SOFB —FIRST CONFESSION—

1626 Words
-ASTRA- ISANG linggo siyang busy sa pagtatrabaho sa opisina ng Mall nila. Nag iimbentaryo ng mga kung ano-ano. Kailangan niyang trabahuin ang lahat ng inatang sa kanya dahil bukas na bukas din ay babalik na siya ng Maynila. May biglaang tawag ang head ng University nila dahil sa nalalapit na end ng klase. Ilang buwan nalang ay graduate na siya. Hindi niya pa alam kung mag ti-take siya agad ng board exam para sa pagiging business administration niyang kurso. Pero kung hindi niya man magawa iyon ng agaran ay siguro sa kompanya nalang muna siya ng kanyang Ama mag ta-trabaho. Ang problema lang naman niya ay kung saan kompanya siya papasok. Ang dalawa niyang Kuya ay may sarili ding kompanya nasa sa kanya nalang talaga kung saan siya papasok. Ang iniisip niya kung kay Sirius siya mag tatrabaho baka wala na siyang nagawa doon kundi ang makipag-angilan sa mga bagay na hindi nila madalas mapagkasunduan. Kung kay Caelum naman ay baka sumakit din ang ulo niya doon dahil malimit din silang nag aaway. At kung sa Ama niya naman, wala siyang problema doon kundi ang mga ka share holdings lang ng kompanya na iyon. At kung sino ang mga 'yon? Ang mga Kuya niya lang din ang dalawa doon sa karamihan. “Stk!” tiltik niya ng maramdaman na biglang nangalay ang kanyang leeg dahil sa kanina pang pag yuko. Hindi matapos-tapos ang mga ini-imbentaryo niya dahil magulo ang mga nakalistang stocks. Mukhang aabutin pa siya ng dis-oras ng gabi sa opisina dahil sa hindi matapos-tapos niyang gawain. “Ma'am?” untag ng isang babae na nasa labas ng kanyang office. Agad din naman siyang napatingin sa gawi ng pintuan. “Come in.” aniya habang nakatuon ang paningin sa pintuan. Sumilip sa naka-awang na pintuan ang isang sales clerk. Hindi na pumasok at sumilip nalang. Ngumiti siya para maiwasan ang hisitasyon ng babae. “Ma'am, hindi pa po kayo mag a-out?” tanong nito sa kanya sabay tingin sa relo nito. Tiningnan niya rin bigla ang relo niya para masilip kung anong oras na nga ba. “Oh! Pwedi ka nang mauna. May mga tinatapos lang ako dito,” hindi niya alam na late na pala. Gano'n na ba siya kabagal mag kwenta para abutin ng gabi? Pagkaalis ng sales clerk ay inumpishan na niya ulit ang kanyang trabaho. Konte nalang din naman ang tatrabahuin niya kaya wala na siyang sasayangin na oras. Hindi alam ng mga Kuya niya na nasa opisina parin siya dahil kung malalaman ng mga ito panigurado ngaw-ngawan na naman sila. Baka mag commute nalang din siya. Marunong naman siya bumyahe mag-isa at sanay din naman siya makipagsiksikan sa karamihan na nasa jeep. May ilang stocks pa siyang hindi natatapos kwentahin pero kayang-kaya niya naman gawin iyon sa Mansion nila. Alas otso na ng gabi kaya pumulas na rin siya. Medyo maaga pa naman at madami parin namang tao sa loob ng Mall. Kailangan niya parin mag handa ng kanyang mga gamit para bukas hindi na siya apurahin ng mga kapatid niyang mga apurado. Pagkalabas niya ng ACE MALL dumiretso agad siya ng paradahan ng jeep. Madami pa naman mga tao ang labas pasok sa Mall nila kaya hindi siya nababahala. Pagkasakay niya sa jeep medyo natuwa pa siya dahil iilan palang ang mga pasaherong nakasakay. May ilan pang mga trabahador ng Mall na nahihiyang nakatingin sa kanya dahil kilala siya ng mga ito but instead of ignoring them she smiled sweetly at them. Nahihiya namang tumugon ang mga ito. Parang mga kinikilig pa dahil napansin niya ang mga ito. Unti-unti nang nagsisiksikan ang mga pasahero kaya umusod siya sa dulo kung saan malapit sa bukana pero hindi paman siya tuluyang naka-isod nagulat siya dahil may isang lalaki na umupo doon. Nabigo siya kaya itinuon nalang niya ang atensyon paharap ulit sa driver. Dismayado siya dahil ang parteng iyon ay gustong-gusto niyang puwesto sa tuwing sumasakay siya ng jeep. “Bayad po.” narinig niya ang pamilyar na boses ng isang lalaki. Bigla siyang napalingon sa likuran niya kung saan doon naka-upo ang isang lalaki na sumingit sa puwesto niya. Awtomatikong kumabog ang kanyang dib-dib nang makita si Jay. Parang biglang bumagal ang ikot ng kanyang mundo. Parang nanigas siya sa kanyang kina-uupuan at hindi agad nakagawa ng imik dahil sa pagtagpo ng kanilang mga mata. “Dalawa po diyan,” segunda ni Jay nang tanungin ng driver kung ilan ang babayaran. Saka pa bumalik ang kanyang wisyo. Kabado man ay nagawa niya paring dumukot sa kanyang wallet para kuhanin ang coin purse niya. “Nabayaran ko na.” imporma nito sa kanya kaya natigilan siya. “Ha?” takang sambit niya. “Huwag ka na mag bayad dahil nabayaran ko na.” paliwanag nito. Naintindihan niya naman agad kaya napayuko siya at ibinalik ang barya sa coin purse niya. Kinilig naman siya at palihim na ngumiti. Mas lalo nang nagsisiksikan sa jeep dahil kailangan punuuin muna bago umarangkada kaya kahit nahihiya man ay sumisiksik siya kay Jay para mag kasya ang ibang pasahero. “Sorry,” nahihiya niyang untag kay Jay nang tumama ang balikat niya sa balikat din nito. Seryoso lang si Jay habang ang isang kamay ay tila naka-akbay sa kanya para harangan ang pagitan nila ng isang lalaki na katabi niya. Hindi niya rin naman alam baka habbit nalang din nito sa tuwing nag ba-byahe but for her it's a kind of something sweet. Something gentlemen. Lihim na naman siyang kinikilig. “S-Saan ka pala galing?” tanong niya dahil naku-curios na naman siya. Hindi naman ito naka-suot ng pangtrabaho at simpleng pangbahay lamang ang suot nito. Naka-short na itim at naka-tshirt lang na white tapos nakastenilas lang na sipit. Oo, pasimple niya talagang hinagod ng paningin niya ang kabuuan nito at talagang namamangha siya dahil kahit gano'n lang ang pormahan nito guwapong-guwapo parin talaga siya. Lalo na siyang na a-attract dahil naka-cap ito ng kulay itim bago naka-suot ng silver na relo. “May tiningnan lang sa Mall.” sagot nito na ikinatango niya. “Ikaw, bakit ngayon ka lang pauwi at commute pa.” tanong nito sa kanya. Natutuwa siya dahil medyo nagiging komportable na ito sa kanya pero ando'n parin yo'ng katipiran nito ng pagsasalita. “Ah, may kailangan lang ako tapusin. Hindi alam nina Kuya kaya hindi na ako nag pagsundo.” “May bukas pa naman.” tipid nitong sagot. “Babalik na ako bukas sa Maynila kaya kailangan kong tapusin ngayon,” diretso niyang sabi. Bigla pa siyang nagulat dahil biglang nag preno ang driver kaya napadikit siya ng todo sa katawan ni Jay. Napahawak din ang kamay nito sa kanyang braso para sanggahan na hindi mapadikit ang braso ng lalaki sa braso niya. Tumikhim si Jay kaya bigla siyang lumayo sa katawan nito. “Ingat ka sa byahe bukas.” bilin nito sa kanya. Napapikit pa siya nang maramdaman ang init ng hininga nito dahil sa sobrang lapit nila sa isat-isa. Nakaramdam siya ng konteng lungkot knowing na hindi na niya makikita si Jay. Her first love. Her first crush. The man that chooses her eyes. Sa ilang minuto na pag byahe niya may pagtataka niyang tiningnan si Jay pero hindi niya nagawang tanungin kung bakit hindi parin ito bumababa. Madami nang pasahero ang mga bumaba at iilan nalang ang nakasakay. Siya naman ay malapit naring bumaba. Kaya sa halip na mag tanong ay pinigilan nalang niya ang kanyang sarili dahil baka mas mauna pa siyang bumaba kaysa dito. “Para po, Manong.” magalang niyang sabi. Inayos na niya ang bag bago binalingan si Jay. “Mauna na ako. Thank you nga pala sa pamasahe.” aniya bago tuluyan nang bumaba but she was stunned to see Jay coming down after her. “Dito ka rin nakatira? I mean malapit ba dito?” takang tanong niya nang makababa narin si Jay. Hindi ito sumagot bagkus sumindi ito ng isang yosi. Malamok na naman siguro kaya maninigarilyo ito. “Ihahatid muna kita,” ani nito makatapos mag buga ng usok. Sa pataas ang pagbuga nito kaya kitang-kita niya kung paano gumalaw pataas ang adams apple nitong malaki. Napalunok siya ng lihim. Hindi niya agad mai-proseso ang sinabi nito. Seryoso ba talaga ito? Ilang lakad lang naman at Mansion na nila pero nagawa parin talaga nitong bumaba para ihatid lang siya. “S-Salamat dahil nag abala ka pa.” nahihiya niyang sabi habang parehas na silang naglalakad. Parehas silang tahimik habang naglalakad. Walang kibuan dahil parehas silang tumatansya. Naghihintayan kung sino ang mauuna. Natatanaw na niya ang gate ng kanilang Mansion kaya habang malayo-layo pa sila kailangan na niyang sabihin ang mga dapat niyang sabihin bago pa siya mawalan ng lakas ng loob. Bahala na kung may girlfriend ito basta nasabi niya ang nilalaman ng kanyang puso. “Pasok kana,” utos nito sa kanya nang tuluyan na silang makarating sa tapat ng kanilang Mansion. “Salamat ulit sa paghatid.” nahihiya niyang tugon habang unti-unting naglalakad papunta sa gate. Pinakikiramdaman niya kung magsasalita ito pero bigo siya kaya napilitan siyang harapan ulit ito. Nakita niyang natakatayo lang ito habang parehas nasa bulsa ang mga kamay at tila hinihintay lang siya makapasok bago ito umalis. Wala man lang pagtataka sa hitsura nito nang makita siyang humarap. “I like you,” nakapikit at diretso siyang pag-amin. Hindi ito sumagot at parang wala man lang mababakas na emotion at reaksyon sa mukha nito. Bigla siyang napayuko at kinagat ng lihim ang kanyang ibabang labi dahil sa hiya na naramdaman. “Pasok kana, gabi na.” utos ulit nito sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi ang sundin ito. Hindi naman siya nabigo dahil nasabi niya ang gusto niyang sabihin kahit wala itong sagot. At least na amin niya ang gusto niyang aminin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD