SOFB —FALSE HOPE—

1854 Words
-ASTRA- ISANG linggo ang lumipas simula nang huli kong makita sa University si Jay at sa isang linggo na 'yon ay nakatatak parin sa ala-ala ko ang pangbabalewali niya sa akin. Naging busy din ako lately dahil bukod sa mga practice na ginagawa namin for graduation nagagawa ko pa rin na isabay at isingit ang paghahanda dito sa Mansion dahil mamayang gabi ay may gaganaping party dito sa bahay. Anniversary nina Mommy at Daddy kaya punong abala ako pagdating sa mga decoration. Nakasanayan ko nang maging hands on sa mga pag di-decorate sa Mansion kapag may party o kahit simpleng pagtitipon lang. Pero kahit na busy ako hindi ko magawang hindi maisip si Jay. Nakakainis lang dahil sa ilang araw na hindi ko siya nakikita mas lalo akong naging desperada na hanapin ang pangalan niya sa social media at nagbabasakali na may account siya doon. As usual bigo na naman ako. Siguro hindi lang talaga siya mahilig sa social media kaya ni isang account sa kahit anong social apps ay wala siya. “Manang, para saan po ang bakanteng space na 'yan?” tinuro ko ang bakanteng espasyo malapit sa garden. May plastic tables kasi na nakalagay. Mukhang may pinaglalaanan talaga ng espasyo na 'yon. “Hindi ko lang alam kung ano mismo ang ipupwesto diyan, Hija pero ang sabi ng Kuya Sirius mo ay huwag daw gagalawin ang mga lamesang iyan.” Napatango-tango nalang ako bago ibinalik ang atensyon sa aking ginagawang pagsabit ng mga hanging artificial leaves. Umuwi pansamantala sina Kuya Sirius at Kuya Caelum dahil hindi naman talaga nila maatim na hindi uuwi sa tuwing may important party na gaganapin dito sa bahay. Kahit nasa labas pa sila ng bansa ay umuuwi talaga sila. Mabilis kong natapos ang aking ginagawa dahil katulong ko si Manang. Maliban kasi sa inaabot niya sa'kin ang lahat ng kailangan ko ay gumagawa din siya ng iba niyang dapat na gagawin kaya mabilis matapos ang lahat. Pagkatapos namin ni Manang at nang masigurado kong lahat ay okay na saka naman ako nagpunta sa aking kuwarto para makapagpahinga at makaligo narin. Wala naman masyadong bisita nainimbitahan sina Mom at Dad maliban nalang sa mga malalapit nilang kaibigan at mga ibang kakilala. Pagkarating ko sa aking kuwarto imbes na dumiretso sa shower mas inuna ko pang ibagsak ang aking katawan sa kama. Wala eh, parang hinihila akong humiga. Nakatulala lang ako habang naka-sentro ang paningin sa kisame. Ang kaninang mulat kong mga mata ay unti-unting pumipikit hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng ulirat at nakatulog na nga. Halos nag aagaw na ang dilim at liwanag ng magising ako. Agad din akong napabalikwas ng maalala na susunduin ko parin pala ang kaibigan kong si Angelo. “Shít!” anas ko bago pumasok ng shower room para maligo. Minadali ko nalang ang pagligo dahil ang usapan namin ni Angelo na bago mag alas singko dapat nasa JMI Mall na siya para doon ko nalang siya tatagpuin pero anong oras na? Bakit ba kasi nag palamon pa ako sa antok ko! Pagkatapos kong maligo nag suot lang ako ng white shorts na hindi naman kaiklian. Pinaresan ko ng black t-shirt bago sipit na stenilas nalang din ang sinuot ko. Mahilig ako sa ganitong kasuotan. Hindi ako mahilig sa mga dress at bibihira lang talaga ako na mag suot ng mga gano'n. Pagkababa ko nagulat ako dahil marami-rami narin pala ang mga bisita na dumating. Halos mabingi ako dahil sa kaliwat-kanan na mga nagkukwentuhan dito sa loob ng sala bukod pa ang mga nasa labas at idagdag pa ang sounds na tumutugtug doon sa labas ng bahay. Ngiti ang sagot ko sa mga taong bumabati sa akin. Wala akong oras na makipagkamustahan pa dahil nagmamadali ako kaya si Mommy muna ang hinagilap ng aking mga mata. “My, sunduin ko lang po si Angelo.” untag ko sa Ina kong napakaganda. Her smiled is so sweet. Busy siya sa pagpupunas ng mga basong babasagin. Siguro nga sa kanya ko nakuha ang pagiging hands on sa mga bagay-bagay. Nahihiya pati akong umasa sa mga katiwala namin na kung tutuusin ay kayang-kaya ko naman gawin. “Mag-iingat sa pag drive okay? O 'di kaya ay ipasundo mo nalang kay Manong—” “My....kaya ko na po. I will take care po. Nasa JMI Mall lang naman 'yon kaya malapit lang din. I will back in a minute po. Love you, my gorgeous Mommy.” nakangiti kong sabi sa kanya bago pa siya hinalikan sa pisngi. Wala parin ang mga kaibigan ko kaya walang humaharang sa'kin palabas ng bahay. Siguro mamaya pa sila darating kasabay ng mga magulang nila. Hindi ko narin inabala na ilingos ang aking paningin sa paligid dahil wala naman ako masyadong kakilala sa mga naging bisita nina Mom at Dad. Nakita ko sina Kuya Sirius at Kuya Caelum na may kanya-kanyang kinakausap na mga tao. Nagmadali nalang din ako na nagtungo sa aking kotse para makalabas na agad sa Mansion dahil wala na akong ibang naririnig kundi ang malakas na sounds at huntahan ng mga bisita. Pagkarating ko sa JMI hindi nga ako nagkakamali. Nakita ko agad na inip-inip nang naka-upo si Angelo habang hindi na ma-drawing ang mukha dahil sa kainipan. Napatawa tuloy ako habang bumubusina. “Pinoy ka talaga ano?” bungad sa'kin ni Angelo nag makasampa na sa kotse. Naiikom ko ang aking mga labi bago pasimple lang na ngumiti sa kanya bilang paghingi ng despensa. “Sorry, nakatulog kasi ang disney princess.” “As always. Hindi na ako magtataka sa'yo Ibarra.” aniya sabay irap sa'kin. By the way, Angelo De Jesus is my college friend. Our college friend instead. He is a gay pero hindi lantaran. Hindi mahahalata na bakla siya kasi mas macho pa siya sa mga bouncer na nakikita ko sa bar. Totoo. Kung hindi nga lang 'to bakla baka madaming babae nang napaiyak nito. He is handsome. Most of the all girls when we're in college wanted to know him more because of his outside persona. Hindi naman kasi talaga halata na gay siya kasi kahit ang galaw niya ay lalaking-lalaki talaga. Even his voice is also kind of baritone like ordinary man used to be. Hindi rin siya pumipilantik kaya mapapagkamalan talaga siyang lalaki. My family knows him more. Even the family's of my friends knows him. Malapit na kaibigan namin si Angelo kaya kapag may mga okasyon sa aming magkakaibigan ay palaging present si Angelo. “Bakit hindi mo sinabi na madami palang tao dito.” untag niya sa'kin nang maiparada ko na ang kotse sa labas ng Mansion namin. Kitang-kita kasi ang mga bisita na nasa labas ng bahay. “Sabagay...kilala ang angkan niyo kaya hindi na pala dapat ako magtaka.” nakanguso niyang segunda habang tinatanggal ang seatbelt. Pagkatapos naming kumain ng hapunan niyaya ako ni Angelo na tumungo sa isang table kung saan naroroon ang tatlo kong kaibigan. Nagkamustahan narin naman kami kanina pero hindi rin nagtagal dahil kailangan kong ilibot si Angelo sa bahay para ipakita sa kanya ang mga need niyang ayusin na designs. He is a well-known interior designer outside the country that's why I called him also to design my whole room. I like him a lot when it comes to his talent and works. He is a famous though. “Bagay talaga kayo, Dean.” malakas na pagkakasabi ni Luna kaya halos lahat ng mga katabi namin ay nag tinginan sa'min ni Angelo. Napatingin din ako sa kanila at mukhang naniniwala din sila. Seryoso? Hindi ba nila alam na isang gay to'ng kasama ko. “Kilabutan ka nga diyan sa sinasabi mo, Luna.” pasimpleng pang-iirap ang ginawa ni Angelo kay Luna matapos niya itong pagsabihan. Ngisi naman at peace sign ang tinugon ni Luna kay Angelo. “By the way, Dean.” agad akong napatingin kay Shelly. Nakanguso siya sa parteng likod ko at hindi ko alam kung sino ang tinuturo ng paningin at nguso niya. Dala ng kuryusidad ay napalingon narin ako kagaya nina Angelo at Apprecia. As I expected I saw Jay. I know. Alam kong siya ang kukunin ni Kuya Sirius na mag o-operate ng music. Kanina ko lang din naman narinig na kausap siya ni Kuya. And today kailangan kong maging seryoso at hindi dapat halatado na naghahabol ako sa kanya. Hindi ko alam na gano'n na pala sila ka close ni Kuya na kahit saang event siya lagi ang one call away ni Kuya. And I am happy for him dahil hindi siya nawawalan ng sideline habang bakasyon pa. At least in that way natutulungan siya ni Kuya to make a funds on his own sideline. And in that case I am more attracted to him kahit na.... binabaliwala niya ang feelings ko. “Yeah, tropa sila ni Kuya Sirius eh." sagot ko para hindi na sila magtaka kung bakit andito din si Jay. “Pogi, no?” ani ni Luna habang nakatingin sa akin. Naiikom ko ang aking bibig at pasimple siyang pinandilatan para tumigil. “Kaso mukhang mine na.” segunda niyang sabi habang nakatingin sa puwesto ni Jay hindi kalayuan sa'min. Napatingin narin ako dahil sa sinabi niya and I saw Jay talking to a sexy girl while operates the music. Awtomatikong naningkit ang aking mata nang maaninaw lalo kung gaano kalapit kay Jay ang babaeng hindi ko alam kung sinong nilalang 'yon. Sa halip na manggigil ako dahil bigay na bigay ang ngiti ni Jay sa babae habang nag-uusap sila mas lalo lang ako nakaramdam ng panglulumo at agad na napatanong sa aking isip. Nakakainis lang kasi ni minsan hindi siya ngumingiti sa'kin ng gano'n. Am I not his type? Masyado ba akong desperada kaya masungit siya sa'kin? Masyado bang lantaran ang feelings ko sa kanya para baliwalain niya ako ng gano'n? Nagitla ako nang basta ako hilahin patayo ni Shelly. Nag paalam siya na mag papasama kunyare papunta sa cr kahit alam na alam naman niya kung saan iyon. “Bakit ba kasi?” takang tanong ko sa kanya ng makarating kami sa loob ng bahay. “I know you like him a lot Astra Dean at hindi mo 'yan maiitanggi sa'kin. Nakakahalata narin sina Apprecia at Luna pero syempre to the rescue ako do'n to defend you're desperate feelings for him.” paliwanag niya kaya mas lalong akong nagtaka. “Ano ba kasi 'yon?” pabulong kong sabi bago pasimpleng inuli ang aking mga mata sa magkabila kong gilid dahil baka kako may nakakarinig sa'min. “What if paselosin mo si Jay to prove that he has also a feeling for you?” suhestiyon niya. “Seryoso ka? Sino naman?” “Lalayo pa ba tayo? Si Angelo.” bulalas niyang sabi. Napatawa ako bigla dahil sa suhestiyon niya. Naiisip ko palang na magkahawak kamay ni Angelo nangingilabot na agad ako. What more pa kaya si Angelo baka sobra pa sa kilabot kong nararamdaman ang nararamdaman niya kapag nag holding hands kami. Pero naiisip ko walang mawawala kong susubukan ko. Malay ko mag work. Pero imposible dahil ako lang naman nga yata ang sobra kung mag hangad na magugustuhan niya. Sa sobrang pagkadesperada ko malabong magkagusto siya sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD