"Trece Pov"
Isang buwan na pala ang lumipas mula bumalik kami dito sa maynila ni Belyn. Nag ka emergency kaya bumalik agad kaming dalawa ni Belyn. Kung hindi tumawag si Mommy hindi pa sana ako babalik ng maynila.
Flashback…
Pagkatapos namin ihatid sina Zandra sa kanilang bahay. Umuwi na kaagad kami kina Dreymon. Pagpasok ko sa kwarto ko na tinutuluyan, tinawagan ko agad si Zandra para sabihin na dumating na kami sa bahay. Diko makalimutan ang ginawa naming dalawa sa araw na iyon. Hindi ko nga makalimutan ang nangyari sa amin sa may talon. Kahit di kuman s'ya nakuha sa araw na iyon naging masaya pa din ako. Dahil alam ko ako lang ang unang lalaki na gumawa sa kanya ng ganon. Pagkatapos namin pinaligaya ang aming mga sarili sa kahit sa video call lang masaya kaming nakaraos. Pinatay na agad ni Zandra ang tawag ko. Iyon na ang last naming contact ni Zandra, di na ako nakabalik tumawag sa kanya dahil nagka emergency sa maynila. Saktong pag baba ni Zandra sa tawag may kumatok sa may pintuan ko akala mo gigibain na. Pumasok muna ako ng banyo bago ko binuksan ang pintuan. Ilang segundo din ako sa may banyo bago ako lumabas. Ang lakas ng kalampag ng aking pintuan at naririnig ko ang boses ni Belyn.
"Boss! Boss! " Malakas na sigaw nito sa labas ang lakas ng pag palo sa pintuan. Agad kung binuksan para malaman ko kung ano ang kailangan n'ya.
"Ano ba kailangan mo Belyn, para kang hinahabol ng isang dosinang aso. Bakit naparito ka anong sasabihin mo sa akin?" Tanong ko sa kanya. Tumango s'ya sa akin bago sumagot.
" Tumawag kasi si Tita, kailangan na daw natin bumalik ngayon sa maynila." Natarantang sabi niya sa akin ang bilis niyang mag salita di ko maintindihan.
"Dahan dahan naman Belyn, di kita maintindihan ang bilis mong mag salita. Wala akong maintindihan sa sinabi mo."Sabi ko sa kanya.Tumawa lang ito sa akin at sabay nag taas ng kamay nagsasabing peace.
"Sorry Boss, ito na ayusin kuna mag salita akala ko maintindihan mo agad ang sinabi ko."paliwanag pa nito sa akin.
" Paano kita maintindihan ang bilis mong mag salita. Ayusin mo para kang hinabol ng aso sa kanto." Kahit ganito ito si Belyn mahal namin s'ya nila Mommy at Daddy. Kapatid na turing ko sa kanya pati sila Mommy at Daddy parang anak na ang turing nila sa kanya.
"Tumawag kasi si Tita may emergency daw sa maynila. Kaya kailangan na nating umuwi ngayong araw."nag alalang sabi nito sa akin. Kaya tinanong ko agad s'ya bakit kami uuwi ng maynila.
" Anong sabi ni Mommy Belyn, paki ulit nga? bakit kailangan na nating umuwi ngayon bukas na lang tayo uuwi."
" Si Tito kasi Boss sinugod sa Hospital. Dahil inatake ito habang nag peperma ng mga papeles sa office n'yo. Buti na lang pinuntahan s'ya ni Tita sa office at na agapan agad. Kaya kumilos kana at tayo ay aalis na bilisan mo."mahabang paliwanag n'ya sa akin.
Wala akong magagawa kahit gustuhin kuman mag tagal dito, di pwede. Kailangan ko pa din unahin ang Pamilya ko kisa sa kasiyahan ko. Kaya kumilos na agad ako pagkatapos sabihin ni Belyn na aalis na kaming dalawa. Pagkatapos kung ilagay ang mga gamit ko sa maleta ko lumabas na agad ako. Pinuntahan ko agad ang aking mga kaibigan para mag paalam na uuwi na kami ng maynila ni Belyn. Sakto nasa may sala silang apat, nasa may likod kulang din si Belyn naka sunod saakin. Nakita ako ni Trent kaya tinwag n'ya ako.
"Oh, budz bakit may dala kang maleta. Saan kayo pupunta pati si Belyn, daladala din ang mga gamit n'ya?."naguluhang tanong nito sa akin, bakit dala namin ang mga gamit naming dalawa ni Belyn.
"Uuwi na kami ng maynila mga budz." Sagot ko sa tanong n'ya sa akin. Mga itchura nila naguguluhan, ang nasa isip nila bakit ako babalik ng maynila. Ang sinabi ko kasi sa kanila dalawang buwan ako mag bakasyon dito.
"Oo nga budz! bakit dala dala n'yo na mga gamit n'yong dalawa. Diba sabi mo sa amin mag tatagal ka muna dito, anyare bakit bitbit muna maleta mo?"sigunda namang tanong Hanz.
" Nagka emergency kasi mga budz kaya kailanga na namin maka balik ni Belyn ngayong araw sa maynila."Sabi ko sa kanila.
"Anong emergency iyan budz di ba pwede bukas na lang kayo aalis gabi na."alalang sabi ni Dreymon sa kanya. Alam ko na nag alala din ito kay Belyn.
"Oo nga budz? diba pwede bukas na lang kayo uuwi ni Belyn. Anong emergency ba iyan bakit ayaw mapa bukas ang uwi n'yong dalawa." Sabi naman ni Yuri sa akin. Sumingit na sa usapan namin si Belyn.
"Excuse me mga sir, matagal talaga ang uwi namin ni Boss Trece ngayon kapag marami pa kayong tanong. Ako na sasagot sa tanong n'yo kay boss kaya kami uuwi ng maynila. Tumawag si Tita Xenia kanina sa akin na kailanga na namin umuwi ni boss ngayong araw. Dahil inatake si Tito Draven buti na agapan agad kaya kailanga na naming bumalik."mahabang paliwanag nito sa kanilang apat naka nga nga sila sa sinabi ni Belyn. Unang natauhan si Dreymon.
"Sorry budz, akala namin kasi uuwi kalang na walang emergency." Sabay lapit sa akin at tinapik ang aking likod.
"Ano kaba budz ok lang, susunod nalang ako babalik dito kailanga na talaga naming bumalik ni Belyn walang kasama si Mommy doon."Sabi ko sa kanya.
"Ano kaba budz ok lang iyan unahin mo muna ang pamilya mo bago ang pangangailangan mo."sigunda namang sabi ni Hanz.
" Sige na mga budz ma una na kami sa inyo." Sabay lakad namin ni Belyn.
" Wait lang budz hatid na namin kayo ni Belyn." Nag mamadaling alis ni Dreymon para kunin ang susi ng kanyag sasakyan.
Inantay nalang namin si Dreymon para mahatid kaming dalawa ni Belyn. Di nagtagal bumalik agad ito.
"Tara na mga budz, kayo sasama ba kayo sa amin o dito lang kayo?"tanong n'ya sa tatlo. Nag katinginan pa ang tatlo bago sumagot.
"Syempre naman budz sasama kami." Sabay sabay na sabi nilang tatlo akala mo nag usap usap sila anong sasabihin. Natawa na lang kami dahil nagkasabay silang tatlo nag salita. Sasakay sa sana si Dreymon sa may driver set tinawag ito ni Hanz.
"Budz Drey!" Lumingon ito sa kanya.
"Bakit budz?" Tanong nito kay Hanz.
"Ako na mag drive doon kana sa may likod." Naka ngiting sabi nito, naguluhang naka tingin naman si Dreymon sa kanya bakit sa likod pa s'ya sasakay.
"Bilisan muna budz, tabihan mo si Belyn sa likod." Bulong ni Trent sa kanya. Natawa kami sa kalokohan nila, ok naman ako kay Dreymon para kay Belyn.
"Sige na budz bilisan mo dahil nag mamadali sila wag na tayong mag tagal." Sabi naman ni Yuri. Habang nag uusap sila binuksan ni Belyn ang binta.
"Ano boss di paba tayo aalis? anong Oras na oh, gutom na ako gusto ko doon na lang tayo kakain sa maynila pagdating natin. Wgg na kayong mag tagal d'yan bilisan n'yo."nagagalit na sabi ni Belyn gan'yan yan s'ya kapag may emergency ayaw n'ya mag tagal pa kami.
"Bilisan n'yo na nagagalit na ang dragon ni budz Drey." Pabirong sabi ni Yuri. Nag tawanan nalang kami sa sinabi nito.
Pumasok na agad kami sasakyan para di magalit si Belyn sa amin. Iba panaman magalit iyan, ayaw ka n'yang pansinin. Kailanga mo tagala suyuin ito bago ka pansinin nito bahala ka mabulok ka d'yan. Kaya goodluck na lang kay budz Dreymon kapag maging sila nang dalawa mahirap suyuin si Belyn.
Di nag tagala dumating na din kami sa may airport kaya nag pasalamat kami sa kanila Bago kami pumasok sa loob.
"Mga budz salamat! Sorry dahil hindi nag tagal ang pag bobonding nating lima. Ituloy na lang natin sa maynila diba pupunta naman kayo doon?"tanong ko sa kanila alam ko babalik din si Yuri at Trent sa maynila pero sulitin muna nilang dalawa ang pag babakasyon nilang dalawa.
"Oo budz pupunta kami doon kaya wag kang mag alala." Sabi naman ni Dreymon sa akin. Narinig ko din ang tawag ni Belyn.
"Boss bilisan n'yo na baka ma iwan tayo ng eroplano."sigaw nito sa akin. Akala ko sa may gilid ko lang s'ya wala na pala.
"Oo na pupunta na ako d'yan. Sige na mga budz alis na kami baka di ako pansinin ni Belyn."paalam ko sa kanila bago pumasok sa loob ni airport.
Saktong pag pasok namin ni Belyn kami na pala ang inaantay nila tinawag na mga pangalan naming dalawa para aalis na ang eroplano.
"Ayan boss sabi ko sa'yo baka ma iwan ta'yomg dalawa. Tayo na lang ang kulang kaya bilisan muna d'yan." Pinagalitan na n'ya ako mas ok pang pagalintan n'ya Ako kisa di pansinin mahirap iyon ang tagal nyang suyuin…
Isang minuto din bago kami naka sakay ng eroplano. Kumusta na kaya si Daddy sana ok lang s'ya, nag alala din ako kay Mommy. Mommy parating na ako wag kang mag alala hindi ka nag iisa. Mahal na mahal ko ang mga magulang ko kahit ganito ako. Mas uunahin kupa ang mga magulang ko kisa sa iba, kahit nasa importante akong lakad kapag may nangyari sa pamilya ko mas uunahin ko sila. Kahit mawala man ang kayamanan namin ok lang basta uunahin ko silang dalawa.. Tatlong Oras din bago kami nag landing sa Ninoy Aquino International Airport. Binilisan na namin ang lakad naming dalawa ni Belyn para di kami masyadong ma traffic. Sumingit na kami sa mga tao para lang maka labas kaming dalawa.
"Belyn sino tinawagan mo para mag sunod sa ating dalawa." Tanong ko sa kanya.
"Si kuya Bogart ang susunod sa atin Boss! Absent kasi si kuya Tonyo kaya s'ya na lang pina punta ni Tita Xenia."sagot n'ya sa akin habang nag kalikot sa cellphone n'ya. May tumawag sa cellphone ko kaya sinagot ko ito tiningan ko muna sino tumawag si Mommy pala.
"(Hello Mom ano may problema ba nandito na kami ni Belyn sa may airport.)"
"(Salamat naman anak safe kayong dumating dalawa. May bagong pasok kasi na balita na may na disgrasya na eroplano pa puntan ditong maynila at galing sa Dipolog city diba d'yan kayo galing.)"alala nitong sabi sa akin.
" (Mommy wag kang mabahala safe kami dumating ni Belyn, Sige na Mom dito na si mang Bogart deretso na kami d'yan antayen mo ako.)"
Si Mommy talaga mabilis manerbyos, sumakay na agad kami ni Belyn pagdating ni mang Bogart. Wala na kaming inaksaya na Oras kaya binilisan na namin ang kilos naming tatlo. Dalawang oras din ang tinagal namin sa daan dahil naabotan kami ng traffic. Di na ako nag padaan ng bahay dumertso na kami sa may hospital. Pagdating namin sa hospital tinanong ko kaagad sa may information area kung anong room number si Daddy.
"Excuse me nurse ano pong room number ni Draven Carmon." tanong ko sa kanya.
"Ka anu ano Po kayo ng pasyente sir." Tanong din n'ya sa akin.
"Daddy ko Po s'ya."
" Sige sir wait lang Po hanapin ko muna."sabay kalkal sa may drawer. Mayamaya nakita na din n'ya.
"Ito na Po sir nakit kuna, room number n'ya Po 124 second floor Po s'ya."Sabi n'ya sa akin.
" Salamat Po."ngiting sabi ko sa kanya. Kinikilig naman s'ya sa sinabi ko hay naku mga babae talaga pag makakakita Ng mga gwapo.
Pumunta na kaagad kami ni Belyn sa second floor para puntahan sila Mommy at Daddy. Kumatok muna Ako bago kami pumasok ni Belyn. Narinig kupa si Mommy na wait lang daw. Pag bukas ni Mommy sa pintuan ang saya n'ya na Nakita n'ya ako.
"Omy god anak buti ok lang ka'yong dalawa. Sobrang na nerbyos ako akala ko kayo na yung naka sakay ng eroplano na iyon."kita mo talaga gaano ito nag alala sa amin dalawa ni Belyn.
" Ikaw talaga mom paano maging kami nauna kaming naka sakay. Kumusta na pala si Daddy mom anong sabi ng doctor."tanong ko kay Mommy.
" Ok na Daddy mo anak buti na agapan agad. Na over fatigue lang si Daddy mo kaya wag kanang mag alala." Sagot nito sa akin.
Simulan non sobrang busy na ako sa kompanya namin office bahay na lang palagi. Di kuna rin nakausap mga kaibigan ko. Isang buwan na ang naka lipas hindi ko sila kinontak. Pati si Belyn sobrang busy na rin n'ya,s'ya ang namahala sa kabilang Branch dahil wala si Daddy. Ako dito naman ako sa kompanya ko nag tratrabaho. Di ko maiwan iwanan dahil marami pa akong aayusin, hinuhuli kupa ang kung sino talaga ang nag nakaw sa akin kaya humanda s'ya sa akin di ko palalampasin ang ginawa n'yang katatrantaduhan sa akin.