Pagpasok ni zandra, sa bahay nila marami na namang pumapasok sa isipan n'ya,na miss na naman n'ya ang kanyang Tatay at Nanay.
Dumagdag pa ang sagutan nila ni Trece kanina.
Habang nakahiga si zandra na sagi sa isip n'ya si Trece.
Nagkamali pala talaga ako, akala ko talaga panget ang kaibigan ni Hanz. Sobrang gwapo at mucho pala niya malabato ang katawan, sarap siguro pisil pisilin 'yon.
Dagdagan mo pa 'yong malalambot niyang labi, sarap siguro kagat kagatin 'yon, madami kayang abs na nakatago sa damit n'yang iyon?.
Parang baliw na ako nito ka fantasya ni Trece,ganito pala ang nararamdaman mo kapag may nagustohan ka, na isang tao.
Sana ikaw na 'yung taong pinadala ni lord para guminhawa unti ang buhay ko.
Makatulog na nga, para na akong baliw sa kakaisip kay trece.
Di katagalan nakatulog den si zandra, sa kakaisip kay Trece at kung anong nangyari sa kanya susunod pang mga araw.
Kinabukasan pag gising ni zandra kumuha s'yang pera para bibili s'ya ng pang almusal n'ya nga'yong umaga.
Good morning sunshine! panibagong araw na naman ito.
Ano na naman kayang magandang, pwedeng gawin ngayong araw.
Mamaya ko na nga lang problemahen 'yon, uunahin ko muna ang pang almusal ko.
Maka punta nga muna sa banyo,para maka sipilyo na ako sa ngipin ko at maka hilamos na den sa mukha baka madami pa akong naka dikit na morning star sa mata ko.
Natatawang sabi ko sa sarili ko.
Ilang minuto natapos naren si zandra sa pag aayos sa kanyang sarili, bago sya lumabas ng kanyang bahay.
Makalabas na nga muna, para maka bili ng tinapay at kape sa tindahan ni aling Nida.
Nagugutom na talaga ako, unti lang nakain ko kagabie, kaya gutom na ako nag rereklamo na yong mga alaga kung bulate sa tyan..
Bago maka rating si zandra sa tindahan ni aling nida.
Nagkalat na naman mga chismosa nilang kapitbahay.
Panay bulong bulongan akala mo hindi naririnig ang pinag usapan nila.
"Alam n'yo ba mga mare? may nasagip akong balita ang anak daw ni maring Jenjen,nakapangasawa daw ng foreigner." sabi ni aling susan sa mga kumare n'yang mga chismosa kagaya n'ya.
"Nabalitaan ko nga 'yan mare buti pa si kumaring Jenjen, pwde na maka pag shopping sa mall at maka pasyal kahit saan n'ya gusto."gatong namang sabi ni aling Delia, sabayan pa n'yang buka sa pamaypay n'ya akala mo talaga sobrang init.
"Oo nga eh! buti pa s'ya mga kumare, maka pahinga na sa bahay, dongyang donya na ang dating may taga silbi na sa kanya."sabay sabi ni aling lukring.
"Pero mga mare, yang si zandra ba? bakit laging bili ng bili ng gamit 'yan.
Halos wala na ngang makain bili pa ng bili."chismis na sabi ni aling delia sa dalawa n'yang kumare.
"Ambisyosa kasi mare, uunahin pa 'yong luho n'ya kisa sa pagkain n'ya." gatong namang sabi ni aling Susan kay aling Delia.
"Ganyan talaga pag ambisyosa ang isang tao mga kumare,uunahin pa ang personal na pangangaylangan,kisa kalusugan n'ya."dagdag na sabi ni aling lukring.
Na tahimik ang tatlong mag kumare nong dumaan si zandra.
Akala mo 'yung may anghel! na dumaan sa kanilang harapan.
Si aling Lukring pa walis walis agad akala mo naman may winalis, si aling Delia nag buka ng kanyang pamaypay akala mo sobrang init, nasa labas na nga s'ya at si aling Susan naman akala mo may binubunot na damo sa bulaklak na nasa paso.
Sa isip ni zandra
ito na namang tatlong bibe na ito? maaga palang nasa daan na.
Sure ako! ako na naman pinag usapan nito, kaya natahimik ang tatlong bibe na ito.
Sarap ipa barang ni aling Gloria, ipa takom muna ang mga bibig ng tatlong bibe na ito. Kahit ilang oras lang pwde na, natatawa ako sa na inisip ko sa tatlong bibe.
Marinig kulang na ako ang pinag usapan nila tatlo,naku! naku! tatawagan kuna talaga si aling Gloria ipa barang ko silang tatlo mga chismosa talaga.
"Tao po! Tao po!"sigaw ni zandra kay aling nida.
"Oh! Zandra Ikaw pala, ano ang bibili mo?"tanong ni aling Nida kay zandra.
"Isa nga pong balot ng slice bread,star margarine na yellow at isang Aroma na kape na den aling Nida."sagot kung tanong ni aling Nida.
"Ito na zandra ang binili mo, 50 pesos lahat yan."sabay abot n'ya kay zandra.
"Salamat! aling Nida! ito po ang bayad ko."sabay abot ni zandra,kay aling Nida ang bayad sa kanyang binili.
Pabalik na si zandra sa bahay n'ya, 'yong tatlong bibe andon pa den naka tambay kung saan n'ya nadaan kanina.
Hay naku! araw araw nalang ganon ginagawa nang tatlong bibe na 'yon, akala mo mga perfecto na sila.
Ang anak ni aling Delia na buntis walang ama, hindi tinanggap sa boyfriend n'ya 'yong bata iniwanan s'ya.
Si aling Lukring ang apo n'ya na buntis ,kinsi anyos palang.
Si aling Susan ang kanyang pamangkin na buntis den walang ama na mapakilala kasi kahit sino sino nalang mga lalaki na gagalaw.
Sobra sila maka chismis sa ibang tao, akala mo walang ma chismis sa kanilang anak ,apo at pamangkin.
Na gutom tuloy ako, panira talaga tatlong bibe na 'yon.
Maka lakad na nga? napa hinto na pala ako sa pag iisip sa tatlong bibe na 'yon.
Pahamak kayong tatlo, busog na sana ako nga'yon ata naka pag pahinga sa bahay,mag general cleaning pa pala ako ng bahay ngayon.
Ang bilis nang kilos ni zandra ,para maka uwi na s'ya sa bahay nila, dahil gutom na gutom na s'ya.
Pagkarating ni zandra sa bahay nila, akala mo hinahabol ng aso.
Nag mamadali s'yang kumilos nag papakulo agad s'ya ng tubig at kumuha ng pinggan para lagyan n'ya nang slice bread na pinalamanan n'ya ng star margarine.
Ilang minuto kumulo na 'yong tubig na pina init ni zandra.
Nag timpla agad s'ya ng kape at para makakain na s'ya.
Thank you Lord! makakain na ren ako hagikhik kung sabi.
Sarap talaga nitong star margarine ilagay sa slice bread.
Nyumpp nyummp numm numm numm sobrang ingay na kumakain si zandra.
Di namalayan ni zandra dumating ang kanyang kaibigan na si mickay at mariemar.
"Best mariemar bukas 'yong bahay ni best zandra." sabay sabi ni mickay.
"Oo nga noh! Baka gising na 'yon best tara
silipin natin."sabi ni mariemar kay mickay.
"Andon s'ya sa kusina ata best,wala dito sa sala."pabulong na sabi ni mariemar.
"Tara puntahan natin."sabi ni mickay.
Nag bulongan ang dalawa para hindi sila marinig ni zandra.
Pati pag apak sasahig walang ingay natatawa talaga ako sa dalawa parang ninja turtles.
Naka isip si mariemar na gugulatin nila si zandra, dahil wala na s'yang pakialam sa naka palibot n'ya.
"Best pag bilang ko ng tatlo, sabay nating gugulatin si best zandra."sabay sabi ni mariemar.
"Sige best game ako jan."natatawang sabi ni mickay.
"Sabayan moko best."tapik ni mariemar kay mickay.
"Oo na sasabay ako mag bilang sa'yo."
Isa, duha, tulo, sabay bilang ng dalawa.
Bulaga best! Picka booohh!
Nagulat si zandra sa dalawa n'yang kaibigan, pero malas nilang dalawa saktong pag sabi nila na bulaga na tapon sa kanila ang kaping hawak ni zandra.
Shit! Yawa! ang init best, parang pa iyak na ang dalawa sa sobrang init na nasaboy na mainit na kape sa kanilang dalawa.
Humahagolhol ang dalawa dahil sa init , Ikaw panaman masabuyan ng bagong timplang kape dika mapa hagolhol.
"Ano ba ka'yong dalawa,sabay kamot sa ulo ko ginulat n'yo ako ayan tuloy,na sabuyan ko kayo ng bagong timpla ko na kape."galit na sabi ko sa dalawa.
"Akala namin kasi nag munimumi ka, di mamin alam may hawak kang kape,dinamin nakita ni best mariemar."nag aalburotong sabi ni mickay.
"Bigyan mo nalang kami ng masuot best para malinis na kami."ngumusong sabi ni mariemar.
Habang kumukuha ng damit si zandra para sa dalawa, tinanong n'ya bakit maaga na gawi ang dalawa sa bahay n'ya.
"Mga best bakit ang aga nyo ata pumunta dito sa bahay? diba tanghali na kayo na gigising kapag walang gagawin kinabukasan." tanong ko sa dalawa.
"May sasabihin si best mariemar best,kaya bilisan muna jan."
"Ito na mga mahal na princessa, nahiya naman ako sa inyo."pabirong kung sabi sa dalawa.