SOFB —JAY MALLARI—

1299 Words
-ASTRA- ALAS sais na ng gabi pero nasa ospital parin sila. Inaasikaso na ng Kuya niya ang pag discharge ng binata kung kaya't ilang oras nalang din makakabalik na sila sa Mansion nila. Pero sa halip na maging masaya ay tila nanlulumo pa siya. Parang ayaw niyang umalis ang binata. Parang gusto niya nalang na hindi ito ma discharge para sa gano'n ay matagal niya pa itong makasama kahit wala naman siyang napapala kundi ang supladuhan ng lalaki. Ni pangalan nga nito ay hindi niya parin alam. “Sigurado ka bang okay kana? Hindi kana feeling mo nahihilo?” mga tanungan niya sa lalaki na pa-feeling close. Hindi kaagad nakasagot ang binata dahil nagtataka narin ito sa kanina. Siya lang yo'ng babae na tanong ng tanong kahit hindi naman sinasagot. Sumasagot naman pero hanggang ungot lang. Matibay din ang pasensya niya dahil hindi man lang siya nayayamot dahil sa inaasta nitong kasupladuhan. “Okay lang ako Miss. Kung sa tingin mo ay maghahabol ako dahil sa danyos hindi ko gagawin 'yon kaya pakitigil na ang pagsisigurado kung okay lang ako dahil mas okay pa ako sa'yo.” supladong sabi nito sa kanya na naging dahilan ng pag yuko niya at pag-umis ng lihim. Umbes na mayamot dahil sa sinabi nito natuwa pa siya. Paano ba naman kasi kuhang-kuha nito ang kilig niya! Napansin ng lalaki ang pag yuko niya kaya nakita din nito kung paano siya natutuwa dahil sa sinabi nito. “May nakakatawa ba?” segunda nitong imik. Nai-angat niya din ang kanyang ulo at sinalubong ang tinginan ng lalaki habang nakataas ang isang kilay. Mahahalatang naiirita na ito dahil sa kapilyahan niya. “I-Im sorry..ang pogi mo kasi kapag nagagalit ka,” bulgar at walang hiya niyang pagkakasabi. Mabilis na umiwas ng tingin ang lalaki. Parang ito pa 'yong nahihiya dahil sa mga pinagsasabi niya. “Ahm, Sir pwedi ko po ba malaman ang pangalan mo? Kailangan lang dito sa form,” tanong ng nurse na ngayon ay nakatayo na sa tapat nila. Pagkarinig niya wala narin siyang sinayang na pagkakataon. Makiki-usyuso siya para lang malaman ang pangalan nito. Tahimik na kinuha ng lalaki ang ballpen at ito na mismo ang nagsulat sa form. Wala siyang nagawa kundi ang habaan nalang ang kanyang leeg para makita ang buong pangalan nito at hindi naman siya nadismaya dahil malinaw pa sa tubig ng mineral ang pagkaka-aninaw niya sa sinusulat nito. “Jay Mallari, huh.? Pangalan palang nakaka-inlove na.” bulong niya sa kanyang sarili ng maka-upo ulit. Habang inip na naghihintay si Jay sa pagpapalabas sa kanya siya naman ay tahimik lamang din naka-upo sa silya. Nakaharap sa puwesto ni Jay pero hindi sa kanya nakatuon ang paningin at dahil doon nakakuha siya ng pagkakataon na kuhanan ito ng picture ng palihim. Ngunit biglang namilog ang kanyang mga mata ng makita sa screen na nakatingin pala si Jay sa camera ng cellphone niya. Awtomatiko siyang namula pero bago paman niya maibaba ang kanyang cellphone na-click na niya ito dahilan para mag flash. Lalo na siyang napahiya. She is so clumsy when it comes to him. Wala pa nga isang araw na nakakasama niya si Jay pero andami na niyang katarantaduhan na nagagawa. Isa siyang ihemplo sa mga kababaihang mahuna ang loob na kapag nagka-crush o na love at first sight sa isang lalaki ay wala talaga siyang ibang gagawin kundi ipilit ang nararamdaman niya. Hindi uso sa kanya ang pakipot. Dahil ayon sa ipinangako niya kaya niya pinupursige na ipilit ang gusto niya kahit nag mumukha na siyang desperada. “Let's go? Hatid kana namin sa lugar mo—” “Malayo pa dito ang lugar namin. Nakakahiya naman kung maaabala ko pa kayo.” tanggi nito sa alok ng kanyang Kuya. Gustuhin niya mang makisingit kaso hindi niya magawa dahil baka mahalata siya ng kanyang Kuya. “If that your concern then sa Mansion ka nalang muna mag palipas ng gabi. All I want is your safety. Gabi narin kaya kung malayo dito ang lugar niyo well my suggestion needs your acceptance.” seryosong saad ng Kuya niya. Mukhang hindi rin ito makakapagdahilan kaya atat na din siyang marinig ang sagot nito. Nauna na siyang tumayo at lumabas ng ward nito dahil baka nahihiya lang din ito dahil sa kanya kaya inagapan na niya at bago paman nga siya makalabas ng pintuan ay gano'n nalang ang pag lapad ng ngiti niya ng marinig ang pag payag ni Jay. Parang biglang nagdiwang ang kanyang sestema dahil sa pag payag nitong makikitulog muna sa Mansion nila. She wants to express her emotions kaya mabilis siyang nag punta sa cr at doon walang humpay na tumalon-talon. Daig niya ang nanalo sa lotto dahil sa nararamdaman niyang saya na ngayon niya lang talaga nai-expirience. Para sa kanya iba talaga ang salubong ng birthday niya dahil in-advance na ni kupido ang lalaking pinili ng kanyang mga mata. Nang mairaos niya ang hindi niya maipaliwanag na kasiyahan seryoso na ulit siya. Binilisan narin niya ang paglalakad dahil nakita niyang naiinip nang naghihintay ang kanyang Kuya. Si Jay naman ay nakatayo lang din habang naghihintay sa kanya. “Ba't ang tagal mo naman? Masama ba ang pakiramdam mo? You need to see a Doctor, Dean—” “Hey! I'm okay Kuya, very okay. Masyado ka namang OA diyan. Hindi ba pweding madaming taong nakapila kaya natagalan.?” naiiling niyang asik bago nilampasan ang mga ito. Kunyare pa siyang nag galitan-galitan akala naman niya ay papansinin siya ni Jay. Wish niya lang. “Tahimik sila habang nasa byahe pauwi ng Mansion Ibarra. Walang may lakas ng loob na magsalita o mag bukas ng usapan hanggang sa binasag ng Kuya niya ang katahimikang namumutawi sa kanilang tatlo. Nasa passenger seat naka-upo si Jay at siya naman ay nasa likuran. She always prefer to seat in the back dahil doon siya komportable. “Anong trabaho mo, bro?” tanong ng Kuya niya kay Jay. Nag ce-cellphone siya pero ang tainga niya nakapukos sa usapan ng dalawa. Tumikhim muna si Jay bago sinagot ang tanong ng kanyang Kuya Sirius. “Sound operator.” tipid na tugon nito. May pagtataka man pero hinayaan niya nalang na tumahimik at ituon ang atensyon sa kanyang cellphone. “Nice work.” “Sideline ko lang 'yon tuwing walang pasok. Matagal-tagal ngayon dahil bakasyon.” Hardworking.. aniya sa kanyang isipan. Napangiti pa siya ng wala sa oras. “So nag-aaral ka parin pala. What course are you taking?” Sa totoo lang inaamin niyang may pagkamadaldal din itong Kuya niya eh. Suplado minsan pero kapag magaan ang loob nito sa isang tao hindi ito nag aatubili na mag tanong o makipagkwentuhan and right now masasabi niyang magaan ang loob nito kay Jay at doon palang natutuwa na siya. What more pa kaya kung maging sila na ni Jay. Agad-agad? Atat lang eh. “Business Ads Major in Entrepreneurship.” Shocks! Is he serious? Hindi niya mapigilang hindi mapabulong sa kanyang sarili dahil sa narinig niya. “Magkatulad kayo ni Astra ng course.” sinalubong niya ang mabilis na pagtingin ng kanyang Kuya sa rearview mirror. Pasuplada niya itong inirapan bago pa isinandal ang kanyang sarili sa tabi ng binatana kung saan makikita niya si Jay sa side mirror. Kailangan niyang pigilan ang kanyang sarili kapag kasama niya ang Kuya niya. Alam niyang bully din ito lalo na sa kanya kaya as long as she can do it gagawin niya talaga. Hindi niya akalain na nakatingin din pala si Jay sa side mirror kung kaya't nag tama ang kanilang mga paningin. Suddenly her heart beat so fast while staring to each other. Wala mang emosyo na makikita sa mga mata ni Jay pero matapang niya parin na sinasalubong ang paninitig nito hanggang si Jay na ang unang umiwas. Kusa siyang napangiti na parang ewan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD