EPISODE 16

1882 Words
Kinabukasan Maaga akong nagising katulad ng dati. Masarap ang tulog ni Dimple sa mga oras na ito kaya hindi ko na siya ginising pa. Pumunta na ako sa kusina para mag luto ng agahan namin at pagkatapos ay inayos ko na ang gamit namin pampasok. Pagkatapos kong mag- ayos ng gamit namin at magluto ng agahan ay naligo na ako para hindi kami mag agawan sa kasilyas ni Dimple. Nakaayos na ang lahat kaya ginising ko na si Dimple para mag agahan ngunit nung ginigising ko siya ay nahawakan kong mainit ang kanyang katawan. Agad kong hinipo ang kanyang noo at leeg at nakita kong mainit ang mga ito. Agad akong tumakbo palabas para bumili ng gamot at sabaw para kay Dimple. "Dimple?" tawag ko sa kanya. , "Kaya mo bang pumasok ngayong araw?" tanong ko sa kanya. Tumayo si Dimple sa kinahihigaan niya. "Oo kaya kong pumasok. May tatapusin pa tayong study para sa mid term natin," sambit niya sa akin. "Ooh ito sabaw. Inumin mo to tapos may gamot akong binili para sa lagnat mo," "Thank you," Kumain na si Dimple ng agahan at uminom na ng gamot. Mainit at naluluha-luha ang mata ni Dimple. "Wag ka na pumasok Dim. Ako ng bahala sa study natin ako na gagawa ng part mo," sambit ko sa kanya. "Hala! Ang hirap na nga ng napunta sayo tapos ikaw pa sasalo sa akin," sambit niya sa akin. "Mas intindihin mo ang sarili mo kaysa sa study na yun. Ako ng bahala. Magpahinga ka nalang dito sa bahay tapos uwian kita ng pasalubong mo," nakangiti kong sambit sa kanya. "Salamat talaga Gia. Hayaan mo babawi ako sa susunod sayo," "Nako! Ako ang may malaking utang na loob sayo. Sige na papasok na ako para hindi ako malate sa iskul." Umalis na ako at iniwan ko ng nakahilata sa kama si Dimple ngunit bago pa man ako umalis ay chineck ko muna ang kalagayan niya at pinunasan ko muna siya ng maligamgam na tubig para lumabas ang init sa katawan niya tsaka ko siya pinatulog muli at nilagyan ko ng bimpo ang kanya noo para ang absorb ng init ng katawan niya. Maaga pa ang oras kaya maaga din akong nakapasok sa school. Pagpasok ko sa silid ay agad kong binuklat ang libro ko para aralin ang mga napag usapan namin kahapon. Tumabi ako kay Jacob para tanungin yung mga naresearch niya tungkol sa topic namin at hindi naman ako binigo ni bakla. "Mamsh ito na lahat ng na-reseach ko sa topic natin," sambit niya sa akin. "Thank you! Mamaya tayo mag usap-usap tungkol sa mga nareseach mo," sambit ko sa kanya. Hinanap ko si Gab sa silid ngunit hindi ko siya nakita doon kaya bumalik nalang ako sa pag gawa ng study namin. Lumipas ang ilang oras at uwian na noon. Hindi pumasok si Gab at may sakit si Dimple ngunit tinapos ko pa rin ang aming study para hindi sila mahirapan. Naglalakad ako papunta sa sakayan ng jeep noon ng nakita kong lumabas ng computer shop si Gab. Naka school uniform pa siya ng nakita ko at agad ko siyang nilapitan. "Bakit hindi ka pumasok?" tanong ko sa kanya. "Tinatamad ako eeh," sambit niya sa akin. "Ano! Iiwan mo ang grupo para lang sa pansariling kasiyahan mo? Asan yung gawa mo para sa study natin?" tanong ko sa kanya. "Wala akong ginawa," plain na sagot niya sa akin. Nag init ang ulo sa kanya kaya nag walk-out nalang ako at sumakay na ako sa jeep para umuwi. "Tatapusin ko itong study na to kahit wala kang tulong sa grupo," inis kong sambit. Umuwi ako sa bahay na masama ang mukha. Pagkapasok ko sa loob ay nakita kong nakahiga pa rin sa kama si Dimple. Agad ko siyang hinawakan sa kanyang noo at leeg at gumaan ang pakiramdam ko na nakita kong bumaba na ang kanyang lagnat. Kumuha ako agad ng maligamgam na tubig at dinampian muli siya ng bimpo. Nagluto na ako ng makakain namin at ginising ko na si Dimple sa pagkakatulog nito. "Dim! Dim! Gising na nakaluto na ako ng hapunan natin," sambit ko sa kanya habang niyuyogyog ko siya. Gumising na si Dimple at inalalayan ko siyang bumangon sa kama niya. "Wag ka ng aalis sa kama mo dalhan nalang kita ng makakain diyan." sambit ko sa kanya. Binigyan ko ng mahihigop si Dimple at binilhan ko din siya ng maiinom. "Inom ka ng royal mabisa yan para sa may lagnat," nakangiti kong sambit sa kanya. Habang pinapanuod kong kumain si Dimple ay hindi niya naiwasang lumuha. "Ooh? Wag kang iiyak ui! Anong nagyayari?" nag aalala kong sambit sa kanya. "Ito kasi ang unang beses na may nag alaga sa akin pagkatapos kong umalis sa bahay namin sa probinsya," maluha-luhang sambit niya sa akin. "Ano kaba? Tayo nalang ang magtutulungan dito. Hanggang nandito ako sa bahay mo aalagaan kita," nakangiting sambit ko sa kanya. "Salamat Gia! Salamat!" masayang sambit niya sa akin. Umupo ako sa tabi niya at niyakap ko siya. "Para na kitang kapatid Dim kaya gagawin ko ang lahat para sayo." nakangiting sambit ko sa kanya habang hawak-hawak ang kamay nito. Tumayo si Dimple sa pag kakaupo niya at may kinuha ito sa kanyang bag. "Ooh! Tinanong ko si Manager Kit kung hiring kami at swerte mo vacant sila ngayon. Bukas na bukas samahan kita mag apply sa kanila," sambit niya sa akin. "Kamusta na pala ang mga sugat mo? Patingin nga?" tanong niya sa akin. "Ok na! Mabilis naghilom ang mga sugat ko dahil sa ointment na binigay mo sa akin tapos hindi din nag marka yung mga sugat kaya sobrang saya ko," "Mabuti naman kung ganun. Bukas pagkatapos ng checking natin sasamahan kita sa work para mag pa screening," "Sige! Thank you!" Pagkatapos kong pakainin si Dimple at painumin ng gamot ay pinagpahinga ko na siya ulit at pagkatapos ay pinusan ko muli ang kanyang katawan para mas lalong bumaba na ang temperatura niya sa katawan. "Tapos ko na pala yung study natin Dim. Aralin mo nalang bukas para hindi ka mawala kung tanungin ka man si Ms. Veronica," sambit ko sa kanya. "Sige ako ng bahala bukas ng umaga," sambit niya sa akin sabay tulog. Hindi pa din ako mapalagay sa study na ginawa ko kaya inaral ko ito ulit dahil checking na bukas. Hindi ko tinanggal sa grupo si Gab kahit na wala siyang tinulong sa grupo alam kong kailangan din niya ng pasadong marka para wala siyang babalikan na subject sa susunod na sem. Basa dito basa doon, sulat dito sulat doon ito ang ginawa ko pagkatapos kong mag ligpit ng kalat sa loob ng bahay. Inaayos ko lahat ng grammar at yung nilalaman ng aming study. "Ok na to!" masaya kong sambit sa sarili ko. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at humiga na ako sa tabi ni Dimple para matulog. Kinabukasan Habang nasa kasarapan ako ng tulog ko ay may narinig akong kalambagan ng mga kaldero at kawale sa kusina. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong nagluluto na ng agahan si Dimple. Tumayo ako sa kinahihigaan ko at tumungo na sa kusina. "Huy! Bakit nagluluto kana?" tanong ko kay Dimple. "Ok na ako!" masayang sambit niya sa akin. "Sigurado ka ba?" habang hipo-hipo ang noo nito. "Ok na ako! Salamat sa nurse ko!" masayang sambit niya sa akin. "Mabuti naman kung ganun! Ako na magluto at aralin mo na yung study na ginawa ko," sambit ko sa kanya. "Sigurado ka? Ikaw na talaga dito?" tanong niya sa akin. "Oo. Sige na mag aral kana dun habang nagluluto ako at checking na mamaya niyan," "Sige. Aralin ko na muna itong ginawa mo." Itinuon ko na sa pag luluto ang atensyon ko. Gaya ng dati pagkatapos kong magluto ay inayos ko na ang mga gamit namin ni Dimple para sa iskwelahan. "Ako na mauunang maliligo Dim kasi nagpapainit pa ako ng tubig mo pang ligo!" sigaw ko mula sa kasilyas. "Sige! Salamat!" Habang naliligo ako ay inaaral ko pa rin yung ginawa kong study at nag peprepare na din ako para sa screening na magaganap mamaya. Naghilod ako ng katawan ko at ibinabad ang sabon sa katawan ko. Pagkatapos kong maligo ay sakto namang tumunog ang takure na pinag iinitan ng tubig at pagkatapos ay pinatay ko ito. "Dim! Maligo kana!" sigaw ko paglabas ko ng kasilyas. Agad namang kumuha ng twalya si Dim at pumasok na ito sa kasilyas dala-dala ang mainit na tubig. "Dim! Maglagay ka ng oil sa likod mo huh! Para hindi ka lamigin," sambit ko sa kanya. "Oo!" Nagbihis na ako at umupo sa upuan para antayin matapos si Dim sa pagligo. Pagkatingin ko sa orasan ay mag alas syete na ng umaga. "Dim! Dalian mo maligo at babyahe pa tayo!" sigaw ko. Lumabas na si Dim sa kasilyas at nagmadaling nag suot ng pangpasok na damit. Pagkatapos naming mag ayos ay umalis na kami sa bahay at tumungo na sa aming iskwelahan. Lumipas ang ilang minuto ng biyahe ay dali-dali kaming pumunta sa silid namin para aralin ang study na ginawa ko. Nandoon na si Jacob ng mga oras na iyon ngunit wala pa rin si Gabriel. Malapit na ang oras sa pagdating ni Ms. Veronica ngunit wala paring Gabriel na dumadating. Kinakabahan na ako sapagkat si Gabriel ang nasa unang listahan ng mag pepresenta ng gawa namin. Habang nakatitig ako sa pintuan ay dumating na si Ms. Veronica dala-dala ang bag nito na may index card. "Let's start!" sambit nito sa amin. Bigla akong kinabahan at piling ko lalabas yung mga lamang loob ko sa kaba. Kinuha na ni Ms. Veronica yung index card at sinimulan na itong balasahin. "Ok! Group ni Ms. Morales," Mas kumabog lalo ang dibdib ko ng narinig ko ang apelyido ko. "Kami ang mag iistart! Asan kana Gab!" sambit ko sa sarili ko. "Ok! Present your study," seryosong sambit ni Ms. Veronica sa amin. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko kaya ako na ang gumawa sa parte ni Gab. Naipresenta ko ito ng maayos pati na sina Jacob at Dimple ngunit biglang sumamangot si Ms. Veronica sa amin at nagalit. "Saan si Mr. Gabriel?" galit na tanong nito sa amin. "Ma-Ma'am? Hindi po namin alam kung nasaan siya," sambit ko sa kanya. "You must know na group presentation to at hindi ito Gianna Morales lang! Babawasan ko ang points ng group nyo dahil hindi kayo kumpleto! Hindi ako nakikipag biruan sa inyo dito! Kaya yung susunod na grupo kapag hindi kayo kumpleto wag na kayo mag present ng gawa niyo!" galit na sambit niya sa aming lahat. , "Take your seat!" galit na sigaw niya sa aming magkakagrupo. Hindi ko napigilan na lumuha dahil sa hindi pag sulpot ni Gab sa presentation namin. Masama ang loob ko dahil dugot' pawis ang inilaan ko dito tapos mababalewala lang pala ang pinag hirapan ko dahil lang sa hindi dumating ang isa kong kagrupo. Galit na galit ako kay Gab sa mga oras na ito kaya hindi ako masyadong makausap ni Dimple at Jacob. Buong klase na wala si Gabriel. Umuwi kami ni Dimple na malungkot dahil sa nangyari habang naglalakad kami ay nakita ko yung computer shop na pinaglalaruan ni Gabriel kaya pinasok ko ito sa loob at hindi nga ako nagkamali sa desisyon ko. Nakita ko si Gabriel sa dulo na masayang naglalaro ng computer games. "Salamat sa tulong mo Gabriel! Nakakainis ka! Alam mo sana hindi nalang kita naging kagrupo! dahil sayo bagsak tayo! Nakakainis! kung ayaw mong mag aral wag mo kaming idamay! Mahirap lang kami at wala akong pang tuition kaya ang pupursigi akong mag aral para makalibre ako ng tuition ko!" sambit ko sa kanya habang umiiyak. Walang ginawa si Gabriel kung hindi ang ituon ang atensyon sa paglalaro. Umalis ako sa tabi niya na lumuluha dahil sa galit. Pagkatapos ko siyang komprontahin ay galit kaming umalis ni Dimple.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD