Chapter 27

1530 Words
Pagpasok nila sa taxi,pina andar na agad ng taxi driver. Habang ang tatlo ang iingay nila sa likod, nakangiting nakatingin ang taxi driver sa kanilang tatlo na aaliw s'ya sa kakulitan nila. Sa pag kukulitan nilang tatlo, nagtanong si Zandra kay Shananng kung saan galing ang jacket na suot nito. "Best Sha, saan galing yang suot mong jacket." Tanong ko sa kanya. "Saan ito ba?" Sabay hawak nito sa jacket. " Oo insan yan nga saan galing yan."sagot naman ni best Mickay sa pinsan n'ya. "Ah! Itong Jacket na suot ko. May nag bigay sa akin nito kanina, pina abot pa nga sa bata. Bakit n'yo na tanong kung saan ko galing ang jacket na suot ko. Wag nyong sabihin na nabili ko sa ukay ukay ito. No way high way, I don't want to bilibili a jacket in a ukay ukay store so kadiri eww yuck." Nandidiri nitong sabi sa aming dalawa grabe naman maka eww itong si Shananng double kill na ang ukay ukay para sa kanya. "Grabe ka naman maka eww, yuck, insan hanggang ngayon ayaw mo pa din sa ukay ukay. Maganda naman ang ukay ukay ah? mas matibay pa sa relasyon ang ukay ukay, kisa hindi ukay bilhin mo mabilis masira."humuhugot na sabi ni best . Humuhugot pa ang gaga dahil lang sa ukay ukay. "Seryoso na tayo best wag kang humugot d'yan. Sha di moba talaga kilala yung nag pabigay sayo n'yang jacket na suot mo?" " Wait nga lang bakit ba pinag iinitan n'yo itong Jacket na suot ko. Gusto n'yo bang bilhin naku sorry kayo diko ibebenta ang Jacket na ito. Isasauli kopa ito kapag mag kita kami sa may ari ng jacket.."mahabang sabi n'ya sa aming dalawa. Ang dal dal din pala nitong si Shananng parang si best din sakto talagang mag pinsan puro madaldal. "Bakit naman namin bibilhin yan insan marami naman akong jacket. Kaya nag tanong kami ni best Zandra sa'yo kung saan galing ang jacket na suot suot mo. May kakilala kami na kapareho ng jacket na suot mo ngayon. Diba may naka burda na litra sa likod hubarin mo." Pinahubad ni best Mickay ang suot na jacket ni Shananng. " Ang gugulo n'yong dalawa ano bang meron sa letrang naka burda d'yan sa likod."nagrereklamo na siya sa aming dalawa ni best Mickay. Sarap din pala asarin itong si Shananng. "Diba sabi namin sayo may kilala kaming may gayang jacket pati naka burdang litra sa likod ganon din. Hindi mo naman na bibili yan sa gilid gilid, ang mahal n'yan bilhin pang mayaman postura palang. Patingin kami kasi alam namin kung ano ang palatandaan sa kakilala namin na kagaya sa suot mo ngayon."mahaba kung paliwanag sa kanya. Tinanggal na nga ni Shananng ang kanyang suot na jacket. Chineck na namin kung kapareho ba talaga kay Trent ang jacket. Pagka kita palang namin sa apelyido ni Trent nag ka tinginan na kami ni best Mickay. Nakita kami ni Shananng nag tanong pa ito sa amin. "Bakit gan'yan ang tinginan nyo nong nakita n'yo ang naka burda d'yan,kilala n'yo ang may ari n'yan?"tanong n'ya sa amin. Tumango kami ng sabay ni best Mickay sa tanong n'ya sa amin. Di talaga ako nag kamali kay Trent talaga ang jacket na suot ni Shananng. "So kilala n'yo sino ang may ari ng jacket na yan." Ulit nitong tanong sa amin. "Oo insan kilala namin s'ya." Sagot ni Best Mickay kay Shananng. " Nandito pala s'ya kanina best Zandra sayang di natin naabotan na miss kuna silang kasama. Isang buwan din hindi natin sila nakita. Pati si best Belyn na miss kuna Wala na tayong contact sa kanya panigurado naging busy na yon sila."Sabi nito sa akin. " Oo nga best eh, nakakamiss silang ka bonding saan kaya sila banda dito sana isa man sa kanila makita natin."sagot ko sa sinabi ni best Mickay. " Kayong dalawa ba, hindi n'yo pa sinabi kung sino ang may ari ng jacket. Puro kayo miss, close n'yo ba ang may ari nitong jacket?" Galit n'yang sabi sa amin. "Di maka antay insan nag mamadali may lakad ka."mas lalong na bwisit si Shananng sa sinabi ni best sa kanya. "Ito naman di mabiro wag mo na yang pa taasin kilay mo nakakatakot kang tingnan." Loko pa n'ya sa pinsan n'ya. Baliw talaga ako na nga lang mag sabi baka mag away pa itong dalawa. "Sha wag kanang magalit sa amin," natatawa kung sabi sa kanya." Na miss kasi namin sila kaya di namin agad na sabi kung sino ang may ari niyang Jacket na hawak mo ngayon. Trent pala ang pangalan n'ya Sha, kaya namin nakilala yan dahil nakikita namin palaging suot ni Trent ang jacket na yan kahit saan s'ya pupunta. Himala pinahiram sa'yo sarili nga n'yang kaibigan ayaw ipahiram. Na tandaan moba best nang hiram sana si Yuri sa kanya ayaw n'ya ipahiram."mahabang paliwanag ko sa kanya para hindi na magalit sa aming dalawa Prfftt. " Ay oo best natanda ko yun, ayaw n'ya talaga ipahiram kay Yuri ang jacket na yan." " Bakit n'ya pinahiram sa akin nag utos pa sya ng bata bakit ayaw n'ya magpakita sa akin."naguluhang sabi n'ya sa amin. " Di din namin alam sa tanong mo na yan Sha,basta yang hawak mo na jacket kay Trent yan. Di moba tinanong sa bata anong pangalan n'ya."tanong ko sa kanya. " Nakalimutan ko din mag tanong pangalan lang ng bata ang tinanong ko." " Ano ba yan insan bakit hindi mo tinanong ano pangalan. Pero wag kana mag alala sure kami one thousand percent kay Trent yan."sure na sure na sabi ni Mickay sa pinsan n'ya. Mag tanong na sana si Shananng sa kanila kung gwapo ito. Sakto din dumating sila sa bahay nila at na unahan s'ya mag salita sa driver. "Insan–." "Mga ma'am dumating na tayo." Na putol ang sasabihin ni Shananng dahil sa sinabi ng driver. "Dumating na pala tayo mamaya kana mag tanong insan alam ko kung ano itatanong mo ngayon."Sabi nito sa pinsan mag salita na sana s'ya inunahan na s'ya ng kanyang pinsan. "Bilisan mo d'yan insan diba na gugutom na kayong dalawa, kaya bilisan n'yo nang kumilos dalawa."utos n'ya kina Zandra at Shananng. Hindi na nag salita ang dalawa dahil inunahan na sila mag salita. Nag bulong bulongan si Shananng at Zandra. " Best ito bang si insan may superpower siguro ito."natatawang sabi ni Shananng. " Bakit mo naman nasabi yan Sha!" "Akala mo talaga mind reader s'ya,na basa n'ya ang nasa isipan ko kanina pa Prfft!"paliwanag nito kay Zandra. " Totoo best kanina pa yan s'ya, na sapian ata yan."humagalpak na tawa ni Zandra. " Anong binubulong bulong n'yo dalawa d'yan akala n'yo diko naririnig sinabi n'yong dalawa."pag bibirong sabi nito sa dalawa . Nakakatawa ang mukha nilang dalawa pagka sabi ni Mickay. Nanaririnig n'ya ang usapan sa dalawa napa hinto silang dalawa at lumaki ang kanilang mga mata dahil sa gulat. Akala nilang dalawa sila lang ang nakarinig sa sinabi nila dahil si Mickay malayo unti sa kanila. Humagalpak na tawa si Mickay dahil sa mga mukha nilang dalawa. Kinuha n'ya ang kanyang cellphone at pinicturan ito ni Mickay para may pang laban s'ya sa dalawa. Sure na kasi s'ya na Isa laban sa dalawa kaya mas maganda may pang laban na s'ya sa dalawa. "Hali na nga ka'yong dalawa, diba sabi n'yo nagugutom na kayo tapos ang tagal n'yo mag lakad."Sabi n'ya sa dalawa ang bilis n'yang maglakad kaya mas na una s'ya sa dalawa. Ilang minuto nakarating din sila sa bahay nila Shananng. Saktong pag pasok nila naka hain na ang mga pagkain sa mahabang lamesa. " Hello tita D. Na miss kita ng sobra."sabay takbo ni Mickay papunta sa kanyang tita niyakap n'ya ito ng mahigpit. Ginantihan din s'ya ng yakap ng kanyang tyahen. " Na miss din kitang sobra pamangkin. Dalagita kana talaga Mickay dati nag lalakad kalang sa labas ng bahay naka hubad at tulo pa ang sipon."pabirong sabi n'ya sa pamangkin. " Ano ba yan tita dati pa yon, tingnan mo nga dalagita na ako pwede na ako gumawa ng bata." Biro din nitong sabi sa tyahen. "Ang bata bata mo pa, bawal kapa magka syota kaya umayos ka. Gusto mo ata matikman ulit ang kurot ko sa tingil mo." Nanahimik na si Mickay sa sinabi ng kayang tyahen. Natandaan n'ya pa dati na palagi syang na kukurot sa singit.Kaya kapag nag sabi yan tinutoo n'ya ito. Si Zandra at Shananng natatawang naka tingin sa dalawa. Sa kanyang tita D.lang pala s'ya takot. "Mommy tama na yang, kumustahan n'yong dalawa. Gutom na kami ni best Zandra kaya mamaya n'yo na ituloy yang bonding n'yong dalawa." Pag rereklamo nito sa dalawa. "Sorry na baby, akala ko kasi di pa kayo gutom. Alam mo naman na matagal kuna hindi nakita ang pinsan mo. Pati tuloy si Zandra nakalimutan ko na kasama pala ng pinsan mo." " Tama na mom, uupo na tayo mamamaya na yang kamustahan. Uunahin muna natin ang mga gutom naming alaga sa tyan." " Sige na nga mamaya na tayo mag kamustahan. Umupo kana Zandra at Mickay para makakain na tayo." Pagkasabi ng tita ni Mickay umupo agad silang dalawa para makakain na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD