UNANG araw niya sa Cebu kung saan probinsiya iyon ng kanyang Mommy at Daddy. Ang dalawa niyang Kuya ay kasama niya din dahil sila ang inatasan ng kanilang Daddy na pansamantalang mamahala ng kanilang sariling negosyo. Ace Mall Cebu Branch ang nag-iisang kilalang Mall sa City ng Cebu. Bakasyon niya ngayon at isang buwan pa ang itatagal nang pahinga niya bago siya bumalik sa University na pinag-aaralan niya sa Manila. She is taking a course of Business Administration. Like her Mom and Dad dumadaloy sa dugo niya ang pagiging negosyante. His two brothers is also a business man. His Auntie Maxine and Uncle Kale is also a business elite. Maliban nalang sa pinsan niyang si Knoxx Alastair na tumiwalag sa pagiging negosyante nilang magpapamilya.
“Hey! What are you doing at this hour?” untag sa kanya ng Kuya niyang si Sirius. Panganay sa kanilang tatlo. Tinanggal niya ang anti-radiation niyang salamin bago niya kinusot-kusot ang kanyang mga mata. Alas singko palang naman ng umaga pero bakit nag-aapura na itong Kuya niya?
“Bakit?” patay malisya niyang tugon sa kanyang Kuya.
“Bakit mo mukha mo. Tanghali na Astra, get up and make yourself ready.” supladong anas sa kanya ng kanyang Kuya Sirius. Napabuntong hininga na lamang siya bago in-off ang kanyang cellphone.
Pagkatapos niyang maligo at mag bihis ng pormal na damit saka siya nag blower ng kanyang buhok and after five minutes bumaba na siya.
Hindi na siya nag abala na hagilapin ang mga Kuya niya dahil alam niyang nasa ibaba na ito at naghihintay sa kanya. His Kuya Caelum is always an early bird unlike to her and to his Kuya Sirius na palagi nalang tinatanghali. His Kuya Sirius is always waiting to her. Responsibilidad siya ng kanyang nakakatandang kapatid kahit pa sabihing palagi silang hindi magkasundo. Palagi silang nagbabangayan at nag aangilan.
“What's your plan?” Untag sa kanya ng Kuya niya. Nasa kotse na sila at nagsisimula nang bumyahe papunta sa Ace Mall. Hindi niya alam ang tinutukoy nito kaya tiningnan niya lang ito na para bang hinahagilap sa kaisipan niya kung ano ang tinutukoy ng Kuya niya.
“In your birhday,” segunda nito. Now she gets it. Tumango-tango siya bago ibinalik ang paningin sa kanyang cellphone.
Two days from now is her birthday. Magiging ganap na siyang bente anyos at sa araw na 'yon ay tutuparin niya ang ipinangako niya sa kanyang sarili.
“I don't know, Kuya. Ayaw ko ng party. Gusto ko mag chill-chill lang pero how kung andito parin ako sa Cebu?” tila may hinampo niyang sagot sa Kuya niya.
“What do you want?”
“I want my friends here.” aniya. Ang tinutukoy niya ay ang mga bestfriends niya. Ang mga ka-edaran niyang anak ng mga kaibigan ng magulang niya.
“Then tell them na pumunta dito.”
“Baka hindi sila payagan.”
“Ako ang bahala. But...” napatingin siya bigla sa kanyang Kuya. Alam niyang hindi ito nagbibigay ng tulong na walang kapalit.
“But, what?”
“Nothing. Forget it,” he said.
Habang nasa byahe sila hindi niya mapigilan na hindi i-video ang nadadaanan nilang festival na nasa tabi lamang ng kalsada. Fiesta ng bayan kaya siguro may mga ganap na gano'n. She likes to video anywhere and everywhere. She likes to capture any beautiful scenery just like her mother who always appreciating the beauty of nature who our God's created.
Bago sila makapasok sa parking lot ng kanilang Mall hindi niya maiwasan na hindi mapabaling sa isang tent na nasa labas ng kanilang Mall. Napapalibutan ng mga tao ang tent na iyon dahil sa mga nakaka-indak at nakaka-wiling tugtug. Tila may isang event sa at namimigay ng promo's discount ang mga ito. She loves the sound of music who currently playing.
“Anong meron do'n, Kuya?” may pagtataka niyang tanong kay Kuya Sirius niya. Nag preno tuloy ito para makimasid narin.
“They wanted to do some stuff to sell their products. Nagbibigay sila ng discounted promo's para mas lalong maging mabenta ang kanila produkto.” paliwanag nito sa kanya. Napatango-tango siya. His Kuya is expert when it comes to business matters like his father ang Kuya Sirius niya ang nakamana dito. Mabusisi at alam na alam ang lahat.
“Eh, hindi ba nakaka-apekto sa Mall natin ang ginagawa nila? Ka-kumpitensya natin sila, Kuya.”
“Don't think about like that, young girl. Nag hahanap buhay lang din sila at katulad natin kailangan din nila ng pera to sustain their daily needs.” nangunit ang noo niya pero madali lang naman. Sa lahat ay ang pinaka-ayaw niya ay yoong tinatawag siyang young girl. She not like that anymore. Bakit ba kasi nasasanay ang mga ito na tawagin parin siya ng gano'n!
“Yeah I know, Kuya. I mean hindi ba 'yan nakaka-apekto sa atin? Nasa labas sila ng Mall natin at sa halip na papasok ang mga tao sa loob mahaharang nila at sa kanila na bibili.”
Ini-start na ulit ng kanyang Kuya ang engine ng sasakyan at sinimulan nang paandarin papasok sa parking lot. Hindi siya nag-aaral para walang malalaman. Unti-unti na niyang natututunan ang pagiging negosyante kaya may mga kuryusidad din siyang tinatanong.
“Don't make them competitors dahil lamang inaagawan nila tayo ng costumers. That's a part of business at yang pinupwestuhan nila ay hindi na sakop ng ating lupa kaya wala tayong karapatan na paaalisin sila.” pag papa-intindi nito sa kanya. Naiintindihan niya at wala siyang balak na tratuhing kalaban ang mga iyon. Curiousity always hit her kaya nagtatanong siya.
He admires his two Kuya's dahil alam niyang manang-mana sa Mommy niya ang mga ugali ng mga ito. Kahit siya ay hindi niya maiikaila na namana niya ang kabaitan niya sa kanyang Mommy. But, not all. Dahil pagdating sa business ay kuhang-kuha ng mga ito sa Ama nila ang ediya at pagiging eskperto sa pag ha-handle ng negosyo. May halong kapilyuhan at kapilyahan ang bawat ugali nilang magkakapatid pero nilalagay nila sa lugar lalo kapag nasa paligid lang nila ang kanikang Daddy.
She is the younger among the three of them. The only Unica Hija of Jaxxon Kade and Dianne Ace Ibarra. His two brother is Sirius Ibarra and Caelum Ibarra. Mayaman at kilala ang ang pamilya nila but she's not a spoiled brat. She is simple. Hindi mahirap pakisamahan at marunong siyang makihakubilo sa lahat. Ka level niya man o hindi. She's a down to earth woman. Her circle of friends is too small at yo'n ang gusto niya. Wala siyang ibang kaibigan kundi ang mga anak lang din ng mga kaibigan ng magulang niya.
“Shít!” sabay silang napamura ng kanyang Kuya nang biglang sumulpot sa pakurbang daan ang isang lalaki. “Nabangga natin Kuya!” Natataranta niyang anas bago kinalas ang seat belt na suot niya bago pa tuluyang bumaba para daluhan ang isang lalaking nakahandusay sa harapan ng kotse na minamaneho ng Kuya Sirius niya.