HOPING

1620 Words
-ASTRA- THE day after that she almost end her life, nasa isang bar siya ngayon. Nag-iisang nagliliwaliw. Kaharap ang mga bote ng beer dinadama ang bawat malakas na hampas ng tugtug. Wala siyang sinabihan kung nasaan siya ngayon. All she want is to be alone. She needs to be alone para makapagpahinga ang kanyang kaisipan kahit ang pinuntahan niya ay maingay pa sa kalabog ng kanyang dib-dib sa tuwing makikita niya si Jay sa puwesto ngayon kung saan nakapako ang kanyang patingin. Mapait siyang tumawa bago nilagok ang beer na nasa bote. Dati sobrang tamis ng ngiti niya kapag nakikita si Jay na nag mamani-ubra ng mga sweet love songs pero ngayon kabaliktaran na. Kung anong tamis noon ng ngiti niya ngayon sobrang pait na. Mapait pa sa ampalaya na natitikman niya. Pagkalunok niya ng beer tahimik na siya ulit pero linggid sa kaalaman ng barista na kaharap niya tahimik lang siyang nag tatanong sa kanyang kaisipan. Nag tatanong ng mga bagay na tanging si Jay lang sana ang makakasagot. And she ends up questioning herself silently. “Hi, Miss...Astra Dean?” Agad siyang napatingin sa isang lalaki na tila nagulat pa ng mamukhaan na siya. Biglang nag-iba din ang kanyang awra nang makita ang lalaki na bumati sa kanya. Parang nabalutan ng pag-asa knowing that this guy is Jay's close friend. Kasamahan din nito sa trabaho at isang sound operator din ito. “Uy, kamusta?” bungad niyang tanong na para bang taon ang dumaan bago sila ulit nag kita na kung tutuusin ay noong isang araw lang ang huli nilang pagkikita. “O-okay lang...ikaw? Si-sino ang kasama mo dito?” medyo may hisitasyon na mababakas sa boses ng lalaki but she don't mind at all. She knows what's happening at siguro hindi lang din ito komportable na kamustahin siya after what happened. “Ay, o-kay lang naman.” Disappointment was not visible on her face as she spoke. Parang wala lang talaga. “Ako lang mag-isa. I want to enjoy this night alone.” segunda niya na ikinatango agad ng lalaki. Medyo awkward sa pagitan nila. They know each other at mas alam din nila sa isat-isa kung ano ang tumatakbo sa mga isipan nila but she remain to shut her mouth. Kung alam man nito kung nasaan si Jay malamang hindi talaga ito tutuga kahit naging isang mabuting kaibigan din naman siya sa lalaking ito. “Enjoy the night with yourself, Dean. Huwag mag papakasobra.” paalam nito at talagang nabilinan pa siya bago ito tumalikod sa puwesto niya. Tanging hangin lamang ang lumabas sa kanyang bibig habang sinusundan papalayo ang bulto ng lalaki. “You know where he is,” bulong niya bago ulit inisang lagok ang beer. Instead she smiled like she's okay. She's enjoying the night with her self. Walang problema na mababakas sa kanyang mukha. Kahit sa kanyang isip ay hindi niya pinapahintulutan na pumasok. Only this time. Kahit ngayong gabi lang gusto niyang maging masaya. Gusto niyang kalimutan ang lahat. Lahat ng sakit, poot, pagkadurog at pagkabigo. Halos mabasa ng pawis ang likuran ng suot niyang dress dahil sa walang humpay na pagsasayaw sa dance floor. She's not drunk. Naka-inom lang at kaya pa naman niyang maka-uwi mag-isa. Wala siyang dalang kotse at siguro sa malamang ay mag ta-taxi nalang siya. Pagkabalik niya sa table niya napasadahan niya ng tingin ang cellphone niyang umiilaw. Tumatawag ang kanyang Kuya Sirius. Matagal niyang natitigan hanggang sa namatay ang tawag. Nag aalangan siyang sagutin ang tawag nito dahil alam niyang bubungad agad sa tainga niya ang paninermon nito. In-off niya ang cellphone niya bago pa ito nilagay sa kanyang bag. Matao pa sa bar lalo na sa dance floor. Masyado siyang napagod kaya ipinahinga niya muna ang kanyang sarili. Nakaka-ilang bote narin siya ng beer simula ng dumating siya sa bar. Sa talambuhay niya bibihira lang siya pumunta ng bar pero simula ng maging sila ni Jay palagi na siyang nasa bar. Kahit saang bar kung saan naroroon ang nobyo niya. She's a supportive girlfriend. She likes to support Jay dahil para sa kanya tini-treasure niya ang bawat success ng boyfriend niya. “Hey, Astra Dean Ibarra.” agad siyang napabaling sa lalaking sumambit ng buo niyang pangalan at kapag na gano'n ang naririnig niya sa lalaking ito ay alam niyang hindi na ito natutuwa sa kanya. Tila tumalsik ang konteng kalasingan na pumapaligid sa kanyang katawan nang makita kung paano nagsasalubong ang mga kilay ng pinsan niyang si Knoxx. Paano naman nito nalaman na nasa bar siya? Ganito na ba ito kagaling manghula o mangamoy para malaman kung nasaan siya ngayon? Iniwasan niya ang tawag ng kanyang Kuya pero dito sa pinsan niya mukhang todas na siya. “H-how did you know I was here?” nag aalangan niyang tanong sa pinsan niya. May katarayan paring nababakas sa mukha niya kahit sa kaloob-looban niya gusto na niyang tumakas. Alam niyang hindi maganda ang mood ng pinsan niya. Knoxx Alastair Ibarra Cabrera is their older cousin. Nag-iisang pinsan nilang lalaki na komokontrol sa kanya. “Why? Minamaliit mo ba ang kakayahan ko? Kahit nga siguro sa Cebu ka pa mag bar hopping, mahahanap at mahahanap parin kita, Dean.” istrikto nitong pananagot sa kanya habang nakatayo at komportableng nakapamulsa. Napasinghap siya at iniwasan ang mga tinginan nitong kala mo'y mandadali na ng buhay. Hindi siya sumagot bagkus inubos niyang inumin ang natitirang beer na nasa bote. “Umuwi na tayo.” seryoso nitong yaya sa kanya. Hindi siya sumagot at nanatiling nakahalukipkip at nakatingin sa mga taong nagsasayaw sa dancefloor. “Isa.” Hindi parin siya natitinag. Bakit ba kasi may pagsunod pa ito? Uuwi din naman siya maya-maya ah! Gusto lang naman niyang sumaya kahit ngayong gabi lang. “Dalawa, Astra.” iritadong segunda nito. Alam niya kaya nasisindak na siya. Kahit malakas ang tugtug sa loob ng bar ay hindi lumampas sa pandinig ng mga taong malapit sa kanila ang boses ng pinsan niyang malapit nang mayamot. Pinagtitinginan na sila kaya na aalarma narin siya. “Bakit ba kasi? Hindi naman ako lasing ah. I want to be alone just for tonight Kuya, Knoxx!” gigil niyang asik sa pinsan niyang nakatayo parin sa harapan niya. Unti-unti nang kumakahog sa yamot ang dib-dib niya. Parang naiiyak na agad siya dahil sa iritasyon. “Lampas kana sa curfew mo Dean, that's why I'm here. Hindi mo sinasagot ang mga tawag ng mga kapatid mo. Nasa business trip sila pero ang isip nila nasaiyo knowing that you're not okay. Gets mo? So now, stand up and go home bago pa kita kaladkarin dito.” Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa pinsan niya. Matigas ang ulo niya at may attitude siyang babae pero kapag ang pinsan na niya ang tumatrato ng gano'n sa kanya para siyang tuta na sumusunod agad. Iba ang takot niya sa pinsan niya kaysa sa mga Kuya niya. Responsableng pinsan ito sa kanila dahil mas matanda ito sa kanila at lahat ng responsibilidad ay naka-atang kay Knoxx at alam nilang magkakapatid iyon. Kaya alam niyang may punto ito sa tuwing sinisermonan siya. Hindi na kailangan ipaintindi sa kanya kung bakit ganito nalang ito ka bossy at istrikto pagdating sa kanya. She's a younger among them all. “Don't tell me na umaasa ka pa rin na makikita mo siya doon.” walang atubiling panghuhuli sa kanya ng pinsan niya. Naipikit na niya ang kanyang mga mata dahil nakaramdam na siya ng pagkahilo simula ng nasa byahe na sila but suddenly her eyes open because of his cousins accusation about her. Kalahati ay tama ito at kalahati ay hindi. So fifty-fifty. Knowing that Jay is working in that bar and she is a VIP there. Hindi siya malimit doon pero yoong bar na 'yon ay may share na ang mga Kuya niya at kahit ang pinsan niya ay shareholder narin doon. Ayaw naman sana niyang patulan ang pinsan dahil alam naman niyang wala siyang lusot doon pero tumatalab na ang kalasingan sa sestema niya kaya hindi narin mapipigilan ang bibig niya. “Masama ba na umasa kahit ngayong gabi lang? Malay mo mapaliga siya doon at magkita kami.” natatawa niyang katwiran. Narinig niya kung paano tumiltik ang pinsan niya habang nag mamaneho papunta sa kanyang condo. “Huwag mong bigyan ng dahilan yang sarili mo na umasa, Dean. Jay is not for you. He didn't love you—” “He love's me, Kuya Knoxx!” biglang naging garalgal ang boses niya. Muntikan pa siyang pumiyok. Naipreno agad ni Knoxx ang sasakyan nang makita ang naging reaksyon niya. “If he loves you, why didn't he show up at your wedding? Bakit natitiis ka niyang hindi tawagan o i-txt man lang para magpaliwanag ng katarantaduhan niya. Why, Dean?” sunod-sunod na tanong nito sa kanya. Hindi siya nakapagsalita bagkus kinalas niya ang seatbelt na naka-suot sa katawan niya. Agad niyang binuksan ang pintuan pero mas mabilis na pinindot ni Knoxx ang lock dahilan para hindi matuloy ang balak niyang pagbaba. “Come on, Dean. Huwag mong idahilan sa akin yang pag walk out mo dahil kahit kailan hindi 'yan uubra sa'kin. Fasten your seat belt. Ihahatid kita sa Mansion.” Wala siyang nagawa kundi ang isuot muli ang seat belt niya. Pinipigilan niyang hindi mapaiyak dahil sa lahat na kinaka-ayawan ng pinsan niya ay yoong nakikita siyang umiiyak dahil pakiramdam nito ay ang hina niyang nilalang. At sa halip na malaya siyang makaka-iyak sa condo niya napurnada pa dahil sa Mansion siya iuuwi. Alam niyang lihim na nilagyan ng CCTV ang kuwarto niya doon simula nang mangyari ang naudlot niyang kasal kaya hindi siya pweding maging mahina doon dahil alam niyang naka-monitor din ang bawat tao na naroroon sa Mansion nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD