EPISODE 15

1712 Words
"Good Morning class!" sambit ni Bb. Veronica. "Good Morning Ms. Veronica." sambit naming lahat. Pinaupo niya kami sa upuan at agad siyang nag roll call sa attendance at pagkatapos ay pinag group na kami. "This will be your midterm exam," habang abot-abot ang kapirasong papel sa amin. , "Igu-group ko kayo sa apat para magtulungan kayo. Jacob Sarmiento, Gianna Blair Morales, Dimple Santos at Gabriel Mores kayo ang magkakagrupo." Napangiti ako sa mga kagrupo ko sabay hawak sa kamay ni Dimple. Lumingon din si Jacob sa amin sabay ngiti at tumingin ako kay Gab at tinawag ito ngunit hindi siya lumingon sa akin. "Ok! Class dismiss. Pag usapan nyo kung paano nyo gagawin yung case study na binigay ko." sambit ni Ms. Veronica sabay labas ng silid namin. Nag grupo-grupo na agad kaming lahat at kanya-kanyang sibat sa klase. Pumunta kami ng mga kagrupo ko sa canteen para doon mag usap-usap ng gagawin namin. Buhat-buhat ni Jacob yung malaking bear at buhat naman ni Gab yung mga pagkain na dala ko. Sa canteen. Habang nag uusap kami nina Jacob, Dimple at Gab ay may lumapit sa aking mga istudyante. "Ang gwapo ng boyfriend mo! Model ba yun?" tanong nila sa akin. "Oo nag momodel yun pero di ko na boyfriend yun. Ex ko," sambit ko sa kanila. "Aaahh... Sana all nahahalikan ang gwapong EX!" sambit ng isang babae. Umalis na sila at nagpatuloy na kami sa pag uusap naming apat. "Kainin na natin yung mga pagkain habang nag uusap tayong apat," sambit ko sa kanila. "Mamsh! Maganda pala maging ka-grupo mo noh?" nakangiting sambit ni Jacob sa akin. "Akala mo lang. Sige na hatiin nyo na yung cake mukang lusaw na ata," Kumuha ng plato si Dimple at tinidor para sa aming apat at kinain na namin yung dalang pagkain ni Aeron para sa akin. "Ang sarap nung cake Mamsh! Mouth-watering!" masayang sambit sa akin ni Jacob. "So ano na ngang topic natin na related sa theme na binigay ni Ms. Veronica?" tanong ni Dimple sa amin. "Diba biology subject to? So meaning related sa human body? What if pag usapan nalang natin sa study ay yung ari ng babae at lalaki?" sambit ni Jacob sa amin. "Ang bastos neto ni bakla ooh. Ang daming pwedeng i-topic bakit yun pa?" sambit ko kay Jacob. "Magandang idea!" nakangiting sambit ni Dimple sa amin. "Yay! At talagang nagsama pa talaga kayo? Anong itotopic niyo dun?" tanong ko sa kanila. "Siguro mas maganda kung mag focus nalang tayo sa female reproductive? Kung paano ang development ng baby sa sinapupunan ng babae o kung paano nagkakaroon ng mga problema ang mga babae sa kanilang katawan?" singit ni Gab. Nagkatinginan kaming lahat sa kanya. "Baby! Ang ganda ng topic na naisip mo! Gusto mo ba subukan nating gumawa ng baby natin?" panglalandi ni Jacob kay Gab. Lumapit si Jacob kay Gab at tumabi sa pwesto nito sabay yakap. "Baby! Make me wet!" pang aasar niya. Umiwas ng katawan si Gab kay Jacob at tumayo sa upuan niya. "Huy! Tumigil ka o sasapakin kita?" galit na tanong ni Gab kay Jacob. "Ito naman nagbibiro lang galit kana agad Baby?" sambit ni Jacob. "Ooh-ooh tama na! Ang cute nyong tingnan!" natatawang sambit ko sa kanila. "Talaga ba? see Baby! bagay daw tayo sabi ni Mamshie," nakangiting sambit ni Jacob. "Isa!" galit na sambit ni Gab Umupo si Gab sa tabi ko. "Mamaya na landi Jakol este Jacob," sambit ni Gab kay Jacob. "Yan ang gusto ko sa lalaki. Bastos pero mapagmahal!" natatawang sambit ni Jacob. "So anong bago mong pangalan? Jacob o Jackie?" natatawang tanong ni Dimple kay Jacob. "Mas bet ko yung Jakol! yan kasi pinangalan sa akin ni Baby," "Jusko! Ang panget!" natatawang sambit naming lahat. Napuno nang tawanan ang usapan naming apat. Unti-unti ng bumabalik ang ngiti sa aking labi. Sila lang pala ang susi para maging masama na ulit ako. Natapos ang usapan naming apat at nakapag construct na din kami ng Topic namin at flow sa aming study. Medyo mahirap ang nursing pero kakayanin dahil ito ang aking pangarap na kurso. Pagkatapos namin mag hati-hati ng trabaho ay umuwi na kami. Inihatid kami ni Jacob sa sakayan ng jeep. "Ang saya makasama ni bakla noh," nakangiting sambit ko kay Dimple. "Oo maganda talagang kasama ang mga bakla kasi sobrang jolly ng mga yan tapos hindi nauubusan ng kwento kaya kakabagin ka kakatawa diyan," natatawang sambit ni Dimple sa akin. "Gusto ko maging kaibigan ang mga ganyang tao parang ikaw! Ang saya nyong kasama nakakawala ng problema," nakangiting sambit ko kay Dimple. Inilapat ni Dimple ang kanyang ulo sa balikat ko at hinawakan ang kamay ko. "Masaya din akong nakilala kita at ngayon nadagdagan na tayo ng dalawa pa!" "Oo nga eeh! Ang saya-saya natin ngayon araw." Hindi na nakasagot pa si Dimple sa akin dahil natutulog na pala ito sa balikat ko. Mahirap man ang pwesto ng pagtulog niya ay mabilis naman siyang nakatulog. Habang nasa biyahe kami ay hindi ko din maiwasang makaidlip dahil sa napaka lambot ng yakap-yakap ko. Lumipas ang ilang minuto ay nakadating na kami sa sakayan ng tricycle. "Huy!" yugyog ni Dimple sa akin. "Ayy napasarap ang tulog ko," "Baba na dali!" Bumaba na kami ni Dimple at sumakay na kami agad sa tricycle. Walang ibang ginawa si Dimple ngayong araw kung hindi ang matulog lang sa tabi ko habang nasa biyahe. "Antok na antok ka?" tanong ko sa kanya. "Oo. Nakakaantok ngayong araw." Hindi na ako natulog pa sa tricycle at hinayaan ko nalang si Dimple na mag pahinga. Sino ba namang hindi malo-lowbat sa ginagawa niya. Sa umaga istudyante at sa gabi naman entertainer. Mabilis kaming nakauwi ni Dimple sa bahay niya at nagmadali kaming pumasok sa loob para magpahinga. Pagkapasok na pagkapasok namin Dimple agad siyang humilata sa kama niya. "Alas otso ang pasok ko," "Sige, Gisingin kita ng alas otso." Maaga-aga pa ng nakauwi kami sa bahay niya kaya umalis na muna ako papunta sa palengke para bumili ng lulutuin kong hapunan namin at makapag pahinga ng maayos si Dimple. Pagkabalik na pagkabalik ko galing sa palengke ay agad akong nagluto ng hapunan naming dalawa. Nakatingin ako sa orasan at nakita kong mag alas syete na ng gabi kaya ginising ko na si Dimple sa pagkakatulog niya. "Dimple!" sambit ko habang ginigising siya. , "Alas syete na girl!" sigaw ko sa kanya. Napabalikwas sa kama si Dimple at agad na kinuha ang twalya niya para maligo. "Nagluto na ako ng pagkain dito. Kain ka muna bago ka pumasok sa trabaho aah," sambit ko sa kanya. "Oo! kakain ako!" sigaw niya mula sa kasilyas. Inayos ko ang damit na susuutin niya at inilabas ko ang mga make up niya. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ni Dimple ay lumabas na siya galing sa kasilyas. "Hala! Thank you sa pag aayos ng gamit ko," nakangiting sambit niya sa akin. , "Kaso hindi ko pa gagamitin yung dress na ito dito. Binabaon ko to sa trabaho para doon mag papalit," "Aah para iwas manyak nga naman sa daan," "Oo alam mo naman takaw atensyon sa tao yung mga dress ko na sinusuot sa trabaho," nakangising sambit niya. "Kapag may vacant na sa work mo aah. Sabihan mo ako para makatulong na ako sa gastusin mo dito sa bahay," sambit ko sa kanya. "Sabihan kita agad kapag hiring kami. Turuan na kitang mag make up ngayon kasi need nila to sa trabaho," "Sige paano ba?" tanong ko sa kanya. "Ito anong tawag dito?" habang may pinapakitang maliit na bilog sa akin. "Eye shadow?" tanong ko sa kanya. "Sa eyebrow itong gamit na to. Ang tawag dito ay waterproof brow clay ito ang usong pang kilay ngayon sa mga kababaihan dahil hindi kumukupas yung kulay niya. Halika, lagyan kita. Ganto ang paglagay diyan. Yung matulis na tip ito yung ididip mo sa clay tapos dahan-dahan mo itong ikokorte sa kilay mo dapat hindi siya makapal baka mag mukha kang bruha niyan. Itong mabuhok na parte ng kilay mo dito manipis na hagod lang hanggang sa pakapal. Try mo sa akin." Sinunod ko ang instruction na sinabi sa akin ni Dimple. Dahan-dahan sa paglagay ng clay tapos manipis na pang brush lang sa umpisa hanggang sa pakapal. Tumingin sa salamin si Dimple at natuwa siya sa outcome. "Ang bilis mo naman palang turuan eeh. Ooh tapusin mo na pati yung kabila," sambit niya sa akin. Itinuloy ko ang pag ayos ng kilay niya at satisfied naman siya sa ginawa ko. Pagkatapos naming magkilay na dalawa ay tinuruan naman niya ako mag eye shadow ng maayos. Inilabas niya ang pallete niya at itinuro sa akin ang tamang pag blend ng kulay. "Manipis lang ako mag eyeshadow kasi hindi naman masyadong makita sa chinita kong mata, Ganto naman yan kunin mo yung skin tone mo tapos ang gagamitin natin ay yung babagay sayo dahil sa maputi ka naman ang gamitin natin ay yung tone ng pink,orange at brown. Ganto aah. tong brush na to pang eye shadow lang ito aah tap mo ng kaunti yung pink tapos spread mo sa mata mo tapos yung orange naman ilalagay ito sa itaas ng pink para pang dark lang ng kaunti and then itong brown naman sa gilid to ng mata para mag mukang smokey eye. Simple lang yung ginagamit kong shade kasi pag dark make up na mag mumuka na akong bruha. Ito naman liquid eyeliner. Ginagamit ito para pang emphasize ng mata ang ituturo ko sayo ay cat eye para mukang pakarat yung mata mo. Maglalagay ako ng contact lense na gray para mas gumanda yung mata ko. Tapos dahan-dahan naman tayong mag lalagay ng foundation sa mukha at maglalagay din tayo ng conture para yung mukha natin mag mukhang sexy at kunting blush on at highlighter tsaka ayun mag lipstick na tayo. Pabebe lang ang shade na lipstick na ginagamit ko para hindi naman ako mukang kontrabida sa palabas. At ito na ang final product!" nakangiti niyang sambit. "Grabe! Ang ganda mo! Sana lahat marunong mag ayos ng sarili!" nakangiting sambit ko sa kanya. "Ano ka ba matututunan mo din yan kapag nakapag trabaho kana din katulad ko," sambit niya sa akin. "Galing! Sige na kain na tayo para makapasok ka na sa trabaho." Agad akong tumayo sa pag kakaupo ko at nag hain na ako ng makakain namin. "Tara kain na!" sigaw ko sa kanya. "Ito pala Gia, Bago ka mag ayos dapat kakain muna tayo kasi yung lipstick natin mawawala tapos mag totoothbrush pa so yung foundation na nilagay natin mawawala din," "Aaahhh oo nga noh," natatawa kong sambit sa kanya. "Sige na kain na tayo para maalis na ako," "Sige." Nagmadaling kumain si Dimple at pagkatapos ay umalis na din ng bahay. Dating gawi kapag tapos na kumain ay nagliligpit na ako at nag aayos ng bahay bago ako matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD