SOFB —PAGTATAKA—

1553 Words
-ASTRA- ILANG ARAW din ang dumaan at naging busy ako. Hindi na ako malimit umuwi sa Mansion dahil ginagabi na kami kung matapos sa pag pa-practice ng mga gagawin namin sa graduation. One week nalang at graduation na namin and as a class president responsibilad kong mamuno sa mga kaganapan sa aming eskwelehan. At nakakapanibago lang dahil simula nang huli naming pag-uusap ni Jay no'ng beach fest sa resort nina Shelly hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang bulto niya. For me it's okay narin dahil hindi na niya magagambala ang sestema ko but half of me is missing him. I want to be honest in the first place that night. Oo, kahit ilang buwan palang kami na magkakilala pakiramdam ko napagod agad ako. Or maybe it's my way to make him look like I'm hurt too. Na hindi lahat ng oras hahabol ako sa kanya kahit pa sabihing matindi ang tama ko sa kanya. Sa totoo lang. Wala namang pinagbago eh. Akala ko kapag sinabi ko ang lahat ng 'yon sa kanya that night mag-iiba na ang nararamdaman ko sa kanya but I was wrong. Mas lalo ko lang siya minamahal lalo na kapag hindi ko siya nakikita. Mas lalo ko lang siya nami-miss kapag ganitong hindi siya nag paparamdam. It's okay for me na nakikita siya sa campus kahit galit-galitan ako and by that my day is completed. At oo, marupok na ako kung marupok. Wala, eh, matindi ang tama ng mga mata ko sa kanya. Malakas ang tíbok ng puso ko sa kanya. Siguro nga gano'n talaga ako magmahal. Sumusugal na agad kahit wala pang label. Nasasaktan na agad kahit alam kong ako lang ang nagmamahal. Masasaktan ako. Iiyak ako. Magagalit sa kanya at magtatampo pero siya parin. Siya at siya parin. “Huy, sigurado ka bang okay ka lang na ikaw lang mag-isa dito sa condo mo?” may pag-aalalang tanong sa'kin ni Luna nang ihatid nila akong tatlo. Wala akong dalang kotse dahil pina-ayos ko pa kanina sa mikaniko. Mag-iisang linggo narin pala akong dito natutulog sa aking condo. May condo unit din naman dito si Kuya Sirius at Kuya Caelum kaya no worries ako. Mismong si Mom ang nag decide na ipa-member din ako ng VIP dito dahil bukod sa andito din ang dalawa kong kapatid ay malapit lang din ito sa campus at sa Mansion. It is also an exclusive condominium. “Wow, ha. Akala mo naman hindi siya independent na tao kung makapag-tanong sa'kin. We're the same gals and besides. I am enjoying this kind of life kaya oks na oks lang ako dito. Strong and independent woman kaya 'to.” pabiro kong sagot kay Luna habang nakatingin at tila natatawa pa sa'kin si Apprecia at Shelly. Umismid si Luna na para bang hindi kumbinsido sa sinabi ko. “Strong and independent woman daw. Eh, kung umiyak naman ng lihim ay wagas. 'Wag kami Ibarra parang hindi ka nag mana kay Tito Jaxxon, ah.” natatawang sabi ni Luna na naging dahilan ng tawanan nila. Ako naman napanguso nalang. Sinasabi ko na eh. Dapat hindi ko pinapakita sa kanila ang kahinaan ko. Ayan tuloy, binu-bully na naman ako! “Mga bully na kaibigan.” bulong kong saad habang inirapan sila. “Oo, na. Mana na tayong apat sa mga Ama nating mga romantikong marurupok.” Walang prenong sabi ni Apprecia. Napatingin ako sa kanila at saka pa napatawa ng malakas dahil sa kanyang sinabi. Yeah, she's true. We are like to our fathers. And we inherited their fragility. Marurupok daw silang magkakaibigan noon. We know their every love story back then. Hindi ko lang alam sa mga lalaking kapatid namin kung gano'n din sila. “Sige na, umuwi narin kayo. Bukas nalang ulit, same time.” taboy ko sa kanila habang kinakalas ko ang seat belt. Pagkababa ko ng kotse ni Luna nag flying kiss lang ako sa kanilang tatlo bago pumasok ng gate pero natigilan ako ng maalala kong wala pala akong kakainin ngayon dahil hindi pa ulit ako nakapag-grocery. So I decided first go to the nearest convenience store para bumili ng aking makakain. Matao pa naman sa labas dahil alas nuebe palang naman ng gabi. Malapit lang din naman dito sa labas ng condominium ang seven eleven at mini stop kaya hindi rin ako mapapagod kung sakali. And it's refreshing walking at this hour. Hindi mainit at makakapag-exercise pa ako. I ordered bucket meals and some siopao and donuts. 'Yon lang naman para maka-survive ako this night. Kontento naman ako sa pagkaing gano'n lang dahil una sa lahat hindi ako pihikan. Dito narin pala ako kumain sa loob ng convenience store para pagdating ko mamaya sa unit ko mag ha-half bath nalang ako at tutulog na. “Yes?” walang galang kong sagot kay Kuya Caelum nang makita kong tumatawag siya sa phone. “Where are you at this hour, huh? Wala kapa dito sa unit mo.” pasuplado niyang tanong sa'kin sa kabilang linya. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago uminom ng tubig bago pa siya sinagot. “Andito hu ako sa seven eleven. Kumakain hu ako ng hapunan dito. Bakit ba?” naiirita kong sabi sa kanya. Nakikinita-nita ko tuloy ang hitsura niya sa tuwing gano'n ang mga sagutan ko sa kanya. “Damn, Astra. Hanggang ngayon hindi ka parin pala nakakapag-grocery? God, papatayin mo ba ang sarili mo?” nakukunsumi niyang angil. Napangiwi ako sabay layo ng aking phone sa aking tainga dahil sa lakas ng kanyang boses. “Are you inside my unit? Kuya naman! Don't you know what privacy is? Gigil kong anas. Uminom ulit ako ng tubig bago nilayo sa harapan ko ang styro na pinagkainan ko. Mabuti nalang at naubos ko agad ang pagkain ko dahil kung hindi pa masasayang lang dahil mawawalan na ako ng gana dahil sa kausap ko ngayon. “Lumabas na ako okay? Pinapa-check ni Mom kung may stocks kapa ng pagkain that's why I came here inside your unit, okay?” sagot niya. Nabunutan ako ng tinik ng marinig ang sinabi niya. Hindi sa ayaw kong pumapasok siya ng unit ko dahil sanay naman ako. Nakalimutan ko lang talaga i-lock ang pintuan ng kuwarto ko at baka makapunta pa siya do'n at makita niya ang mga nakabalandrang litrato ni Jay na nasa salamin lang nakadikit. And yes, may spare key si Kuya Caelum at Kuya Sirius sa unit ko. Si Mom at Dad ang nag decide sa gano'ng bagay. In case of emergency purposes only. Kahit ako din naman merong spare key sa mga unit nila and minsan pumapasok din ako ng walang paalam kapag alam kong wala sila doon. Pagkatapos ng aming konteng angilan saka ko pa kinain ang donut at siopao na binili ko. I feel full kaya hindi pa agad ako nakalabas ng store. I enjoying staring outside. Napatutok ang paningin ko sa dalawang batang babae na naglilimus sa labas. Hindi sila pulubi na masasabi dahil ang ayos naman ng kanilang suot. Hindi ko din masasabing batang kalye sila dahil mukhang ang gagara naman ng kanilang mga gamit. Mukhang naubusan lang sila ng pera kaya they need to pleased para mabigyan ng konte at dahil bigla akong naawa sa kanila kaya inayos ko na ang aking mga gamit para mapuntahan sila para alamin kung ano ang kailangan nila para maka-uwi na sila. Nang makalabas na ako ng store hinagilap sila ng paningin ko pero hindi ko na sila makita hanggang sa malapit na akong makapasok ng gate nilingon ko ulit ang kinatatayuan nila kanina. Wala na sila but as always napatigil ako nang makita ko si Jay! At katulad parin ng dati kumabog ng mabilis ang aking dib-dib. Napatuptop pa ako sa aking bibig sabay mabilis na nag tago sa isang puno ng makita na tumingin siya sa direksiyon ng kinatatayuan ko. Kinabahan ako bigla dahil sa hindi malamang dahilan. At bigla nalang ako umayos ng pagkakatayo nang ma-realize ko kung bakit nga ba ako nagtatago eh wala naman atraso oara mag tago! Sinilip ko siya ulit at nakita kong kausap niya ang dalawang bata na nakita ko kanina. “Kilala niya?” bulong ko sa aking sarili pero nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko. “Palagi po 'yan nagbibigay ng pagkain at pera sa mga batang humihingi, Ma'am.” sabi ni Manong guard na nasa likuran ko. Palagi? So it means, andito siya palagi sa labas ng condominium? Hindi ako nakasagot. Para makaiwas sa kahihiyan dahil sa ginawa kong pagtatago sa puno bagkus inayos ko ang aking sarili bago ulit itinuon ang paningin sa mga bata habang masayang nakikipag-apiran kay Jay. “Kilala niyo po ang lalaking 'yon?” may kuryusidad kong tanong sa guard habang nakatingin parin sa direksiyon kung nasaan si Jay. “May isang linggo na po 'yang tumatambay diyan, Ma'am. Hindi ko po alam kung may inaabangan siya dito mula sa loob o baka good Samaritan lang din po siya dahil binibigyan niya ng pagkain ang mga batang musmos diyan. Umaalis din po 'yan kapag mga bandang alas onse na ng gabi.” kuwento ulit ni Manong guard. Nakagat ko pa ang aking ibabang labi dahil sa mga narinig kong sinabi ni Manong. Iniisip ko tuloy kung sino ang inaabangan ni Jay dito. Kaya ba hindi ko siya nakikita sa campus kasi napupuyat siyang mag-abang ng kung sino dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD