CHARITY POV
Nagising ako sa hindi pamilyar na silid. Bumangon ako ng dahan dahan. Kahit nahihilo pa ako pinilit kong tumayo. Nakakahiya naman kung magstay pa ako ng matagal dito.
"Huwag ka muna bumangon. You still weak." napatingin ako sa nagsalita. May isang matangkad na lalaking nakatayo sa may pintuan may dalang tray ng pagkain.
"Salamat sa pagtulong mo sa akin. Pero kailangan ko ng umuwi" sabi ko. Tatayo na sana ako ngunit na out of balance ako. Napakapit ako sa kama. Hinawakan ng lalaki ang siko ko.
" I told you, you still weak. Better stay here for a while to rest. Hindi ako nangangain ng tao." inalalayan niya akong sumandal sa headboard ng kama.
" S-salamat" nahihiya kong pasasalamat. Buti pa siya kahit hindi niya ako kaano ano may pag-alala para sa akin. Samantalang ang asawa ko hindi man lang naawa sa kalagayan ko. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Nangilid ang mga luha ko. Hindi ko matanggap na nakabuntis siya ng iba. Kung sana kung kaya ko lang na ibigay ang gusto niya hindi niya gagawin sa akin iyon. Hindi niya ako iiwan at ipagpapalit sa iba.
Napahikbi ako sobrang sakit ng nararamdaman ko. Pinipiga ang puso ko. Sumasakit ang ulo ko dahil siguro sa walang humpay na pag-iyak. Hindi ko na nga alam kung ilang beses na ba akong umiiyak. Hindi ko na mabilang.
"Kumain ka na muna Miss. Kung ano man ang pinagdadaanan mo malalagpasan mo din iyan. Isipin mo na lang ang mga nagmamahal sa iyo. Sila ang paghugutan mo ng lakas ng loob. I know I have no right to say this to you. Because I don't know your story. But if you trust me you can tell me your problem. Maybe I can help you." wika ng lalaki.
"Puwede kitang payuhan para lang si ate Charo ng Maalaala mo kaya" pagbibiro nito sa akin. Napangiti ako dahil ginaya niya kung paano magsalita si Charo Santos.
" See may mga bagay pang dapat ikangiti ang tao. Hindi dapat umiinog ang mundo mo sa isang tao lang." napatitig ako sa lalaki. Matangkad at matipuno ang pangangatawan. Kung titingnan para itong nabibilang sa larangan ng sundalo. Mayroon siyang aura na isa siyang matatag na tao. Para bang hindi matitibag na kahit ano mang bagyo or buhawi man.
" Ako nga pala si Charity. Salamat sa pagtulong mo sa akin kung hindi dahil sa iyo napaano na ako sa daan." pasasalamat ko sa pagtulong niya kanina.
" By the way I am 1LT Andres Napeleon." pakilala nito sa sarili. Tama nga ako sa hinala ko.
" Sundalo ka ba?" tanong ko upang makasiguro.
" Yes, Philippine Air Force" nakangiting sagot nito.
" Kumain ka na muna. Mukhang wala ka pang kain namumutla ka kaya ka siguro nahimatay kanina." maalala kong wala pang laman ang tiyan ko magmula kaninang umaga. Hindi ko na naramdaman ang gutom dahil sa kakaisip kay Marko. Napatingin ako sa pagkain na nakahain. Mukhang masarap. Natakam ako kaya nakaramdam ako ng gutom.
" Nakakahiya naman ako na nga itong tinulungan mo. Ikaw pa ang nagsisilbi sa akin. Saluhan mo na ako dito. Madami naman itong ulam." sabi ko.
" Kumain na ako. You are my visitor natural na asikasuhin kita." napangiti ito sa akin. Kahit ngayon ko lamang siya nakilala magaan ang loob ko sa kanya. Kahit ang laki ng katawan hindi nakakatakot ang aura niya.
HAPON na nang magpasya akong umuwi ng bahay. Kahit labag sa kalooban kong umuwi sa bahay namin wala naman akong pagpipilian. Hangga't mag-asawa pa kami hindi ako aalis dito. May karapatan ako bilang asawa niya. Kahit na nga ba malabo na ang pagsasama namin bilang mag-asawa. Ipaglalaban ko pa din iyon.
" Maraming salamat ulit sa pagtulong mo sa akin Andres. Makakabayad din ako sa kabutihang loob mo balang araw." sabi ko. Nahiya ako dahil nagboluntaryo pa siya na ihatid ako sa bahay namin. Ayoko sana pero nagpumilit naman ang huli.
" Walang ano man. It's my duty to help people in need. Nagkataon naman na nandoon ako. Hindi naman ako masamang tao na pabayaan na lamang kita doon na nakahandusay sa daan. Sa tapat pa mismo ng bahay ko. Kung kailangan mo ulit ng tulong you can call me. Darating ako parang si Superman lang." natatawang biro nito. Napangiti ako sa sinabi niya.
" Here's my calling card. Well in case lang naman." sabi nito. Kinuha ko ang iniabot nitong maliit na tarheta.
" Salamat ulit. Makakaasa ka kung kailangan ko ulit ng tulong tatawagan kita. Ingat ka sa pagdradrive" tumango ito.
Hinatid ko na lamang ng tanaw ang papalayong sasakyan ni Andres. Napatingin ako sa bahay. Parang ang bigat ng paa kong ihakbang papasok sa loob. Nandito na naman ang pakiramdam na masakit. Pagkapasok ng bahay sinalubong ako ni Manang Lydia na may pag-aalala sa mukha niya
" Diyos ko Charity saan ka ba galing kanina ko pa tinatawagan ang numero mo. Pero hindi mo sinasagot. Nag-alala ako sa iyong bata ka." napangiti ako ng mapait.
" Okay lang po ako Manang. Pinuntahan ko po ang bahay ng magulang ni Marko. Nandoon po siya Manang." bumigat na naman ang pakiramdam ko. Nagsimulang mamuo ang luha ko sa gilid ng mata.
" M-may iba na po siya. Buntis po ang babae." tuluyan ng nagsibagsakan ang luha ko.
Napayakap sa akin si Manang habang hinahaplos ang likod ko. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin ngayon may iba na siya. Kung ano man ang maging pasya ni Marko hindi ko na ipipilit ang sarili ko. Wala din naman akong pinanghahawakan para manatili pa siya sa akin. Anak lang naman pala ang magpapabago ng pagmamahal niya sa akin. Masakit pero kailangan kong tanggapin. Wala akong kuwentang babae. Isa akong walang silbi. Maybe I deserve this.
MARKO POV
" What the f**k Marko bakit mo nagawa iyon kay Charity?!" sabi sa akin ni Trevor nang sabihin kong hihiwalayan ko na sya. Napapailing pa ito.
" She can't give me a child. Nagsinungaling siya sa akin. Kung hindi ko pa nakita ang resulta ng pagpapatingin niya sa Doctor hindi ko pa malalaman. Hindi niya aaminin sa akin ang kalagayan niya." paliwanag ko.
" Hindi naman iyon punto ko Marko. Sinaktan mo ang asawa mo. Nakabuntis ka ng iba. My god Marko mag-asawa pa lang kayo hindi pa kayo hiwalay! Niloko mo siya! Dati ikaw ang nagpapayo sa amin na ayusin ang gusot sa mga asawa namin. Pero para yatang lumalabas na mas malala ka pa sa amin. Nakabuntis ka pa ng iba.
Dahil lang sa hindi ka mabigyan ng anak ni Charity? What lame excuses Marko! Ganyan na ba kakitid ang utak mo?!" galit na sabi ni Trevor sa akin.
" Sana pala hindi ko na lang pinakilala sa iyo si Charity. Ganito lang pala ang gagawin mo sa kanya. Sasaktan mo lang pala ang kawawang babae. I knew it hindi mo siya minahal." sabi nito.
" I love her" napatawa ng nakakaloko si Trevor sa sinabi ko.
"Oh really? Mahal mo siya?! Kung mahal mo hindi mo siya lolokohin at hindi mo siya sasaktan. Kung ang dahilan mo ay ang hindi ka niya kayang bigyan ng anak. Ang babaw naman ng dahilan mo! Hindi mo talaga siya mahal aminin mo na! Kahit ano pang kulang sa kanya mamahalin mo. Kung iyon naman pala ang gusto mo sana binuntisan mo na lang ang ibang babae. Hindi ka na lang nagpakasal. Kaya nga pinakasalan mo ang babae dahil mahal mo hindi ba?! Na kahit ano pa ang mga flaws ng mahal mo tatanggapin mo kasi mahal mo nga eh!" hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin nagtatalo ang damdamin ko. May side na gusto kong balikan ang asawa ko at tanggapin na lang ang kapalaran naming mag-asawa na hindi kami magkakaanak. Pero may side na hindi ko na dapat pakisamahan si Charity dahil hindi naman niya ako mabibigyan ng anak. Hindi magiging masaya ang pagsasama namin kung wala naman kaming anak. Mahal ko siya pero hindi sapat iyon para manatili ako sa kanya.
" Uulitin ko ang sinabi mo sa akin before. Sana hindi mo ito pagsisihan. Dahil palaging nasa huli ang pagsisi. Huwag mong hintayin na mangyari iyon dahil wala ka ng magagawa kahit gusto mong baguhin ang nagawa mong pagkakamali." napatitig ako kay Trevor. Wala naman akong dapat pagsisihan dahil hindi ako magiging masaya sa piling niya. Kahit mahal ko pa siya.
I have decided kailangan ako ni Vienna at ng anak namin. Pumasok ako ng loob ng bahay para kunin ang mga gamit ko. Nasalubong ko si Charity na pababa ng hagdan.
"B-bumalik ka. K-kumakin ka na ba hon? Nagluto ako ng paborito mo. Halika kumain ka na."sabi nito. Nanatili lang ako nakatingin sa kanya. Yinakap niya ako ng mahigpit na parang ayaw na niya ako umalis.
"I didn't come here to return I'm here to get my things. Tapusin na natin ito Charity wala naman mangyayari pa sa pagsasama natin. Hindi tayo magiging masaya. Please huwag kang umakto na parang okay lang ang lahat. Hindi na tayo kagaya pa ng dati. I am not happy anymore. Magsasama na kami ni Vienna. Kailangan ako ng mag-ina ko. You can stay here. This house is already yours nakapangalan na sa iyo." kinalas ko ang kamay nitong nakayakap sa akin.
"M-marko tatanggapin ko naman na magkakaroon ka ng anak sa iba. Pero nagmamakaawa naman ako huwag mo akong iiwan. Please Marko mahal na mahal kita. " lumuhod ito at yumakap sa paa ko. Umiiyak siya habang yakap yakap ang paa ko. Napapikit ako dahil nakikita kong umiiyak si Charity.
nasasaktan ako.
Huminga ako ng malalim. Hindi dapat ako nagpapadala sa awa. Hinding hindi na kami magiging masaya. Iyon dapat ang itatak ko sa isip ko.
"H-hindi na kita mahal Charity. Tanggapin mo na lang na hindi na magwoworkout ang relasyon natin. Hindi din tayo magiging masaya."Inalis ko ang kamay nitong nakahawak sa paa ko.
Nagtagumpay ako.
Umakyat na ako sa taas upang kunin ang mga gamit ko. May pagmamadalai ang bawat kilos ko. I want to get out of here as soon as I get my things. Kapag kasi magtagal ako baka magbago pa ang isip ko. Nang mailagay ko na ang mga gamit ko sa maleta. Lumabas na ako ng silid. Napahinto ako nang makita ko si Charity nakatayo sa may labas ng silid namin. She was crying. Nag-igting ang panga ko.
"Palalayain na kita Marko k-kung iyan ang gusto mo. Gusto ko lang malaman mo kahit wala na tayo mahal na mahal kita. Masakit man sa akin ito pinapalaya na kita. Hangad ko ang kaligayahan mo kasama ng magiging anak mo." napalunok ako. Nakita kong nasasaktan si Charity ng sobra.
"Hintayin mo na lamang ang annulment paper na ipapapadala ng Attorney ko." pagkasabi ko niyon umalis na ako. Narinig ko kung paano umiyak si Charity. Gusto kong bumalik pero pinigilan ko ang saraili na gawin iyon. Ito ang mas nakakabuti sa amin. Napahawak ako sa aking pisngi na basa nang luha. Hindi ko namamalayan napaluha na pala ako.
CHARITY POV
Ilang araw ang nakalipas ng kausapin ako ng Attorney ni Marko. Ibinigay niya sa akin ang Annulment paper.
" Attorney Ledesma sabihin niyo sa kliyente niyo na bago ko pirmahan ang annulment paper, makipagkita muna siya sa akin." seryoso kong sabi sa Attorney.
Wala na akong luhang mailabas nasahid na ng ilang buwan kong pag-iyak dahil sa pag-iwan sa akin ni Marko
" Okay, I will tell to Mr. Elizar. Have a good day" nagpaalam na ito. Naupo ako sa sofa, napatingin ako sa buong kabahayan. Hindi ako sanay na ganito napaka tahimik.
After I sign the annulment paper I will leave this house. I have no right to it even though Marko said that the house is mine. I laughed softly. It is useless for me to live in this house alone. I don't need this big house if he is not here with me.
I wore the fancy dress that Marko gave me. I put makeup gusto kong paghandaan ang paghihiwalay na namin ng tuluyan. Ngayon ang araw na napag-usapan na date ni Marko. Kahapon sana busy daw siya ayon sa Attorney niya.
Naghanda ako ng masasarap na pagkain, lahat paborito niya ang niluto ko. Napatingin ako sa lamesa. May candle at kopita ng alak. Mag-isa na lamang ako sa bahay dahil pinauwi ko na si Manang Lydia sa probinsiya nito. Aalis din naman ako dito kaya wala ng silbi kung ipagpapatuloy pa ni Manang ang pagtratrabaho dito.
Narinig kong may humintong sasakyan. Sinalubong ko ang asawa ko sa may pinto. Nagulat pa nga siya ng makita niya ako.
" Salamat at pinaunlakan mo ang paanyaya ko sa iyo. Don't worry this will be our last." napatigil ako.
" After I sign the annulment paper I will not bother you." hinawakan ko ang kamay niya, hindi naman tumanggi ng hilahin ko siya papunta sa dining area.
" Bakit may ganito pa? Bakit hindi mo na lang pirmahan ang annulment paper para matapos na tayo. May importante pa akong gagawin." salubong ang kilay nitong napatingin sa akin. Kahit nasasaktan ako pinilit kong maging casual at matatag sa harapan niya. Kakapalan ko na lamang ang mukha ko. Huli naman na ito kaya lulubusin ko na.
" Sabi ko nga ito na ang huli nating pag-uusap at pagkikita, kaya pagbigyan mo na ako Marko." Pakiusap ko sa kanya. He looked at me emotionless. I made him sit down. He followed me.
"Let's have our last dinner together. I cooked all your favorite food. Don't worry walang lason iyan. Kung iyon ang iniisip mo." nginitian ko siya.
Nilagyan ko na ng pagkain ang plato nito, nagsalin na din ako ng wine sa kopita. Tahimik lang kaming kumakain. Hindi niya ako tinapunan ng tingin samantalang ako titig na titig sa kanya. I memorized every inch of his face. Kahit ang bigat ng nararamdaman ko pilit ko pa din maging maayos sa harapan niya.
" Sign it." sabi niya nang matapos na kaming kumain. Inilapag niya ang annulment sa mesa. Tiningnan ko lang iyon.
" I will sign it Marko but make love to me for the last time. Pagkatapos nito ni anino ko hindi mo na makikita." diretso ko itong tiningnan sa mga mata. Nakita kong tumaas baba ang adams apple ni Marko. He smiles mischievously.
" Okay iyon lang ba ang gusto mo? Okay, let's f**k for the last time." I was surprised when he pulled me into our room. I almost stumbled when he dragged me. When we entered our room he leaned me against the wall. I was overwhelmed by the pain.
" You want this?" he touched my jaw and kissed me on the lips. It was careless with every kiss she gave me. I wanted to cry but kept myself from being emotional. He tore the clothes I was wearing. When he undressed me he threw me on the bed. Halos mapasubsob ako hindi pa ako nakakabangon ng pumatong siya sa akin.
He claimed me carelessly. He is no longer the Marko I know.Wala siyang pakialam kung nasasaktan ako sa bawat pag-ulos niya sa ibabaw ko.
I burst into tears. This is not how I expected our last day together. May pag-iingat. May pagmamahal. Ngunit ngayon tila wala na ang mga iyon. He changed.
Marko fell asleep next to me. I got up and fix myself. I decided to throw the damaged clothes in the trash. This is the right thing to do throw away everything that connects Marko and me. I took the annulment paper and no doubt I signed it. I laid it on the side table so he could see when he woke up.
I sobbed as I watched him sleeping. I caressed his face. He has an innocent face, that's what I liked about him. He looks like an angel.
" Mahal na mahal kita Marko. Kahit sinaktan mo ako hindi ko magawang magalit sa iyo ng lubosan. Mananatili ka dito sa puso ko habang ako ay nabubuhay. Paalam mahal ko." hindi ko mapagilang mapahagulgol. Pinipiga ang puso ko sa sakit.Copyright © 2021 by coalchamber13