Chapter 32

1759 Words
"Baby, kumain ka ng marami ang payat muna hindi kaba kumakain," nag alalang sabi nito kay Zandra. Grabe naman ito maka sabing payat di ba pwede sexy lang kaya ganito lang ang katawa. "Tama na yan Bryen, dami muna nilagay sa Plato ko. Paano ko uubusin yan kandamakmak ang nilagay mo, ginawa mo ata akong majimbo nito," na yayamot kung sabi ko sa kanya. " Sorry na baby wag kanang magalit sa akin, gusto lang naman kitang pakainin kasi pumapayat ka. Di gaya sa probinsya n'yo sakto lang naman katawan mo di payat di mataba," paliwanag nito sa akin. Payat naba talaga ako sa paningin n'ya? Apat na buwan palang ako dito sa maynila pumayat agad. Hay naku kailanga ko ta ipa check up ang mata nito o pakainin ko ng kalabasa para luminaw ang mata nito. "Bahala ka nga! tulungan mo na lang ako kumain nitong nasa Plato ko para maubos ko lahat ito," utos ko sa kanya. " Wag kang mag alala Baby, ubusin nating dalawa yan, " nakangiting sabi nito sa akin. Sa isip ni Zandra… Makalaglag panty talaga itong si Bryen, ngiti palang para kanang dalhin sa langit. Kaya maraming nag huhumaling sa kanya dahil nasa kanya na ang lahat. Ang katangian na hinahanap ng mga babae mabait, gwapo higit pa sa lahat may Pera. Ako kaya kailan kaya ako aahon sa hirap nito. Gusto ko lang simpling pamumuhay yong may Pera ka at hindi ka ma gutom kahit wala kang trabaho. Oo! tawagin n'yo na akong ambisyosa pero wala eh, kailanga ko ng Pera para mabuhay. Pipiliin ko naman yung tao na mahalin din ako, sana si Trece na ang aahun sa akin sa hirap. Full package na kapag nag mamahalan na kaming dalawa. "Baby bakit naka tulala kana, ayaw muna bang kumain. Unti lang ang kinain mo baby di pwede hindi ka kumain," tapik nito sa akin. Naka tulala na pala ako, nakakahiya ka naman Zandra. Makakain na nga para maka bonding na kami mga babae. Na busy na silang lahat kumain nag kanya kanya silang mundo. Si Dreymon nag papasubo kay Belyn. Si Yuri walang paki alam sa paligid kain lang ng kain. Si Hanz sinusuyo si Mickay, dahil hanggang ngayon hindi pa din s'ya kinikibo nito. "Sorry na bukas bilhan kita, ng maraming talong, patawarin muna ako please," naka dikit pa ang dalawang palad nito. "Sabi mo yan huh na bilhan mo ako bukas kung hindi mo gagawin wag kang mag pakita sa akin," pagbabanta nito sa binata. "Promise mamatay man ang kapitbahay naming walang ngipin," naka taas pa ang dalawang kamay parang nanunumpa sa watawat. Trent at Shananng naman nag tatalo, dahil gusto ni Trent ubusin ni Shananng ang nilagay n'ya sa Plato nito. "Ubusin mo na ito mine unti na nga ito oh!" nag pupumilit na sabi nito kay Shannang. "Ayaw ko nga n'yan," tangi naman ni Shananng. " Nag sasayang ka talaga ng pagkain mine. Kung alam mo lang ang iba mahirapan mag hanap ng pagkain. Tapos ikaw nag sayang lang ng pagkain,"pangungunsinsya n'ya sa dalaga. Kahit ayaw kainin ni Shananng kinain pa din n'ya. Kahit may allergy s'ya sa Seafoods, ang natira kasi sa Plato n'ya ay puro seafoods. " Akin na nga dami mong dada," pagalit nitong sabi sa binata. " Bahala na si Batman kung anong mangyari sa akin ,ayaw ko sa lahat kinukunsensya ako, " bulong nito, na s'ya lang ang nakakarinig. Kinain na nga ni Shananng ang pagkain na natira sa Plato n'y at naging masaya si Trent dahil kinain n'ya ito. Ilang minuto bago lumabas ang mga pantal n'ya sa katawan. " Very good mine sunod wag mag sayang ng pagkain," masayang sabi nito sa dalaga. Si Trece at Zandra naman sobrang sweet nilang dalawa. Nag susubuan din ito kitang kita mo talaga sa kanilang mukha na namiss nila ang isa't isa. Mayamaya si Yuri tumayo para kumuha ng tubig pag balik n'ya nagulat s'ya sa itchura ni Shananng sobrang pula na ito at marami ng pantal nag kakamot na din ito. Hindi na pansin ni Trent si Shananng dahil busy ito sa pinapak n'yang paa ng manok. "Shananng anong nangyari sa'yo? Bakit ang pula ng mukha mo at ang dami mong pantal," nag alalang sabi ni Yuri sa kanya ang lakas pa ng pagkasabi nito. Kaya silang lahat na tigil sa mga ginagawa nila. Dahil sa lakas ng boses ni Yuri. " Wala lang ito sir Yuri mamaya mawala lang din ito," pilit na ngiti ni Shananng kahit na hirapan na s'ya. " Pagalitan talaga ako ni tita dahil may nangyari sa'yo. Budz Trent ano bang pinakain mo kay Shannang bakit nagkaganyan yan," galit nitong sabi kay Trent. Nag isip pa si Trent ano pinakain n'ya kay Shananng. " S-Seafoods ang pinakain ko sa kanya," na uutal nitong sabi n'ya. " Wait lang sir Trent paki ulit nga yung sinabi mo? Seafoods ang pinakain mo kay insan tama ba ako?" " Oo Mickay Seafoods yung pinakain ko sa kanya." " Ano ba yan insan diba sinabihan kana namin na wag kang kumain ng kahit anong Seafoods. Alam mo naman na dika pwede sa pagkain na yun. Paano na yan, ngayon wala kang dala na gamot. Gusto mo bang mamatay ng maaga," galit nitong sabi sa kanyang pinsan. " Sorry insan ngayon lang naman," naka yukong sabi nito. " Tumayo kana uuwi na tayo para maka inum ka ng gamot," natarantang sabi nito. Wala nang paki alam si Mickay sa paligid kapag may mangyari sa kanyang pinsan s'ya malalagot sa tita n'ya. " Mickay kumalma ka muna," Sabi ni Trece sa kanya." May gamot ako sa allergy kukunin ko lang kaya kumalma ka muna." Si Trent di na naka galaw sa kanyang kinatatayuan. Dahil hindi n'ya matanggap nang dahil sa pag pupumilit n'ya na ipakain ang natirang pagkain sa Plato ni Shananng naka disgrasya sana s'ya. Sa isip ni Trent.. Anong ginawa mo Trent makapatay ka ng tao dahil sa pag pupumilit mo ipakain sa kanya. Kahit ayaw n'ya kinunsensya mo pa s'ya na maraming mahihirap na nagugutom. Nabalik sa ulirat si Trent sa tapik ni Dreymon sa kanya. "Hoy, budz anyare sa'yo? bakit ayaw muna gumalaw sa kintatayuan mo," tanong ng kanyang kaibigan. "Budz, kasalanan ko kung bakit nagkaganon si Shananng. Pinagpilitan ko kasi ipakain ang natira sa Plato n'ya. Yung seafoods na lang ang natira kaya pala hindi n'ya ginalawa dahil may allergy pala s'ya. Kinunsensya ko pa s'ya na maraming mahihirap na nagugutom tapos mag sayang lang s'ya ng pagkain," mahabang paliwanag nito sa kanila. Ang mga babae nasa may sala na pero nahirapan pa din si Shananng dahil sobrang kati na ng katawan n'ya. Ang tagal umepek ang gamot. "Humingi ka na lang ng pasensya mamaya kay Mickay at Shananng budz, " pampalakas loob na sabi ni Trece. Sinang ayunan naman ng iba n'yang kaibigan. "Belyn dalhin mo muna si Shananng sa kwarto ni Trent, doon mo s'ya pagpahingahin," utos nito sa kanyang secretary. "Sige Boss dalhin kuna s'ya doon," sagot nito sa kanyang amo. "Halikana Shananng para makatulog ka," aya nito kay Shannang. Ang condo ni Trece may limang kwarto ito, dalawa sa taas tatlo sa baba. Up and down ang condo n'ya. Pinasadya talag ni Trece na ganong style ang condo n'ya dahil palaging naka tambay ang kanyang mga kaibigan sa condo n'ya sila ang may ari ng building na kung saan s'ya namamalage ngayon. Pagpasok nila sa kwarto ni Trent, na initan na si Shananng sa suot n'ya. " Insan may dala kabang extra na damit gusto kung mag bihis mas lalo akong di makahinga sa damit na ito," tanong n'ya sa kanyang pinsan. "Wala akong dala insan, Ikaw best Belyn meron kaba d'yan?" Tanong nito sa kaibigan. "Wala akong dala best dahil akala ko uuwi lang ako. Kasi kami lang naman ang mag party kaya wala akong dinala," sabi nito sa kaibigan. " Ok lang mga best itulog ko na lang ito baka mawala ito mamaya." " Iwan kana namin dito Shananng, lumabas ka kapag ok na pakiramdam mo mag bobonding pa tayong apat," naka ngiting sabi ni Belyn sa kanya. Tumango lang si Shananng sa kanya pagkatapos tumango ni Shananng lumabas na ang tatlo. Habang di mapakali si Shananng sa higaan na iinitan na talaga s'ya sa suot n'ya ,kaya tumayo ito at pumunta s'ya sa may kabinet. Nag kalkal s'ya na masusuot n'ya,may nakita s'yang white t-shirt sinuot n'ya ito. Pagkatapos n'yang suotin humiga na agad s'ya sa may kama ata nakatulog ng mahimbing. Sa labasa naman inayos na ng mga lalaki ang mesa, sila na nag linis at nag hugas lahat ng Plato. Kaya umupo na lang ang mga babae sa sofa pag labas nila sa kwarto ni Trent. Lumapit si Trent kay Mickay nanghingi ito ng Sorry. "Mickay Sorry, kaya nag kaganon si Shananng dahil sa akin. Pinagpilitan ko kasi na ubusin n'ya ang natira na pagkain sa Plato n'ya Sorry talaga," hinging paumanhin nito sa dalaga lumuhod pa ito. " Tumayo ka nga d'yan Sir Trent, di ako Panginoon para lumuhod ka sa harap ko," sabi nito sa binata tumayo ito pagkatapos sabihin ni Mickay na tumayo. " Ok lang yun Sir Trent di mo naman alam na allergy s'ya sa Seafoods." " Salamat talaga Mickay, puntahan ko muna si Shananng para makapag sorry ako sa kanya," pasalamat nito kayo Mickay. Pagkatapos n'ya mag pasalamat pumunta agad s'ya sa kwarto n'ya. Pag bukas n'ya sa kwarto n'ya bumungad sa kanya ang mahimbing na natutulog na dalaga. Naka ngiti s'ya dahil suot suot ng dalaga ang favorite t-shirt n'ya. Ito ang palage n'yang sinusuot tuwing nasa bahay lang s'ya at pantulog n'ya ito. Sinarado n'ya ang pintuan ng kanyang kwarto at dahan dahan lumapit sa dalaga. "Mine sorry ng dahil sa akin nagkaganyan ka," kausap n'ya sa dalaga kahit tulog ito. "Tatandaan kuna mine na bawal ka kumain ng seafoods, pahinga ka muna mine bukas na lang ako humingi sa'yo ng Sorry." Hinalikan n'ya ito sa noo bago s'ya umalis at kinumutan na din n'ya ito. "Oh! Budz nandyan ka na pala kamusta nakahingi ka na ba ng sorry kay Shannang?" tanong ni Yuri sa kanya. " Wala nga budz ang himbing ng tulog n'ya bukas na lang ako mag sorry sa kanya," sabi n'ya sa kaibigan. " Tama na yang drama n'yo, mag inum na tayo. Bukas ka na lang mag sorry budz Trent di naman siguro galit si sa'yo." Natatawa na sabi ni Hanz sa kaibigan. " Wag n'yo naman ganyanin si Sir Trent baka iiyak yan," birong sabi ni Belyn. Natawa silang lahat sa sinabi ni Belyn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD