EPISODE 6

1572 Words
Maaga ako muling nagising ngayong araw na ito. Masakit ang likod ko ng umupo ako sa kama. Tumayo ako hipo-hipo ang likod at balakang ko. "Napadami ata ang trabaho ko kahapon." sambit ko. Bumaba na ako sa kusina para mag luto ng agahan. Pagkababa na pagkababa ko ay tanay ko na agad ang tambak na hugasan sa lababo. "Naghugas na ako kagabi aah? Bakit ang dami na namang hugasin dito sa lababo?" sambit ko nalang. Katulad ng dati hinugasan ko ang kaldero para magsaing at kinuha ang kawale para magprito ng ulam.  Medyo nakakaboring din pala sa maynila kapag wala kang ginagawa. Pagkatapos kong maglinis ng bahay ay binuksan ko ang telebisyon para manuod ng palabas. Maganda na ang pag upo ko sa harap ng telebisyon, tumatawa-tawa na rin ako dahil sa pinapanuod ko ng biglang bumaba si Tiya Marites sa hagdan. Hindi ko napansin ang pagbaba niya kaya nakita niya akong nanunuod ng telebisyon. "Gianna!" galit na sigaw nito sa akin. Agad kong pinatay ang telebisyon at tumayo sa kinauupuan ko. "Pasensya na po Tiya Marites. Hindi na po ako uulit na manunuod ng telebisyon niyo," nahihiyang sambit ko. "Mabuti kung ganon! Hindi kita pinatira dito para magpakasasa sa mga gamit namin!" galit na sambit nito sa akin. "Nagluto na po ako ng agahan Tiya maaari na po tayong mag almusal," sambit ko sa kanya. "Tawagin mo na si Ella! Tapos kana palang magluto hindi ka pa nagtawag? Anong gusto mong gawin ko? Ako pa tatawag sa inyo para kumain?" galit na sambit nito. "Hindi naman po Tiya. Masyado pa po kasing maaga kaya hindi ko na po kayo ginambala sa pagtulog niyo." Agad akong umakyat sa kwarto ni Ella para tawagin itong kumain sa baba. "Ella," tawag ko sa kanya habang ginigising siya. , "Kain na Ella," sambit ko muli. Hindi agad nag response si Ella sa tawag at yugyog ko sa kanya kaya binuksan ko ang bintana at inilihis ang kurtina para maaninagan siya ng araw. "Punyeta naman!" sigaw ni Ella sa akin sabay sampal sa akin. Napaupo ako sa sahig sa lakas ng sampal niya akin. Hipo-hipo ko ang namumulang pisnge ko ng dumating si Tiya Marites. "Anong nangyari dito!" galit na sigaw niya. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at pinunasan ang mga luhang lumabas sa mga mata ko. "Anong nangyari dito!" sigaw niya muli sa aming dalawa. "Yan kasing si Gianna binuksan na naman yung bintana! Natamaan ng sinag ng araw yung mga mata ko!" galit na sambit ni Ella. "Nako Gia! Puro palpak nalang ang ginagawa mo!" galit na sambit ni Tiya sa akin. "Sabi nyo po kasi gisingin ko si Ella para po mag almusal. Kanina ko pa po siya ginigising pero hindi po siya bumabangon kaya po binuksan ko ang bintana para magkaroon ng liwanag sa loob ng kwarto," paliwanag ko. "Aba Gianna! Parang kasalanan pa ng anak ko na hindi siya agad nagising huh! Sige maiwan ka dito sa taas! Kapag kakain kami wag kang makikisabay! Maliwanag ba yun!" galit na sambit niya. "Opo tiya."  Umalis na silang dalawa at bumaba na sa kusina para kumain ng niluto kong agahan. Mas naging mahirap ang buhay ko dito sa maynila dahil sa nakikisama ako sa ibang pamilya. Kamag-anak nila ako pero ang turing nila sa akin ay parang katulong nila. "Magtitiis ako para sa pangarap ko." sambit ko habang umiiyak. Tanghali na ako ng bumaba ako upang kumain. Gutom na ako ng mga oras na ito at pagbaba ko sa kusina ay nakita ko si Ella at si Tiya Marites na nakaupo sa Sala habang nanunuod ng telebisyon masaya silang dalawa na nag tatawanan sa pinapanuod nila. Agad kong binuksan ang kaldero at napansin kong wala ng laman na kanin dito binuksan ko din ang nakatakip sa la mesa ngunit wala na ding ulam dito.  Lumapit ako kila Tiya Marites para tanungin sila kung kumain na ba sila ng tanghalian at sumagot ito ng balagbag sa akin. "Tiya, kumain na po ba kayo ng tanghalian?" tanong ko sa kanila. "Nakikita mo bang may pag kain sa la mesa? Tanga ka ba o nag tatangahan ka lang Gianna?" galit na sambit niya sa akin. "Pasensya na po Tiya. Magluluto na po ako ng tanghalian,"  "Dalian mo!" galit na sambit niya. Umalis na ako at sa pag alis ko ay narinig ko silang dalawa ni Ella na naghahagikhikan. "May araw din kayong dalawa sakin." bulong ko. Tumungo na ako sa kusina para magluto ng makakain namin. Masakit na ang tiyan ko sa oras na ito dahil na lilipasan na ako ng gutom. Mas lalo kong na miss ang magulang ko dahil sa ginagawa sa akin ni Tiya Marites hindi ako ginaganto ng magulang ko. Maganda ang pakikitungo sa akin ng magulang ko pero kabaliktaran pala ito ng pamilya ni Tiya Marites. Akala ko nakatagpo ako ng liwanag sa maynila dahil meron akong pamilya na masasandalan ngunit hindi ko alam sila pala ang magbibigay sa akin ng sama ng loob at magpapahirap sa akin. Baka naman isipin nyo ang arte ko masyado. Hindi naman masamang gumampan ka sa mga gawain sa bahay ang masama ay yung iaasa na nila sayo tapos ang lalabas pa na masama ay ako. Ang hirap masyadong maging mahirap kasi lagi nalang kayong tinatapakan ng mga mayayaman na yan. Pagkatapos kong magluto at mag ayos sa kusina ay tinawag ko na sila Tiya Marites at Ella para kumain naman ng tanghalian. "Kakain na po Tiya nakahain na po ako sa kusina." Tumayo na silang dalawa na nakabusangot ang mukha tsaka tumungo sa kusina para kumain. "Bakit tatlo ang plato sa la mesa?" tanong ni Ella sa akin. "Para sa akin kasi yung isa," sambit ko. Biglang sumabat si Tiya Marites sa aming dalawa at pinagalitan na naman ako. "Hindi ba't ang sabi ko sayong babae ka na wag ka ng sumabay sa aming kumain?" galit na sambit ni Tiya sa akin. "Pero po..." putol na sambit ko. "Patapusin mo muna kaming kumain tsaka ka kakain maliwanag ba? Gianna? Ano sumagot ka?" galit na sambit sa akin ni Tiya. "Gutom na po ako Tiya," paliwanag ko. "Edi tiisin mo! Hindi naman nakamamatay yan!" Kumuha ako ng isang basong tubig at ininom ko ito ng walang hinto tsaka ako umakyat sa kwarto ni Ella. "Bobo masyado!" sigaw ni Tiya sa akin habang paakyat ako sa hagdan. Pinilit kong hindi umiyak sa mga salitang naririnig ko mula sa bibig mismo ng kadugo ko ngunit hindi mapigilan ng mga mata ko ang lumuha. I feel miserable! Oo kailangan na kailangan ko ng matutuluyan para makapag aral ako pero hindi naman ako na inform na magiging katulong pala ako dito ng Burhilda kong Tiya. Lumipas ang ilang oras ay bumaba na ako para kumain naman ng agahan at tanghalian ko. Mabuti at kahit paano ay may naiwang makakain ngayon. Agad akong kumuha ng plato ko at nag sandok ng kanin at ulam. Gutom na gutom ako ng mga oras na ito yung tiyan ko patuloy sa pag galaw dahil gutom na ang mga alaga kong bulate sa tiyan. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko ang mga nakakalat na hugasin sa lababo at naligo ako kasabay ng paglinis ko ng maduming banyo nila Tiya. Habang naglilinis ako sa kasilyas ay may sumisipol sa labas. Gumagawa ito ng tunog na parang may gagawin masama kaya minadali ko na ang paglilinis ng kasilyas at paspas akong naligo. Pagkalabas na pagkalabas ko sa kasilyas ay nakita ko yung asawa ng Tiya ko na nakasandal sa dingding. nakayuko  akong lumabas sa kasilyas at mabilis akong tumungo sa kwarto ni Ella. Nagbihis ako ng may twalya sa katawan ko. "Nakakatakot!" nanginginig kong sambit. Tumambay muna ako sa kwarto at nagbasa-basa ako ng librong tungkol sa nursing. Itong libro na ito ay pamana pa ng kapitbahay namin na grumaduate sa pagka nurse durog-durog man ang mga pahina nito ay pwede pang pag tiyagaan para maaral ko pa. Napasarap ang pagbasa ko kaya nakalimutan ko ang oras. Mag gagabi na pala ngunit hindi pa ako nakapag saing ng kanin at nakapag luto ng ulam. Agad akong bumaba sa kusina para magsaing ng kanin. Habang nagluluto ako ng kain ay biglang dumating si Tiya Marites kasama si Ella. Hindi ko sila nilabas at pinagpatuloy ko ang pagluluto ko. "Ooh Gia? Ngayon ka palang nagsaing at nagluto ng ulam?" tanong niya sa akin. "Opo. Napasarap po kasi ang pag aaral ko kaya nakalimutan ko po ang oras," nahihiyang sambit ko. "Nako naman yan na nga lang ginagawa mo dito sa amin hindi ka na nga naglalabas ng pera pang kain mo tapos ganto pa gagawin mo? Ano ka dito boarders ko? Buti ba sana kung may binabayad ka sa akin at ipagluluto pa kita ng pagkain mo!" galit na sambit nito. "Ma, Gutom na ako! Order nalang tayo ng dinner," sambit ni Ella kay Tiya. "Hayy nako! Kung alam ko lang na ganto ang mangyayari edi sana sa labas na kami kumain!" galit na sambit ni Tiya. "Malapit na pong maluto itong kanin at kumukulo na po yung ulam,"  "Wag na! Mag order ka na ng pagkain anak para makakain kana," sambit ni Tiya kay Ella. "Paano po yung mga niluto ko?" tanong ko sa kanya. "Edi ubusin mong lahat! Magsawa kang kumain niyan tutal diba nagugutuman ka naman?" pang iinis sa akin ni Ella. Napatingin ako ng masama sa kanilang mag ina. "Ano umiirap ka?" galit na sambit ni Ella sa akin. Hindi ako sumagot sa kanya at itinuon ko nalang ang sarili ko sa pagluluto. Natapos ang araw ko na busog na busog! parang puputok na ang tiyan ko sa kabusugan ko. Kumain akong mag isa dahil nag order na ng makakain sila Tiya para sa kanila. Umakyat ako sa kwarto ni Ella na pagod at masakit ang tiyan. Unti-unti na akong nahihirapan sa sitwasyon ko ngayon kahit na ilang araw palang ang nilalagi ko sa bahay na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD