SOFB —DISMAYADO—

1810 Words
-ASTRA- PAGKARATING ko sa University nagulat ako dahil may mga banner na nakasabit sa loob ng campus. Kaliwat-kanan ay meron akong nakikita na tarpaulin na may mukha ko at may naka-print na belated happy birthday. Napapahiya tuloy ako dahil nagmukha akong bata na sinasalubong ng mga birthday greetings. Alam ko naman na pakana ito ng mga kaibigan ko. Napabuga ako ng hangin bago sinuot ang aking cap. No, hindi pala aking cap kundi kay Jay. Isinuot niya ito sa'kin no'ng ihatid niya ako pauwi sa Mansion. Feeling ko tuloy nami-miss ko na siya kaagad. Parang kagabi lang no'ng nag-usap at nagkita kami pero ngayon malayo na ako sa kanya and I don't know kung ano na ngayon ang ginagawa niya. Kung nasaan siya ngayon at kung sino ang kasama niya. Nakakapanglumo ng sestema dahil ang plano kong paghingi ng kanyang number ay hindi ko man lang nagawa dahil inabot ako ng hiya. Meron parin naman pala akong natitirang kahihiyan sa katawan? “Kailangan ba talaga na mag suot ng cap at yumuko habang naglalakad?” nagulat ako ng biglang umakbay sa akin si Shelly. Hindi ako tumigil para bigyan siya ng pansin sa halip nag lakad parin ako ng diretso papunta sa isang bench kung saan wala masyadong tao. Tinanggal ko ang sinuot kong cap. Inamoy-amoy ko pa muna bago ipinasok sa dala kong bag. May pagtataka pa akong tiningnan ni Shelly but I don't mind her. “Nag abala pa kayo para magpalagay ng mga banners. Ang luluho niyo talaga,” sikmat ko sa kanya. 'Yon talaga ang ibinungad ko sa kanya. Umisod siya ng ilang dangkal mula sa akin bago hindi makapaniwala na hinawakan ang kanyang dib-dib bilang pekeng reaksyon kunyare sa sinabi ko. “Grabehan siya. Hindi mo man lang na a-appreciate ang pagod namin diyan para salubungin ang birthday mo kahit late na.?” asik niya at kunyare pang ngumuso na parang aping-api. “Grabeng class President naman ito.” segunda niya pa. Inirapan ko siya bago nilabas sa isang paper bag na dala ko ang isang pasalubong na binili ko pa sa airport para pasalubong sa kanya at sa kanila. It's also her favorite. Minsan nga nag re-request pa siya kay Mom na ibili siya ng gano'n kapag alam niyang nasa Cebu si Mommy. “Oh, para matigil na yang paghihinampo mo.” saad ko bago ibinigay sa kanya ang isa pang balot ng Dried Mango. Malapad na ngiti naman ang isinukli niya sa'kin. Alam kong matakaw siya sa Dried Mango at walang kasawaan doon. May mga products din na gano'n sina Auntie Maxine and Uncle Kale dahil iyon mismo ang business ng Mama ni Uncle Kale kaya minsan kapag nauubusan si Shelly kina Auntie Max nalang siya bumibili. “Where's the two?” tukoy ko kay Luna at Apprecia. Nag kibit balikat lamang si Shelly dahil nilalantakan nang kainin ang binigay ko. Napapailing na lamang ako. After lunch pa naman ang meeting namin kaya may time pa ako para makipag chikahan sa mga kaibigan kong mga konyo minsan. Yes. Marahil minsan ay napapagtripan talaga nila na ugaliin yoong pagka-konyo. Andito kami ngayon sa isang open area malapit sa stadium. Naka-upo kaming apat sa isang bench habang pare-parehas kaming nakatingin sa mga lalaking nag ba-basketball. Mga varsity ng University na nag pa-praktis. Inugali na naming apat na dito umupo habang may hinihintay. At kapag free time namin ay dito rin kami umuupo. Hindi para manuod at tumili sa mga lalaking naglalaro kundi para magpustahan kung sino ang unang masisiko at masusuntok. Nakakatuwa diba dahil halos lahat ng player ay mga bugnutin. I'm not totally attracted to boys who played basketball. Kahit ako napapaisip din kung bakit hindi ko man lang magawa na tumili kapag nakaka-shoot ang player. Maybe hindi talaga basketball player ang bet ko. Kay Jay lang talaga ako na attract ng husto. Well, isa narin siguro sa rason yoong pagpili ng mahiwagang mga mata ko sa kanya and maybe the main reason is because I am a music lover that's why I'm so into him. Maybe...he is too that's why his work is something related to music wich is a sound operator. “Ngi-ngiti mo diyan?” untag sa'kin ni Luna nang makitang nakatulala ako habang nakangiti pala. Shít! Ayaw kong malaman nila na nag papaka-despereda ako kay Jay kaya hanggat maaari ay itatago ko muna sa kanila. “Ahm... May naisip lang akong nakakatawa na nakita ko kanina sa airport.” despensa ko. Hindi siya kumbinsido kaya sa halip na hintayin pa ang sagot niya nauna na akong tumayo para umuna na sa kanila. Imbes na ang pino-problema ko lang ay kung paano makita ulit si Jay dadagdag pa yoong mga tanungan ni Luna. Wala silang nagawa kundi ang sumunod din sa'kin. Napatawa nalang ako ng lihim habang papalayo sa kanila. “Ay, sorry.” agad kong hingi ng despensa ng mabangga ko si Steven. Ang isang sikat na campus heartthrob and playboy dito sa University. Hindi naman sa pagmamayabang pero ilang taon narin siyang bumubuntot sa'kin para manligaw but I always ignore him. Mayaman siya, guwapo at may talino din pero hindi ko talaga alam kung bakit ni katiting ay hindi ko man lang magawa na ma-appreciate ang talino at kagwapuhan niya. Siguro dahil may kayabangan din siyang taglay that's why. “It's okay. Apology accepted kung sa isang Astra Dean naman galing ang sorry na iyon." Saad nito bago pa gumawa ng kindat para sa akin. Kanya-kanyang tilian naman ang mga babaeng nasa paligid lang namin habang ako ay lihim na napangiwi dahil parang kinilabutan ako bigla dahil sa kanyang sinabi. Hindi parin talaga ako nasasanay sa mga hugot nitong walang kupas sa tuwing nakikita niya ako. “Mauna na kami.” imporma ko sa kanya bago siya nilampasan pero nagulat ako ng basta niya ako harangan pa lalo dahilan para matigilan ako. Nangunot ang noo ko habang sinasalubong ang pilyuhin niyang ngisi. “Excuse me, Steven.” ani ko ulit pero hindi man lang tumabi. Mas lalo pa siyang lumapit kaya napa-atras ako. Bigla akong napalingon sa likuran ko para siguraduhin kung kasunod ko ba ang sina Luna, Shelly at Apprecia dahil hindi ko sila naririnig na umangal. But, I suddenly stopped when I saw Jay! Nag stuck bigla ang mga mata ko sa mga mata niya. Really? Sa University ding ito? Naka white t-shirt siya bago naka-pantalon na black and white rubber shoes and then naka-suot ng baseball cap at komportableng nakahawak ang isang kamay niya sa isang bahaging sakbitan ng kanyang bag. Tumikhim si Steven kaya bumalik ang wisyo ko. “Pwedi ka nang dumaan bro. Mainit kasi ang ulo ng girlfriend ko kaya ayaw mag pahawak sa'kin.” paliwanag ni Steven kay Jay na naging dahilan ng pag awang ng aking mga labi. Seriously? Ako girlfriend niya? Shuta! I'm not! No! Napatingin ulit ako kay Jay at nakita ko kung paano nagsalubong ang kanyang mga kilay bago walang sabi niya akong nilampasan at dire-diretsong nag lakad papunta sa stadium. Dahil sa kairitahan at yamot tiningnan ko ng nakakamatay na tingin si Steven bago siya walang galang na nilampasan. Narinig ko naman na kanya-kanyang tawag sa akin ang mga kaibigan ko pero hindi sila hinintay at nag diretso nalang sa paglakad papasok ng stadium. I need to see him. Kailangan kong magpaliwanag. Mali ang narinig niya. Natuwa na sana ako dahil nakita ko siya dito sa University pero agad ding napalitan ng yamot dahil sa mga pinagsasabi ni Steven na wala namang katotohanan. Halos isang oras din ang binuno namin sa loob ng stadium para makinig ng importanteng meeting about for the upcoming graduation but instead of listening to what the head says mas inabala ko pang hagilapin si Jay kahit hindi ko alam kong nandito ba siya sa loob ng stadium. I need to talk to him. Pinauna ko nang palabasin ang tatlo dahil may babalikan pa daw si Apprecia sa room namin. Mabuti nalang din at sumama na si Shelly at Luna atleast may lakas ng loob akong magpaliwanag mamaya kay Jay kung sakali na makita ko siya. Iilan nalang ang mga estudyanteng nandito sa loob ng stadium kaya napagpasyahan kong bumaba sa parte na malapit sa stage para magbakasakali na baka naroroon si Jay. Halos patakbo pa ang gawa ko sa pagbaba sa hagdanan. Sa ilang minuto na palinga-linga ko sa wakas nakita ko din si Jay. Nasa bandang gilid siya naka-upo. Nag o-operate pala siya ng sounds kasama ang ibang committee ng University. Nahihiya man ay nagawa ko pa din na lumapit sa puwesto nila. Tumango pa sa akin ang ibang committee na kakilala ko. I smiled them as greetings. I'm not famous. We are not famous. Kilala lang talaga kami dito na magkakaibigan dahil sa mga magulang namin na kilala dahil sa mundo ng business. “H-Hi!” may pag-alinlangan kong untag kay Jay na kasalukuyang inaayos ang mga wire ng speakers. Narinig ko pang bumulong sa kanya ang isang lalaki. Tinapunan niya ako ng tingin pero madali lang bago ulit ibinalik ang paningin at atensyon sa ginagawa niyang paglikom ng mga wires. Napayuko ako at pinisil-pisil ang aking mga daliri dahil sa pagkabigo sa pag-asa na papansinin niya ako. I was failed but still I waited him hanggang sa matapos siya sa kanyang ginagawa. Nasa isang tabi lang ako matiyagang naka-upo habang walang kurap na tinitingnan ang bawat ginagawa niya. Pa minsan-minsan napapatingin siya sa akin pero agad niya ding binabawi kapag nagkatinginan kami. “Can we talk?” habol ko sa kanya. Kami nalang ang natitirang tao dito sa loob ng stadium kaya mas naging desperada akong kausapin siya. Hindi siya tumigil kaya napagpasyahan kong harangan nalang siya. Nagsalubong ang kanyang mga kilay at tila iritado aking tiningnan. Hindi ako nagpahalata na parang nag-aalinlangan narin dahil sa kanyang awra. “Yo'ng tungkol kanina...” umpisa ko. Napayuko ako habang pinisil-pisil ang mga daliri. This is my mannerism everytime I feel tense, furious or something. “Hindi ko boyfriend si Steven.” dugtong kong sabi habang nakayuko. Narinig ko kung paano siya huminga ng malalim kaya napatingin ako sa kanya. Katulad kanina komportable paring nakahawak ang isa niyang kamay sa isang parte ng sakbitan ng kanyang backpack. “Bakit ka nag papaliwanag.” aniya. Hindi ko alam kung tanong iyon o sagot niya lang sa sinabi ko. “Because I like you.” diretso kong sabi pero tinalikuran niya lang ako at basta umalis ng walang paalam. I felt a stabbing sensation in my chest. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa nararamdaman kong panghihina dahil sa pangbabalewali niya sa akin. Hindi ko namalayan na unti-unti na palang namumuo ang luha sa aking mga mata. Inagapan ko kaya kumurap-kurap ako para hindi tumuloy pero masyadong palaban ang luha ko dahil kusa na itong pumatak. Hinayaan ko nalang na tumulo dahil alam kong ako nalang din ang tao dito sa loob ng stadium.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD