SOFB —HURTFUL WORDS FROM HIM—

1927 Words
-ASTRA- AFTER realizing how many hours of thinking something natagpuan ko nalang ang sarili ko dito sa may sala. Mag-isang naka-upo habang kaharap ang mga bote ng beer and wine na pinag-inuman ng mga bisita kanina. I thought mga alas dose na ng madaling but it's only ten thirthy in the evening. Gano'n na ba ako katagal na nagkulong sa aking kuwarto para mag-isip ng mga dapat na gagawin sana.? Nag-isip lang naman talaga ako pero ang ending wala parin talaga akong naisip hanggang sa nakababa nalang ako dito sa sala. Hindi ko rin naman kasi sinunod ang suhestiyon ni Shelly kanina dahil wala akong lakas ng loob na gawin 'yon. Lalo na at dito pa sa Mansion. I think naka-uwi na ang mga kaibigan ko and also si Angelo. I don't know kung kumain ba muna sila bago sila nag si-alisin but siguro naman ay oo. Hindi maaari kay Mom at Dad na hindi busog ang mga bisita kapag umalis na. Wala masyadong bisita ang naririto at iilan nalang din ang natatanaw ko sa labas ng Mansion. May mga naririnig din akong tawanan at angat na angat ang boses ni Kuya Caelum. Siguro kainuman nila ang mga kaibigan nila ni Kuya Sirius. Wala narin akong naririnig na tugtug ng sounds kaya imposibleng nandito pa si Jay. Hindi ko na siya nagawang kausapin kanina ni kahit puntahan man lang ay hindi ko ginawa. Hindi ko alam kong bakit bigla akong nairita kanina ng makita ko na ibang-iba ang ngiti niya sa babaeng kasama niya kanina kumpara kapag ako ang nakikita at nakakasama niya. And to be honest I really hoping that someday he can smile at me like I saw earlier. Sana...ngumiti din siya ng gano'n sa'kin kahit hindi niya ako totally na kilala. “Akala ko tulog kana?” nagulat ako ng biglang magsalita sa likuran ko si Kuya Caelum. Kakapasok niya lang at may dala siyang isang can ng beer. Ibinalik ko ang aking paningin sa lamesa na may mga beer na nakapatong. “Hindi pa ako nakakatulog kaya paano mo nasabing tulog na ako?” Pamimilosopo ko sa kanya. I don't usually talk like this to him dahil mabilis siyang mayamot kapag binabara but I don't know kung bakit nagsisinuplada na naman ako sa kanya. We're fifty-fifty. Fifty close and fifty not close. Frenemies for short. Narinig ko kung paano siya tumawa ng mahina. Naririnig ko rin ang mga yabag niyang papunta sa harapan ko. Naitukod ko nalang din ang isa kong siko sa armest ng sofa habang nakasapo sa sentido ko ang ilang daliri ng aking kamay. I tried not to look at him but how could I avoid him kung bahagya na siyang lumuhod sa harapan ko para salubungin ang kumukunot kong noo! Ahhhh! Ang galing-galing niya talagang yamutin ako! “Why are you philosophizing? Hmm?” tanong niya sa'kin na may kasamang lambing kaya naitaas ko ang aking isang kilay. “Are you not feeling well?” sunod niyang tanong sa'kin habang unti-unting nilalapat sa aking noo ang isa niya palad pero agad kong hinampas ang kanyang kamay kaya napatawa nalang siya ng malakas. “Kuya ano ba?! Doon kana nga. Kainis ka naman eh." Asik ko sa kanya at tinaboy-taboy ko pa siya para paalisin dito sa harapan ko. He is trying to make fun infront of me. I know him. “Chill. Ang init ng bait ng bunso namin.” sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay na para bang sumusuko na. “Gawa mo kasi,” sambit ko sabay irap sa kanya. Tumiltik siya bago pa naisipang umalis at hindi na naglakas ng loob na sumagot. Alam niyang naiirita na ako sa kanya kaya siya na ang unang umalis. Ganyan lang kami palagi. Unlike Kuya Sirius na nag aangilan kami but hindi siya marunong makipag-galawan sa'kin and also me. Kung ano kasi ang pangalan niya parang nagiging gano'n narin siya ka seryoso sa buhay niya. Papasok ako ng kitchen ng makasalubong kong palabas naman si Kuya Caelum pero dumistansya siya sa'kin kaya lihim akong napangisi. Takot siyang mahampas ko. Umismid pa ako ng makita kong humalik siya sa'kin sa pamamagitan ng hangin. Pagkatalikod niya sa'kin saka ako bumaling at inambahan siya ng suntok but I was stuck and at the moment biglang napahiya dahil nakita kong nakatayo si Jay hindi kalayuan sa puwesto ko. Nag tama ang mga mata namin ng panandalian pero agad din siyang napatingin kay Kuya Caelum na kaharap niya lang. Dahil do'n nagka-tiyansa akong ibaba ang aking kamay na nasa ere bago mabilis na pumasok sa kusina para itapon ang dala kong lata ng beer. “Bakit pa siya nandito—” “Mag huhugas lang ako ng kamay.” biglang sulpot niya sa likuran ko. Nakaharang kasi ako sa sink dahil nasa ilalim ang basurahan. “So-sorry,” tipid kong sabi bago umalis sa kinatatayuan ko. Hindi ko siya tiningnan kaya hindi ko rin alam kung nagsasalubong na naman ba ang mga kilay niya. Nag bukas ako ng reef at kumuha ng isang bottle ng mineral water at agad na binuksan at nilagok ng isang lagukan. Pakiramdam ko kasi natutuyuan na ako ng lalamunan. “Uminom ka ng beer?” biglang tanong niya. Nasamid ako bigla dahil sa narinig ko mula sa kanya kaya hindi ko rin naubos ang tubig dahil bigla nalang akong inubo. Lumapit siya sa'kin pero nagawa kong lumayo sakanya. Shít! Anong nangyayari sa'kin? Dapat feel na feel ko ang care niya pero bakit umiiwas ako? Ay, kainis ka Astra! Nakapikit kong paninermon sa aking sarili nang mapagtantong okay na ako. “Sorry.” may hisitasyon niyang sabi. Bigla akong nanglambot dahil sa narinig ko. I'm so soft when I heard someone saying sorry to me kahit wala naman siyang ginawang mali or what. “Bakit ka humihingi ng sorry? Wala ka namang ginawang mali, ah.” sa wakas nasabi ko rin. Pero in a way na medyo naiirita and namimilosopo. Sinara ko na ang pintuan ng reef dahil nakabukangkang parin pala. “Ayaw mo yata na mahawakan kita kaya ako humihingi ng despensa.” paliwanag niya. Napa-oh ako nang maisip ang ginawa niyang paghawak sa likuran ko ng masamid ako. “Nagulat ako. You know, hindi ako prepared. At hindi ko rin alam na marunong ka rin pala mag care.” ani ko bago siya tinalikuran at basta nalang ako lumabas ng kusina. Hindi ko alam kung nanatili siyang nakatayo doon dahil sa inasta ko. I hate him earlier at hanggang ngayon naiinis parin pala talaga ako sa kanya. Bigla akong natigilan at nanlamig nang maramdaman kong hinawakan niya ako sa aking palapulsuhan. Agad akong napabaling sa kanya at napatingin sa kamay niyang nakahawak sa aking kamay. “Usap muna tayo,” sabi niya habang hawak-hawak parin ang kamay ko. In that moment my heart beat starting to beat up so fast. Dumadagundong sa kaba ang aking dib-dib dahil sa kilig na nararamdaman dahil kung hindi ako nagkakamali first time niya akong habulin at alukin na mag-usap muna kami. Wala akong ibang nagawa kundi ang umasta na parang wala lang. Pumayag ako sa alok niyang mag-uusap kami kaya nauna akong lumabas ng bahay. Hindi naman kami matatanaw nina Kuya dahil may kalayuan ang puwesto nila. At ano naman kung makikita nila kami eh nag-uusap lang din naman kami, ah! Stk! “Bakit nandito ka pa rin? Tapos na naman yata ang oras ng pag rent sa'yo.” umpisa kong tanong sa kanya. Ang awkward lang kaya iyon ang naisip kong itanong sa kanya. “Nakiusap si Boss na makipag-inuman muna kaya hindi rin ako nakatanggi.” sagot niya. May pagtataka ko siyang tiningnan dahil hindi ko alam kung sinong boss ang tinutukoy niya. “Sinong boss?” hindi ko napigilan na mag tanong. “Si Boss, Sirius.” saad niya. So ngayon Bossing na niya si Kuya. Napatango-tango ako bilang sagot. Ilang minuto na hindi kami nag-uusap. Tahimik lang kami parehas habang ako nakatingin sa kalangitan. Siya naman ay narinig kong nag sindi ng kanyang yosi at naamoy ko nalang ang usok ng sigarilyo niya. Siya lang ang nag-iisang tao na hinahayaan kong manigarilyo sa harapan ko. I don't know why kung bakit hindi ko siya magawang sawayin. Sa halip kasi na magalit ako mas lalo lang ako na a-attract sa kanya. Parang badboy kasi ang datingan niya. Ewan ko ba. Tumikhim siya matapos niyang maitapon ang upos ng kanyang sigarilyo. Tiningnan ko 'yon at nakita kong mahaba pa at parang sinindihan niya lang at tinapon din. “Magugustuhan mo parin kaya ako kung palagi akong nag yo-yosi? Umiinom din ako ng alak. Ma bisyo ako.” mahina at medyo pabiro ang huli niyang sabi. Hindi ako nakapagsalita at basta lang nakatitig sa kanya at tila pinapakiramdaman kung ano ba ang nangyayari sa kanya ngayon. Nakainom yata siya kaya may lakas ng loob na magsabi ng mga gano'n. But because he opened up about my feelings for him well, sino ba naman ako para hindi siya sagutin. “Paano kapag sinabi kong oo, magugustuhan mo narin ba ako?” lakas loob kong sagot sa kanya. Napayuko siya at bahagya kinagat ang kanyang ibabang labi na naging dahilan naman ng paglunok ko. Bakit kasi ang gwapo niya kahit saang angulo? Sa totoo lang ang dami kong nakikita at kilala na mas di hamak pang guwapo sa kanya but I can't appreciate their looks. Pero kay Jay? Yoong simpleng pormahan niya lang iba na agad ang dating sa'kin. Yo'ng kahit nakapang-bahay lang siya pero para sa'kin ang ideal niyang tingnan sa gano'ng pormahan. “Pero paano kapag sinabi kong hindi mo ako pweding gustuhin.” nakayuko parin siya. Napasinghap ako habang nakatingin parin sa kanya. “Gugustuhin parin kita.” sagot ko. Hindi siya kumibo. “Kahit hindi mo ma-appreciate ang bawat kilig na nararamdaman ko sa tuwing napapansin mo ako gugustuhin ko parin na gustuhin ka. As long as you always give me hope to like you I will never be tired hoping that someday you will appreciate my love for you, Jay. Kahit sinusungitan mo ako mas lalo lang ako nahuhulog sa'yo. At kung darating man ang time na hindi na ako kinikilig sa'yo siguro patay na ako no'n.” sunod-sunod kong sabi sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para masabi ng diretso at harap-harapan sa kanya ang mga salitang iyon. “Pasok kana,” tanging sagot niya. Nanatili akong naka-upo at diretso parin ang tingin sa kanya. “Why you always pushing me away? Bakit palagi mo nalang ako pinapapasok sa tuwing nag-uusap tayo?” naiirita kong sabi sa kanya. Wala na, hindi ko na makontrol ang emosyon ko. “Hindi tayo bagay kaya dapat hindi mo ako pweding magustuhan. Sana, itigil mo na yang pagkagusto sa'kin dahil hindi ko masusuklian 'yan.” sabi niya bago tuluyan nang umalis. I feel stuck. Hindi makapaniwala. Pakiramdam ko may punyal na tumusok sa aking dib-dib para maramdaman yoong saglit na kirot. Napakurap-kurap ako dahil naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. I bit my lower lips to stop it from shaking. Nasasaktan ako. First time kong makaramdam ng ganitong sakit and I want to cry it out kaya patakbo akong pumasok sa loob bahay at patakbo ding umakyat sa taas para pumasok sa aking kuwarto. Mahingal-hingal ako habang nakadapa sa aking kama. Hinayaan kong ilabas ang mga luhang patuloy na hindi nag papapigil na lumabas. I cry all the pain I feel and in that moment naisip ko na gano'n pala ang pakiramdam na masaktan ng isang taong gusto mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD