SOFB —FAKE TRAITS—

1372 Words
-ASTRA- KINABUKASAN pagkarating ko sa University nakita ko din agad si Jay na kararating lang din. Nasa stadium ako ngayon dahil may practice kami at hindi ko alam na pupunta din siya dito at mas lalong hindi ko alam kung dito rin ba siya pumapasok o sideline niya lang talaga ang mag operate ng sounds dito. Pero napapaisip din ako na baka mali ang hinala ko dahil bakit niya kilala ang mga committee. Hindi niya ako nakikita dahil medyo tago ang inuupuan ko. Nasa bandang dulo ako naka-upo habang hinihintay ang mga kaibigan ko. Masyado akong napa-aga na pumasok. Nakikita kong abala lang siya sa paghahanda ng mga gamit na gagamitin. Yo'ng nangyari kagabi ay nakatatak parin sa isipan ko at nasasaktan parin ako lalo na ngayon na nakikita ko na naman siya sa malayuan. Pinipilit kong pigilan ang aking mga mata na huwag siyang tapunan ng tingin kaso ang pasaway nila dahil basta nalang ako napapabaling sa kanya. Para mapigilan nilabas ko sa aking bag ang wireless kong headset saka sinalpak sa aking tainga. In-on ko ang bluetooth ng aking cellphone at kinonek sa headset. Music is my healing. It makes me calm when I feel sad kahit tagos na tagos ang mga lyrics. To avoid him I'd rather to close my eyes while the music is on. Habang wala pa ang mga kasama ko at habang hindi pa nag-uumpisa ang practice iidlip nalang muna ako. Madaling araw narin naman kasi bago ako nakatulog kagabi dahil sa mga isiping walang humpay na rumenta sa aking isipan. Hindi ko alam na naka-idlip pala ako. Nakakahiya dahil kung hindi ko pa naramdaman ang malikot na pag galaw ng kung sinong katabi ko ay hindi pa ako magigising. Napaayos ako ng upo ng makita kong si Steven pala ang katabi ko. Nakikipag kuwentuhan siya sa mga nakakaharap niya. Hindi niya napansin na gising na ako kaya walang sabi na tumayo ako para sana bumaba dahil nakita kong wala parin sina Luna, Shelly at Apprecia. But I suddenly stopped when I heard him call me babe. Kahit nakasalpak parin ang headset sa aking tainga at patuloy na tumutugtug ay rinig na rinig ko parin ang tawag sa'kin ni Steven. Halos mapatda pa ako dahil hindi lang pagtawag sa'kin ang ginawa niya. Niyakap niya rin ako mula sa aking likuran kaya halos lahat ng tao na nandito sa loob ng stadium ay nakatingin ngayon sa'min. I feel shy and don't know what to do right now dahil nasanay akong palaging tinatanggol ng mga kaibigan ko. “A-ano bang ginagawa mo?” medyo naiirita kong tanong kay Steven matapos akong suminghap. Nanatili parin siyang nakayakap sa aking likuran at wala yatang plano na umalis sa pagkakayakap. “Niyayakap ka.” Pamimilosopo niyang sagot. Napapikit ako dahil para pigilan ang inis na nararamdaman ko. “I know, okay? Pero bakit? Do you need something? Approval? Favor? What?” inis kong sabi habang tinatanggal ang mga kamay niyang nakapulupot sa'kin but he is so strong dahilan para hindi ko matanggal agad. Kung nandito lang sana ang mga kaibigan ko edi sana kanina pa'to nakalayo sa'kin pero nagulat ako nang makita si Jay na umaakyat sa hagdanan papunta sa kinatatayuan ko. Salubong ang kanyang mga kilay at hindi ma drawing ang hitsura. Madilim ang awra niya at diretso lang ang tingin niya kay Steven. Bigla akong kinabahan dahil kahit hindi ko alam kung bakit papunta siya sa'kin pakiramdam ko nagagalit siya. Kilala niya ba si Steven? May atraso ba ito sa kanya dahilan para mangunot ang noo niya ng gano'n? “Tawag ka ng Kuya mo,” sabi niya sa'kin ng tumigil siya sa harapan ko. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla dahil ang pagkaka-alam ko ay hindi kami okay. Na siya mismo ang nagsabi na tantanan siya but what the hell is he doing right now? He confusing me! At bakit pati si Kuya nadamay eh ang pagkakaalam ko nasa Cebu na ulit sila. “Who the fúck are you?” asik ni Steven na ngayon ay umakbay na sa'kin. “Body guard niya. Bakit aangal ka?” bulgar ni Jay na ikinagulat ko. Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Naguguluhan ako pero nagawa ko paring makipagsang-ayon sa kanya para lamang makalayo kay Steven. “He's right, Steven kaya let me go before he blows you up. Ilang tao narin ang nasaktan niyan at baka mabilang kapa do'n. Sayang yang kaguwapuhan mo kung masusuntok ka lang niya.” sagot ko na may kasamang pamimilosopo pero hindi ko akalain na mas lalong mangunot ang noo ni Jay nang marinig ang sinabi ko. Tinaasan ko siya ng isang kilay kaya nag-iba bigla ang hitsura niya. Agad din namang sinunod ni Steven ang sinabi ko. Hindi ko alam kung nasindak siya o baka ayaw niya lang din madungisan ang pangalan niyang sikat dito sa campus. Walang sabi akong umalis at nilampasan si Jay na parang hangin lang. I don't even to say thank you about what he did. Hindi ko naman hiniling na tulungan niya ako ah. Umiiwas na nga ako sa kanya pero siya naman itong lumalapit ngayon. “Wala man lang bang salamat diyan?” marinig kong sabi niya nang makalabas na ako ng stadium. Sumalubong pa sa'kin ang sikat ng araw kaya napayuko ako saka ko pa nagawang itaas ang isa kong kilay dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Kailan pa siya nagkalakas ng loob na habulin ako para lamang sabihin ang salitang 'yon? Hindi ko siya pinansin. Ni kahit lingunin siya ay hindi ko ginawa. This time gagawin ko ang sinabi niya. At kapag nagawa ko na 'yon baka sakaling mag-iba ang nararamdaman ko sakanya. Kapag nangyari 'yon, saka lang ako magpapasalamat sa kanya. “Usap muna tayo,” habol niya sa'kin. Napatigil ako dahil pinipigilan niya akong maka-alis sa pamamagitan ng paghila niya sa laylayan ng aking sout na blouse. Huminga ako ng malalim bago siya binalingan. “Wala tayong dapat na pag-usapan.” Sagot ko bago siya ulit tinalikuran. “Dapat hindi mo hinahayaan na makalapit sa'yo ang lalaking 'yon.” anas niya. As if he care. “So sino lang ba dapat ang hahayaan kong makalapit sa'kin? You?” iritado kong sagot sa kanya. I'm still hate him that's why napapagsalitaan ko siya ng gano'n but inside of me my soul killing me because of my fake traits to him. Hindi siya nakasagot kaya naisipan kong umalis na agad bago pa mag-iba ang aking isip. Mabuti nalang din at hindi na siya sumunod sa'kin. “Saan ba kayo galing? Hindi niyo ba alam na halos ilang oras akong naghintay sainyo sa stadium?” irita kong bungad kina Luna nang makasalubong ko sila. Nag tinginan silang tatlo at tila nagulat pa dahil sa aking sinabi. “Really, Dean? So kami feeling mo hindi rin naghintay sa'yo ng ilang oras doon sa room?” sagot ni Shelly. Maalala ko, usapan pala namin ay sa room kami magkikita. Natampal ko bigla ang aking noo dahil ngayon ko lang naalala. “Grabehan ka ha.” dugtong ni Luna. Hindi ko alam kung saan niya naririnig o nakukuha ang mga gano'ng salita kaya napatingin kaming tatlo sa kanya. “Sorry, nawala kasi sa isip ko.” despensa ko sa kanila. “Accepted basta sumama ka sa'min later.” ani ni Apprecia. “Saan?” takang tanong ko. “May gaganaping Bikini Fest sa resort namin sa San Juan and the renters invited us to join. Wal-wal lang tayo do'n.” natatawang imporma ni Shelly. “Sige,” tipid kong sambit na naging dahilan naman ng pag palakpakan nila. Ang saya nila. May approval 'yon galing kay Tito Quinn kaya no worries dahil matik approved din ang mga Ama namin. To be honest, my circle is simple. We get along together. We are happy even in our simple bonding. Yeah, our parents known as the best Tycoon's at hindi namin pinagmamayabang 'yon. We are content with what we have and how simple our friendships are. Like our parents always say. Matuto kayong makihalubilo sa mga taong hindi niyo totally kilala dahil maliit lang ang mundo para mag solo kayo sa buhay na meron kayo. Mas masaya parin talaga na marunong makisama and that's we're always do.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD