SHOCKING INTERACTION

1722 Words
-ASTRA- PANANDALIAN niyang kinalimutan ang problema niya na para bang pakiramdam niya hindi susulpot ng biglaan ang nararamdaman niyang sakit sa mga nakalipas na araw. Maaga siyang umalis sa Mansion para mapa-aga ang pagdating niya sa opisina niya. Hindi na niya nahintay na magising ang pinsan niyang kagabi pang bad trip sa kanya. Kasalukuyang nasa business trip ang Daddy niya at mga Kuya niya. Ang Mommy naman niya ay abala din sa ongoing project nito sa Cebu kaya hindi na siya mag tataka kung bakit ang pinsan niyang si Knoxx ang bumubuntot ngayon sa kanya. Knowing that his cousin is also busy with his business pero napapahanga parin siya dahil nakukuha parin nitong isingit sa schedule nito ang pagbuntot sa kanya. Napapailing na lamang siya sa tuwing sumasagi sa isip niya kung paano siya sinisermonan kagabi habang nasa byahe sila hanggang sa makarating sila nga Mansion. “Lex, bakante ba ang ten to eleven kong oras?” biglang tanong niya sa sekretarya niyang si Lexie. Kaka-upo niya lang sa swivel chair niya pero oras agad ang natanong niya. Hindi niya alam kung bakit naitanong niya din iyon kahit alam niyang loaded ngayon ang schedule niya. Parang nag aatubili pang sumagot ang sekretarya niya. Alam sa buong building ng kompanya niya kung ano ngayon ang pinagdadaanan niya kaya makikita din ang mga hisitasyon sa lahat ng mga empleyado nakakasalubong niya. “Ahmm.. saktong ten to eleven o'clock po ay pictorial niyo, Ma'am. The rest of eleven to twelve is all clear po.” paliwanag nito sa kanya. Tinapunan niya ng tingin ang orasang nakadikit sa wall. Medyo sumisikip na ang kanyang dib-dib kaya mabilis siyang uminom ng tubig bago walang sabi na lumabas ng kanyang opisina. It's feels like she's in a traumatic everytime sumasapit ang oras ng alas diyes hanggang alas onse. Kahit siya hindi niya rin alam kung bakit nagkaka-gano'n siya pero kalahati ng kaisipan niya ay alam na alam nito. Kung ano ang dahilan at kung bakit. Pagkalanghap ng preskong hangin medyo nabawasan ang kasikipan ng dib-dib niya. Ikinalma niya ang kanyang sarili habang naka-upo sa isang bench kung saan kanyang puwesto iyon. Siya lang ang nakaka-alam niyon and for now masasabi niyang safeplace niya 'yon. Her calming and safeplace. Hindi niya muna inisip ang pictorial sa schedule niya dahil pweding-pwedi iyon i-atras ni Lexie ang schedule. “That's right, Dean. Kalma lang.” para siyang ewan na pilit na pinapakalma ang sarili and it's a better way prevention sa kung ano mang masamang mangyari sa kanya. Sa totoo lang, ayaw niya na talaga maalala ang araw na nasaktan siya. Ang araw na nabigo siya at gumuho ang mundo niya but what she can do kung palaging ang oras na iyon ay naging palatandaan na para maghirap siya. Naiipikit na niya ang kanyang mga mata habang nilalanghap ang simoy ng hangin nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Wala siyang choice kundi ang sagutin. Kahapon pa tawag ng tawag ang Kuya Sirius niya at kung hindi niya parin ito sasagutin ay baka mabatukan na siya kapag nakita siya nito pag naka-uwi na ito galing ng business trip. “Yes, how can I help you?” pasuplada niyang bungad sa kabilang linya. Ipinikit niya muli ang kanyang mga mata para damhin ang bawat hampas ng malamig na hangin. “How can I help you mo mukha mo. Where are you, huh?” nailayo niya ng bahagya sa tenga niya ang cellphone niya dahil sa lakas ng imik ng kanyang Kuya. Napangiwi siya at inayos ngayon ang pagkaka-upo niya. “Office lang. Bakit ba?” “Office...then why are you not here? Hindi kana naman ba pumasok?” “Asan ka ba? Ang agang-aga Kuya, ha.?” “Malamang andito sa opisina mo—” “Then why don't you ask Lexie kung pumasok ba talaga ako o hindi?” pamimilosopo niya. Napabuntong hininga na lamang siya dahil sa halip na nakakapagpahinga siya sa loob ng isang oras kabaliktaran pa ang nangyayari. Mas maiistress pa yata siya dahil naririyan na naman ang maligalig niyang kapatid. “She's not here that's why I called you. Come here now, Dean.” She arched her one eyebrow dahil imposible naman na wala doon ang sekretarya niya. She knows Lexie more than to her other employees dahil highschool pa lamang sila ay kilala na niya si Lexie. She and Lexie became friends and classmates since they were in secondary level until college. Bonus nalang talaga para sa kanya na maging secretary si Lexie dahil bukod sa kilala niya napapagkatiwalaan niya rin ito kahit dati pa. “Liar.” naniningkit ang mga mata niya habang sinasambit ang apat na katagang iyon. Mabigat ang katawan niyang tumayo at nag martsa palabas ng rooftop. Pagkalabas niya ng lift nakita niya agad sa glass wall si Lexie na busy sa pag-titipa sa laptop nito. Sumalubong ang mga kilay niya dahil sa gigil at iritasyon dahil sa kanyang kapatid. “Sasabihing wala e, kaganda-ganda pa nga ng upo, oh. Tsk!” iritadong bulong niya sa kanyang sarili habang naglalakad palapit sa kanyang opisina. Unang niyang madadaanan ang opisina ng kanyang secretary bago pa ang kanya kaya pumasok muna siya ng madali sa opisina ni Lexie. Tumayo naman agad ito at lumapit sa kanya. “Ma'am, nasa loob po si Sir, Sirius.” tila kinakabahan pa nitong bungad sa kanya. “Bakit sabi niya wala ka daw dito?” pabulong niyang sabi na parang may makakarinig sa kanila. Pagtataka ang sumilay sa hitsura ng sekretarya niya. “Ha? D-dumaan po siya dito sa labas ng office ko at nakita niya po ako na nandito lang naka-upo.” may pag turo pa ito sa upuan nitong swivel chair. Napatiltik siya bago hinawakan ang balikat ni Lexie. “Don't mind him. Umaatake na naman ang kaburnuan no'n. Thankie, Lexie ko. Work pretty okay?” aniya bago lumabas ng opisina nito. Ayaw niyang kabahan ito dahil sa inaasta ng Kuya niya kaya pinapagaan niya ang loob ng mga empleyado niya. Alam niya at ng mga empleyado niya kung gaano ka suplado at ka arogante itong Kuya Sirius niya kaya gano'n nalang kung mataranta ang mga ito kapag nakakasalubong ng mga ito. “Why, huh?” untag niya sa naka-pikit niyang Kuya. Nag diretso siyang umupo sa swivel chair niya. Naniningkit ang mata nito habang nakatingin ngayon sa kanya. “Tss. Knoxx said that you're in the bar last night. Mag-isang nag bar hopping? Kaya pala hindi mo sinasagot ang mga tawag ko,” simula nito. “Kuya naman. Ang agang-aga talaga. Wala ka bang pasok? Andito ka ba talaga para sermonan ako? Gosh, kotang-kota na ako sa paninermon ni Kuya Knoxx kagabi. Please tama nang siya nalang ang mag sermon sa'kin. Don't follow up, please.” hindi niya mapigilang hindi manggagalaite. Tila kakapusan pa siya ng hininga dahil sa sunod-sunod niyang pagkakasabi. Sirius stood up at tila pinipigilan ang sarili na hindi na siya papatulan. As far as she knew, she was no longer the Astra they were always watching over. Hindi na siya ang Astra na gano'n. She's independent for how many years at kayang-kaya niya ang sarili niya kapag may mangyari man sa kanya. She knows how to protect herself kung may manakit man sa kanya. And besides, she appreciated her relatives, family and friends who always been there for her lalo na sa nangyaring pagkawask niya. She appreciated them all. A lot. “Okay, okay. I will not annoy you but... on one condition—” “Then tell me what it is about. Hindi yo'ng ibubungad mo sa'kin paninermon agad.” inirapan niya ito. “May client ako na imi-meet ko mamaya but I have important meeting to work on. Can you?” “Style mo bulok. Oo na! Send me the full details.” aniya bago itinuon ang atensyon sa laptop. Narinig niya kung paano humalakhak ang kapatid niya. But thanks to him parin dahil nabawasan ng konte ang stress at trauma na naranasan niya kanina. Before dinner ang meet up ng meeting niya na ipinaki-usap sa kanya ng kanyang Kuya kaya kahit mag a-alas sais palang ay nag ready na siya. Palagi niyang sinasabay si Lexie sa pag-uwi dahil malimit pa sa minsan na nag liliwaliw pa silang dalawa bago niya ito ihatid sa bahay nito. She's too close to Lexie na para bang kapatid na ang turing niya. May mga kaibigan naman siya kaso katulad sa kanya ay busy din ang mga ito kaya minsan lang talaga sila magkita-kita. Pagkarating nila sa meeting place nauna na siyang pumasok sa isang restaurant dahil si Lexie ay nasa wash room pa. Abala siya sa pagdukot ng kanyang cellphone kaya hindi niya nakita na may makakasalubong pala siya na naging dahilan ng pag-untugan nilang dalawa ng babae. Nabigla siya at tila nataranta dahil nagsibagsakan ang mga gamit na dala ng nakabangga niya. “Shocks. Sorry, Miss, sorry...” natataranta niyang sabi habang mabilis na dinadampot ang mga nahulog na mga gamot. Wala siyang muwang sa mga gamot na 'yon at ang tanging gusto niya lang ay matulungan ang nabangga niya but when she saw who the girl is bigla siyang natigilan at hindi makapaniwala sa nakita. Gano'n din ang babae. Bigla itong namutla at basta walang galang na inagaw sa kanya ang mga hawak niyang gamot at walang sabi na umalis ito at patakbong lumabas ng restaurant. Nasundan nalang niya ng tingin ang babaeng papalabas ng restaurant. Pero, natigilan siya at hindi kaagad nakapagsalita nang makita niya si Jay. “Jay?” sambit niya bago patakbo ding lumabas ng restaurant para habulin ang kotse kung saan sumakay si Jay. Pero hindi na niya nagawa pang habulin ng tuluyan dahil pinigilan na siya ni Lexie. Nanggigilid na ang kanyang luha pero bago paman makapagsalita si Lexie ay tuluyan nang pumatak ang mga luha niyang kanina lamang ay nasa mga mata niya pa naka-ipon. “Pasok na tayo sa loob.” malumanay at tila tinatansya pa ni Lexie ang pagyakag sa kanya dahil mukhang sasamaan na naman siya ng pakiramdam. “Si Jay 'yon, Lex. Si Jay iyon...” garalgal ang boses niya habang nakatanaw pa rin sa kalsada na para bang nakikita niya parin ang kotse na sinakyan niyon. Talagang pinaglalaruin siya ng mundo dahil all of sudden ay makikita niya ang lalaking hindi sumipot sa kasal nila. Ang lalaking papakasalan niya sana...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD