Chapter 31

2380 Words
Bago dumating si Yuri sa bahay nila Shananng, nag paalam silang tatlo kay Doreen na aalis sila. "Hello girls, bakit naka ayos kayong tatlo ngayon diba kakauwi n'yo lang galing mall," tanong ni Doreen sa kanila. " Tita D. Mag paalam sana kami na aalis ngayon, may pupuntahan kaming tatlo. Nakita kasi namin ang kaibigan naming lalaki sa probinsya. Puntahan n'ya kami ngayon Dito, may pupuntahan daw kami di pa namin alam kung saan," mahabang paliwanag n'ya sa kanyang tiyahin. " Mabait ba yang kaibigan n'yo baka dalhin ka'yo kung saan," nag alalang sabi nito sa tatlo. " Tita wag kang mag alala mabait yung kaibigan namin. Kausapin n'yo mamaya bago kami aalis para hindi ka'yo mag alala sa amin. Kung alam mo lang Tita lima yan silang mag kakaibigan, namiss na nga namin sila puro mababait yun sila Tita promise," sabi naman ni Zandra sa kanya para hindi na ito mag alala. Na putol ang usapan nila dahil may bumusina na sa labas ng Bahay nila alam nila na si Yuri na yun. "Halika Tita ipakilala ka namin kay Yuri, si Yuri na yang nasa labas," sabay hatak ni Mickay sa kanyang tiyahin. Pag labas nilang apat nasa labas na ng sasakay si Yuri. " Hello girls ready naba kayo?" Tanong n'ya sa tatlo." Hello din sa'yo Tita," bati din n'ya kay Doreen. Ayun si Doreen di na naka galaw sa kanyang kinatatayuan dahil nakakita s'ya ng gwapo. "Ready na kami sir Yuri! Sir ito pala si Tita Doreen, Tita s'ya ni best Mickay, Tita si Sir Yuri pala kaibigan namin." Pakilala ni Zandra sa kanilang dalawa. "Nice to meet you Tita," naki pag shake hands si Yuri kay Tita D. Naka ngiti din ito. Mas lalong kinilig si Tita D. Dahil nginitian ito ni Yuri. "Nice to meet you din Iho," inabot din ni Tita D. Ang kanyang kamay para maki pag shake hands sa binata. " Tita D. Pwede ko ba isama ang mga dalagita mo?" tanong nito sa kanya. " Walang problema Iho basta ibalik mo silang buo ok na ako doon," pabirong sabi nito sa binata. " Wag ka'yong mag alala Tita, Isa uli ko sila ng buo walang kulang," biro ding sabi ni Yuri. " Iho, saan pala kayo pupunta. Tinanong ko kasi itong tatlo kung saan kayo pupunta di nila alam kung saan. Kaya nag alala ako baka kung saan saan lang sila pupunta mahirap na ngayon Iho." Alalang sabi nito sa binata. " Wag ka'yong mag alala Tita isama ko lang sila sa birthday ng kaibigan ko. Kilala ni Mickay at Zandra yun Tita, kaya wag kang mabahala. Andon din ang isang kaibigan nilang babae na si Belyn kaya wag na kayong mag alala." Mahabang paliwanag nito sa ginang. " Akala ko naman kung saan sa party lang pala. Sige na umalis na kayo baka kayo na lang inatay doon. Iho kapag naka inum na kayo pwede bukas muna sila ihatid. Alam ko may inuman magaganap doon at alam ko itong tatlo di mag pa pigil ito iinum talaga." Bilin nitong sabi sa binata alam n'ya na iinum talaga ang tatlo kaya mas maaga nag sabi na s'ya na bukas na lang uuwi. "Walang problema Tita kami lang din naman ang mag paparty wala ng iba kaya wag ka'yong mabahala." " Akala ko kasi may kasama pa kayong iba sige na, alis na kayo ingat sa pag mamaniho Iho." " Salamat tita, wag ka pong mag alala iingatan ko Po sila." Pagkatapos nilang mag paalam umalis na kaagad sila, para di sila ma traffic sa daan. "Girls dadaan muna tayo sa bake shop bibili muna tayo ng cake ok lang ba sa inyo?" tanong nito sa kanilang tatlo. " Ano kaba sir Yuri ok lang sa amin, sino Po ba ang may birthday? " tanong ni Shanang sa binata. " Yung isang kaibigan ko Sha, kilala nila Mickay at Zandra yun pero mamaya kuna sabihin kung sino bili muna ta'yong cake," naka ngiting sabi nito kay Shannang. Isang oras ang tinagal nila sa daan bago sila makarating sa Bake shop. Bumaba agad si Yuri para bumili ng cake para sa kaibigan. "Girls gusto n'yo bang sumama sa loob o hindi na," tanong nito sa mga dalaga. " Ako na lang ang sasama sa'yo sir Yuri," naka ngiting sabi ni Zandra. "Kayo Mickay and Shannang dito lang ba kayo sa sasakyan?" ulit na tanong ni Yuri sa dalawa. " Yes Sir dito lang kami," sabay sabi ng mag pinsan. Pagkasabi ng dalawa na maiwan sila sa sasakyan umalis na agad sila Yuri at Zandra. Di sila na abotan ng ilang Oras bumalik agad silang dalawa. "Handa naba kayo girls ilang kilo metro lang andon na ta'yo." " Excited na talaga ako Sir Yuri lalo andon pala si best Belyn, na miss na namin s'ya. Apat na buwan na rin hindi kami nag kita kahit kausap man lang sa cellphone wala rin, " malungkot nitong sabi Kay Yuri. " Wag kanang malungkot Mickay, nandito lang naman kayo sa manila. Palage na kayo mag kikita ni Belyn pag may day off s'ya pwede ka'yo magkita." " Tama na nga yang drama mo best wag kang mag alala. Kapag hindi pa din nag papakita si best Belyn sa atin, ipa tulfo na natin s'ya," pabirong sabi ni Zandra sa kaibigan. Napuno ng tawanan ang sasakyan ni Yuri dahil sa sinabi ni Zandra. Pinutol ni Yuri ang usapan nila dahil dumating na sila sa building kung saan nakatira si Trece. "Girls dito na tayo, mamaya n'yo na ipag patuloy ang kulitan n'yo kapag andon na ta'yo sa taas. Bilisan na natin baka ta'yo na lang inantay nila," sabi n'ya sa tatlong dalaga. Pagkatapos eparking ni Yuri ang sasakyan, bumaba na agad sila at tumungo sa elevator. Buti na lang walang ibang tao sila lang ang sumakay kaya tuloy tuloy ang akyat ng elevator. " Shananng paki suyo naman pa pindot ng number 10," utos nito kay Shannang. Si Shananng ang malapit sa may pindotan kung saan ka na floor pupunta. "Thank you Shananng," pasalamat n'ya sa dalaga. " You're welcome Sir!" naka ngiting sabi nito sa binata. Mayamaya huminto na din ang elevator sa 10 floor. "Ready na ba kayo girl's?" tanong nito sa tatlong dalaga sakto nasa tapat na sila sa pintuan ni Trece. " Handa na Sir Yuri," sabay sabi ng tatlo. Nag door bell na si Yuri para mabuksan sila nag mamadali na rin s'ya dahil gutom na ito. Sa isip ni Yuri… Putik ang tagal naman nilang buksan gutom na ako at gusto ko din makita kung ano Ang magiging itchura ni budz Trece sa regalo ko sa kanya…. Nahinto ang pag iisip ni Yuri ng buksan ito ni Belyn. Lumaki ang mata ni Belyn sa nakita n'ya kung sino ang kasama ni Yuri. Sisigaw na sana s'ya pero tinakpan ito ni Yuri. "Whaaaaaaa—" na hinto ang sigaw n'ya ng takpan ito ni Yuri. "Wag ka ngang maingay Belyn mamaya kana mag diwang d'yan." Bulong nitong sabi ni Yuri kay Belyn. "Belyn anong nangyari sa'yo d'yan bakit ka sumigaw," sigaw na tawag ni Trece sa kanya. " Wala lang boss naka gulat kasi si Sir Yuri s'ya lang pala dumating," sigaw din na sabi n'ya. "Si Yuri lang pala yan papasukin mo na s'ya, "utos nito kay Belyn. " Sige Boss, wait lang talikod ka muna tapos pikit mo ang mga mata mo at kumanta tayo ng Happy Birthday, "utos nito ni Belyn sa kanila. Nag taka naman sila bakit patalikurin pa si Trece kakanta lang naman ng Happy Birthday. Wala silang na gawa dahil kumanta na si Belyn kumanta na din si Dreymon at sabay sabay na silang kumanta lahat. ???? "Happy birthday to you, Happy birthday to you , Happy birthday, Happy birthday to you. Happy birthday to you Happy birthday to you Happy birthday happy birthday happy birthday to you. " Pumasok na silang apat , binuksan ni Belyn ang pintuan. Nagulat ang tatlo na sina Trent, Hanz at Dreymon. Dahil ang kasama ni Yuri ay sina Mickay at Zandra at may kasama pa silang isa. Si Zandra ang pinahawak nila ng cake at na lakad na sila malapit kay Trece, huminto sila sa pagkanta at sinabihan si Trece na blow the candle. "Boss pwede ka nang humarap wag mo muna idilat mga mata mo, mag bilang ako ng tatlo pwede muna idilat mga mata mo,"utos ni Belyn sa kanyang amo. Sinunod naman ni Trece ang sinabi ni Belyn humarap sya patalikod naka pikit padin mga mata n'ya. "One , two,three." Pagkatapos sabihin ni Belyn ang three dumilat si Trece una malabo pa ang nakikita n'ya dalawang segundo luminawa na ang kanyang paningin at nagulat s'ya sa kanyang nakita. "Sa-sa-ndra?" Utal utal nitong sabi. " Hello sir Trece, Happy Birthday Po," naka ngiting bati nito sa binata. Hindi na pigilan ni Trece niyakap n'ya ang dalaga dahil na miss n'ya ito. " I Miss You Baby! This is my best birthday ever." Bulong nito sa dalaga at hinalikan pa ang tuktok ng kanyang ulo. "Bryen di na ako maka hinga," bulong nito sa binata. "Sorry baby na miss lang kita sobra," hinging pa umanhin nito sa dalaga. Sa gilid naman kinikilig si Shananng sa nakikita. Akalain mo di lang pala sa telenovela makikita ganong eksina meron din pala sa totoong buhay. "Insan nakaka ingit si best Zandra, may tinatago palang s'yang papabol. Kaya pala hindi n'ya pinapansin ang pang liligaw ni Tibursio sa kanya. May nag papatibok na pala sa puso n'ya at may nag mamay ari na pala sa kanya. Omy god kinikilig talaga ako sa kanila insan, akala ko sa Tv ko lang nakikita mga ganong eksina." Parang kiti kiti si Shananng dahil sa sobrang kilig nito. Pinutol ni Yuri ang ganap nila Trece at Zandra. " Budz Trece mamaya n'yo na ituloy ni Zandra yan. Tumguts na ako di kuna kaya, mahaba pa ang Oras n'yo dalawa dahil bukas pa naman yan sila uuwi." Sabi nito kay Trece. " Totoo ba yang sinabi mo budz na bukas pa sila uuwi?" Tanong ni Hanz sa kaibigan. " Oo nga kahit tanong mo pa si Mickay diba Mickay, " tawag nito kay Mickay. " Ah hehe, oo bukas pa kami uuwi sir Hanz nag pa alam kasi si Sir Yuri kay Tita na bukas na lang daw kami uuwi para ma sulit namin ang bonding ni best Belyn." Naka ngiting sabi nito sa binata. " Yun naman pala budz kumain na ta'yo maya n'yo na ituloy ang lambingan n'yo ni Zandra, marami ng langgam dito, " pabirong sabi ni Dreymon. Nag tawanan sila sa sinabi ni Dreymon. "Tama na yan umupo na kayo para makakain na ta'yong lahat," aya ni Belyn sa kanila. Pinag hila ng mga lalaki ang mga babae maliban kay Yuri,dahil nauna na ito umupo at kumain. Si Shananng naman nagulat s'ya dahil pinag hila s'ya ng upuan sa kaibigan ni Yuri. "Thank you Sir," naka ngiting sabi ni Shananng kay Trent. " You're welcome mine," bulong ni Trent sa kanya. Nagulat si Shananng sa sinabi ni Trent at napatulala s'ya sa sinabi ni Trent. " Insan umupo kana ikaw na lang nakatayo," tawag ni Mickay sa pinsan n'ya. Sa isip ni Shananng… Gaga ka talaga Sharina nakakahiya ka umayos ka wag kang boba.. Pinagalitan n'ya ang kanyang sarili, ngumiti lang s'ya sa kanyang pinsan at umupo na ito. Busy na silang lahat kumain wala ng usap usa dahil gutom na sila lahat. Ang mga lalaki pinagsilbihan nila ang mga babae, maliban kay Yuri. Tudo kain lang ito walang paki alam kung anong ganap sa paligid n'ya. "Mine kumain ka ng marami para naman tumaba ka," sabay lapag ng mga pagkain sa pinggan ni Shanang. Natatawa na lang sila sa ginawa ni Trent dahil puno na ang plato ni Shanang. "Sir tama na Po sobrang dami na nilagay mo sa Plato ko di ko kayang ubusin ito lahat," nakasimangot na sabi ni Shannang kay Trent. "Wag kang mag alala para sa ating dalawa yang nilagay ko sa Plato mo," nakangiting sabi nito kay Shannang. " Na buang naman ni s'ya oi feeling close di naman kami magkakilala,ginawa pa akong baboy sobrang dami nilagay sa Plato ko," bulong ni Shannang. " May sinasabi ka mine," tanong ni Trent sa dalaga. " Ah,Wala Sir sige Po kain na Po tayo," hilaw na ngiti ni Shananng. Si Dreymon iba naman ang trip nag pabebe kay Belyn. "Be! Subuan mo nga ako n'yang hawak mong pipino gusto ko yan," pabebeng sabi nito kay Belyn. " Meron kana mang kamay Mon, bakit sa akin ka pa mag pa subo, " reklamo n'ya sa binata pero sinubuan pa din n'ya. " Mas masarap kasi pag ikaw mag subo sa akin Be," nakangiting sabi nito kay Belyn parang special child lang. " Ewan ko sa'yo, " sabay salpak ng pipino sa bunganga nito. Nabulunan tuloy si Dreymon sa ginawa ni Belyn sa kanya. " Ackkk! Ackkk! Dahan dahan naman Be,nakakasakit kana sa damdamin." Pag dradrama nito sa dalaga. " Manahimik ka! kumain na nga tayo ng maayos," pagalit nitong sabi kay Dreymon. " Sorry na Be! Wag kanang magalit sa akin, ito kainin mo masarap ito, " paglalambing nito kay Belyn at sinubuan pa n'ya. "Hanzy pwede paki abot ng talong mo," seryosong sabi ni Mickay kay Hanz. Napa tulala na naman si Hanz sa sinabi ni Mickay. Tinapik na ito ni Mickay dahil hindi pa din ito kumilos. " Huh! Anong sinabi mo Mickay?" tanong n'ya kay Mickay. " Wala Sir Hanz," nayayamot nitong sabi sa binata. "Sir Dreymon pwede paki suyo, paki abot naman ng talong," tawag ni Mickay kay Dreymon malapit lang din kay Dreymon ang talong na niluto ni Belyn. Inabot ni Dreymon kay Mickay ang talong at nagpasalamat ito sa kanya. " Salamat sir Dreymon," ngiting sabi n'ya sa binata. Hindi na pinansin ni Mickay si Hanz, dahil na busy na ito kumakain ng talong. Wala na s'yang pakialam sa ibang putahe na naka handa sa mesa. "Mickay ito naman kainin mo puro na lang talong kinain mo. Di yan maganda, tikman mo naman itong ibang niluto ni Belyn masarap ito," sabay lagay sa Plato ni Mickay. Hindi pa din n'ya pinansin si Hanz dahil hindi n'ya inabot ang talong na inutos nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD