SOFB —TITIG—

1477 Words
-ASTRA- TODAY is her 20th birthday. Simpleng selebrasyon lang ang gusto niya dahil una sa lahat nasa Cebu pa sila. Kung nasa Maynila man siya gano'n din naman ang magiging ganap ng kanyang kaarawan. Gaya ng sabi ng kanyang Kuya ay ito ang bahala para makapunta ng Cebu ang mga kaibigan niya. Hindi niya naman aakalain na totohanin nito ang sinabi sa kanya. She's happy right now. Walang paglagyan ang saya niya dahil ilang linggo niya rin na hindi nakikita ang mga kaibigan niya. Nasa isang bar sila ngayon. Silang apat lang na magkakaibigan. Ang dalawa niyang Kuya ay hindi sumunod dahil parehas may meeting. Kung papalarin na ma-aga makatapos siguro susunod nalang din ang mga ito. Kung tutuusin ay hindi naman talaga siya mahilig mag bar hopping pero dahil gusto niyang maranasan ang mga gano'ng bagay kaya sinubukan niya. Ang mga kaibigan niya ay kagaya din sa kanya. Nakakahanga lang dahil ang yayaman nila pero hindi sila sanay sa gano'ng kalakaran. Mga kilalang tao ang mga magulang nila pero hindi sila pinalaki na maging spoiled. “Ikaw na mag request ng kanta Dean, total birthday mo naman.” Pagtataboy sa kanya ni Shelly. Si Luna naman at Apprecia ay nakatingin lang din sa kanya pero bakas din sa mga hitsura ng mga ito na tinataboy din siya. “Bakit ako? Kayo naman ang may gusto ng kanta na 'yon ah.” Katwiran niya. Sabay-sabay na bumuntong ng hininga ang tatlo niyang kaibigan. Bakit ba kasi sobrang mahiyain nila eh kung tutuusin wala naman sila dapat na ikahiya dahil nakaka-agaw ng pansin ang kagandahan nila. Baka nga kahit papalapit palang sila sa music operator na nasa bar eh sasalubungin na agad sila para alamin ang kanta na pinapa-request nila. “Aish! Akin na nga daw.” Napilitan kuhanin ni Luna ang papel na hawak-hawak ni Apprecia. Ito nalang ang maglalakas ng loob na ibigay sa operator. Inabot ni Apprecia ang papel na may nakasulat ng title ng kanta pero nang makita ni Luna ang nakasulat nag iba bigla ang reaksyon nito. Natatawa at hindi makapaniwala. “Seriously, Apprecia Jawna Nicolao?” bulalas ni Luna. Pigil naman ang pag ngisi ni Apprecia habang siya at si Shelly ay tila mga walang muwang sa mga nangyayari. Hindi man lang siya naku-koryus kung ano ang nakasulat sa papel at kung anong kanta iyon. “Sumulong kana kasi. Ang dami namang sat-sat.” “Oo na, nanginginig pa nga oh.” tugon ni Luna kay Apprecia na naging dahilan din ng pag tawa nila. Wala silang pakialam kung sawayin man sila dahil nag bayad naman sila ng malaki at sobra pa para lamang marentahan ang second floor ng bar. Hindi sila madamot kaya kahit rented na nila ang floor na iyon pumapayag parin sila na may mag akupa ng ibang table. Wala mang pahintulot ng mga bouncer na nakabantay doon pero hinayaan nalang din nila at sinabihan niya na payagan nalang ang mga ito. Para iwas gulo kaya hindi na sila nakipagdamot. Hindi paman nakakabalik si Luna sa table pero tumugtug na agad ang kanta na ni-request ni Apprecia at gano'n nalang ang hiya niya ng marinig ang happy birthday na kanta. “Mga huy, hindi ako bata.” tila yamot niyang asik sa mga kaibigan niyang kasalukuyang inaangat ang mga baso para makipag-untugan ng baso sa kanya. Nahihiya siya dahil sa kanilang puwesto nakatuon ngayon ang presensya ng mga tao lalo na ang mga nag o-operate ng music. Hinipan narin niya ang candle na nakatayo sa cake ma hawak-hawak ni Shelly. She close her eyes to make a wish. At kung ano man 'yon panigurado hinahanda na 'yon ni kupido. “It's your birthday and you deserve to hear that sounds.” natatawang paliwanag ni Apprecia. Wala narin naman siyang magagawa dahil tumutugtog na kaya sa halip na makipag-angilan mas pinili niya naring iuntog ang kanyang baso sa baso ng mga ito. “Cheers! Happy Birthday our Astra girl. Sana makita mo na dito ngayon ang the one mo,” bati sa kanya ni Shelly. Ngumiti siya ng matamis bago sumimsim ng mojito. Lasang-lasa parin ang pait kaya napangiwi siya ng madali. “Nahanap ko na siya,” kinikilig niyang bulgar sa mga ito. Namilog ang mga mata ng mga kaibigan niya at kanya-kanyang baling ang mga ulo para hanapin ang masuwerteng lalaki na sinasabi niya. Napatawa tuloy siya dahil sa inasta ng mga ito. “Wala siya dito kaya itigil niyo na yang paghahanap niyo.” Saway niya sa tatlo. Napanguso tuloy ang mga ito dahil bakas pa naman sa mukha ng mga ito ang excitement na makita ang the one niya. “Grabe, ha. Wala ka pang isang linggo dito sa Cebu pero nahanap mo na agad ang the one mo? Share your secret naman, Dean.” hindi makapaniwalang saad ni Luna. Nag tawanan sila ng sabay-sabay dahil kitang-kita sa mukha ni Luna na interesado din ito. “Pogi ba?” tanong ni Shelly. Ngumiti lang siya at hindi pinapahalata ang kilig. “Suplado ba?” sulpot naman ni Luna. “Opo, pogi at suplado—” “Anong pangalan?” sabay-sabay na tanong ng tatlo niyang kaibigan. Napatigil siya at hindi naituloy ang pagsasalita lalo na nang makita niyang paparating ang dalawa niyang Kuya. Agad ding tumahimik si Apprecia na kanina lamang ay ito pa ang naghahasik ng ingay sa kanilang apat. “Hi, girls.” bati sa kanila ng Kuya Sirius niya. Umayos siya ng upo bago pinasadahan ng tingin ang wrist watch niya. Seryoso lang ding umupo.ang Kuya Caelum niya. Bad mood pa yata dahil hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. Alas otso na pala ng gabi at hindi niya man lang namamalayan na gano'n na sila katagal na nagsisiyahan sa bar. Nag punta sa dance floor si Luna at Shelly. Siya naman at si Apprecia ay nanatili lamang sa pag-upo kasama ang Kuya Sirius niya at Kuya Caelum. Feeling niya medyo awkward ang katahimikan sa kanilang apat. Hindi niya alam kung bakit at ano ang nangyayari. Puro sa cellphone lamang ang atensyon ng tatlo niyang kasama. “Cr lang ako,” paalam niya sa tatlo. Tiningala siya ni Apprecia. “Ikaw din?” tanong niya dito. Umiling ito pero tumayo parin. “Sasayaw ako.” sambit nito bago hinila na siya. Nakita niya kung paano sinundan ng tingin ng Kuya Caelum niya ang bulto ni Apprecia habang papalayo na sa kanila. Hindi siya nakasabay sa paghila nito dahil kumuha pa siya ng tissue sa bag niya. Medyo nahihilo na siya pero keri pa naman niyang lumakad. Mojito lang naman ang iniinom niyang may halong alcohol. Mababa ang alcohol tolerance niya kaya siguro mabilis siyang talaban. Habang naglalakad siya sa pabalik sa kanilang table napatingin siya sa mini-stage kung saan may tatlong lalaki na nag o-operate ng sounds. Bigla siyang napangiti dahil sa naalala niya. Bigla niyang naalala si Jay. Out of nowhere sumagi sa isipan niya ang supladong mukha ni Jay. Na-miss niya tuloy ang kasupladuhan nito. Mabilis niya ding iniling-iling ang kanyang ulo para alisin ang naiisip. “Ba't ang tagal mo?” untag sa kanya ni Luna. Mukhang kanina pa siya nito hinahanap. “Bakit? Galing ako ng cr,” sagot niya. “May pogi kasi do'n sa table natin.” tila hindi ito makapaniwala. Nagsalubong ang mga kilay niya dahil ang pogi lang naman na naroroon sa table nila ay yoong dalawa niyang Kuya. Alam naman niya kung gaano ka habulin ng mga babae ang mga Kuya niya. Hindi siya nakasagot dahil basta nalang siya tinangay ni Luna pabalik sa kanilang table. Nag patianod nalang din siya but when she's infront of them basta siya natigilan at tila tuod nang makita si Jay na naka-upo katabi ng mga Kuya niya. Parang tumalsik ang konteng kalasingan niya ng mag tama ang mga mata nila. Kung hindi pa siya hinila ni Luna para umupo ay hindi pa babalik ang wisyo niya. Kinikilig siya pero hindi niya magawang ilabas ang kilig dahil baka mahalata siya. Gusto niyang upakan ang kanyang sarili dahil medyo halatado ang galawan niyang pag-iwas sa paninitig ni Jay. “Do you know him?” bulong sa kanya ni Luna. Siniko niya ito para tumigil pero mukhang walang pag-asa na titigil hanggat hindi nakukuha ang sagot niya. “It was him.” nakayuko siya para hindi mahalata kaso biglang tumili naman itong katabi niya. “OMG!” malakas na sambit ni Luna dahilan para magsitinginan ang mga ito sa kanila. Tinapik niya ito sa hita para tumigil. Mabuti nalang at nakinig naman. “May kasamahan ba 'yan? Baka naman makakabahagi.” bulong ulit ni Luna sa kanya. Muli niyang hinampas ang hita nito. Kung kanina tapik lang ngayon hampas na. Parang mabubuking siya ng wala sa oras dahil sa kaibigan niyang madaldal. Mabuti nalang din at nasa dance floor pa ang dalawa. Baka lalo nang naghalo ang balat sa tinalupan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD