SOFB —NATATARANTA—

1112 Words
-ASTRA- SADYANG binalak kong mag pa-abot ng gabi at hindi nag pahatid sa mga kaibigan ko para malaman ko mismo kung bakit gabi-gabi nalang si Jay naroroon sa labas ng condominium. Hindi ako pinatulog kagabi ng isiping iyon kaya dala ng kuryusidad ay naisipan kong ayain muna sa bar si Shelly at Luna. Si Apprecia ay nauna nang umuwi dahil masama ang pakiramdam. We hang out until ten PM. Medyo naka-inom kaming tatlo pero keri pa naman na maka-uwi and like I said hindi ako nag pahatid sa kanila even they insisted. Nag dahilan na lamang ako na susunduin ako ni Kuya Sirius at nakumbinse ko naman sila. “Manong dito nalang po ako sa tabi bababa.” imporma ko sa driver ng taxi. May kalayuan pa ito sa condominium at ilang lakad parin bago marating ang convenience store. No'ng una may pagtataka niya pa akong tiningnan dahil bakit sa dilim na bahagi pa ako kailangan bumaba kung pwedi naman doon sa may bandang poste. “Salamat, po.” ani ko sabay abot ng aking bayad at hindi na kinuha ang sukli. Pagkababa ko ay inayos ko pa muna ang aking sarili. Sinuot ko ang cap na pinahiram noon ni Jay bago ko pa isinaklob ang sumbrero ng suot kong jacket. Inumpisahan kong lumakad ng nakayuko pero may pagkakataon naman na iniaangat ko ang aking paningin para aninawin kung naroroon na ba si Jay. As I expected, I saw him. Nakatayo habang nakasandal ang likuran sa may poste habang ang isang paa ay nakapatong din sa poste habang humihithit ng sigarilyo. Naka-all black ang suot niya. Naka-hoodie at pants at sapatos. He is like a trasher guy at sa pormahan niya na 'yon nakaka-astig siyang tingnan. “Tumigil ka nga Astra! Gabing-gabi na pero muntanga kang nanglalambot na naman sa nakikita mo!” impit kong paninermon sa aking sarili habang inaayos ang hoodie na suot ko. Mabilis akong pumasok sa store nang makita kong nakasentro lamang ang paningin ni Jay sa direksyon ng guard house kung saan ang katabi niyon ay entrance na papuntang condominium. Bumili ako ng tubig at patalikod na ininom ng isang lagukan. Nakikita ko siyang panay-panay ang tingin sa kanyang relo at parang inip-inip na sa kung sino man ang hinihintay na dumating. It's already pass eleven and as the guard said last night umaalis din siya ng mga bandang alas onse ng gabi pero bakit hanggang ngayon ay nandito parin siya? May kakilala ba talaga siya sa loob kaya palagi siyang nandito nag aabang? At sino naman aber? Dahil sa inip ay napagpasyahan kong lumabas na ng store. Nakasuot parin ako ng cap pero yo'ng hoodie ay tinanggal ko na. May kalayuan naman siya sa puwesto ko kaya malabong makikita niya pa ako. “Hi!” untag ko sa batang babae na nakita ko kagabi. Andito sila ulit at nag titinda pala sila ng balot at penoy. Iba na ang kasama niya at sa tingin ko Nanay niya ito. May pagtataka nila akong tiningnan pero na agaw ng paningin ko ang balut na nakalagay sa isang malaking bilao habang walang humpay na umuusok dahil nakapatong ito sa isang kaserola na may kumukulong tubig. May nilagang mani din kaya mas lalo akong natakap. “Pabili po ng bente piraso na balut at sampung piraso na penoy at halagang isang daan piso po na nilagang mani.” nakangiti kong sabi sa kanila. Namilog pa ang mga mata ng bata dahil tila nabigla sa aking sinabi. Lihim akong napatawa dahil binilang ko talaga kung ilang pirasong balut at penoy nalang ang natitira saka ko sinabi kung ilan ang bibilhin ko. Para maka-uwi narin sila dahil malamig na dito sa labas dahil sa lamig ng pang-gabi na hangin. “Kayo po ang kakain niyan lahat, Miss, Ganda?” takang tanong ng bata sa'kin. Nakita kong tinapik siya ng kanyang Nanay kaya napatawa ako. “Oo, matakaw kasi ako sa mga ganyang pagkain.” sagot ko na lamang. Kumakain naman talaga ako ng balut at penoy at staka ng mani pero hindi ko talaga mauubos 'yon lahat kaya kukuha lang ako ng tig-isang balut at penoy at ilang pirasong mani. Iaabot ko nalang mamaya sa guard house ang iba. Matapos ibigay sa'kin ang mga binili ko ay nag bayad narin ako at hindi na kinuha ang sukli sa isang libo na binigay ko. Habang bit-bit ang isang plastic bag napatingin ako sa direksyon ni Jay kanina kung saan siya nakatambay pero bigo ako ng makitang wala na siya doon! “Naka-uwi na siya?” bulong ko sa aking sarili bago kinagat ang aking ibabang labi habang hinahagilap siya ng aking paningin! Nakita ko siyang kausap ang guard na kausap ko rin kagabi. Mukhang may tinatanong siya! Agad akong yumuko nang pabalik na siya sa direksiyon niya kanina. Kinakabahan ako at hindi alam ang gagawin dahil magkakasalubong kami kapag nagkatain na tatawid ako ng kalsada! Yumuko ako at kunyare may hinahalungkat sa loob ng plastic na dala ko. Nakita ko kung paano pumantay ang mga paa niya sa harapan ko. Natigilan ako at hindi alam ang gagawin dahil mukhang mabibisto niya pa ako ng wala sa oras. “Miss, kapag tumawid ka isentro mo yang paningin mo sa kalsada at baka mabangga ka pa.” walang hisitasyong mungkahi niya sa'kin bago pa ako nilampasan. Halos dumugo na ang labi ko dahil sa sobrang diin kong pagkagat. Para akong tanga dahil sa ginawa kong pagmamadali habang tumatawid sa kalsada papunta sa guard house. Hindi ko siya nagawang lingunin dahil pakiramdam ko ando'n pa siya sa dating puwesto niya kanina. “Manong, balut po.” sabay abot ko ng plastic bag sa kamay ng guard at mabilis na akong pumasok sa loob. Nagulat pa ang guwardiya dahil sa dami ng balut, penoy at mani na binigay ko. Narinig ko siyang nag pasalamat pero hindi ko na siya nagawa pang lingunin dahil baka makita pa ako ni Jay! Saka ako lumingon sa direksyon niya kung kelan hindi na niya ako makikita at gano'n nalang ang pagtataka ko dahil wala na siya doon! Wala na ang bulto niya sa kahit saang bahagi ng tinatambayan niya kanina. “Ang galing niyang mag sungit sa'kin kapag nakakaharap niya ako pero kapag sa iba ang galing niyang mag turan para makaiwas sa aksidente.” Nakanguso kong himakyol sa aking sarili habang papasok ng elevator. “Nakilala niya kaya ako?” tanong ko sa aking sarili ng makapasok ako sa unit ko. “Baka hindi naman dahil balot na balot ako ng jacket at naka-cap pa.” sagot ko rin sa aking sarili habang hinuhubad ang jacket na suot ko. Daig ko pa ang sira dahil tanong ko sagot ko rin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD