Chapter 15

3028 Words
Naging busy na ang tatlong magkaibigan at nag handa na ren sila para maaga silang maka alis sa bahay nila. Gusto muna nilang mag libot sa kabilang barangay bago sila pumunta ng sayawan. Isang oras natapos na den sa pag aayos si zandra at di nagtagal dumating na din ang dalawang niyang kaibigan. "Best zandra tapos kana ba?" sigaw ni mickay. "Oo best tapos na ako, antay muna kayo kadali jan lock ko lang yung mga bintana." sigaw pabalik ni zandra kay mickay. Habang nag sasarado si zandra sa mga bintana niya nag usap ang dalawa sa labas. "Best mariemar excited na ako mag ligaliw ngayon, sana makita ko si Hanzy my labs ko doon." kinikilig na sabi ni mickay. "Ikaw talaga best baliw kana kay Hanz hindi ka nga pinapansin non." salungat na sabi ni mariemar. "Panira ka talaga best!"naka ngusong sabi ni mickay. "Ano na naman nangyari jan best mariemar,bakit naka nguso na naman yan." tanong ni zandra. "Sinabi ko kasi na baliw na s'ya kay Hanz,kahit hindi naman s'ya pinapansin."natatawa na sabi ni mariemar. "Ayon naman pala!" hagikhik naman ni zandra. "Magsama kayong dalawa pinagtulongan n'yo talaga ako." nag dradramang sabi ni mickay, may kasama pang iyak portion yan. "Di ka naman mabiro best wag kana magtampo sa amin." panunuyo naman ni mariemar sa kanya. "Oo nga naman best, wag kana magalit sa aming dalawa ni best mariemar, malay mo baka makita natin si Hanz mamaya at pansinin ka diba ang saya non." pabirong sabi ni zandra kay mickay. "Basta who u kayo sa akin mamaya pag pansinin ako ni Hanzy my labs ko." sabay flip sa buhok at iniwan na niya ang dalawa. "Hay naku ang lakas ng tama ni best mickay kay Hanz!" iling na sabi ni mariemar. "Wala na tayong magagawa best anjan na yan,kaya support nalang natin s'ya kung saan siya masaya." "Tama ka best kung saan siya masaya suportahan nalang natin s'ya." Samantalang si mickay nag aalburoto na dahil ang tagal ng dalawa niyang kaibigan at na bagot na s'ya kaka antay sa dalawa ang tagal mag lakad akala mo pagong. "Saan na kaya ang dalawa na 'yon kanina pa ako dito wala pa din sila. Bwisit nilalamok na ako sa kaka antay sa dalawa nag chismisan pa siguro yun kaya natagalan." Maya maya na tanaw na ni mickay ang dalawa, ang saya nilang dalawa habang nag lalakad. "Oh best anyare sayo di ma e pinta yang mukha mo."malakas na tawa ni mariemar. "Oo nga best , akala mo may namatay."tawang tawang sabi ni zandra. " Peste talaga kayong dalawa, ang tagal nyo namang mag lakad kanina pa ako nilalamok dito."namumulang sabi ni mickay. "Ito naman HB agad, kasalanan mo naman yan best,iniwan mo kami ayan nagrereklamo ka."sagot naman ni mariemar. "Excited kasi ako sa pupuntahan natin, kaya nauna ako sa inyo. Akala ko naman nasa likod kulang kayong dalawa, yon pala ang layo nyo." "Akala mo lang yon best."hagikhik na sabi ni zandra. "Tara na mga best,para marami tayong ma puntahan, sulitin natin itong bonding nating tatlo.Baka matagal naman tayong mag bonding tatlo." Makalipas ang ilang oras, nakarating din ang mag bestfriend sa kanilang destinasyon. Sinulit nila ang araw na magkasama silang tatlo dahil bihira na lamang silang magkasama tatlo. Habang si Trent at Yuri naman nag handa na den para gumala sa kabilang barangay. Todo pa gwapo naman ang dalawa, para lakas ang dating nila sa mga babae. Si Trent halos hindi na mapakali,nahirapan s'yang pumili kung ano ang susuotin n'ya sobrang kalat na ng mga damit n'ya. "Putik naman, saan ba pwede kung suotin dito. Gusto ko ako lang mapansin ng mga chickababes mamaya."parang na buang na si Trent kung ano ang dapat n'yang suotin. Si Yuri nakaharap sa salamin kinakausap ang sarili . "Ang gwapo ko talaga," sabay kindat. Umakyat ang tatlong magkaibigan para silipin kung ano ginawa ng dalawa inuna nila sinilip si Yuri. "Budz tingnan na natin yung dalawa, kanina pa yon sa taas hindi pa bumaba ano na kaya nangyari sa kanila."sabi ni Hanz kina Trece at Dreymon. "Tara silipin natin unahin natin si Yuri."sabi naman ni Dreymon sa dalawa. Nagulat ang tatlo sa nakita nila kay Yuri. "Putik n'yan budz para kanang baliw jan,kailangan na ba naming tumawag sa Mental Hospital."Pfft! Pfft! na tatawang sabi ni Hanz sa kaibigan. "Grabe ka naman budz Mental Hospital talaga, di ba pwede kausapin ang sarili ko sa salamin." sagot naman ni Yuri. "Wag na kayong mag bangayan dalawa puntahan muna natin si Trent."saway naman ni Trece sa dalawa. "Diba budz mamasyal pa kayo bago pumunta ng sayawan?" "Oo budz,mamasyal muna kami bago pupuntang sayawan. Ayaw n'yo bang sumama sa amin,madami pagkain doon at chickababes."hagikhik na sabi ni Yuri. "Pagkain lang ba ang puntahan mo doon budz."pfft pfft natatawa na sabi ni Dreymon. "Di ah!" malisyang sabi ni Yuri. "Mga budz dalian n'yo, parang binagyo kwarto ni Trent." humagalpak na tawa ni Hanz. " Saan! Saan! patingin nga," naka silip sila sa kwarto ni Trent. "Putik n'yan budz parang dinaanan ng bagyong loling ang kwarto mo." "Budz hindi ka na awa sa mag aayos sa gamit mo, kailangan mo talaga silang bigyan ng tip."pabirong sabi ni Trece. "Mamaya bigyan ko sila budz malaki pa tip ibibigay ko sa kanila.Tulungan n'yo ako ano suotin ko gusto ko ako yong ma pansin ng mga chickababes mamaya."hagalpak na tawa ni trent. "Ito budz! sabay abot ng kulay oranges na damit pati short at medyas. Diba gusto mo mapansin ng mga chickababes maganda yan budz malayo palang kita kana."malakas na tawa ni Hanz . "Sige budz yan nalang, maganda yan malayo palang kita na ako."nakangisi na sabi ni Trent. Ang apat natatawa sila sa ginawang kalokohan ni Hanz. Bigyan panaman ng kulay oranges na susuotin. "Tara na budz alis na tayo para mahabahaba ang ikot nating dalawa." tawag ni Yuri kay Trent. "Sige budz alis na tayo, Ano? ayaw n'yo talaga sumama sa amin."balik na tanong ni Trent sa tatlo. "Hindi na budz! alis na kayong dalawa para mahaba ang ma ikot n'yo."taboy ni Dreymon sa dalawa. Umalis na nga ang dalawa at iniwan na silang tatlo . Maya maya may umakyat ang isang katulong nila Dreymon at tinawag si Trece. "Senyorito Trece may naghahanap po sa inyo sa baba." "Sino daw aling Mildred."tanong ni Trece sa katulong. "Secretary nyo daw s'ya Senyorito Trece." "Sige aling Mildred sabihin mo antayen ako, susunod ako sayo pababa." "Ok po Senyorito sasabihin ko." "Budz sino nag hahanap sayo sa baba."tanong ni Dreymon. "Secretary kung si Belyn budz, may pinahatid kasi akong papeles na pepermahan ko." Habang nag aantay si Belyn sa baba, nag lalaro s'ya sa kanyang cellphone. Sya si Belyn Lequin Camado isang Secretary ni Trece. Isa s'yang katiwala ni Trece sa lahat ng bagay , kahit aalis sya panatag ang kalooban n'ya. Kasi may isa siyang mabait na secretary na pwede n'yang iwanan sa negosyo n'ya at parang kapatid na den ang turing niya kay Belyn. Hindi na malayan ni Belyn na bumaba na ang kanyang boss at ang kanyang kaibigan. Seryoso na siya sa kanyang pag lalaro at bwisit na bwisit siya dahil hindi siya manalo nalo sa laro n'ya. "Peste jud ni oh kanina pa ako nag lalaro hindi ako manalo nalo bwisit jud." gigil na gigil na si Belyn. Di namalayan ni Belyn na nasa likod na niya si Dreymon at Trece. "Pindutin mo yung arrow pa kanan at pumunta kang kaliwa at tirahin Muna,tira lang ng tira wag mong pakawalan."turo ni Dreymon kay Belyn. Si Belyn tarantang taranta sa sinabi ni Dreymon. "Saan nga yung pindutin bilisan mo matatalo na ako,"utos ni Belyn Kay Dreymon. Tinuro ulit ni Dreymon yung sinabi niya kanina hanggang nakuha na ni Belyn at ang saya n'ya dahil sa wakas nanalo den s'ya sa laro n'ya. "Yeahey! nanalo den sa wakas.Thank you! Thank you! so much."sa sobrang saya ni Belyn napa yakap s'ya kay Dreymon at hindi lang yakap ang ginawa n'ya hinalikan nya pa sa magkabilang pisngi si Dreymon. Si Dreymon na tulala sa ginawa ni Belyn sa kanya. "Ahh Mmm! AhhMmm!"agaw pansin ni Trece kay Belyn. Lumaki ang mata ni Belyn, dahil na realize niya kung ano ang kanyang ginawa. "Ai patay! ano ginawa ko, kahiya kanaman Belyn bakit mo ginawa yon."sa isip ni Belyn. "Hehehe! Hello boss! anjan na pala kayo,kanina pa kayo jan."nahihiyang sabi ni Belyn. "Oo Belyn! kanina pa kami sa likod mo, hindi kana namin denestorbo dahil seryoso ka sa laro mo." sagot na sabi ni Trece. "Sorry boss! Sorry den sa'yo sir."humingi ng pasensya na sabi ni Belyn sa dalawa. Pero si Dreymon hindi pa din nakabalik sa wisyo n'ya tulala pa den hanggang na abotan s'ya ni Hanz. "Budz anyare jan kay budz Dreymon bakit tulala." Tawang tawa na sabi ni Hanz. "Dahil kay Belyn na secretary ko budz, na virginan ang pisngi nya hinalikan sya at niyakap."malakas na halakhak ni Trece. Habang si Belyn hiyang hiya sa ginawa n'ya. "Oo nga pala mga budz meet my Secretary Belyn lequin Camado! at Belyn sila naman si sir Hanz mo at sir Dreymon mo yong hinalikan mo kanina." natatawa na sabi ni Trece. Natauhan si Dreymon nong malakas syang tinapik sa braso ni Hanz. "Budz ok kalang ba?" natatawa na tanong ni Hanz. "Huh! May sinabi kaba budz?" gulat na sabi ni Dreymon kay Hanz. "Sabi ko ok kalang ba!" "Ok lang budz nagulat lang ako, sa ginawa ng secretary ni budz Trece."namumula na sabi ni Dreymon. "Sos budz parang ngayon ka lang na halikan. Ma swerte ka nga kay Belyn budz, ikaw lang ang nahalikan n'yan."hagikhik nasabi ni Trece. Si Belyn naka Yuko na dahil sa sinabi ng kanyang boss at pulang pula na mukha n'ya sa kakahiyan na ginawa n'ya. "Tama na yan budz,tingnan mo si Belyn pulang pula na Oh!"natatawa na sabi ni Hanz. "Belyn saan na pala ang pina hatid ko sa'yo."tanong ni Trece sa kanyang secretary. "Ito boss!" sabay abot ng mga papeles. At may pinasabi pala sila Tita Xenia at Tito Draven sayo boss." "Ano na naman sabi nila Belyn,"tanong kung sabi kay Belyn. "Kailangan mo daw pagbalik mo ng Maynila,may ipakilala kang girlfriend sa kanilang dalawa."seryosong sabi ni Belyn. "Naku budz mag hanap kana dito,"natatawa na sabi ni Hanz. "Ito talaga si Mommy at Daddy, hindi talaga ako tantanan jan sa issue na yan." Si Dreymon halo halo na ang nararamdaman niya ngayon, lakas ng t***k ng puso n'ya at nong nakita n'ya si Belyn iba ang dating sa kanya, parang huminto ang mundo nya nong nakita n'ya ito. Sa isip ni Dreymon Putik naman bakit ganito nararamdaman ko ngayon. Marami na akong nakilala na babae noon bakit sa kanya lang tumibok ang puso ko. Baka ginayuma ata ako ni Belyn,bakit hindi humihinto t***k ng puso ko. Habang nag uusap silang apat sa sala, narinig nila ang usapan ng mga katulong ni Dreymon. "Bibang alam moba,na may sayawan sa kabilang barangay." "Alam ko te chona na may sayawan sa kabilang barangay. Gusto ko sanang pumunta pero may pasok ako dito, kaya sunod na lang siguro." "Pwede ka naman pumunta doon bibang maaga pa naman." "Pagod na ako te chona mag pahinga na ako pag dating sa bahay. Wala na den akong kasama,pag pumunta doon, panigurado umalis na yon sila Mickay." Nong narinig ni Hanz ang pangalan ni Mickay,napa tanong s'ya kay Bibang. "Bibang yang Mickay na sinabi mo,'yan ba ang pumunta ng manggahan nila Dreymon nung nakaraan siya ba yon?"tanong ni Hanz kay Bibang. "Oo Senyorito siya yon,bakit po?" "Ah wala naman bibang salamat." Nakangiting sabi ni Hanz. "Bubz ganda ng ngiti mo jan na pano ka!" Sabi ni Dreymon sa kanya. "Wala naman budz," mga budz aalis pala ako susunod ako kila budz Trent ,sasama ba kayong dalawa o hindi. "Bakit nagbago ang isip mo budz, kanina niyaya ka sa dalawa ayaw mo sumama, ano nakain mo bakit nag bago isip mo."naguluhang tanong ni Trece sa kaibigan. "Wala lang! parang gusto kuna den mag gala sa kabilang barangay."ang ganda ng ngiti ni Hanz. "Excuse me po sir, saan po pala kayo pupunta."nakangiting tanong ni Belyn. "Pupunta akong kabilang barangay Belyn,gusto mobang sumama sa akin." "Kung papayagan ako ni boss Trece, sasama po ako sa inyo," Para naman maka pasyal ako dito bago ako bumalik ng Maynila. "Gusto mo ba talagang sumama Belyn, ok lang sa akin." "Talaga boss pumayag ka na sasama ako."tumatalon na sabi ni Belyn. "Oo pero sasama na din ako sa inyong dalawa. Ikaw budz Drey sama kaba?"tanong naman ni Trece kay Dreymon. "Sige budz sama na ako sa inyo, ayaw kung ma iwan dito."natatawa na sabi ni Dreymon. Ang bilis ng kilos Ng tatlo para maabotan nila ang dalawa nilang kaibigan,na nasa kabilang barangay. Ilang minuto nakarating din sila sa kabilang barangay at tinawagan nila sila Trent. "(Hello budz Yuri,saan kayo banda dalawa ni budz Trent.)" "(Bakit tinanong mo budz!)" "(Dito kasi kami sa may bandang simbahan.)" "(Sino kasama mo pumunta dito budz.)" "(Kami tatlo budz at pang apat yong secretary ko.)" "(Ah! Sige budz antayen n'yo kami,kami na ang pupunta jan.)" "(Sige budz salamat!)" "Ano daw sabi budz Trece." " Sila na daw pupunta dito budz Hanz." Di nag tagal dumating den Sila Yuri at Trent. "Sabi n'yo ayaw n'yo pumunta dito, bakit ngayon nandito kayo!"nakangisi na sabi ni Trent. "Di ba pwede magbago ang isip budz." Pambara na sagot ni Dreymon. "Whooa! Sapol!" halakhak na sabi ni Belyn. "Mga budz secretary ko pala si Belyn. Belyn si sir Trent mo at sir Yuri mo."pakilala ni Trece sa kanila. "Hello po mga sir nice to meet you!"naka ngiting bati ni Belyn sa dalawa. "Hello den sayo Belyn,"sabay sabi ng dalawa,at kamayan na sana ni Yuri at Trent si Belyn, pero si Dreymon ang humawak sa kanilang kamay. "Possessive kanaman masyado budz."malakas na tawa ni Trent. "Tumahimik kayong dalawa, baka magka pikonan na kayo jan."saway ni Trece sa tatlo niyang kaibigan. "Mag ikot na tayong lahat mga sir para masaya," nakangiting sabi ni Belyn. Masayang nag ikot ang anim, madami silang ginawa sumakay ng rides at nag laro na den sila. Sobrang saya nila tingnan,at ang iingay nila parang bumalik sila sa pagkabata nong nag laro sila. Kita mo talaga sa mga mukha nila ang saya at na enjoy sa kanilang ginagawa. Sa kabilang banda naman ,ang kukulit den nang tatlong babae nag enjoy sila sa pag ikot at sinubukan den nilang mag laro. Di nila namalayan dumilim na pala kaya nag hanap,muna sila na pwede nilang kainan bago pumunta ng barangay hall. Di nila alam nasa isang kainan lang pala sila,pero na una dumating ang tatlong magkakaibigan na babae. "Best Mickay ikaw na mag order doon," utos ni mariemar. "Grabe ka naman best ako talaga?" reklamo na sabi ni mickay. "Oo be" "Wag na kayong mag ingay jan, ako na ang mag order para hindi na kayo mag tulakan kung sino ang oorder."putol na sabi ni zandra sa sasabihin ni mariemar. Maghanap na kayo ng ma uupuan natin, bilisan nyo gutom na ako. "Ito na best mag hahanap na." Ang nahanap nila mariemar at mickay ay isang mahabang mesa. Mayamaya dumating na si Zandra daladala ang kanilang kakainin. "Grabe naman kayo best, bakit dito kayo naka upo, sobrang haba naman nitong mesa na napili n'yong dalawa."reklamo ni zandra sa dalawa. "Wala na ibang pwesto best kaya dito na lang kami,"sagot naman ni mickay. Habang busy ang tatlo sa pagkain,dumating naman ang anim. "Belyn humanap ka ng ma upuan natin,kami na ang mag order sa kakainin natin." utos naman ni Trece kay Belyn. "Sige boss alam muna ang order ko," nakangiting sabi ni Belyn. "Sige Belyn punta kana don,"utos naman ni Trece. "Budz ano favorite ni Belyn na ulam," tanong ni Dreymon. "Mahilig siya ng kinilaw at sugbang baboy,"naka ngiting sabi ni Trece sa kaibigan. " Bakit tinanong mo budz,Ikaw ba bibili ng pagkain ni Belyn," natatawa na sabi ni Trent. "Libre kuna pagkain natin ngayon budz," nakangiting sabi ni Dreymon sa mga kaibigan nya. "Yon oh! Iba talaga pag ma inlove, ma libre tayo ng pagkain,"hagikhik na sabi ni Yuri. Ang saya nila dahil naka save sila ng gastusin ngayon dahil ni libre sila ni Dreymon. Si Dreymon isang kuripot sa magkakaibigan kapag nag Babar sila dati hindi nagbibigay ng tampo sa pambayad ng alak at pulutan puro silang apat ang nagbabayad. Kaya ngayon sulitin nila ang libreng bigay ni Dreymon. Habang si Belyn naghahanap ng ma uupuan nilang anim at wala s'yang ibang nakita kundi ang isang mahabang mesa na may naka upo ang tatlong babae. Kaya kinapalan na lang n'ya ang mukha n'ya,na maki upo nalang sila doon. "Excuse me girls!"agaw pansin ni Belyn sa tatlo. "Hello sayo girl,ano ang ipag lilingkod namin sayo,"nakangiting sabi ni mickay. " Pwede ba kaming maki share sa inyo ng table, wala na kasing bakante ito nalang ang nakita ko kung ok lang sa inyo."nahihiyang sabi ni Belyn sa tatlo. "Oo naman girl pwedeng pwede, ang haba nitong mesa at hindi sa amin ito kaya ok lang,"halakhak na sabi ni mariemar. "Salamat sa Inyo,Ako pala si Belyn Lequin Camado."pakilala ni Belyn sa tatlo. "You're welcome girl, Ako naman si Zandra Dimagiba Makayaman,ito naman si Mickay Sapantot at Mariemar Dua mag bestfriend kaming tatlo girl."masayang pakilala ni Zandra kay Belyn. "Nice to meet you girls." "Same to you girl," masayang sabi ng tatlo. Natapos din nag order ang Lima at hinanap na nila si Belyn, kung saan ito naka upo. Nakita nila si Belyn na kumakaway sa kanila at nakita nila may kasama siyang tatlong babae na naka talikod. "Boss! Boss! Dito po!" Kumakaway na tawag ni Belyn sa Lima. "Budz tara na andon si Belyn,"sabi Trent sa kanila. "Oh! Belyn pakilala mo naman kami sa kasama mo."kumindat na sabi ni Hanz. Hindi pa nila nakita ang mukha ng tatlo, kaya di nila na kilala. Nong umupo na sila, saka na nila nakilala ang dalawang babae na sina Zandra at Mickay. "Hello sa inyo mga Senyorito!" Sabay sabi ni Zandra at Mickay. "Oh! Kayo pala yan Mickay at Zandra, ok lang ba na dito kami ma upo."tanong ni Hanz sa dalawa. "Ok lang Senyorito Hanz!"Ang ganda ng ngiti ni mickay. Si Hanz kinikilig sa sagot ni Mickay. Sobrang bilis na naman t***k ng puso n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD