START OF FLASHBACKS —FIRST MET—

1335 Words
-ASTRA- PARANG gustong niyang pasukin ang emergency room kahit pinagbawalan pa siyang pumasok doon dahil hindi nakakabuti sa kanya ang makalanghap ng samu't-saring amoy na naroroon sa loob ng ospital. Pribado naman iyon at malinis din kaso sa edad niyang disi-otso overprotective parin talaga ang Kuya niya sa kanya. Nananabik siyang makita ang lalaking nabangga nila kanina. Pero ang sabi ng kanyang Kuya ay hindi nila totally nabangga dahil bago paman lumiko ang kotse nila kanina ay agad nang natumba ang lalaki. Nahimatay daw di-umano ito dahil sa over work. Parang sinisilihan tuloy ang puwet niya habang naka-upo sa loob ng kotse. Balais siya at panay-panay ang dungaw sa exit ng emergency room at nagbabasakali na lumabas na ang kanyang Kuya. Siyempre makikibalita narin siya tungkol sa lalaking...hindi niya parin magawang alisin sa isipan niya. Bawat parte ng mukha nito ay tila nakakabisa na ng imahinasyon niya. She never experience those kind of interaction in her life. Never pa siyang na attract sa isang lalaki at kabaliwan para sa kanya kung itatanggi niyang hindi siya na love at first sa lalaking iyon. “Kuya!” malakas na bulalas niya ng makita ang Kuya niyang papalabas ng ospital. Agad din siyang bumaba ng kotse at ura-uradang tumakbo papunta sa Kuya niya. Gano'n na ba talaga siya ka atat para makasagap ng balita? “Is he okay? How is he? Nabalian ba? May internal fractures bang nakita—” “Hey, kumalma ka nga. Kung makapagtanong ka daig mo pa ang reporter.” agad din siyang napatigil dahil na kontrol agad nito ang magkabila niyang balikat. Bakit nga ba gano'n siya kung makapagtanong. Or maybe she's a concern citizen lang. Citizen nga lang ba? “Nabangga natin yo'ng tao Kuya kaya dapat lang na tanungin kita ng sunod-sunod dahil ikaw ang naroroon. Kung pinahintulutan mo ba naman sana ako na pumasok do'n, edi sana hindi na ako mag tatanong sa'yo.” tila may hinampo niyang saad. Laylay ang mga balikat niyang naglakad pabalik sa kanilang kotse habang nakasunod sa likuran niya ang Kuya Sirius niya. “He is fine. Walang internal fractures, walang galos at sugat. Tulog parin until now. And like I said earlier, hindi natin siya nabangga okay? He is over work at na over-fatigue na dahil kulang na siya sa pahinga kaya bumigay na ang katawan niya.” paliwanag nito sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag dahil sa narinig. Silently she is saying thank you dahil sa balita narinig. “P-pwedi ko ba siyang mabisita?” nag-aalangan pa siyang magsabi dahil alam niyang hindi siya papayagan but...surprisingly lumiwanag bigla ang mukha niya dahil sa sinabi ng kanyang Kuya. “Sure. You can watch over him for a while. Babalik din agad ako—” “Bakit pasaan ka?” pigil ang boses niya habang tinatanong ang kanyang Kuya knowing that she is much excited to watch over the guy na kanina niya pang gusto na makita. “Sa Mall. I need to go there urgently, ikaw na muna ang bahala doon.” bilin nito sa kanya. She nodded like there was no ending. Hindi ma ampat ang tuwa niya. Hindi niya rin kayang pigilan ang galak na nararamdaman niya ngayon. Para siyang baliw dahil she can't control what she feels right now. Pagkapasok niya sa emergency room hinagilap kaagad ng mga mata niya kung saang hospital bed naka-higa ang binata. Nakita niya rin naman agad dahil hindi natatakpan ng kurtina ang hinihigaan nito dahil may nurse na nag mo-monitor ngayon ng blood pressure nito. Tahimik siyang lumapit at umupo sa isang silya na bakante nang maka-alis na ang nurse. Limang minuto ang lumipas pero tulog parin ang binata. Kung sa iba ay naiinip na kakahintay para magkamalay ang pasyente na binabantayan pero siya kabaliktaran. Parang naii-enjoy niya pa ang bawat segundo habang nakatitig sa natutulog na binata. Hindi niya mapigilan ngumiti habang minimemorisa ang bawat parte ng mukha nito. Hindi naman sa ngayon lang siya nakakita ng pogi. Sa katunayan may mas sobra pa sa kapogian ng binatang ito ang mga lalaking nanliligaw sa kanya sa Maynila pero nagagawa niyang dedmahin ang mga iyon. Pero ang binatang nakahiga ngayon at walang malay habang natutulog walang sawa niya itong tinititigan. “H-hi!” nagitla siya ng basta nalang nagising ang binata. Para maagapan ang awkwardness kaya nagkanda-uutal siya sa pag-imik. Muntikan pa siyang mahuli na titig na titig sa mukha nito. Sa halip na tugunin ng lalaki ang tanong niya mas pinag-igi nitong ilibot ang paningin. May pagtataka sa mukha nito pero hindi parin magawang ibuka ang bibig para magtanong man lang sana sa kanya. Bumangon ito at mabilis na kinalas ang swero sa kamay nito pero mabilis pa siya sa alas kwatro para maagapan ang gagawin ng binata. Napigilan niya kung kaya't napatigil bigla ang binata nang maramdaman nito ang kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan nito. Hindi niya pinahalata kung gaano siya kinikilig dahil sa paglapat ng mga balat nila. Tila may nararamdaman parin siyang kuryente na dumadaloy sa sestema niya but she tried to control herself and hide what she feels right now. Nababaliw na ba siya? “You're not okay. We need to wait your discharge bago nila tanggalin 'yan.” sabi niya dito habang tinutukoy ang swero. Tumikhim ang binata kung kaya't walang sabi niyang tinanggal ang kamay niyang nakakapit parin sa kamay nito. “S-sorry,” nahihiya niyang sabi. “Bakit ako nandito?” tanong nito sakanya. Hindi siya kaagad nakapagsalita dahil tila isang nakaka-adik na musika ang hatid sa tenga niya ng boses nito. Parang inaakit siya. Lihim niyang nakagat ang kanyang ibabang labi dahil sa inaasta ng sestema niya. Para siyang baliw! “N-na...nahimatay ka kanina habang tumatakbo palabas ng parking area ng M-Mall that's why the medic immediately rushed you here—” “Okay na ako. Kailangan ko nang umalis—” “Pero ino-obserbahan ka pa ng mga Doctor.” pigil niya sa binata. “Wala akong sakit.” pasuplado nitong saad. “Pero kailangan mo pa magpahinga—” “Sino ka ba?” iritadong bulas nito sa kanya. Napayuko siya at basta kinagat ang kanyang ibabang labi. “I-I'm Astra Dean Ibarra. Anak ng may-ari ng Mall kung saan ka nahimatay. Resgo ka namin so we need to bring you here to make sure you're okay.” pakilala niya at ipinaliwanag narin ang totoo. Hindi dahil gusto lang niya alagaan ang pangalan nila at ang Mall nila para hindi madungisan. Hindi gano'n. Mabuting tao lang talaga sila kaya nila ginagawa iyon. In her peripheral vision, nakita niya kung paano umupo pabalik sa kama ang binata. Halos ikaluwa ng puso niya dahil hindi niya aakalain na tahimik lang ito na bumalik sa pagkaka-upo sa kama. Nabawasan ng konteng tensyon ang sestema niya. Kumalma ng bahagya ang nararamdaman niya pero malakas parin ang tambol ng kanyang dib-dib sa tuwa. Sa ilang segundo na pag yuko niya pilit niyang sinisermonan ang kanyang sarili na umayos siya na kung tutuusin ay maayos naman talaga siya. Parang nag-aalinlangan kasi siyang iangat ang kanyang ulo dahil baka kapag ginawa niya iyon ay hindi niya mapigilan na ituon agad ang paningin sa binata. Pinagtibay niya ang kanyang sarili. Huminga siya ng malalim at pagkatapos no'n ay saka siya dahan-dahan na nag angat ng ulo and to her surprise unang salubong sa kanya ang paninitig ng binata. Lihim niyang nakagat ang kanyang ibabang labi dahil hindi niya talaga maintindihan kung ano magiging reaksyon niya gayong sa kaloob-looban niya ay mukhang bumibigay na ang mga paro-paro dahil kanina pa talaga kinikiliti ang sestema niya. Ngumiti siya ng bahagya sa binata habang sinasalubong ang paninitig nitong bakas parin sa hitsura ang pagtataka and as she thinks nagsalubong lamang ang mga kilay nito bilang tugon sa nahihiya niyang pag-umis kanina. Kung ang ibang lalaki ang gumawa niyon sa kanya siguradong kanina niya pa ito tinarayan. Nagugulo ang sestema niya. Kinikiliti ang tiyan niya at sa mga nangyayari na 'yon sa kanya isa lang naman ang masasabi niya. Malamang tinamaan na siya sa binatang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD