UNEXPECTED SURPRISED

1259 Words
Steven: “Hi babe, I have a surprise for you kaya sana dumating ka ng maaga okay? I love you.” Napangiti ako nang makita ang txt message ni Steven pero agad ko ding lihim na itinago ang ngiting iyon nang makita kong nakatingin na pala sa'kin ang mga kaibigan ko. Nasa meeting pa ako ngayon kasama si Luna at Apprecia dahil pagkatapos namin dito ay sasamahan nila ako sa isang wedding planner na kakilala ni Luna. “Subukan kong umuwi ng maaga babe, ha? Andito pa kasi kami sa meeting eh. By the way, I can't wait to see what's your surprise to me.” Mabilis kong nireplayan si Steven at bago ko paman mai-lock ang aking cellphone ay nagawa na akong biruin ni Luna. Parang siya pa yo'ng kilig na kilig nang mabasa ang I love you ni Steven. Iniripan ko na lamang siya bago binalewala ang pangbibiro niya sa'kin. “Tumigil kana nga nakakahiya kay Miss. Chavez.” mahinang saway ko kay Luna sabay lihim na tinapik siya sa kanyang hita dahilan para mapatigil din siya kaagad. Alam kong may kiliti siya doon kaya sa halip na tapik lang ang gagawin ko mas diniinan ko pa ng bahagya ang paglapat ng aking kamay para kilitiin siya. “I think that's all, Miss, Ibarra—” napatakip siya bigla sa kanyang bibig ng basta siya may naalala. “Should I call you Mrs. Segovia?” aniya habang matamis na nakangiti. Biglang nag-init ang aking mukha dahil sa kanyang sinabi. Tumayo ako at pinatay ang aking hiya bago tinanggap ang kanyang kamay na nakalahad. “Sure po, Miss. Chavez.” “Great! Congratulations in advance by the way.” “Thank you," nakangiti kong sabi bago ulit umupo ng tuluyan nang umalis ito. For this night she is the last out of my Seventh client this day at gano'n na nga lang ang paghinga ko ng malalim dahil sa wakas ay makapagpahinga na ako bago pumunta sa wedding planner. “Kumain muna tayo bago pumunta sa planner.” suhestiyun ko bago tinawag ang waiter. “Hindi ba pweding later nalang?” sagot ni Luna habang tinitignan si Apprecia na busy sa pag pipindot sa cellphone nito! “Bakit?” agad ko namang tugon at may pagtataka siyang tinignan. “Baka kasi magpakabusog ka ng husto diyan at pag nagkataon baka hindi mag tugma ang sukat sa'yo.” “Tama! Ikaw din baka sa araw ng kasal mo mag adjust pa sila ng malaki,” walang buhay na sagot ni Apprecia habang nakatutok parin sa kanyang cellphone. Hindi ako nakapagsalita bagkus nag-isip din ako. Gutom na gutom pa naman ako ngayon dahil naubos ang lakas ko dahil sa walang katapusang pakikipag-usap kanina kay Miss Chavez. Bumuntong hininga ako at parang nauhaw bigla dahil sa pag-iisip kung kaya't sa tubig ko nalang ibinuhos ang gutom. Inubos kong inumin ang tubig na kakalagay lang ng waitress dahil nakita kong nag papawis-pawis pa ito dahil sa lamig. “Sige na nga. Panira naman kayo.” nakanguso kong sabi habang tinanggap parin ang binigay na menu ng waiter. “Let's go.” walang sabi kong yakag sa kanila at umuna na akong tumayo at basta sila iniwanan sa kanilang kina-uupuan. Pasensya sila dahil ganito talaga ako kapag nagugutom na. Pagkarating namin sa opisina ng wedding planner na kakila ni Luna bigla akong napatda ng akma palang na papasok ako sa loob ng office nito nang nakita ko agad ang bulto ni Steven. Nakatayo siya habang hawak-hawak ang isang bouquet ng red roses. Ito ba 'yong sinasabi niyang surprise? He looks so handsome to his looks while smiling sweetly at me. Sinalubong niya ako sa naka-awang na pintuan. Wala akong naririnig na tili mula kay Apprecia pero kay Luna ay meron. “Thank you. A-anong ginagawa mo dito?” agad kong tanong kay Steven ng matapos makipag-beso sa kanya. Inabot ko rin muna ang bulaklak na binigay niya bago nagpatangay sa alalay niya papasok ng opisina ng wedding planner. “I need to see how gorgeous you are while wearing your wedding gown, babe.” bulgar niyang sabi dahilan para pamulahan ako ng pisngi. “Sus, makikita mo rin naman 'yon sa araw ng kasal natin.” “Iba pa rin kung ako mismo ang unang makakita na suot mo 'yon.” aniya sabay hagip sa bakanteng kamay ko. Hinugpong niya 'yon sa kamay niya bago marahan na pinisil-pisil. It makes me calm in that way at pakiramdam ko nabawasan ng kaunti ang pressure na nararamdaman ko. Hindi dahil first time kong sukatan ng ganito kundi dahil may na-alala lang ako tungkol sa nakaraan. Steven knows it kaya sa halip na hayaan akong maging tensyunado mas minabuti niyang pakalmahin ako sa pamamagitan ng kanyang marahang paghawak sa aking nilalamig na mga kamay. Hindi rin nagtagal at may napili din agad akong wedding gown. I chose a simple one, but the elegance of its design is still noticeable. Aprobado din ni Steven at ng dalawa kong kasama kahit nahahalata kong medyo nanglulumbay ngayon si Apprecia. I don't know what's her problem kaya hinayaan ko nalang muna ang pagiging walang sa mood niya ngayong araw. We said goodbye to each other at kay Steven na ako sumabay dahil may pupuntahan pa kami. Hindi ko alam kung saan pero ang sabi niya ay may ipapakilala daw siya sa akin and before that we decided na dumaan muna ng drive thru dahil kumakalam na talaga ang sikmura ko. Nag order lang kami ng chicken at rice at tig-isang french fries at drinks. Magkasundo kami palagi ni Steven pagdating sa ganitong meal dahil parehas naming paborito ang ganitong klaseng pagkain. It's already past nine at kakapasok lang namin sa isang subdivision. I don't have any idea kung sino ang pupuntahan namin at kung sino ang ipapakilala niya sa akin. If his family, I don't know kung sino sa miyembro ng pamilya niya dahil ang pagkakaalam ko noon paman ay patay na parehas ang mga magulang nito. He grabbed my hand before gently holding it and squeezing it as if he were indicating something. Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa makapasok kami sa isang malaking bahay. Nakikiramdam ako kaya ni kahit isang salita ay hindi ko magawa. Binabalanse ko ang mga galaw niya at bawat buntong hininga niya at sa pagkakataong 'yon napa-isip ako na baka may gusto siyang sabihin sa'kin kaso nag-aalangan pa siya. “B-bahay mo?” basag ko sa katahimikan ng makapasok kami sa loob ng bahay. Tumango siya bilang sagot habang nakahawak parin ang kamay sa kamay ko. Hindi malaki at hindi rin maliit ang bahay. Sakto lang sa isang pamilyang babago pang nagsisimula na mag bukod ng sarili. It's peaceful inside. Madaming mga figurine na nakadisplay. Maaliwalas at maganda din ang pagkaka-design ng kabuuan nito. Natigil ang pag-iikot ng aking paningin nang makita ko ang isang babae na bumababa ng dahan-dahan sa hagdanan habang karga ang isang batang lalaki na sa tingin ko ay mga dalawang taon palang ito. Humigpit ang pagkakahawak ng kamay ni Steven sa kamay ko dahilan para mapabaling ako ng tingin sa kanya. I saw how he tried to smile at me before looking at the woman who was approaching us now. I don't have any idea who is she at kung sino ang batang karga nito. Puno ng katananungan ang isip ko ngayon pero bago ko paman siya harapin para tanungin dala ng kuryusidad, mukhang nasagot na agad ng bata ang balak kong itanong! “P-pa-pa-” putol-putol na sabi ng bata habang karga-karga parin ito ng babae.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD