PLANNING

1216 Words
“Hija, are you sure about what's going on, you and Steven?” Awtomatiko akong napatingin kay Dad na seryosong naka-upo sa swivel chair nito. Tono palang ng boses niya ay alam kong seryoso talaga siya kahit hindi naman talaga halatado sa hitsura niya. Agad akong pumihit pabalik sa kinatatayuan ko kanina. Ang buong akala ko kapag nadalhan ko na siya ng kape ay magiging absuwelto na ako dahil sa ginawa kong pag lihim tungkol sa relasyon namin Steven. Hindi marunong tumutol ang mga magulang ko pagdating sa mga karelasyon naming magkakapatid and because my father knows how stupid Steven before kaya medyo duda siya. Para sa akin wala lang naman 'yon. Malayo man ang pinagkaiba sa salitang gusto sa gustong-gusto kaso wala narin siyang magagawa kundi ang gustuhin ang taong nagugustuhan ko. “Yes po, Dad.” nakangiti kong saad bago umupo sa upuan na katabi lamang ng office table niya. I tried myself to sit calmy kahit sa kalooban ko kinakabahan na ako sa base ng paninitig ni Dad sa'kin. Parang may gusto siyang hulihin sa mga mata ko and before he can do what he wants inunahan ko na siya. Ako na ang unang umiwas ng paningin para lamang itago ang ano mang emosyon na nararamdaman ko ngayon. I know it was fast as air but what should I do kung para sa'kin gusto ko nang mag proceed sa kasalukuyan at kalimutan nalang ang masaklap kong nakaraan. “Then wala na akong magagawa diyan if that what's your heart desires.” sagot niya bago sumimsim ng kape. Dahil do'n nakahinga ako ng malalim bago pinilit ang sarili na ngumiti sa harapan ni Dad kahit feeling ko duda parin talaga siya sa'kin. “Thank you, Dad.” malambing kong pasalamat sa kanya habang nilalapat ang kamay ko sa kamay niya na para bang sinasabi ko ng palihim na ako na ang bahala sa lahat. Na-- kaya kong panindigan ang desisyong gagawin ko. “May final date na ba kayong napili para sa kasal niyo?” Napaawang ang labi ko ng muling buksan ni Dad ang tungkol sa relasyon namin ni Steven. Nagulat ako at pansamantalang napatitig sa kanya dahil hindi ko ini-expect na uulitin niya ang tungkol sa proposal na ginawa kagabi ni Steven. Walang nakaka-alam sa pamilya ko o kahit sa mga kaibigan ko ang ginawang pagluhod ni Steven sa harapan ko kagabi kaya hindi ko alam kung bakit paano nila nalaman ng gano'n kabilis ang balitang 'yon! “Ahm...wala pa pong final date but I can assure na baka as soon as possible narin po. We love each other at wala narin naman pong ibang pupuntahan ang relasyon namin kundi sa simbahan din, Dad.” He sip his coffee and remained silent about a seconds. Diretso parin akong nakatingin sa kanya at napi-pressure na dahil hindi ko talaga alam kung ano ang magiging reaksyon niya. “Well kung 'yan ang gusto mo then do'n ako Anak. Your happiness is my happiness too, and maybe--this is the right time to start a new beginning.” Bigla akong napayuko at parang tinusok ng pinong ting-ting ang kalooban ko dahilan para makaramdam ako ng kung anong panandaliang kirot. I know it was fast like tornado at nagpatangay ako sa hagupit ni Steven. Hindi sa ginawa ko siyang rebound but it was my decision to accept his proposal even though we're in the first stage of our relationship pero hindi naman nasusukat ang pagmamahal base lamang sa tagal at panandaliang pagsasama diba? If my feelings is true at kung alam kong magaan naman ang loob ko sa kanya kahit taliwas pa ito sa nararamdaman ko noon wala na akong magagawa kung sa bersyon ngayon ni Steven ako tinamaan. People change and that's all I can say to those who someone intended to judge me. “Thank you, Dad.” napatayo ako bigla saka siya nilapitan sa kanyang kina-uupuan para yakapin siya ng mahigpit. He massages my hair while tapping my back, and in that way, I feel at ease. I feel the security covering my system every time the presence of my father is beside me. “Kung saan ka masaya susuportahan ka namin ni Mommy mo at ng mga Kuya mo. At kung sa tingin mo si Steven na ang lalaking pupuno sa mga puwang na ilang taon naring bakante diyan well it's time to fill that space Anak.” muling saad ni Dad habang mahigpit akong nakayakap sa kanya. I nodded how many times pero natigil 'yon nang marinig kong biglang bumukas ang pintuan. Napatingin ako sa direksyon niyon at nakita kong kakapasok lang ni Kuya Sirius. Nakangiti akong kumalas sa pagkakayakap kay Daddy at bahagyang yumuko para palisin ang luhang namumuo sa aking mga mata habang pabalik na tinutungo ang sofa. Sinundan pala ako ng tingin ni Kuya Sirius at parang hinuhuli ang emosyon kong nararamdaman. Nakapamulsa parehas ang mga kamay niya habang nakatayo parin sa harapan ng office table ni Dad. Nag pabalik-balik ang paningin niya sa amin ni Daddy at parang kinukumpas kung sino ang mauunang dumiga sa amin ni Dad. Tumikhim si Dad kung kaya't parehas kaming napatingin sa direksyon nito. “Maybe this is the time to reveal Astra's relationship with Steven.” ani ni Dad habang nakatutok ang paningin kay Kuya Sirius. Kuya remained standing habang hinihintay na matapos ang sasabihin ni Daddy at mukhang alam naman narin nito ang balita pero dahil gusto yata nitong makasigurado kaya tahimik lang siyang nag-aabang sa susunod na sasabihin ni Dad dahil feeling ko kay Daddy lang siya maniniwala. “You can congratulate in advance your sister, Son. She and Steven are planning to settle down as soon as possible.” bulgar ni Dad pero hindi ko inaasahan na mabibigla si Kuya. “A-are you serious, Dean? S-sigurado kana ba diyan?” sunod-sunod niyang tanong sa akin ng matapos niyang isandal ang likuran sa hamba ng bintana. “Yes Kuya, mas seryoso pa sa pangalan mo.” “Pero bakit biglaan? You don't even know him well and we all know that he was rude to you back then.” hindi makapaniwalang sabi ni Kuya. I know na ito talaga ang magiging reaksyon niya dahil alam naman talaga nila kung gaano ka walang hiya noon si Steven no'ng college pa kami pero as I said always, people is change. “We love each other, Kuya, and besides, we are mature enough to think that way. Hindi porket masama ang ugali niya noon ay gano'n parin siya hanggang ngayon. Ako ang magpapatunay na nagbago na siya.” paliwanag ko sa kanya. Hindi siya nakapagsalita at basta nalang inangat ng sabay ang magkabila niyang balikat as if tinatanggap na ang desisyon ko. “Well kung sa tingin mo sa kanya ka masaya then fine marry him basta alalahanin mo Dean, sinubukan kitang pigilan just incase someone came back.” makahulugang saad ni Kuya Sirius bago umupo sa upuan kung saan malapit sa table ni Dad. Nag-usap na silang dalawa tungkol sa business and I feel out of place kaya nag paalam na ako kay Daddy para lumabas. Pagkasara ko ng pintuan napasandal ako bigla sa ding-ding at agad na napahawak sa aking dib-dib dahil sa walang pasabi nitong pagtambol dahil sa sinabi ni Kuya na hindi ko alam kung ano ang pinupunto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD