SOFB —KILIG—

1114 Words
-ASTRA- MAY continuation ang kasiyahan nila dahil hanggang sa Mansion nila ay itinuloy nila ang pag-iinom. Kanya-kanyang kuwentuhan ng kung ano-ano. Natutuwa din siya dahil muling umingay ang Mansion Ibarra. Nag message sa kanya ang Mommy at Daddy niya. Binati siya at ipinaramdam sa kanya kung gaano siya kahalaga sa pamilya nila. She is the youngest and she loved by all. Hindi siya mahirap pakisamahan kaya marami siyang kaibigan. Hindi siya matali dahil simula nang makarating sila sa Mansion nila hindi parin siya pinapansin ni Jay. Kahit nga ang batiin siya ay hindi nito magawa kay medyo nalulumbay siya. She is expecting too much na para bang matagal na sila magkakilala ni Jay para mag expect ng gano'n agad. Alam naman niyang kahapon niya palang ito nakita at nakilala pero kung makapag-isip naman siya ay daig pang close sila at may mutual understanding lang na nagaganap. “Saan punta mo?” tanong sa kanya ni Shelly nang basta siya tumayo. “Sa kusina, may kukunin lang.” nakangiti niyang tugon. May sariling lamesa ang mga lalaki at meron din sila kaya kahit anong pilit niyang hagilapin ng kanyang paningin si Jay hindi talaga niya makita ng buo dahil natatakpan ito ng bulto ng kanyang Kuya Caelum. Napahinga nalang siya ng malalim bago nag dire-diretsong pumasok sa loob. Kumuha siya ng dalawang tub na ice cream. Kanina pa siya na puro juice lang ang iniinom at hinahanap ng panglasa niya ang ice cream kaya kumuha siya. Sa maliit na bintana sa may bandang sink doon napatingin siya ng makita niya si Jay na mag-isang nakatayo habang naninigarilyo. Hindi niya magawang iiwas ang paningin dahil unti-unti na naman siyang na a-attract kay Jay. Para sa kanya mas lalong nakaka-badboy ang datingan nito sa bawat pag hip-hip at pag buga nito ng usok. She hate cigarettes but when she saw Jay smoking she felt like he is more attractive in that way. Siguro nga masasabi niyang binubulag na siya ng pag-ibig. But what she can do kung kay Jay siya na a-attract ng gano'n. Kung kay Jay niya nararanasan na mag kumahog ang dib-dib niya kahit hindi naman siya pinapansin nito. Anong magagawa niya kung sa tuwing nakikita niyang nagsasalubong ang mga kilay nito ay lalo naman kumikislap ang kanyang mga mata. Bigla siyang tumalikod nang mapatingin sa kanya si Jay. Mas lalo lang bumilis ang t***k ng kanyang dib-dib. Pagkalabas niya nakita niyang naka-upo na ulit ito at nakikipag-kuwentuhan na ulit sa kanyang mga Kuya. Medyo nahihiya pa siyang pumunta sa puwesto ng mga ito para dalhin ang dala niyang isang tub na ice cream. Are you serious Dean? Ice cream para pulutan? sermon niya sa kanyang sarili habang papalapit sa mga ito. “Ice cream,” aniya sabay lapag ng dala. Hindi nagsalita ang mga kapatid niya kaya tinalikuran na niya ang mga ito pero bago niya gawin 'yon ay pasimple niyang sinalubong ang paninitig sa kanya ni Jay bago pa siya tuluyang tumalikod. “Bakit ba kasi ang guwapo niya kahit nagsasalubong ang mga kilay niya. Kainis!” mahina niyang usal habang patungo sa puwesto nila. “Thanks birthday girl but sorry we need to go upstairs. Lasing na kasi ang mga ito.” ani ni Luna. Tiningnan niya parehas si Shelly at Apprecia na kasalukuyang hindi mapakali dahil sa kalasingan. Napakamot nalang siya sa kanyang ulo pagkatapos ibaba ang ice cream na dala. Inakay ni Caelum si Apprecia at si Sirius naman ay kay Shelly. Si Luna ay sumunod narin habang bit-bit ang mga sandals ng kaibigan. Siya? Nanatiling nakatayo habang nililigpit ang mga kalat nila. “Tulungan na kita,” biglang kumabog ng mabilis ang kanyang dib-dib ng marinig ang boses ni Jay. Natigilan siya at hindi nakagalaw ng ilang segundo dahil hindi siya makapaniwala na ito ang unang umimik. First time! Kalansing ng baso ang nagpabalik sa kanyang wisyo kaya walang sabi niyang dinampot ang mga lata ng beer habang pigil ang pag ngiti. Para siyang napapaano na ewan. Sa ilang minuto na dumaan sa wakas natapos din nilang linisin pati na ang kabilang lamesa na ginamit ng mga ito. “Salamat,” sambit niya. Agad ding bumaling sa kanya si Jay matapos nitong tapakan ang upos ng sigarilyo. Ang buong akala niya ay magsasalita ito pero mali pala ang iniisip niya dahil tiningnan lang siya nito bago ulit ibinalik ang paningin sa water falls na nasa garden. Nakagat niya nalang ang kanyang ibabang labi. “Do you smoke regularly?” tanong niya kahit walang kasiguraduhan kung sasagutin siya nito. “Tuwing gabi lang.” tipid na sagot nito. Sa wakas nagsalita din. Ngiti naman ang sumilay sa kanyang labi. “Bakit sa araw, hindi?” Umiling-iling ito bilang sagot. “Bakit?” Curious niyang tanong. “Mas maraming lamok sa gabi.” seryosong tugon nito pero siya napatawa bigla. “So lamok talaga ang dahilan kung bakit ka naninigarilyo?” aniya pero hindi na ulit nagsalita. Nakapamulsa lang ito habang nakatayo at nakahilig ang katawan sa isang puno. “Ang mahal siguro ng bawat salita mo.” walang pakubli niyang sabi ulit. Epektibo dahil napatingin sa kanya si Jay. Seryoso lang at hindi niya man lang nakikitaan ng konteng ngisi o umis. “Pasok kana.” utos nito sa kanya habang nakatingala sa kalangitan. Alas onse narin ng gabi at ilang minuto nalang ay madaling araw na. “Uuwi kapa?” tanong niya sabay tingin sa relo niya. “Hmm.” tipid nitong sagot. Gusto niya pa sana na magtanong kaso gumalaw na ito at aakma nang lumakad. “Pahatid kita kay Kuya—” “Hindi na.” nilampasan na siya nito. “I-Ingat ka,” nahihiya niyang sabi. Biglang tumigil si Jay saka siya hinarap. “Salamat.” tugon nito. Nagkamot ito sa ulo. Parang may gusto pang sabihin pero hindi alam kung paano at kung ano. “Happy birthday nga pala.” sa wakas nasabi din nito. Biglang tumalikod si Jay at nag deri-deritso nang lumakad palabas ng gate. Bigla siyang napangiti at parang awtomatikong kiniliti ng dahil sa kilig na naramdaman. Hindi na naman ma-ampat ang kilig niya habang papasok sa loob ng kanilang Mansion. Expect the unexpected nga naman dahil sa sobrang suplado ni Jay at tipid nitong magsalita hindi niya aakalain na babatiin siya nito. At talagang humabol pa nga bago lumagpas ang oras para sa panibagong araw. For her this night is the best night. Kahit sa simpleng bati lang ni Jay sa kanya pakiramdam niya kumpleto na ang araw niya, na parang yoong mundo niyang tumatabingi ay biglang naging pantay. It's a simple feelings but to her it was a never ending happiness. Siguro nga matindi talaga ang tama niya kay Jay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD