SOFB —REALIZATION—

1184 Words
-ASTRA- “BAKIT hindi mo sinabi na disk jockey pala siya dito?” bulong ko kay Shelly nang matanaw ko si Jay hindi kalayuan dito sa cottage na inuukupa namin. Sobrang hina lang talaga ng pagkakasabi ko kay Shelly dahil baka marinig ng kanyang Kuya Ryuku at maging dahilan pa ng pagkalat ng chismis. Hindi ko sinasabi na chismoso si Ryuku. Pero siyempre kaibigan niya sina Kuya at baka may pagkakataon na masabi niya sa mga 'yon. Andito din pala ang Kuya Dismas ni Apprecia. Hindi namin alam kung sumunod sila o baka nauna pa sila sa'min. Nakita lang nila kami kanina kaya heto ngayon, andito din sila sa cottage namin. We have no choice but to stay friendly to them dahil baka maisumbong pa kami sa mga nakakataas. “Hindi ko rin alam okay? At hindi ko rin alam na gano'n na pala 'yan ka sikat para kunin sa mga ganitong big events.” paliwanag ni Shelly. Wala akong nagawa kundi ang hayaan nalang at huwag nalang muna pansinin si Jay. As long as hindi niya ako nakikita dito at hindi niya nalalaman na nandito din ako safe pa ang kaisipan ko. Iwinaksi ko nalang din muna ang mga isiping nangyari kanina sa campus. All I want today is to make fun and enjoy the rest of the night. “Aish!" yamot kong sambit ng makita kung paano kinukuhanan ng picture si Jay ng ilang mga babae kaya paano ko nasasabi na hahayaan ko nalang at huwag pansinin eh kung sa kanyang puwesto palagi bumabaling ng kusa ang aking paningin. Kainis! “Huy, huy, huy?” gulat na awat sa'kin ni Ryuku ng makita kung paano ko nilaklak ng sunod-sunod ang beer na nakita ko lang sa taas ng kawayan na lamesa. Agad ding napatingin sa'kin sina Apprecia, Luna at Shelly. Pati narin si Dismas ay napatingin. May pagtataka nila akong tinapunan ng tingin. “You okay?” tanong ni Ryuku sa'kin. Hindi ako sumagot at basta nalang yamot na umupo sa katabi ni Luna. Akala mo naman walang halong kapilyuhan yo'ng tanong niya. “Sinasabi ko sainyo hindi tayo magkakilala dito at sa lahat ng ayaw ko ay yo'ng mag baby sit ng lasing—” “Then why you two are here?” iritado kong anas bago inirapan si Ryuku ng walang humpay. Hindi naman nakasagot si Dismas at basta nalang umismid at tumungga ng beer. I hate them. They are bully to us. Silang mga lalaki! “Fine. Do what your wants.” sagot ni Ryuku. Ayaw kong makipag angilan sa kanya kaya hindi na ako sumagot at pinabayaan nalang silang dalawa ni Dismas na tumambay dito sa cottage namin. “Tara, sayaw tayo?” yakag sa'kin ni Apprecia kaya tumayo narin ako. Pati si Luna at Shelly ay tumayo narin para sumama sa'min. Inirapan ko si Ryuku bago siya nilampasan pero sa halip na makagante ako mas lalo lang ako nabuwesit dahil sa tawa niyang nakaka-asar! “Huwag mo nalang kasi pansinin si Kuya.” sabi ni Shelly sa akin. “Alam mo naman kung gaano kagaling mang-asar 'yon.” segunda niya. Malalim na paghinga ang sagot ko sa kanya. Fine. Oo na, kahit medyo napupuno ng kaasaran ang buong araw ko ngayon. Beach party so expected na dapat nakasuot din kami ng bikini. May ibubuga din naman ang mga katawan namin kaya yes, we are wearing bikini's. Juice lang din ang iniinom namin dahil mahirap na kapag nahihilo habang sumasayaw. We dance. We sing. We are hyped in the middle of a chaotic and noisy resort. We enjoyed the night jumping while following the beat of the music. Nakikipagsayawan sa gitna ng maraming tao na hindi namin kakilala until I didn't realize that we were in front of the stage. Mahingal-hingal kaming napatigil na apat. Halos nanginginang ang mga pawis namin sa aming katawan dahil sa ginawa naming pagtalon-talon habang sumasayaw. The music is still playing pero biglang sweet songs ang tumugtug. Napatigil ang mga tao at kanya-kanyang hanap ng mga makakpareha para isayaw sa gitna. Medyo napahiya kaming apat kaya unti-unti kaming tumabi sa gilid at kanya-kanya kaming umupo. Nai-enjoy ko ang manuod ng mga sumasayaw sa gitna habang feel na feel nila ang sweet song. Nakakaramdam ako ng panglalamig dahil madilim narin naman. Malakas ang ihip ng hangin pero hindi ko aakalain na sesegundahan ng kung sino ang iniisip kong pagyakap sa aking sarili. “Malamig na pero nakasuot ka parin niyang masakit sa mata.” may pagka-iritadong sabi ni Jay sa'kin habang pinapatong sa katawan ko ang jacket niyang kanina lang ay suot-suot niya. Hindi ako nakapagsalita at basta nalang napa-awang ang aking mga labi dahil sa gulat. Napatingin ako sa mga kaibigan ko pero kagaya ko gano'n din ang reaksyon nila. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako tumayo at nagkukumahog sa yamot ang dib-dib habang naglalakad pabalik sa aming cottage. “Problema?” habol sa'kin ni Jay matapos niyang hagipin ang kamay ko dahilan para mapaharap ako sa kanya. Dahil sa iritasyon naitapon ko ang jacket niya. “Ikaw. Ikaw ang problema ko.” asik ko habang nag uumpisa nang mag-init ang mga mata ko. “Ang sabi mo kagabi itigil ko na yang pagkagusto sa'yo! Tapos itong tinitigil ko na ikaw naman yo'ng sunod ng sunod sa'kin. Pa fall ka eh, alam mo 'yon?” yamot kong sabi sa kanya. Halos habulin ko na ang hininga ko dahil sa sunod-sunod kong pagkakasabi. Hindi siya nakapagsalita kaya hindi narin ako at inayos ko nalang ang sarili ko. “Masakit sa mata yang suot mo kaya nilagyan lang kita ng jacket.” “Kalokohan.” ani ko matapos mapatawa ng konti. “Lumalayo na nga ako sa'yo tapos ikaw 'tong lapit ng lapit—” “Bakit ba kasi nandito ka?” iritado niyang tanong sa'kin. “Malamang, resort 'to nina Apprecia.” Hindi siya nakasagot. Nilampasan ko siya ng makita kong dinampot niya ang jacket pero nahagip niya ulit ang palapusuhan ko. “Ano ba Jay?” asik ko sa kanya. “Mag jacket ka.” suplado niyang tugon. “Ayoko!” giit ko. “Alam mo, nakakapagod kang mahalin kung alam mo lang. Hinahayaan ko ang sarili ko na gustuhin ka dahil gusto ko kahit ayaw mo pero nakakainis dahil hindi ko namamalayan na mas lalo lang ako nagkakagusto sa'yo kahit sobrang sungit mo pa sa'kin. Pero ngayong pagod na ako, ayaw ko na Jay. Sorry, dahil na realize ko na hindi rin pala dapat ako lang. Na dapat ako nalang palagi. Dahil kahit kailan yata hindi mangyayari na... ikaw naman sana.” inilayo ko ang jacket na naka-aro sa harapan ko bago ko siya tuluyang tinalikuran at nag diretso akong lumakad papunta sa cottage namin pero hindi pa ako nakakalayo sa kinatatayuan niya ng marinig ko ang sinabi niya. “Ngayon alam ko na. Ganyan ka pala kabilis mapagod,” mahinang sabi niya dahilan para lingunin ko siya. Mapait siyang ngumiti bago ako tinalikuran at naglakad pabalik sa karamihan. I don't know what he is talking about. He is confusing me. And also he is giving me upside down thoughts.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD