "Alis na! Chichismiss pa eeh!" Umalis na muli si Emily at pagkatapos ay dali-dali kong binuksan yung envelope. Hindi na ito panaginip! Totoo na to! Mas lalo akong kinabahan noong nakita ko ang pinadala sa akin ni Henry. "Certificate of marriage?" Binasa ko ang nakasaad sa certificate na ito. Gusto ko mang magalit ngunit huli na! Ako din naman ang may kasalanan kung bakit ito nangyari sa amin. Agad kong tinawagan si Henry. "Henry!" "Ooh? na receive mo na ba yung marriage contract nyo?" sambit niya sa akin habang natatawa. "Tang ina naman Henry! Bakit naman ganto?" "Ang yabang-yabang mo kagabi na ikasal ko kayong dalawa tapos ngayon nababaliw kana?" "Hindi ko alam na totohanin mo yung kasal namin!" "Malamang totohanin ko talaga yan ako ba naman tinakot mo na tatanggalin mo sponsorship mo sa bayan na pinaglilingkuran ko eeh. Tsaka ok na yan model naman yung asawa mo tsaka maganda naman at makinis," natatawang sambit nito sakin. "Hindi siya model! This is bullshit! I'm hanging up!" galit na sambit ko. Galit akong umalis sa opisina ko at umuwi nalang ako sa bahay ko. Wala akong kinausap ni isa man sa mga kakilala ko gusto kong mapag isa dahil sa problema na hinaharap ko ngayon. I still in love with celine! Siya lang ang babaeng gusto kong pakasalan at handa akong mag hintay sa kanya kahit ilang taon pa yan! Dumating na ako sa bahay ko at agad akong tumungo sa kwarto ko. Pagpasok na pagpasok ko palang sa kwarto ko ay agad kong naalala si Gianna. Oo naaalala ko na ang lahat at masasabi kong hindi ito love at first sight! Humanga lang ako sa kagandahan niya nung nakita ko siya pero hindi ko intention na pakasalan siya. Humiga ako sa kama ko at pilit kong kinukuha ang tulog ko ngunit ang mga ngiti ni Gianna ang nasa isip ko. Nakasimangot akong tumayo sa kama ko at nag suot muli ng pang alis ko. "Babawiin ko yung mga sinabi ko sa kanya at oofferan ko siya ng annulment," sambit ko sa sarili ko. Umalis muli ako sa bahay at tumungo ako sa KTV bar para hanapin si Gianna. "Pwedeng malaman kung nandiyan na si Gianna?" tanong ko sa receptionist. "Aayy Sir day off po ni Gianna ngayon," "Address niya? Meron ka bang address niya?" tanong ko sa kanya. "Bawal po kami mag bigay ng information ng employee namin dito. Pasensya na po Sir," "Asan yung manager nyo? Dali! I need to talk to her now!" galit kong sambit sa kanya. Agad na umalis yung receptionist para tawagin yung manager nila. Umupo ako sa couch para hintayin ito. Lumapit ang isang babae sa akin. "Ako po ang manager dito. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong niya sa akin. "Give me the address of Gianna now!" galit kong sambit sa kanya. "Ayy sorry Sir! hindi po kasi pwedeng mag declare ng information ng employee namin dito." "Please! I need to talk to her! Please!" pag mamakaawa ko sa kanya. , "I will pay you kahit magkano! Just give me her address!" Walang magawa yung manager nila kaya pumasok ito sa opisina niya para kunin ang address ni Gianna. Pagkakuha na pagkakuha ko palang nito ay agad na akong sumibat paalis at pinuntahan ko ang address na ibinigay sa akin nung babae. Nakadating na ako sa bahay nila Gianna ngunit hindi ako lumabas ng sasakyan ko. Hinintay ko lang na lumabas siya sa bahay niya. "Lumabas kana ng makapag usap na tayong dalawa!" inis kong sambit habang naghihintay ng pagkakataon na makita siya. Lumipas ang ilang oras ay wala akong Gianna na nakita. "Baka tulog pa siya kasi pang gabi ang pasok niya?" tanong ko sa sarili ko. , "Ayy oo wala siyang pasok ngayon! Ano ba nakakabaliw mag hintay ng matagal!" inis kong sambit. Nakatingin lang ako magdamag sa gate nila kung may lalabas ba o papasok ngunit ilang oras na ang nakalipas ay wala paring taong lumalabas. Sa pag hihintay ko ay bigla akong nakatulog. (Switching Scenes) Gianna's POV Nasa kasarapan ako ng tulog ko ng may biglang sumigaw sa tabi ko. "Sino ka!" sigaw nito sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. "Anong sino ako? Ako si Gianna yung kaklase mo at kaibigan mo!" galit na sambit ko sa kanya. "Hindi kita kaibigan!" galit na tugon nito sa akin. Medyo malabo at nahihilo pa ako sa mga oras na ito dahil sa dami ng nainom ko kagabi. Habang kinukuskos ko ang mga mata ko ay unti-unti ng nagiging malinaw ang paningin ko. Bigla akong napatitig sa kanya kasabay ng panlalaki ng mata ko. "Aaahh.. Bakit may ahas!" sigaw ko sa kanya habang tinatakpan ang mga mata ko. Tumingin siya sa paligid niya at napansin na siya'y walang saplot ng mga oras na ito. Agad niyang tinakpan ang kanyang ari at galit na binalingan ako muli. ""Aaaah!!! Bastos ka! Umalis kana dito!" galit niyang sambit sa akin. Natakot ako sa kanya kaya agad akong tumayo sa kinauupuan ko. Napansin ko na naka bra at panty lang ako kaya nagmadali akong umalis ngunit pagkatayo ko palang sa kama ay bigla akong nadulas. Nadulas ako sa suka ko! "Aray!" sigaw ko. Agad siyang tumakbo papunta sa akin para silipin ang kondisyon ko at sa pagtungo ko ay yung cobra na naman niya ang tumambad sa akin. "Ewww!" nandidiring sambit niya sa akin. "Mas nakakadiri ka! Tingnan mo sarili mo hanggang ngayon nakikita ko pa rin yung cobra mo!" galit na sambit ko sa kanya. Agad niya akong pinatayo at pinapunta sa Cr para maglinis ng sarili at pagkatapos kong maglinis ng sarili ko ay agad akong umalis sa bahay niya. Hiyang-hiya ako sa sarili ko dahil nakita niya ang katawan ko at the same time nalilito ako sa nangyari kung paano ako nakapunta sa bahay niya at kung anong nangyari sa amin kagabi. Tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Dimple ang tumatawag dito. Agad ko itong sinagot at kinausap ko siya. "Dim! Tulungan mo ako!" natatakot kong sambit sa kanya. "Saan ka ba galing! Bakit bigla ka nalang nawala kagabi sa bar?" galit na tanong niya sa akin. "Dim, hindi ko alam kung anong nangyari kagabi! Asan ka?" tanong ko sa kanya. "Nandito na ako sa school dalian mong pumasok at baka malate ka pa!" galit na sambit niya sa akin. "Oo sige!" Pumara na ako ng masasakyan ko at dali-dali akong pumasok sa school. Hindi na ako nakapag suot ng uniform ko dahil hindi na ako umuwi sa bahay hanggang ngayon dala-dala ko yung dress na suot ko kagabi sa bar. Habang naglalakad ako sa hallway ay nakita ko si Ms. Veronica kaya nagmadali akong pumasok sa room. "Saan ka galing?" galit na tanong sa akin ni Dimple. "Ssshhh... Nandyan na si Ms. Veron mamaya na chika," Bukod sa terror teacher si Ms. Veron ay number 1 din siya sa pasakit ng mga istudyante niya. Bakit? kakatapos lang namin mag exam sa kanya tapos ngayon meron na naman kaming exam. "Good Morning!" bati niya sa amin. "Good Morning Ms. Veronica," "Finals is near! Ayokong pahirapan kayo masyado kaya I'll give you time para gawin ang study niyo. This will be your last chance! Kaya ayusin nyo pwede?" galit na sambit niya sa amin. , "Ahmm. Ms. Morales! I challenge you! Your in my list pero gusto ko malaman at makita na deserving ka talaga dito kaya i will pair you with Mr. Mores," seryosong sambit niya sa akin. Biglang nanghina ang loob ko ng narinig ko na ang kapareha ko sa finals ay si Gabriel. Mang iiwan na naman sa ere si Gab. "Paano na to?" malungkot na sambit ko sa sarili ko. , "Yes po Ms. Veronica hindi po kita bibiguin this time," sambit ko kay Ms. Veron. "Good! The rest find your partner and study harder! Ayoko ng ugok mag present ng study nila at! Mr. Mores mag papasok ka sa subject ko para ipasa kita! Hindi ko kailangan ng matalinong istudyante ang gusto ko deserving! Ok?" sambit niya kay Gab. "Yes po Ms. Veron," tugon niya kay Ms. Veronica. "Class dismiss!" Agad na umalis si Ms. Veronica sa room at agad kaming nag umpukan sa likod. Habang nakalapat ang ulo ko sa armchair ko ay bigla akong ginulat ng kiliti ni Dimple. "Ayy palaka!" sigaw ko. "Hoy te! Saan ka galing huh!" sambit niya sa akin habang naka pamaywang. "I think i had an one night stand?" mahinang sambit ko sa kanya. "s**t! Tang ina!" gulat na sambit niya sa akin. , "Paano? at sino?" naguguluhang tanong niya sa akin. "Yung guest ko kagabi! Basta hindi ko matandaan ang nangyari sa amin basta ang naaalala ko lang ay doon ako sa bahay niya natulog at nagising nalang ako bigla dahil sa kanya," paliwanag ko sa kanya. "Tapos?" "Tapos nakita ko yung cobra niya!" nahihiyang sambit ko sa kanya. "s**t! Malaki?" kinikilig na sambit niya sa akin. "Oo!" nahihiyang sambit ko sa kanya. Habang nag kukwentuhan kami ni Dimple ay biglang sumingit sa usapan si Gabriel. "Kailan tayo gagawa ng study?" tanong niya sa akin. "Siguro bukas nalang Gab. Gusto ko kasing mag pahinga ngayon," sambit ko sa kanya. "Aaah ok sige. sabihan mo lang ako para alam ko," sambit niya sa akin habang nakangiti. "Ok!" Umalis na kami ni Dimple at umuwi na kami sa bahay para mag pahinga. Wala kaming trabaho ngayong araw kaya araw ng pahinga namin ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD