Chapter 29

2125 Words
Simula pumunta ako dito sa maynila nasanay na din ako sa ingay ng sasakyan at sa amoy ng usok. Iba talaga kapag nasa probinsya kalang fresh ang hangin doon. Hindi gaya dito maaga palang amoy usok kana, dahil sa dumadaan na mga sasakyan. Ilang buwan na din nakalipas na napunta ako dito sa maynila. Nasanay na ako sa mga tao dito kahit nahihirapan ako mag salita ng salitang tagalog. Ok naman ang pamamalage ko dito kahit araw araw maraming nag aaway, naghahabulan dahil sa riot ng mga kabataan ngayon. Buti pinasok ako ni Tita D. sa Coffee shop ng kaibigan n'ya. Mag tatlong buwan na din ako namamasukan doon. Masaya naman ako dahil mababait ang mga kasama ko pati ang may ari ng coffee shop. Si best Mickay naman sa tindahan lang nila Tita D. namamasukan. Malaki naman ang grocery store nila Tita, kaya doon na lang s'ya. Gusto ko sana doon lang din namamasukan ayaw ni Tita, gusto n'ya may bago akong ma experience. Kaya pinasok n'ya ako sa coffee shop ng kaibigan n'ya. Si Zandra apat na buwan naninirahan sa maynila na sanay na din s'ya sa ingay ng sasakyan pati na rin sa mga tao na halos araw araw nag iinuman at nag aaway. Ngayong araw pumasok si Zandra sa pinapasokan n'yang coffee shop. Ito ang kilala na coffee shop sa buong mundo ang MG's cafe. Ang MG's cafe ay tinayo ito sa mag asawang mayaman, simula na walay ang kanilang bunsong anak. Nagpatayo sila ng cafe, kahit doon man lang maramdaman nila na hindi nawalay ang kanilang bunsong anak. Limang taong gulang palang ito na hiwalay sa kanila, noong nag simba sila sa may simbahan ng Quiapo. Ang bunsong anak nila ay mahilig ito mag timpla ng kape sakanila tuwing umaga. Kaya yun ang na isipang ng mag asawa na ipatayo nila na negosyo. Hanggang ngayon hinahanap pa din ng mag asawa ang kanilang anak. Kaya hindi muna sila babalik ng ibang bansa hanggat di nila makita ang kanilang bunsong anak. Saktong pagdating ni Zandra marami ng mga tao nag aantay sa labas ng coffee shop. Kaya nag mamadali s'yang nag lakad para di s'ya mapagalitan ng kanilang manager na ubod ng sama ng loob. Parang pinag lihi sa ampalaya sobrang bitter sa katawan, iba talaga kapag matandang dalaga na palagi nalang galit kulang din siguro ito sa dilig kaya ganon. Sa isip ni Zandra.. Bwisit na late na naman siguro ako nito patay na naman ako kay Manager Edelyn nito. Araw araw palage na lang galit akala mo palaging may kaaway. Mahirap talaga kapag matandang dalaga na kulang guro sa barina itong si manager Lyn kaya ganon. Hanapan ko nga ng textmate itong si manager para di na palaging naka kunot ang nuo. Bilisan muna self baka mabawasan na naman sahod mo, mahal na bilihin dito kaya kailanga mag tipid at kailanga di bawas ang sahod. Lakad takbo na ang ginawa ni Zandra para di naman s'ya pag diskitahan ng kanyang manager. Halos araw araw sya na lang, ang pinapagalitan iba talaga ang alindog ni Zandra pati ang kagandahan n'ya. Siguro nag seselos itong manager nila dahil sa ganda ni Zandra at marami na din pumapasok na mga binata sa kanilang shop dati puro mga babae lang at mag syota ngayon may pumapasok na mga binata. Sa araw na yun di namalayan ni Zandra patapos na ang kanyang trabaho uwian na. Habang nag bibilang si Zandra ng pera sa may counter,dahil s'ya ang naka tuka mag casher ngayong araw kaya nag bilang s'ya kung magkano kita nila. Di n'ya na malayan na may pumasok na isang customer. Akala lang siguro ni Zandra na kasamahan lang n'ya ang pumasok kaya di n'ya pinansin. "Ahhm! Ahhm! Ahmmm!" Tatlong beses tumikhim si Yuri bago nag salita si Zandra. "Ano bayan na wala tuloy ako sa bilang ko disturbo mo naman Nald."yamot nitong sabi ni Zandra akala n'ya siguro yung kasamahan n'ya na si Reynald. Hindi pa din n'ya pinansin at hindi pa din n'ya tiningan sino ang nasa harapan ng counter. Nag salita na si Yuri para mapansin s'ya ni Zandra. "Excuse me miss, pa order ako ng isang cappuccino at isang slice ng mango cake at isang cookies na din."tuloy tuloy na sabi ni Yuri. Doon na napagtanto ni Zandra, na hindi n'ya pala kasamahan ang nasa harapan n'ya ngayon kundi isang customer. Pina close ni Zandra ang shop sa kasamahan n'ya bago ito lumabas, hindi pala n'ya na palitan ng close. "Sir close na Po kami bukas na lang Po kayo bumalik." Hindi pa din nag angat si Zandra. "Hindi pa Po kayo close kaya pumasok ako." Parang batang sabi ni Yuri iba talaga kapag pagkain na ang usapan. "Paanong hindi? pina close ko sa kasamahan ko yan bago s'ya lumbas."nag mamatigas pa ding sabi ni Zandra. " Ayaw mo talaga maniwala, tingnan mo ang pintuan saan nakaharap ang close." Utos nito ni Zandra. Kaya nag angat na si Zandra at tingnan ang pintuan makikita kasi kung saan naka harap ang close at open. Di pa din napansin ni Zandra na si Yuri ang kausap n'ya nakatalikod na kasi ito. "Sorry Po Sir, akala ko kasi naka close na. Pina close ko kasi sa kasamahan ko yan kanina hindi pala n'ya na close." Henging paumanhin ni Zandra. " Ok lang miss–," sabay harap ni Yuri. "Za-za-ndra ikaw ba yan?" Gulat silang pareho nong nakita nila ang isa't isa. "Hello sir Yuri Ikaw pala yan sorry Po." "Ano kaba Zandra ok lang, naka open pa kasi kaya pumasok ako gutom na talaga ako." Sabi nito kay Zandra. "Sorry Po talaga, pinasara ko kasi yan sa kasamahan ko kanina. Nakalimutan n'ya siguro."ulit nitong sabi. " Wait lang sir close ko muna baka may papasok pa."umalis sa may counter si Zandra para puntahan ang pintuan. Para ibalandra ang placard na may naka lagay na close. Habang pabalik si Zandra sa may counter kina usap s'ya ni Yuri. "Zandra kumusta na pala kayo nila Mickay at Mariemar ilang buwan din tayo hindi nag kita." Tanong nito sa dalaga. "Ito sir ok lang na sanay na din ako dito sa syudad. Kayo sir kumusta na kayo."tanong din ni Zandra sa kanya. "Ok lang din ako Zandra, ilang buwan kana ba nandito? sino kasama mo pumunta dito sa maynila."sunod sunod nitong tanong. "Apat na buwan na din simula lumuwas kami ni best Mickay sir Yuri."nakangiting sabi nito." Ay oo nga pala, ano nga order mo ulit Sir. Para magawa ko mag bibilang pa ako ng kita namin ngayon."tanong n'ya ulit sa order n'ya. " Isang cappuccino at isang slice ng mango cake at isang cookies na din."ulit n'yang sabi. " Sige sir upo muna kayo d'yan gagawin ko muna." Habang si Yuri inikot n'ya ang kanyang paningin sa coffee shop. Namangha ito sa ganda ng loob kapag pumasok ka mawawala ang stress mo. Sa mga nakapaloob sa shop ang ganda sa pakiramdam. Na hinto ang pag tingin ni Yuri sa mga naka design sa coffee shop, na may tumawag sa kanyang cellphone. "(Hello budz Drey anong maipaglilingkod ko sa'yo.)" " (Budz puntahan natin bukas si budz Trece.)" " (Ano gagawin natin doon may kainan ba.)"sabay halakhak " (Ikaw talaga budz, nakalimutan mo ba na birthday ni budz Trece bukas.)" " (Hala oo nga pala nakalimutan ko sorry budz marami kasi akong ginagawa kaya nakalimutan ko.) "(Basta pumunta ka bukas mga hapon ata tayo pupunta.)" "(Sige budz, pupunta kami.)" "(Sinong kami budz?)" " (Basta may regalo ako kay budz Trece alam ko matutuwa iyon sa regalo ko sa kanya.)" " (Kalokohan mo talaga budz sige na basta pumunta ka wag mong kalimutan.)" " (Oo na pupunta kami promise mamatay man ang kanding ni aling ising.)" " (Patayin ko na itong tawag nagmamaneho pa ako.)" " (Sige budz ingat.)" Nakangiting sabi nito kay Dreymon, may na isip s'ya na e regalo kay Trece alam talaga niya na sasaya s'ya sa regalo na ito. Pinutol ni Zandra ang iniisip ni Yuri kung ano man ang nasa isip nito. "Sir Yuri ito na Po ang order n'yo, saka iwan ko muna kayo bibilangin ko muna magkano kita namin ngayon." " Sige lang Zandra ok lang ako dito tapusin muna ang trabaho mo. Tapos hatid na kita sa inyo anong Oras na di maganda nag iisa kalang umuwi." " Salamat Sir!" Umalis na nga si Zandra sa harapan ni Yuri, binalikan na nya ang kanyang nahinto na trabaho. Makalipas ng dalawang oras natapos din si Zandra sa pagbibilang ng kanilang kita sa araw na iyon. "Hay salamat natapos din sa wakas." Sabay unat sa dalawang kamay buti na lang natapos ko na. Para makauwi na ako rest day ko bukas,gusto ko matulog ng isang araw. Kapagod mag trabaho pero kailangan kumayod para may makain. Pinuntahan kuna si Sir Yuri, para ma linisan kuna yong pinag kainan n'ya. "Sir Yuri tapos kana bang kumain?" Tanong ko sa kanya. "Oo Zandra tapos na ako, saan ba ilagay ito para mahuhugasan kuna. Ako na mag hugas alam ko pagod kana."Sabi nito sa akin. " Ok lang sir ako na gagawa n'yan." Sabay kuha ko sa mga platitong hawak n'ya. Ilang minuto din ang inantay ni Yuri para maihatid na n'ya si Zandra sa tinutuluyan n'ya. "Sir Yuri tara na Po e close kuna ang shop." Aya n'ya sa binata. "Sige Zandra akin na ang susi para ako na mag sarado."sabay lapag ng kanyang kamay. Binigay naman ni Zandra sa kanya ang susi. Pagkatapos masarado ni Yuri ang shop sumakay na agad sila sa sasakyan nito. "Zandra saan kapala nakatira dito sa maynila."tanong ni Sir Yuri sa akin. " Sa may Parola Tondo Manila lang ako sir Yuri."sagot ko sa tanong n'ya. " Sino Kasama mo si Mickay lang ba?" "Hindi Po , Kasama ko Tita ni best Mickay pati pinsan n'ya." " Maganda may matuluyan na kayong bahay dito, kisa nangupahan pa kayong dalawa." " Buti talaga Sir nandito Tita ni best Mickay. Kung wala naku mahirap na, mahal pa naman ang bilihin ngayon." " Totoo yan Zandra nag taas na ngayon ang bilhin. Zandra may pasok kaba bukas?"tanong nito sa akin. " Wala Sir, rest day ko bukas kaya matulog ako ng isang araw. Bakit mo pala natanong Sir Yuri!"tanong ko sa kanya. " Gusto ko sana kayo isama bukas. Isama na rin natin si Mickay at ang pinsan n'ya kung ok lang sa inyo."Sabi nito sa akin. " Ok lang sir ano bang Oras, para maka handa naman kaming tatlo." " Puntahan ko na lang kayo sa bahay n'yo para sabay na ta'yong pupunta."nakangiting sabi nito sa akin. " Sige Po Sir Yuri, sir liko n'yo Po d'yan sa may eskinita papasok Po tayo dyan."turo ko sa kanya. Malapit na kami sa bahay buti di kami lumampas. Pumasok nga si Yuri sa maliit na eskinita, sakto lang kakasya ang isang sasakyan at may unting space lang para sa mga motor. Ilang minuto din dumating na sila sa kanila Zandra. "Sir hinto n'yo Po sa may kulay blue na bahay d'yan lang kami." Sabi ni Zandra sa kanya. Saktong pagdating nila nasa labas sina Mickay at Shananng. Ang mga tao doon ang hahaba ng mga leeg parang flamingo sobrang haba. Pati si Mickay at Shananng ang hahaba din ng mga leeg nilang dalawa. Tiningnan nila kung sino ang nakasakay sa magarang sasakyan. Nag sabay lumabas sina Zandra at Yuri. Nagulat si Mickay nong nakita n'ya si Yuri. "Yuri?" Bulong nito pero narinig ni Shananng. "Insan kilala mo ba yang kasama ni best Zandra?" Sabay siko n'ya sa pinsan n'ya. "Ano bayan insan wag mo naman akong sikuhin masakit kaya." Reklamo n'ya sa pinsan n'ya. " Sorry na nga, ang gwapo ng papabol na kasama ni best Zandra."kinikilig nitong sabi. " Wag mo nang pangarapin yan insan may nag mamaya ari na d'yan. Baka lulunurin ka ni best Mariemar sa dede n'ya na kasing laki ng papaya."pabirong sabi nito sa pinsan n'ya. " Ano bayan lahat na lang puro may nagmamay ari."reklamo nito parang batang nagrereklamo. Di nila namalayan lumapit na pala sina Zandra at Yuri. "Hello girls!" Bati nito sa dalawa. "Hello Sir Yuri!"Sabi naman ni Mickay. "Hello Po,Ako pala si Sharina Shananng for short." Pakilala naman ni Shannang sa kanya. "Nice to meet you sa'yo Shananng ako pala si Yuri." Pakilala naman ni Yuri sa kanya.. "Girls hindi na ako mag tagal hinatid ko lang si Zandra. Bukas ng hapon sunduin ko kayo dito sa bahay n'yo."paalam naman ni Yuri sa kanila. " Sige sir Yuri,salamat sa pag hatid ni best Zandra ingat Po kayo." " Walang anuman Mickay, sige na aalis na ako."paalam na sabi ni Yuri sa kanilang tatlo. Bago umalis si Yuri bumusina s'ya sa tatlo para sabihin na aalis na s'ya. Kumaway naman ang tatlo sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD