Episode 2

2136 Words
MARKO POV Naiinggit ako sa tatlo kong kaibigan dahil may mga anak na sila. Dalawang taon na kaming kasal ni Charity pero hindi pa siya nabubuntis. Siguro kailangan naming magpacheckup. Para malaman namin kung ano'ng problema. " Hey, something bothering you?" tanong sa akin ni Chris. Napangiti ako ng pilit. I shook my head. I just sipped the wine I was drinking. I heaved out a deep sighed. " That's a different kind of sigh eh? As deep as the Pacific Ocean." he jokingly said. I laughed softly. " Asshole! Huwag nga ako ang pakialaman mo. Iyang anak mo nagugutom na." sabi ko. Carrying his third son who are only 1 year old. His son looks like his wife Isabella. But the eldest  are look like him. Wala ang asawa niya nasa isang kaibigan. Kaya siya muna ang nag-alaga sa anak. Nakakatuwa lang dahil malaki ang ipinagbago ni Chris mula ng magka asawa at nagkaroon ng mga anak. Akala ko nga hindi na niya susuyuin ang asawa niya noon. Masyadong naging complicated ang love story ng dalawang. Asshole kasi si Chris. " Nakadede na siya gusto lang kasing magpakarga sa akin. Papa's boy kasi ang isang ito." nakangiting sabi ni Chris. He kissed his son cheeks. Ngumiti naman ang bata sa kanya. " Buti ka pa tatlo na ang anak mo kami ni Charity wala pa. Hindi ko alam kung ano'ng problema. Maybe we need to see a doctor." I said. Natatakot ako sa magiging resulta. Paano kung ako ang may problema? Baka iwan ako ni Charity. Ever since I wanted to have a child. Kaya nga pinakasalanan ko na kaagad si Charity para makabuo na kami kaagad. I wanted to have a large family. Iyong masaya at puno ng pagmamahal. " Bakit hindi pa kayo nagpatingin noon pa? Are you scared to know the result?" tanong ni Chris sa akin. Napasimsim ako sa kopita na hawak ko. " Yeah, what if I can't have a child. I'm afraid Charity will leave me. I don't know what to do." Sabi ko. "Don't be so negative. Kung ganoon ang mangyari you have to accept it. Kung mahal mo si Charity hindi hadlang ang kawalan niyo ng anak." paliwanag ni Chris the asshole sa akin. Sa akin kasi importante ang may anak. Hindi masaya ang isang pamilya kung walang mga anak. Kaya nga tinawag na pamilya. May Tatay, Nanay at mga anak. "Hindi naman tayo pare pareho ng gusto sa buhay. I want to have a child." Sabi ko. " Do you love your wife?" napakunot ako ng noo sa tanong ni Chris sa akin. " Yes of course I do love my wife." paniniguro ko. " You have said it. Whatever will come into your relationship. Kahit na hindi pa kayo magkaanak hindi magbabago ang pagmamahal mo sa asawa mo. But if you insist having a child. Maybe you talk about that matter with your wife. Sabihin mo ang nasa saloobin mo. Mas okay kasi open kayong mag-asawa sa isa't isa. Ganyan kami ng asawa ko. Hindi namin pinalalagapas ang araw na hindi namin napag-uusapan ang mga problema. Kayo lang ang makakaresolve ng problema hindi ibang tao." tinapik nito ang balikat ko. Naiwan akong nag-iisip sa sinabi niya. He has the point. Nagpaalam na din ako dahil hindi din ako mahaharap ni Chris dahil sa anak. Habang nasa biyahe pinag-iisipan kong pumunta sa isang Doktor. Umiba ako ng way pupuntahan ko ang kakilala kong Doctor. " Hey, Marko why you are here?" tanong ni Kale. Ang kaibigan kong Doktor. " Gusto kong magpatingin kung may problema sa sperm cell ko. I want to know if I am capable to have a child." diretsahan kong sabi, Napabuntong hininga ako. Hindi ko matatanggap kung mayroon nga. Dahil para akong walang silbi. " Okay pero kailangan mo din kausapin ang asawa mo about this. Mas maganda siguro kung pareho kayong magpatingin. Para malaman natin sino ang may problema sa inyong dalawa." tinapik niya ang balikat ko. HINDI ako makapaniwala ng sabihin ng Doktor ko na wala naman problema sa akin. Nakahinga ako ng maluwag. Pagkapasok ko ng bahay nakita ko si Charity na nakaupo at naghihintay sa pag-uwi ko. Ewan ko para akong nawalan ng gana sa kanya. Sigurado akong siya ang may problema sa aminng dalawa. " Hon, kanina pa kita tinatawagan hindi mo sinasagot ang tawag ko?" sabi ni Charity. " Nakasilent kasi ang phone ko kaya hindi ko narinig." walang gana kong sabi. " Ah ganoon ba? Kumain ka na naghanda ako ng hapunan mo." pag-anyaya niya sa akin. " Hindi ako gutom nagdinner na kasi ako sa labas kasama ng mga client ko. Gusto ko ng magpahinga" hindi ko na siya hinintay na magsalita tinalikuran ko na siya. Pagkapasok ng silid namin dumiretso na ako kaagad sa banyo upang maligo. Nang matapos ako naghanap ako ng damit sa may closet. Habang naghahalungkat ng damit may nakita akong brown envelope na nakaipit sa ilalalim. Because of curiosity I open the envelope and read its content. Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko. Lumabas ako ng silid upang puntahan si Charity. I need to talk to her. Hinanap ko siya sa buong kabahayan pero hindi ko siya nakita. So I went out and went to the garden. I saw her standing. " What is the meaning of this?!" I raised my voice. She turned to me. The shock was written on her face when she sees the envelope I am holding. " Ano ang ibig mong sabihin hon?" I want ito laughed. May gana pa siyang magmaang maangan? Ano ito lokohan hanggang kailan niya sasabihin sa akin ang kalagayan niya?! " So wala ka talagang balak sabihin sa akin ang totoo?! Tell me now!" galit na sabi ko sa kanya. " Here para malaman mo kung ano itong hawak ko!" tinapon ko sa kanya ang envelop na naglalaman ng resulta about sa pagiging baog niya. Pinulot ni Charity ang tinapon kong envelop. Napaangat siya ng tingin sa akin. I saw tears escaping in her eyes. " Magpapaliwanag ako hon. Sasabihin ko naman pero humahanap lang ako ng tamang pagkakataon." umiiyak na paliwanag nito. Pumameywang ako at napahagod ng buhok. Hindi ako makapaniwala na ang minahal kong babae ay hindi ako kayang bigyan ng anak. Dapat ba akong magsisi dahil hindi ko sinunod ang mga magulang ko? Sana iyong gusto na lang nila sinunod ko. Sana ngayon may anak na ako. " Hanggang kailan?! I know wala ka talagang balak sabihin sa akin ang totoo na isa kang baog na kailanman hindi ako mabibigyan ng anak!" kumuyom ang mga kamao ko. Tinalikuran ko na siya at iniwan. Hindi ko siya kayang harapin sa ngayon. CHARITY POV Halos madurog ang puso ni Charity sa sinabi ni Marko na baog. Napaupo ako at napahagulgol ng iyak. Ito na ang kinakatakutan ko. Alam kong hindi niya matatanggap ang kalagayan ko. Baka isang araw iwan na lamang niya ako. Ipagpalit sa ibang babae na kayang ibigay sa kanya ang anak na pinapangarap niya. Narinig ko ang ugong ng sasakyan palabas ng bahay namin. " Charity" tawag sa akin ni Manang "Tahan na hayaan mo muna si Marko. Makakapag-isip din iyon. Huwag kang mag-alala mahal ka nun hinding hindi ka niya iiwan." hinagod ni Manang ang likod ko. "Sana nga po. Nagkamali ako dahil hindi ko po kaagad sinabi sa kanya ang totoo. Kasalanan ko pong lahat nang ito" sabi ko. Napayakap ako kay Manang. " Pasasaan ba't magkakaayos din kayo. Huwag kang mag-alala." pagbibigay ng kapanatagan sa akin. ANG isang araw naging linggo hanggang dalawang buwang hindi pagpaparamdam ni Marko sa akin. I went to his office pero sabi ng Secretary niya nasa out of town daw ang boss niya. I try to call his number but he didn't even bother to answer it. I even texted him but no reply from him. Nawawalan na ako ng pag-asa. Ito na ang kinatatakutan ko. He will leave me. Napaluha na naman ako. Hindi na yata mawawalan ng luha ang mga mata ko. Araw araw na lang akong umiiyak at sinisisi ang sarili. Hindi ako titigil hanggat hindi ko siya nakakausap. Gusto ko sa kanya mismo manggaling na ayaw na niya sa akin. Ayoko nang ganito wala akong ideya ano na ba ang kahihinatnan ng relasyon namin. May pag-asa pa ba or wala na talaga? Pinuntahan ko ang bahay ng mga magulang ni Marko. Magbabasakali ako baka naroon siya. Bahala na kung ipagtabuyan nila ako. Gusto kong makausap ang anak nila. " Ma'am, hindi po kayo puwede pumasok sa loob. May salo salo pong nagaganap. Tsaka bawal po kayo dito bilin po sa amin na hindi kayo papasukin." sabi ng Guard na nakabantay sa malaking gate ng pamilyang Elizar. " Kuya asawa naman po ako ni Marko Elizar. Siguro naman papapasukin nila ako. Gusto ko lang pong makausap ang asawa ko. Sige na po Kuya. "pakiusap ko sa Guard. Parang naawa naman sa akin ang guard. " Okay po Ma'am. Sasabihin ko po na nariot kayo." umalis muna saglit ang Guard pumasok sa loob. Naghintay ako ng ilang minuto bumalik din kaagad ang guard. Pinapasok niya ako. Nanlalamig ang mga kamay ko habang papasok sa loob ng bahay. Various emotions I am feeling right now. Fear and nervousness. Pinapasok ako ng katulong sa loob. Nasa dining area daw ang pamilyang Elizar. Nakakahiyang itapak ang mga paa sa mala palasyong bahay ng Elizar. Ang sahig ay may karpet. Para itong isang kaharian sa laki. Nasa bungad pa lang ako ng pinto ng dining area naririnig ko na ang usapan nila. Mas lalong kumabog ang dibdib ko sa kaba. Pakiwari ko ay may mangyayaring hindi maganda. Napahinto ako ng marinig ko ang sinabi ng Mommy ni Marko. " Anak we are so happy for you. Nakapag-isip ka na din sa wakas na hindi talaga bagay sa iyo ang babaeng iyon. I told you una palang ayoko na sa kanya. Wala kang mahihita sa ganoong klaseng babae. Hindi ka mabibigyan ng anak. And congratulation dahil magkakaroon na kayo ng anak ni Vienna. At sana madaliin mo na din ang annulment niyo ni Charity para naman mapakasalan mo na si Vienna sa lalong madaling panahon, ngayon pa magkakababy na kayo." anunsiyo ng Mommy ni Marko. Hindi ko naigalaw ang buo kong katawan. Feeling ko naparilisa ang buo kong kamalayan. Paano nagawa sa akin ito ni Marko? Nasaan na ang pinangako niyang hindi niya ako sasaktan at mamahalin habang buhay. Naglandas sa pisngi ko ang masaganang luha. Sobrang sakit ng nararamdaman ng puso ko. Feeling ko nagkadurog durog ito na kahit anong gawin ko hinding hindi na mabubuo pa. Nasambit ko ang pangalan niya. " Marko." napatinginsilang lahat sa akin. Hindi man sila magsalita pero mapanuri ang kanilang mga tingin na pinupukol sa akin. Alam ko naman una pa lang basura na ang tingin nila sa akin. Dahil mahirap lamang ako. " What are you doing here?" tanong ni Marko sa akin. Hindi man lang kakikitaan ng kahit anong guilt sa mukha ni Marko. Niloko niya ako pero parang ako pa itong may nagawang kasalanan sa kanya. " Hinintay kita Marko. Tinawagan ko ang phone mo pero hindi mo sinasagot. Naghintay ako ng araw, linggo hanggang hindi ko namamalayang buwan na pala ang pinaghihintay ko sa iyo. Hindi ko alam kung saan kita hahanapin narito ka lang pala. Ang masakit mayroon ka na palang iba. Ginagawa mo lang ba ito dahil sa nagsinungaling ako sa iyo about sa kalagayan ko? Sana iyon lang ang dahilan mo." napahikbi ako. Nanikip ang dibdib ko dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. " Napakasakit Marko mas okay yata sinampal mo na lang ako or binugbog mo na lang ako. Kasi mawawala din naman ang sakit nun ng ilang araw. Pero yung ganito sinaktan mo ako dito." tinuro ko ang tapat ng puso ko. "Parang pinatay mo na din ako." napaiyak ako. Hindi ko na napigilan ang bugso ng damdamin ko. Feeling ko bibigay ako.  " Sana sinabi mo na lang na ayaw mo na. Hindi iyong pinaasa mo ako. Palalayain naman kita kung iyon naman ang magpapaligaya sa iyo. Gagawin ko. Kasi mahal kita. Alam kong may pagkukulang ako bilang isang babae. Dahil hindi kita mabibigyan ng anak. Humihingi ako ng tawad dahil hindi ko maibibigay iyon." napahawak ako sa dibdib ko. " Congratulation dahil magkakaanak ka na. Masaya ako para sa inyo" sabi ko. Lumabas na ako nang may pagmamadalai. Ayokong magstay pa ng matagal doon dahil hindi ko kaya. Napakasakit makita ang asawa mong mayroon ng iba. Halos manlabo ang paningin ko dahil sa luha. Habang naglalakad palabas ng Village hindi ko mapigilang humagugol sa sama ng loob.  Ang sakit , sobrang sakit.  Dahil sa halo halong emosyon. Hindi ko nakayanan nagdilim ang paningin ko. Naramdaman ko may dalawang kamay na sumalo sa aking pagal na katawan.Copyright © 2021 by coalchamber13
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD