Pagka alis ni Yuri, hinatak agad ng dalawang mag pinsan si Zandra. Pina upo agad nila ito sa may sofa at kanya kanya silang salita dalawa. Kaya di alam ni Zandra sino uunahin n'ya sagotin.
"Best sino yung kasama mo na papabol."
"Best bakit mo kasama si Yuri kanina saan kayo nag kita."sabay na tanong nilang dalawa.
" Oo nga best bakit mo s'ya kasama."segunda nitong tanong kay Zandra.
" Magsitigil nga kayong dalawa,isa isa lang di naman ako aalis."sigaw nito sa dalawa tumahimik silang dalawa dahil sumigaw na si Zandra.
"Ahehe peace best!" Sabay sabi nilang dalawa.
"Nag mamadali naman kayong dalawa sasabihin ko naman atat naman kayo masyado may lakad ba mga best."sabay taas kilay n'ya sa dalawa.
" Ito naman di mabiro wag mo kaming taasan ng kilay best di bagay sa'yo,"birong sabi nito sa kaibigan.
" Che, d'yan na nga kayong dalawa, maka akyat na nga at para maka bihis na ako. Ang lagkit lagkit kuna kaya,mamaya kuna sabihin sa in'yong dalawa kung paano kami nag kita ni Yuri babossh." Sabay talikod sa dalawa iniwanan n'ya naka nganga ang dalawa.
Na balik sa ulirat ang dalawa ng sampalin sila ni Doreen.
"Hoy,anyare sa in'yong dalawa isarado n'yo nga yang mga bunganga n'yo baka mapasokan ng langaw. Bilisan n'yo na d'yan tawagin n'yo na si Zandra para makakain na tayo anong Oras na," utos nito sa dalawa.
" Ano ba yan si mommy nanampal,"reklamo ni Shannang at nag papadyak pa ito akala mo bata na inaway.
" Shananng narinig kita, wag kanang mag reklamo d'yan bilisan n'yong kumilos tawagin n'yo na ang isa para sabay na ta'yong kumain," sigaw ng kanyang Mommy.
" Ito na Po,tatawagin na si Zandra," sigaw din nito sa kanyang ina. Nasa may kusina kasi ang kanyang Mommy kaya kailanga n'yang sumigaw. "Insan ikaw na tumawag kay best Zandra sa taas para makakain na ta'yo gutom na din ako." Utos n'ya kay Mickay.
" Grabi ka naman maka utos Shannang, sino mas matanda sa ating dalawa," tanong ni Mickay sa kanya.
" Ako!"sagot n'ya kay Mickay.
" Yun naman pala eh, Ikaw ang tumawag kay Zandra sa taas. Ikaw ang mas bata, kaya Ikaw ang tumawag. Wag kang mang utos sa mas matanda pa sa'yo."
" Ganon ba yun insan, bawal mang utos sa mas matanda pa sa'yo."
" Oo Shananng bawal ka mang utos kapag mas nakakatanda pa sa'yo, tandaan mo iyan. Bihira na lang kapag may emergency pwede kang mang utos sakanila. Pero kung gaya sa inutos ng Mommy mo kailanga mo gawin wag mo ipagawa sa iba," pangaral n'ya sa kanyang pinsan.
" Sige insan tandaan ko iyan salamat, akyat na ako sa taas para tawagin kuna si best Zandra," mabilis itong kumilos paakyat sa taas.
Mayamaya dumating na silang dalawa, sabay na silang tatlo pumunta ng kusina.
"Anjan na pala kayong tatlo umupo na kayo para makakain na tayo.Shananng lead the prayer,"utos nito sa kanyang anak.
Sa isip ni Shananng…
Ano ba yan si mommy utusan pa ako anjan naman si insan bakit ako pa.
Siniko ni Shananng si Mickay para iparating nito na s'ya ang mag dasal. Hindi na intindihan ni Mickay si Shananng kaya bumulong ito.
"Ano ba yan insan wag kang manilo d'yan ang sakit kaya. Bilisan mo mag dasal gutom na ako."
"Ikaw na mag dasal di ko alam," sabi nito sa pinsan n'ya.
" Ang laki laki muna di kapadin marunong mag dasal bilisan muna."
Nakita ni Zandra ang dalawa na nag tutulakan. Kaya s'ya na lang ang nag dasal.
" Panginoon maraming salamat sa mga biyayang nakahanda sa aming hapag-kainan. Ang mga biyayang ito ay aming pinahahalagahan,sapagkat sa iyong kabutihan at kapangyarihan nagbuhat ang lahat ng mga ito. Sa ngalan ng ama sa anak at espiritu santo amen."
Pagkatapos mag dasal ni Zandra, kinurot ni Doreen ang kanyang anak. Napahiyaw si Shananng sa kurot ng kanyang ina.
"Ano ba yan Mommy ang sakit kaya," reklamo ni Shannang sa kanyang ina.
" Magreklamo kapa, ikaw ang pinadasal ko. Tapos si Zandra ang gumawa umayos ka Shananng malilintikan talaga kita," galit nitong sabi sa kanyang anak.
" Sorry na Mommy mag practice na ako magdasal simula mamaya," sabi n'ya sa kanyang ina.
Pagkatapos nilang kumain hinugasan agad nila Shananng ang mga pingan. Habang naghuhugas sila napag usapan nila tungkol kay Yuri.
"Best paano pala kayo nagkita ni Yuri," tanong ni Mickay sa kaibigan.
"Ganito kasi yan, diba mag close ang shop nine pm. Inutusan ko si Reynald bago umuwi palitan n'ya yong placard ng close, hindi n'ya pala na palitan. Kaya pumasok si Sir Yuri pinagpilitan kupa na close na kami. Di ko pa nakita na si Sir Yuri pala ang pumasok," mahabang paliwanag n'ya sa dalawa.
" Akalain mo best, sa daming coffee shop dito sa maynila. Sakto sa pinasukan mo pa na coffee shop napunta si Yuri," sabi ni Shannang sa kanya.
" Siguro nagutom na yun si Yuri kaya nag hanap ng makakainan," sabi naman ni Mickay kay Shananng.
"Ilagay n'yo muna itong mga pinggan sa lagayan. Para sa taas na natin ituloy ang usapan natin at may sasabihin pa ako sa inyong dalawa," utos ni Zandra sa dalawa.
Mabilis kumilos ang dalawa sa utos ni Zandra para malaman na nila kung anong sasabihin ni Zandra sa kanila.
Di na abotan ng isang oras na ayos na nila ang mga pinggan kaya umakyat na silang tatlo.
Nasa iisang kwarto lang sila natutulog kaya kahit magdamag sila mag usap walang problema.
"Best bilisan mo ano bang sasabihin mo sa amin ni insan Mickay," masayang sabi ni Shannang at sabay hatak ni Zandra pina upo n'ya agad sa kama.
Makita mo talaga sa mukha n'ya na excited na s'ya kung ano sasabihin ni Zandra sa kanila.
"Dahan dahan naman best, grabi kanaman maka hatak may pambili kaba ng kapalit sa braso ko kung matanggal yan," sabi n'ya kay Shananng.
" Sorry na best," sabay yakap sa kaibigan." Excited lang naman ako ano sasabihin mo sa amin," nakangiting sabi nito kay Zandra.
" Ito na sasabihin ko na sa inyo. Di ba bago umalis si Yuri, sabi n'ya sunduin n'ya ta'yo bukas ng hapon dito, narinig n'yo ba ang sinabi n'ya," tanong n'ya sa dalawa.
" Oo best narinig namin," sabay sagot ng dalawa.
" Bakit pala tayo sunduin ni Yuri bukas best."
" May pupuntahan daw ta'yo bukas isama n'ya tayong tatlo. Kaya mag handa kayo ng susuotin n'yo bukas."
" Saan naman daw ta'yo pupunta bukas best," tanong ulit ni Mickay.
" Di ko alam best basta ang sabi n'ya sasama n'ya tayong tatlo bukas. Dadaan lang s'ya dito para sabay na tayo pupunta doon kung saan man ta'yo pupunta bukas," mahabang paliwanag n'ya sa dalawa.
" Yeahey! Maka gala ako bukas,"masayang sigaw ni Shananng.
" Wag ka ngang sumigaw best baka na tulog na si Tita paktay ka talaga makurot ka naman sa singit non," natatawa na sabi ni Mickay sa pinsan n'ya.
"Sige na best matulog na ta'yo para naman hindi tayo mukhang panda bukas," humagalpak na tawa ni Zandra.
Pagkatapos sabihin ni Zandra na mag mukhang panda sila bukas. Ang bilis naka talukbong ng kumot si Mickay at Shananng.
Kinabukasan maagang gumising silang tatlo para maka punta sila ng mall. Para magpa manicure at pedicure sila, nag paayos na din sila sa mga buhok nilang tatlo para mukhang fresh ang dating nila mamaya.
"Best anong Oras daw ta'yo sunduin mamaya ni Yuri," tanong ni Mickay sa kanya.
" Hapon pa daw best mga five siguro di ako sure."
" Basta dalian lang natin pumunta ng parlor, para naman mag mukhang tao naman tayong tatlo mamaya. Ang gwapo ng kasama natin tapos tayo parang mga yagit sa kalye," sabi naman ni Mickay.
" Tara na alis na tayo para maka uwi tayo ng maaga,"sigunda na sabi ni Shannang sa kanila.
" Magpapaalam muna tayo kay tita bago umalis baka mag taka iyon na nawala tayong tatlo."
" Daanan na lang natin si Mommy sa tindahan para, mag paalam na aalis tayong tatlo."
Umalis na nga silang tatlo bago sila pumunta ng mall dumaan muna sila sa tindahan nila Shananng para mag paalam na aalis silang tatlo.
Pagkatapos nilang nagpaalam umalis na sila kaagad.
Isang sakay lang ng tricycle papuntang mall kaya mabilis lang sila dumating sa mall. Pagdating nila sa mall hinanap nila kaagad ang parlor. Umakyat pa sila sa second floor dahil nandon ang parlor banda. Pagkakita nila sa parlor pumasok kaagad sila.
"Hello ma'am welcome po sa Daks salon, ano pong ipaglilingkod namin sa inyo."
" Hello sa inyo mga atengs gusto namin magpa pedicure at manicure pati paki ayos na din mga buhok naming tatlo. Gawin n'yo kaming princess ngayong araw," pag bibirong sabi ni Shannang sa mga baklang nag aayos sa kanila.
" No problems mga magaganda naming customer, unting ayos lang mas lalo pa kayo gaganda."
Inumpisahan na nga, ng mga bakla ang pag aayos sa kanilang tatlo.
Umabot din ng apat na Oras ang kanilang pag aayos. Sakto lang na mauwi sila sa kanila, ng alas kwatro ng hapon may isang oras na lang sila mag ayos bago dumating si Yuri.
Sa kabilang dako naman naging busy na silang lima sa pag aayos sa birthday party ni Trece.
" Budz Trent natawagan mo na ba si budz Yuri? " Tanong ni Hanz sa kaibigan.
" Ako budz kahapon tinawagan ko s'ya. Sabi n'ya mga hapon na daw sila pupunta dito dahil may dala s'yang regalo sa'yo budz Trece." Sabi ni Dreymon sa kanila .
Napa lingon si Trece sa kanila dahil narinig n'ya ang pangalan n'ya. Pati ang mga kasama n'ya nagtaka dahil sila ang sinabi ni Dreymon.
" Wait lang budz, anong sabi mo Sila?" naguluhang tanong ni Hanz.
" Di ka nagkamali budz SILA , ang sabi n'ya sa akin." Nakangiting sabi ni Dreymon sa kanila.
" So may kasama si Yuri papunta dito!"
" Siguro kasi sabi n'ya may kasama s'ya at may regalo din s'ya sa'yo budz Trece," ulit n'yang sabi.
" Yon mag regalo sa akin? sa tagal nating makakaibigan nabigyan n'ya naba kayo ng regalo diba wala," sabi nito sa mga kaibigan.
" Totoo budz di pa tayo na bigyan ng regalo ni budz Yuri s'ya yong matakaw s'ya din ang kuripot sa ating lima, "nag tawanan sila sa sinabi ni Trent.
" Mamaya na yang kwentuhan n'yo tumulong muna ka'yo sa akin dito," sigaw ni Belyn sa kanila .
Si Belyn ang nag luto sa mga kakainin nilang lahat. Pag sigaw ni Belyn na mag pa tulong s'ya ang bilis ng kilos ni Dreymon pinuntahan agad s'ya para tumulong. Ang tatlo hindi na pumunta para may time ang dalawa.
" Be! Ano maitutulong ko," naka ngiti ito kay Belyn.
" Ito na lang gagawin mo prituhin mo iyang talong, yan na lang ang lulutuin tapos na ako mag luto sa iba. Itong salad na Lang ginawa ko para tapos na agad ako." Mahabang sabi nito kay Dreymon.
" Wait lang Be, bakit may talong ka sa handa ni Trece,"naguluhang sabi nito sa dalaga.
" Wala lang na miss ko kasi sila Mickay, Mariemar at Zandra. Ilang buwan na din ako walang contact sa kanila. Kaya gusto kung mag luto ng talong para ma feel ko na nandito lang sila," naka yukong sabi nito kay Dreymon.
Tinabihan s'ya agad ni Dreymon at niyakap ito ng mahigpit at hinalikan sa nuo." Wag ka nang malungkot Be, makikita mo rin sila. Hanggang wala pa sila andito naman ako."
" Salamat Mon," yumakap din si Belyn kay Dreymon.
Pagkatapos sa yakapan nila nag simula na silang mag luto. Isang oras din natapos silang dalawa sa pagluluto ni lang dalawa. Gumawa din si Belyn ng salad na talong kaya na tagalan sila.
" Budz Trent pakisuyo naman," tawag ni Dreymon sa kaibigan.
"Ano yon budz."
"Paki dala itong mga pagkain sa mesa para maayos na," utos nito sa kaibigan.
" Walang problema budz akin na."
Kinuha na ni Trent ang mga pagkain na nasa kusina.
Habang busy sila tumawag si Yuri sa kanila.
" (Hello budz kumpleto na ba ka'yo d'yan?)"
" (Oo budz ikaw na lang ang kulang.)"
" ( Sige budz papunta na din kami d'yan,may cake ba si budz Trece.)"
" (Walang cake si budz Trece ikaw na bumili nakalimutan namin.)"
" (Sige budz baba kuna ito dadaanan kupa sila. Pakisabi kay budz Trece na may surprised ako sa kanya.)"
Pinatay na agad ni Yuri ang tawag, gulat sila dahil galing na sa kanya na may kasama s'ya at may surprised pa ito.
" Himala budz may pa regalo si budz Yuri sa'yo," tukso na sabi ni Trent sa kaibigan.
" Baka naman joke n'ya lang iyon budz, yun mag regalo sa akin? pusta ko pa si Dev sa inyo." Sabi nito sa mga kaibigan, Ang Dev na sinabi n'ya isa sa favorite n'ya na sasakyan.
"Sure ka d'yan budz e pusta mo si Dev?" Ulit na tanong ni Hanz.
"Oo nga! kung walang regalo si budz Yuri sa akin may tig One hundred thousand ako sa inyong tatlo. Kapag may regalo sa akin si budz Yuri sa inyo na si Dev mag bato bato pick kayo kung sino maka kuha sa kanya." Mahabang paliwanag n'ya sa mga kaibigan, kampante s'ya na di nila makuha si Dev. Dahil si Yuri hindi yan mahilig magbigay ng regalo sa kanila.
" Sige game kami d'yan," sabay sabay na sabi nilang tatlo.
" Belyn narinig mo 'yun tandaan mo kapag walang regalo si Yuri sa akin. Mangulikta ka sa kanila ng tig One hundred thousand." Utos nito kay Belyn napa iling na lang si Belyn sa mga kalukha ng mag babarkada.
Na putol ang kasayahan nila na may nag door bell.
" Belyn pa bukas naman baka si Yuri na 'yun," utos n'ya ulit sa secretary n'ya.
Lumakad na si Belyn papuntang pintuan at binuksan ito. Napa sigaw s'ya na nakita n'ya.
"Whaaaa!" Tinakpan agad ni Yuri ang bunganga ni Belyn para di sila ma puntahan ng mga lalaki.
"Wag ka ngang maingay Belyn mamaya kana mag diwang d'yan." Bulong nitong sabi ni Yuri kay Belyn.
"Belyn anong nangyari sa'yo d'yan bakit ka sumigaw," sigaw na tawag ni Trece sa kanya.
" Wala lang boss naka gulat kasi si Sir Yuri s'ya lang pala dumating," sigaw din na sabi n'ya.
"Si Yuri lang pala yan papasukin mo na s'ya, "utos nito kay Belyn.
" Sige Boss, wait lang talikod ka muna tapos pikit mo ang mga mata mo at kumanta tayo ng Happy Birthday, "utos nito ni Belyn sa kanila.
Nag taka naman sila bakit patalikurin pa si Trece kakanta lang naman ng Happy Birthday. Wala silang na gawa dahil kumanta na si Belyn kumanta na din si Dreymon at sabay sabay na silang kumanta lahat.
????
"Happy birthday to you, Happy birthday to you , Happy birthday, Happy birthday to you.
Happy birthday to you Happy birthday to you Happy birthday happy birthday happy birthday to you. "
Pumasok na silang apat , binuksan ni Belyn ang pintuan. Nagulat ang tatlo na sina Trent, Hanz at Dreymon. Dahil ang kasama ni Yuri ay sina Mickay at Zandra at may kasama pa silang isa.
Si Zandra ang pinahawak nila ng cake at na lakad na sila malapit kay Trece, huminto sila sa pagkanta at sinabihan si Trece na blow the candle.
"Boss pwede ka nang humarap wag mo muna idilat mga mata mo, mag bilang ako ng tatlo pwede muna idilat mga mata mo,"utos ni Belyn sa kanyang amo.
Sinunod naman ni Trece ang sinabi ni Belyn humarap sya patalikod naka pikit padin mga mata n'ya.
"One , two,three." Pagkatapos sabihin ni Belyn ang three dumilat si Trece una malabo pa ang nakikita n'ya dalawang segundo luminawa na ang kanyang paningin at nagulat s'ya sa kanyang nakita.
"Sa-sa-ndra?" Utal utal nitong sabi.