Nagdaang ilang minuto natapos din ang dalawa sa paglilinis, sa kanilang katawan.
Kung di sila tinawag ni Zandra, aabotin na naman sila ng isang oras sa pag aayos.
"Mga best hindi pa ba kayo tapos? kanina pa kayo anjan sa loob, lumabas na kayo may sasabihin ba kayo sa akin?"sigaw na sabi ko sa dalawa kung bestfriend.
"Ito na best tapos na kaming dalawa," ito kasing si best Mariemar ginalaw pa n'ya 'yong mga pang kolorete mo sa mukha,sumbong ni Mickay kay Zandra.
"Sumbungera ka talaga best Mickay, lipstick lang naman at eyebrow ang ginamit ko ah."sabay erap ni Mariemar kay Mickay.
"Wag na kayong mag away jan,baka saan na naman papunta 'yang bangayan n'yong dalawa."saway na sabi ko sa kanilang dalawa.
"Di naman kami nag away best ah!"nagpapacute na sabi ni Mickay.
"Best wag kang mag pa cute jan, di kanaman cute."natatawa na sabi ni Mariemar.
"Panira ka talaga ng moment best,maka upo na nga, kanina pa masakit paa ko sa kakatayo."reklamo namang sabi ni Mickay.
"Bakit napa dito kayo! maaga palang,ano sasabihin n'yo sa akin? bilisan n'yong dalawa mag general cleaning pa ako dito sa bahay." bagot kung sabi sa dalawa kung bestfriend.
"Ito na sasabihin ko na wag atat best," hagikhik na sabi ni mariemar sa kaibigan.
"Baka gusto mong sumama sa amin ni best Mickay mamayang gabi sa kabilang barangay best."
"Ano naman gagawin natin doon? bakit gabie na tayo aalis. Uso na naman ngayon ang nangunguha ng bata at matanda walang pili ang mga kidnapping ngayon mga best.Kaya kailangan natin mag dobleng ingat ngayon mga best."paalala kung sabi sa dalawa kung kaibigan.Pero ang dalawang baliw tinawanan lang ako kasi sobra daw akong seryoso.
"Peste best naniniwala ka jan sa mga haka haka nila,pang bata lang yan best."grabeng tawa ni Mickay sa sinabi Ng kanyang bestfriend na si Zandra.
"Seryoso kaya ako mga best," pero ang dalawa tinawanan lang ako ng malakas parang baliw na sila tingnan.Hay naku Mahirap pag may kaibigan kang luka luka kahit seryoso kana tawanan kapa.
"Kakashi best natatawa pang sabi ni mickay, kaya ka namin pinuntahan dito para isama ka sa discohan mamayang Gabi sa kabilang barangay."diretsong sabi ni Mickay sa kaibigan.
"Wait! Wait! If I'm not wrong,You said we're going to the disco in the other barangays?"napa English si Zandra sa narinig niya kay Mickay.
"Yes best we will go there!" sagot ni Mariemar.
"Why didn't you say it right away?"padabog na sabi ni Zandra.
Sa isip ni Mickay
Bwisit tong dalawa na ito, English ng English akala mo nasa ibang bansa naninirahan. Sarap lagyan ng packing tape ang mga bunganga.
"Bakit nanahimik ka jan best Mickay?" tanong ni Zandra sa kanya.
"Mga peste kayong dalawa, ginoo ko nandito lang tayo sa pinas.Wala tayo sa ibang bansa para mag English kayo, dumugo ilong ko sa kaka English n'yong dalawa."sabay reklamo ni Mickay.
"Grabe ka naman sa amin best peste jud, ngayon nga lang kami nag English,nag rereklamo ka pa,ang panget mo talaga ka bonding best." naka nguso na sabi ni Mariemar.
"Mag English pa kayo jan, lagyan ko talaga packing tape yang mga bunganga nyong dalawa."pa galit na sabi ni Mickay sa dalawa.
"Oo na dina kami mag English, others talaga nito,chill ka lang galit agad para gusto muna kami ipa barang ni aling Gloria."natatawa na sabi ni Zandra.
"Ipa barang ko talaga kayo, kapag hindi kayo mag tigil kaka English n'yong dalawa."pananakot ni Mickay sa dalawa.
"Ito na best hindi na kami mag English, ano na best zandra, sasama kaba sa amin mamaya o hindi?"tanong ni Mariemar sa kanya.
"Ako paba disco na ang pupuntahan ko hindi ko yan tatangihan best.
Naku! Naku! na miss kuna talaga mag sayaw sa discohan."tuwang tuwang sabi ni zandra sa kanyang kaibigan at may kasama pang sayaw iyon.
Dami talaga kalokohan pag magkasama na ang tatlong ito.
Bago umuwi sina mickay at mariemar tinulungan muna nila si Zandra na mag linis sa buong bahay n'ya at matapos nang mabilis.
"Bilisan munang kumilos jan best mariemar, para matapos ta'yo ng maaga at maka paghinga naman tayo.
Para hindi tayo Haggard mamaya papuntang discohan."utos ni Mickay kay Mariemar. Akala mo talaga siya ang amo, maka utos wagas at gusto tapusin agad kung ano ang ginagawa nito.
"Ito na nga best binilisan kuna para namn maka beautyrest ako noh!" Excited na sabi ni Mariemar kay Mickay, ayaw ko maging haggard papunta don gusto ko ako yung maganda pagdating naming tatlo doon sa may discohan.
"Ako den mga best gusto ko maka pag beautyrest." Baka marami tayong magkita na mga papabol doon. Kinikilig kung sabi sa kanilang dalawa.
Binilisan na nilang kumilos tatlo, para daw maka pag beautyrest sila at excited na den silang pumunta don.
Ilang taon na den silang hindi nakapag disco dahil sa pandemic na dumating sa ating buong bansa.
Sa kabilang banda naman, nag usap usap den ang limang magkakaibigan na sina Trece, Hanz, Dreymon, Trent at Yuri. Nalaman den nila na may sayawan, sa kabilang barangay. Sobrang excited den ang magkakaibigan dahil may disco na maganap.
"Sh*t! Budz madami na namang mga chickababes doon sa kabilang barangay." masayang sabi ni Trent sa apat.
"Ang bilis mo talaga trent pag maraming chickababes ang mapag usapan." Sabay kindat ni Yuri.
"Syempre budz,na miss kuna mga chickababes ko kaya mag hanap muna ako dito." sabay halakhak ni trent.
"Kayong tatlo anong ganap n'yo jan, bakit tahimik kayo ayaw n'yo bang sumama sa amin mamaya." Tanong ni Yuri sa tatlo na sina Trece Hanz at Dreymon.
"Hindi na siguro ako sasama budz,pahinga na lang ako dito sa bahay."matamlay na sabi ni Trece.
"Ganon na den ako budz ayaw ko den sumama tinamad ako."hagikhik na sabi ni Hanz.
"Kayo na lang dalawa pumunta don budz , marami pa akong pepermahan sa office madaming iniwan si grandpa na permahan ko."Sabi naman ni Dreymon sa dalawa.
"Bahala kayong tatlo mga others talaga kayo, basta kami mag enjoy kami mamaya."tuwang tuwang sabi ni Trent.
Umakyat na ang dalawa para maka Ali's na sila ng maaga, gusto nila na malibot muna ang lugar bago sila pumunta ng sayawan. Si Yuri kaya sobrang excited dahil ang nasa isip n'ya, yung mga tindang pagkain sa gilid gilid na miss na niyang kumain sa turo turo.