EPISODE 7

2206 Words
Magandang umaga! Mugto at masakit ang mata ko ng gumising ako piling ko habang tumatagal ang pananatili ko dito ay nakakaramdam ako ng masama sa katawan ko. Bumibigat ang pakiramdam ko dito sa bahay na ito. Alam ko namang ayaw nila sa akin ramdam ito ng puso ko. Hindi ko na sila ginambala pa sa pagtulog nila kaya pag kagising ko agad akong bumaba sa kusina para magluto ng agahan. Pagkatapos kong nag luto ng agahan ay kumain na ako at naligo para umalis ng bahay hindi na ako nagpasama kay Tiya Marites sa University. Marunong naman akong magbasa at magtanong kung paano sumakay eeh. Lumabas ako sa bahay nila na masaya agad akong pumunta sa nakita kong pilahan ng tricycle at doon ako nagsimulang magtanong kung paano makapunta sa school ko. Mabuti nalang at alam nila ang school ko kaya hindi na ako nahirapan pang bumiyahe at isa sa sekreto ko para hindi ako maligaw ay doon ako mismo sa tabi ng driver uupo para alam ko kung baba na ako. "Manong paano po pumunta sa Pio University?" tanong ko sa tricycle driver. "Pio University? Teka? Aahh ganto ihatid kita sa mansanas rd. tapos sakay ka ng jeep pa osmeña tapos kunting lakad nalang yun doon. Pwede ka din magtanong sa mga tao dun para sure ka," sambit niya sakin. "Maraming salamat po Manong." sambit ko sa kanya habang nakangiti. Maingat ako sa pagkilos ko ngayon kasi dinala ko lahat ng laman ng sobre ko. Malaking pera ang dala ko sa bag ko kaya hindi matanggal-tanggal ang mata ko sa bag ko. Maaga akong umalis sa bahay nila Tiya ngunit mag aalas otso na ng umaga ako nakapunta sa school gawa ng matrapik sa daan. Nakatayo ako sa isang napaka laking iskwelahan sa maynila. Madami na ang istudyanteng pumapasok sa loob dahil sa ginaganap na enrolment. Agad akong lumapit sa gwardiya sa harapan upang magtanong kung anong gagawin para sa enrolment. Hindi kasi ako pamilyar sa gantong set-up at yung mga nakikita kong mga nag eenrol ay may kanya-kanyang kasama na magulang. "Ahmm... Manong pwede ho ba magtanong?" tanong ko sa gwardiya. "Ano yun?" tugon nito. "Paano po ba ang process ng enrolment dito?" tanong ko sa kanya. "Saang college ka ba?" "Nursing po," "Aahh ganto iha. sa gitna netong building merong pila para sa assessment. Hanapin mo yung kurso na pag eenrollan mo tapos doon ka pumila," "Aaah sige po! Maraming salamat," ngiti ko sa kanya sabay alis. Lumakad na ako sa tinuturo niyang direksyon at pagpasok ko nga sa loob ay nakita ko ang napaka raming istudyante na nakapila. Pumila ako agad sa linya ng Nursing at naghintay ng term ko pa ma assist. Lumipas ang ilang oras at tapos na akong mag enrol nakapag full payment na din ako sa tuition ko para hindi ko na ito iisipin pa. Kaunting pera nalang ang natira sa akin kaya kailangan ko itong tipirin para may pang gastos ako sa araw-araw. Palabas na ako ng school nun ng nakita ko si Ella kasama si Tiya Marites na nag mamadaling tumakbo papasok sa loob. Agad akong nagtago sa gilid para hindi nila ako makita mamaya kasi aawayin na naman nila akong dalawa. Habang nagtatago ako ay may biglang kumausap sa akin. "Huy! Anong ginagawa mo diyan?" tanong niya sa akin. "Ssshhh... Wag kang maingay baka makita nila ako," "Nino?" tanong niya. "Yung Tiya ko at yung pinsan ko," "Bakit tinataguan mo?" "Eeh hindi ko din alam. Nagulat kasi ako na school din pala ng pinsan ko itong school ko," "Aaah... Wala na sila pwede ka ng lumabas diyan," sambit niya. Sumilip ako at hindi ko na sila makita pa kaya lumabas na ako sa pinagtataguan ko. "Salamat at wala na sila," "Dimple pala!" nakangiti niyang sambit. "Gianna," nakangiting kong sambit sa kanya. "Nursing ka din?" "Oo," "Pareho tayo! Nursing din kinuha ko. Sana maging magkaibigan tayo Gianna," sambit niya sa akin. "Pwede naman! wala pa akong kaibigan buhat ng lumuwas ako dito sa maynila," "Ako din! Mukhang pinagtagpo tayo ng tadhana! Matagal na ako dito sa maynila pero iilan lang yung kaibigan ko puro katrabaho ko lang," nakangiting sambit niya sa akin. "Aaah asan ang pamilya mo?" tanong ko sa kanya. "Nasa probinsya sila tinakwil ko na!" sabay tawa nito sa akin. "Grabe naman. Anyway una na ako dimple," "Uuwi kana agad?" tanong niya sa akin. "Oo magluluto pa kasi ako at mag lilinis ng bahay," "Sipag mo naman!" "Nakikitira lang kasi ako kaya kailangan kong maging masipag ayoko din kasing maging pabigat sa kanila," "Tama yan. Sige kunin ko nalang cellphone number mo kung ok lang?" tanong niya sa akin. "Nako wala akong cellphone," "Huh? Meron pa palang walang cellphone sa panahon ngayon?" tanong niya sa akin. "Oo! at ako yun!" sabay tawa ko. "So paano pala ngayon kung kailangan kang contakin niyan? Paano mo makakausap ang magulang mo?" tanong niya sa akin na may pag aalala. "Alam naman nila na nandito ako sa maynila sa puder ng Tiya ko kaya alam nilang ok lang ako," nakangiting sambit ko sa kanya. "Sabagay may point ka. Sige una na ako kita nalang tayo sa pasukan Gianna," nakangiti niyang sambit sabay alis. "Oo sige dimple!" sambit ko sa kanya. Pagkatapos naming mag usap ni Dimple ay umalis na ako agad. Mabilis akong nakauwi ngayon sapagkat wala ng trapik sa daan. Pagkauwi ko sa bahay ay madumi at tambak na hugasin ang nadatnan ko. Wala ding nalutong pagkain kaya nagluto ako agad ng makakain tsaka ako nagsimulang maglinis ng bahay. Pagkatapos ko sa paglilinis ng bahay ay naligo ako ulit. Maaga pa ang oras para dumating yung asawa ni Tiya kaya nakaligo ako ng matagal sa banyo. Kudkod dito kudkod doon! Linis dito linis doon. Pagod na naman ako ng natapos akong maligo. Umakyat ako agad sa itaas upang magsuot ng damit. Pagbaba ko ay wala paring katao-tao kaya umupo ako sa harap ng telebisyon para manuod ng telebisyon. Masaya akong nanunuod ng telebisyon ng mga oras na iyon nakatapos ako ng isang palabas bago dumating yung asawa ni Tiya. Nakaluto na ako at nakalinis kaya wala siyang nadatnan na gulo sa bahay. Tumayo ako agad sa upuan para umakyat sa taas ng kwarto ni Ella. Maaga pa ang oras kaya nag basa nalang ulit ako ng libro ng nursing. Wala akong ibang magawa kung hindi ang magbasa nalang ng libro. Lumipas ang ilang oras ay dumating na sila Tiya Marites at Ella. Agad akong bumaba sa baba upang tingnan kung may ipapagawa sila sa akin. "Kamusta po Tiya?" tanong ko dito. "Saan ka galing kaninang umaga?" tanong nito pabalik sa akin. "Nag enrol po ako kaninang umaga hindi ko na po kayo inistorbo pa sa inyong tulog kaya ako nalang pong mag isa ang pumunta sa school," "Aaah edi maganda kung ganun," sambit niya sa akin. , "Ayusin mo nga itong mga dala ko," sambit niya. Kinuha ko agad ang mga dala-dalang plastik ni Tiya at inayos ito. "Gia," "Ano po yun Tiya?" tanong ko sa kanya. "Sa susunod ikaw na ang mamalengke ng mga kakainin natin dito para may silbe ka huh," inis na sambit niya sa akin. "Sige po Tiya," "Tsaka tuwing sabado ang labahan ng mga damit dito. Isama mo na din labhan ang mga gamit namin para hindi aksayado sa sabon at tubig, Maliwanag ba yun?" "Opo Tiya," "Sige. Pagkatapos mo diyan ahmm... Magwalis ka sa labas ng bahay," "Sige po," Binilisan ko na ang pag aayos ko ng pinamili nila at agad akong lumabas sa labas ng bahay para magwalis at maglinis. Pa-upgrade na ng pa-ugrade ang trabaho ko sa bahay nila Tiya. Nung una tamang hugas at luto lang ng pagkain tapos ngayon linis banyo at linis ng buong bahay pagkatapos ako na din ang mamamalengke at maglalaba ng mga gamit nito. Ang bait talaga ni Tiya Marites! Mukhang hindi talaga ako nasabihan ng Inay at Itay na magkakatulong din pala ako dito sa maynila kapalit ng pagtira ko dito. "Hayyy... Kung alam ko lang na ganto ang mangyayari sana pala hindi na ako lumuwas ng maynila." sambit ko habang nag wawalis sa labas nila Tiya. Ngunit hindi ko namalayan na nandun pala si Tiya Marites na nanunuod sa akin habang nagwawalis ako. "Anong sinasabi mo diyan! Gia!" galit na sigaw nito sa akin. "Wala po Tiya, Kinakausap ko lang po yung mga halaman niyo," Lumapit si Tiya sa akin at hinawakan ng madiin ang bibig ko. Nabusalsal ito at nagkasugat dahil sa talas at haba ng kuko ni Tiya. "May sinasabi ka kanina diba? Sabihin mo sa akin ngayon! Tapang-tapangan ka diba?" galit na sambit sa akin ni Tiya. "Hindi po Tiya! Sorry po! Hindi na po mauulit!" pang mamakaawa ko kay Tiya. Itinulak ako ni Tiya sa mga winawalisan ko at napaupo ako doon. Nagalusan ako sa siko ko dahil natuntong ko ito sa sahig. "Dapat lang sayo yan! Bastos kang bata ka! Ganyan ba ang tinuturo ng magulang mo sayo?" galit na sambit sa akin ni Tiya. "Hindi po! Mabuting tao po ang magulang ko pasensya na po Tiya hindi na po mauulit," pag mamakaawa ko sa kanya habang lumuluha. "Dapat lang! kapag naulit pa ang pag sagot mo sa akin eeh mabuti ng umalis ka sa pamamahay ko!" "Opo Tiya." Tumayo ako sa pinag sasadlakan ko at kinuha ko muli ang walis at dustpan para maglinis. Patuloy na umaagos ang luha sa mga mata ko habang naglilinis ng labas ng bahay nila. Madaming nakakita na tao sa nangyari ngunit ni isa sa kanila ay walang tumulong sa akin habang pinagmamalupitan ako ni Tiya. Pagkatapos kong maglinis sa labas ng bahay ay pinaglinis muli ako sa loob ng bahay nila. Labag man sa loob ko ngunit wala akong magagawa kung hindi ang magpaalipin sa kanila. Pagod na pagod akong natapos sa paglilinis tapos na silang magsikain at tambak na naman ang lababo ng mga hugasin. Kumain na ako ng hapunan para maibsan ang pagod na nararamdaman ko. Pagkatapos kong kumain ay nagsimula naman akong maghugas ng pinggan. Nasa itaas na silang mag anak noong naghuhugas ako ngunit nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin sa likod. Agad akong kumalas at tumingin sa likod ko at nakita ko yung asawa ng Tiya ko na nakangiti sa akin. "Bakit po?" natatakot kong sambit sa kanya. "Pasensya na akala ko si Marites," nakangiting sambit niya sa akin. "Nasa taas na po sila Tiya." kinakabahan kong sambit sa kanya. Nakangiti itong umalis sa tabi ko sabay sipol niya na parang masaya siya. Unti-unti na akong nilalamon ng takot ko sa bahay na ito kaya agaran kong tinapos ang trabaho ko at umakyat na ako sa kwarto ni Ella. Balisa akong umakyat sa kwarto ni Ella at agad niya itong napansin. "Hoy probinsyana! Anong ginagawa mo?" nakataray niyang sambit. "Wala. wala naman." nanginginig kong sambit. Hindi ko na siya nilingon pa at agad akong nagtalukbong ng kumot sa ulo ko. Habang nakahiga ako at kinukuha ang antok ko ay bigla akong sinipa ni Ella sa likuran ko. "Hoy! Simula ngayon hindi kana matutulog sa tabi ko. Diyan ka sa sahig matulog tutal diyan ka naman nababagay." galit na sambit niya sa akin. Napapikit ako sa sakit ng sipa niya sa likod ko. Matagal akong nakatayo dahil sa sakit kaya bago pa man ako tuluyan makatayo ay nakatanggap muli ako ng malakas na sipa sa balakang ko. "Araayy!" mahinang sigaw ko mula sa sakit na tinamo ko. "Alis na! Dalian mo na! Nagkakaroon na ng lupa yung kama ko at amoy putik!" inis na sambit niya. Agad kong tinanggal yung kumot ko at unan sa kama niya tsaka ako naglatag sa sahig ng karton. "Hoy! Akin yang unan na yan! Mag hanap ka ng unan mong sarili!" galit na sambit niya sa akin. Hindi ko alam bakit ganito ang trato nila sa akin mas masahol pa ako sa mga kasambahay. Nakatulog ako ng may luha sa aking mga mata. Kinabukasan Nagising akong mugto ang aking mga mata. Daily routine ko na ang magluto at maglinis sa umaga kaya petiks na to sa akin. Kahit masakit ay pinilit kong maging masaya ang umaga ko. Tapos na ako sa gawaing bahay kaya pinagpatuloy ko na ang pagbabasa ko ng libro. Masaya akong nagbabasa ng libro ko ng biglang binato ako ni Ella ng damit. "Awww," sambit ko. "Labhan mo yang damit ko na yan at kailangan ko mamaya. May pupuntahan akong birthday kaya ayusin mo ang paglaba diyan!" galit na sambit niya sa akin. Kinakuha ko agad yung nalaglag na damit niya at agad ko itong nilabhan sa loob ng kasilyas. Habang masinsinan ko itong nilalabhan ay patakbong pumunta si Tiya sa kasilyas. "Punyeta naman Gianna! Ang labahan nasa labas! Bakit nandito ka sa CR naglalaba ng gamit mo?" galit na sambit niya sa akin. "Kay Ella po itong damit na ito Tiya pinalalaba niya po sa akin," mahinang sambit ko. "Aba at sumasagot ka pa!" galit na sambit ni tiya kasunod ng pag ngudngod niya sa akin sa planggana ng tubig na may sabon. Nabasa ang damit ko dahil sa ginawa ni Tiya at pumasok ang ilang tubig na may sabon sa ilong ko kaya sobrang sakit ng ilong ko. "Labas na!" galit na sambit ni Tiya. Lumabas akong dala-dala ang nilalabhan kong gamit ni Ella at ang basa kong damit. Patuloy ako sa paglalaba kasabay ng pag agos ng luha sa mga mata ko. Habang nilalabhan ko ang gamit ni Ella ay nakatingin sa akin ang asawa ni Tiya na masayang nanunuod sa akin habang naglalaba. Lumihis ako ng upo ko at itinago ko ang mukha ko habang naglalaba. Lumipas ang ilang minuto ay tapos na akong maglaba at sinampay ko na ito sa sampayan. Naligo na ako agad pagkatapos kong maglaba ng gamit ni Ella. Habang naliligo ako ay napansin ko ang mga pasa sa katawan ko na gawa ni Tiya sa akin. Habang umaagos ang tubig sa aking ulo ay panay din ang agos ng luha ko sa aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD