BROKEN

1409 Words
-ASTRA- “DEAN! Paki-usap, huwag na huwag mong ituloy 'yan! Pwedi nating pag-usapan ang lahat ng mga nangyayari ngayon. Don't do that please.. We love you our younger princess. Please..bumaba kana diyan.” samu't-saring paki-usap ang naririnig ko mula kay Kuya Caelum. He is not like that. Hindi soya gano'n kung makipag-trato sa akin. Ngayon lang kung kelan pinaplano kong tapusin amg aking buhay. Dahil sa mga ibat-ibang emosyon na nararamdaman ko ngayon parang hindi na tanggapin ng pandinig ko ang bawat paki-usap ng mga taong naririto ngayon sa condo unit ko. Tears fell again while reminiscing the memories of us when I first met my first love. It was an accident pero hindi ko sukat akalain na magiging magandang memory iyon para sa akin. Biglang bumalik sa alaala ko yoong time na unang nakita ng mga mata ko si Jay. On that day mas in-advanced ni Lord ang kahilingan ko. Ang simple kong kahilingan na kahit hindi ko pa birthday no'n ay talagang ibinungad na niya sa akin si Jay. And that day my eyes only stuck up on him. Kahit nakahiga pa siya sa gitna ng parking area na walang kamalay-malay. Kahit yoong mga tao na nasa paligid namin ay kabado na dahil nabangga siya ng kotse na minamaneho ni Kuya at sakay pa ako do'n. Mas pinag-igi ko pa na titigan siya kaysa sa mag panic dahil nahimatay siya nang makasalubong niya ang kotse ni na sinasakyan ko. It's an unbelievable memories back then. Hindi ko malilimutan ang tagpong iyon. At yoong araw na yo'n ang hindi ko malilimutan. Pinakamasayang araw ko 'yon noon at ngayon iba na. Malungkot na ako ngayon. Kasing lungkot ng mga punong kahoy na hindi nakakaranas ng sikat ng araw. Katulad ng petsa at buwan noon ay tila isang panaginip nalang ang lahat ngayon. Kung anong saya ko noon nang makita ko si Jay ay siya namang lungkot ko ngayon dahil hindi ko na nakikita si Jay. The Jay Mallari that I loved before until now. The Jay that caught my careless attraction. At hindi ko namalayan na naagapan na pala ako ng mga taong nasa paligid ko. Dahil sa matinding pagbalik ng aming nakaraan hindi ko naramdaman na naipasok na pala ako dito sa loob ng unit ko. Iyak, hagulhol na pag-iyak at minsan napapatawa ako ng lihim at bigla na namang iiyak dahil sa mga tumatakbong isipin sa aking isipan. Pinakamasayang araw ko 'to dapat eh! Dapat kung may luha man na dumadaloy sa aking pisngi dapat luha ng kasiyahan lang 'yon pero hindi eh! Luha ng hinagpis sa madaling sabi. Luha ng sakit at pagkabigo. Luha na kahit ilang beses ko pang pilitin na pa-ampatin ay hinding-hindi masisindak para tumigil. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakahiga dito sa sofa. Nakabaluktot at parang hindi man lang nakakaramdam ng ngalay dahil sa ilang oras na pagbaluktot ko dito. Madilim na sa labas at malamig na rin ang simoy ng hangin dahil sa lamig ng gabi. Hanggang ngayon ay yakap-yakap ko parin ang traje de boda na suot ko. At hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na hindi ako sinipot ni Jay sa araw mismo ng kasal namin. I can't believe that he has the guts to do this such things to me. I don't know what's the reason behind this at mas lalong hindi ko alam kung bakit at ano ang dahilan niya para hindi sumipot sa araw ng kasal namin! “Hindi niya ba ako mahal? Ipinalit niya ba ako sa iba? May na anakan ba siya? Ano!? Anong dahilan niya!” naiiyak kong tanong kay Luna, Shelly at Apprecia na magkakatabi at nag-aalalang naka-upo sa kabilang sofa. Naririnig kong patuloy parin nanggagalaite sa galit si Daddy na nasa sala lang. Biglang lumapit si Apprecia sa akin. Hinawi niya ang mga tapon kong buhok na nakaharang sa aking mukha. Basang-basa ang pisngi ko dahilan para mag dikit ang mga hibla ng buhok sa aking pisngi. “Alam namin kung gaano ka nasasaktan ngayon at apektado kaming lahat sa nararamdaman mo. But you need to be strong and face those problems. Hindi makakatulong sa'yo ang pagiging mahina mo Dean. Mas lalo lang nagagalit si Tito Jaxx dahil sa pinapakita mong kahinaan. Look, he is so furious until now at ando'n ang mga Kuya mo to calm him down. Si Tita Dianne nasa hospital dahil nahimatay kanina at kailangan ng presenya mo do'n to make her calm also. Astra Dean naman...” paliwanag ni Apprecia sa akin pero para akong bingi na hindi man lang naririnig at naiintindihan ang mga sinasabi niya. Umupo ako at nag dahan-dahan na umiling-iling habang pinapalis ang luhang nagsisimula na namang dumaloy sa aking pisngi. “I can't...” umiiyak kong sambit. Napasinok ako kaya natigil pansamantala ang paghagulhul ko. “I think...I can't do what you want for me. H-hindi niyo ako naiintindihan...” patuloy kong imik habang nasisinok. Lumapit agad si Daddy sa puwesto namin pero hindi man lang ako tumigil sa pag-iyak bagkus inangat ko pa ang paningin ko sa kanya. Nakikita ko kung paano nag iba ang kanyang hitsura ng makita akong umiiyak kaya mas lalo na akong naging agresibo na ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko at kung pweding isagad ko na hanggang sa dulo ay gagawin ko para kahit pagsapit ng umaga ay hindi ko na maramdaman ang mga sakit na pilit kong iniinda ngayon. “Dad..” garalgal kong tawag sa Ama ko. Lumuhod siya sa harapan ko at hinimas-himas ang aking mga kamay. I feel his presence. I feel how devastated he is right now but I don't care anymore. Tatanggapin ko ang galit niya pero hindi niya maiitanggi sa akin nasaksihan niya rin naman kung gaano kami nagmamahalan ni Jay. We're almost there pero bakit? Until now hindi ko parin talaga alam kung bakit ako iniwanan ng lalaking mahal na mahal ko. He loves me and I love him. “Dean, you need to fix yourself right now. Kailangan ka ng Mom mo doon sa ospital. Don't stress yourself para lamang sa lalaking 'yon—” “But Dad...You know Jay. Hindi lang siya basta lalaki sa buhay ko. He is my life. Sa kanya umiikot ang mundo ko, Dad. You know that diba?” “Siya ang buhay mo pero nagawa ka niyang iwanan at hindi siputin sa araw ng kasal niyo then you still trying force your feelings for him? You're still trying to say that he is your life, eh siya nga hindi ka ginagawang mundo niya. Come to think of it, Dean! Hindi ka niya mahal kasi kung mahal ka no'n hindi niya magagawa ang lahat ng ito. Sisipot at sisipot siya kahit may mga humarang pa sa kanya. Kahit mga armado pa yo'n ibubuwis niya ang buhay niya para lamang makapunta sa araw ng kasal niyo!” sunod-sunod na sabi ni Dad. I know na galit lang siya kaya niya nasasabi ang mga 'yon. Boto siya kay Jay pero sa halip na pagaanin ang loob ko mas sinisiraan niya pa si Jay. Naguguluhan na ako. I don't know what to do. I can't live without Jay. Hindi ko kaya. I can't. “I'm sorry Dean because I won't let your current situation swallow you up. I will not allow that man to turn your world around. May pamilya ka at mga kapatid. Mga kaibigan na naririyan palagi if you need them. Kasal lang 'yan at pwedi mo pa 'yan maranasan sa ibang lalaki na deserving sa pagmamahal mo not to him na duwag.” parang gusto kong takpan ang aking mga tainga para lang hindi marinig ang mga susunod na sasabihin ni Dad. He is mad at malapit nang masagad ang galit niya. Hindi ba nila ako naiintindihan? Kung tunay silang nagmamahal bakit hindi nila ako kayang initindihin. Hindi ko naman hinihiling ang ganitong klaseng sakit pero bakit kusang ibinigay sa'kin? Gano'n na ba ako kasama noon para parusahan ng ganito ngayon? Wala naman akong sinaktan o pinatay noon para magdusa ng ganito ka higpit. Nagmahal lang naman ako eh. Masama ba 'yon? Iyak ang tanging naisagot ko sa Ama kong papalayo na ang bulto. Ang dalawa kong kapatid ay hindi maipinta ang mga mukha habang titig na titig sa akin. At ang mga kaibigan kong kanina pang nag-aalala sa'kin ay mukhang nanawa narin kaka-alo sa akin. At ako? Heto, wala paring katapusan na kinukwestyon ang mga nangyayari sa akin ngayon. I am broke. Really broken.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD